LGU-Bayambang Accomplishments - April 2025
EDUCATION FOR ALL
- (LSB, Library, DepEd)
Unang Batch ng Events Management Scholars, Nagtapos
Noong
April 28, tinanggap ng mga iskolar ang kanilang Certificate of Completion
matapos nilang matagumpay na makumpleto ang 14-day course sa Events Manangement
na hatid ng Gintong Aral at ng HERO Group. Ang nasabing kurso ay naglalayong
bigyang-kaalaman at kasanayan ang mga Bayambangueño sa larangan ng maayos at
propesyonal na pamamahala ng anumang uri event.
HEALTH FOR ALL
- Health (RHUs)
DOH, Bumisita upang Imonitor ang Nutrition Program ni
PBBM
Noong
April 24, dumalaw ang Department of Health - Center for Health Development -
Region I sa tanggapan ni Mayor Niña upang imonitor ang implementasyon ng
Philippine Multi-sectoral Nutrition Program (PMNP) ng Pangulong Ferdinand
'Bongbong' Marcos Jr. sa Bayambang na may pondong P772,000 noong nakaraang
taon. Ipinakita ng Municipal Health Office kasama ang Municipal Nutrition
Action Office sa DOH ang mga pinaglaanan ng nasabing pondo kabilang ang
Lactation Management Education Training para sa mga health at nutrition worker
at training para sa lahat ng miyembro ng Nutrition Support Group.
Komprehensibong
Serbisyo sa Bayan - Year 8, Sinimulan sa Idong
Ang
Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ay nasa ikawalong taon na, at ang unang bugso
ng mga serbisyo ng Munisipyo ay dinala sa Idong-Inanlorenza Elementary School
sa Brgy. Idong. Ang KSB ay muling pinamunuan ni RHU III head, Dr. Roland
Agbuya, sa taong ito. Daan-daang residente ng Brgy. Idong, Inanlorenza, at
Sanlibo ang nag-avail ng iba't ibang serbisyong medikal at non-medical, at sila
tinatayang nakatipid ng libu-libong piso.
- Nutrition (MNAO)
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
– Slaughterhouse
PROTECTION
OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
1,699 Pre-K Learners, Nagsipagtapos
May 1,699 na pre-kindergarten learners mula sa 78
na Child Development Centers ng Bayambang ang nagsipagtapos sa magkakahiwalay
na Moving-Up Ceremony mula April 22 hanggang April 25 sa Pavilion I ng St.
Vincent Ferrer Prayer Park. Ang programa ay inorganisa ng MSWDO, Child
Development Focal Person, at Bayambang CDW Federation. Kabilang sa mga naging
panauhing pandangal at tagapagsalita si SK Federation President Marianne Cheska
Dulay.
4Ps
Sustainability Plan 2024 at 2025, Tinutukan sa MAC Meeting
Sa
isinagawang pulong ng Municipal Advisory Council (MAC) noong April 29, naging
sentro ng usapin ng DSWD Municipal Operations Office ang isinagawang
Sustainability Plan para sa 868 benepisyaryong grumaduate o nag-exit mula sa
4Ps noong nakaraang taon. Bukod dito, inilahad din ang panukalang
Sustainability Plan 2025 para sa tinatayang 2,803 na graduating at exiting 4Ps
household beneficiaries sa darating na Setyembre 2025.
Dalawang
Benepisyaryo, Binigyan ng Kubo
Dalawa
na namang benepisyaryo ang nabiyayaan ng munting bahay kubo, salamat sa lahat
ng bumili ng mga pre-loved items sa mga nakaraang Ukay for a Cause at sa lahat
ng sumali sa nakaraang fun run. Sila ay ang PNP CHeckpoint sa Brgy. Wawa at ang
pamilya ni Jackielyn Dumlao Castillo ng Brgy. Caturay, na inirekomenda ng MSWDO
at DSWD. Nagpapasalamat ang PNP at ang pamilya Castillo sa lahat ng tumulong at
nakiisa sa mga naturang fund-raising activities. Natulung-tulong sa turnover
ceremony ang Administrator's Office, MSWDO, DSWD, at Engineering Office.
- Civil Registry Services (LCR)
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
Municipal Team, Muling Nagvalidate para sa Kalinisan sa Bagong
Pilipinas Program
Noong April 14 21 hanggang 16, nagsagawa ng validation at
assessment activity ang Municipal Validation and Assessment Task Team sa iba't
ibang barangay para sa first quarter ng taong 2025. Ito ay upang suriin at
tiyakin kung maayos na naipatutupad ng mga barangay ang Barangay Road Clearing
Operations, Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay, at ang Quarterly Assessment
for Cleanest Barangays, sa ilalim ng "Kalinisan sa Bagong Pilipinas
Program" ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos.
- Youth Development (LYDO, SK)
- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)
Oplan Semana Santa at Summer Vacation, Matagumpay
na Naimplementa
Sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, naging
alerto ang buong Municipal Peace and Order Council upang masiguro na tahimik at
payapa ang paggunita ng Semana Santa sa apat na simbahang Katolika sa
Bayambang. Nagtulung-tulong ang PNP, BFP, POSO,
Pagbilad ng mga Ani at Pagpark sa mga Daan at
Sidewalk, Mariing Ipagbabawal!
Ang Bayambang Public Safety Office at PNP-Bayambang
ay nag-inspeksyon sa mga daan sa iba't-ibang barangay sa tulong ng mga barangay
official matapos magrequest ang Department of Public Works and Highways sa LGU
na mariing ipagbawal ang pagpapaaraw ng kanilang mga ani at pagpark ng mga
sasakyan sa mga daan at sidewalk dahil labag ito sa batas at upang maiwasan ang
aksidente sa mga motorista. Inaabisuhan ang lahat na mahigpit na sundin ang
naturang batas.
LGU-Bayambang,
Handang-handa na para sa Ligtas at Mapayapang Halalan
Bilang
bahagi ng pagtiyak sa isang maayos, ligtas, at mapayapang halalan, naging
puspusan ang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan katuwang ang iba’t ibang ahensya
ng gobyerno. Kasama sa mga hakbangin ng LGU ang pagpapatupad ng mahigpit na
seguridad sa mga polling precincts, pag-deploy ng karagdagang mga pulis at
tanod, at pagbibigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa tamang asal sa
panahon ng pagboto. Nakahanda rin ang mga emergency response team upang agad na
tumugon sa anumang insidente.
AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)
Agriculture Office, Nagbigay ng Libreng Soil
Fertility Management Training
Noong April 15, ang Municipal Agriculture Office ay
nagbigay ng libreng Soil Fertility Management Training sa ilalim ng Organic
Banner nito sa Brgy. Banaban para sa mga miyembro ng Gabay sa Bagong Pag-asa Cluster. Ang mga
resource speaker ay nagmula sa DA Field Office 1 at kanilang tinalakay ang mga
paksa ukol sa organikong pag-aalaga ng lupa. Ayon sa MAO, ang malusog na lupa
ay numero unong dahilan para umani at kumita ng mas malaki.
Provincial
at Municipal Veterinarians, Naghandog ng mga Libreng Serbisyo
Noong
April 29, ang Provincial Veterinary Office ay naghandog ng iba't ibang libreng
veterinary services sa Zone VII Covered Court kasama ang veterinary team ng
Agriculture Office. Kabilang dito ang libreng konsultasyon, bakuna sa rabies,
deworming, vitamins, gamot, at information campaign. May 178 na residente o pet
owners ang nag-avail ng mga libreng serbisyo, kabilang ang 305 anti-rabies
vaccinations, 321 deworming cases, 90 na treatment, 192 na consultations, at
pamamahagi ng 176 vitamin packs.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)
PESO,
May Special Recruitment Activity Muli
Noong
Abril 22 at 23, nagsagawa ng dalawang special recruitment activity ang
PESO-Bayambang katuwang ang Aquavir International at Sutherland para sa
paghahanap ng mga aplikante sa trabaho. Ang aktibidad ay may 69 registered
applicants at 22 interviewees.
- Economic Development (SEE)
- Cooperative Development (MCDO)
- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
Pista’y Baley 2025, Naging Maningning!
Gaya ng nakasaad sa tema ngayong taon, tunay na
naging mangkirlap at nagniningning ang Bayambang Pista'y Baley 2025!
• Nagsimula
ang kapistahan noong Marso 31 sa isang groundbreaking ceremony para sa
rehabilitasyon ng Carlos P. Romulo Bridge sa Brgy. Wawa.
• Kasabay
nito ay ang Farmers' Day Celebration na kinatampukan ng isang trade fair,
singing contest, booth-making contest, at “Pinaka-” contest sa Events Center.
• Kasunod
nito ay nagkaroon ng isang thanksgiving mass sa naturan ding venue.
• Ito
ay agad na sinundan ng isang grand street parade na may street dancing
exhibition sa paligid ng población.
• Ito
ay nagtapos sa isang grand opening program sa municipal plaza.
• Kinagabihan
ay ginanap ang kauna-unahang Binibeking Bayambang 2025, kung saan nagpatalbugan
ang mga miyembro ng LGBTQI community, at itinanghal na grand winner si Bb. Rhianna
Cerezo Poquiz mula sa Brgy. San Gabriel 2nd.
• Sa
April 1 ng umaga, nagpakitang gilas ang mga musmos na kabataan sa Little Mr.
& Ms. Bayambang 2025, kung saan nasungkit ni Marcus
Jacob Lasquite mg Barangay Buayaen ang titulong Little Mr. Bayambang 2025, at
ni Rhed Izumi Castañares ng Barangay Zone VI ang Little Ms. Bayambang 2025.
• Kinagabihan,
nagtipon-tipon naman ang mga barangay officials sa Barangay Night sa public
plaza upang iselebra ang kanilang mga accomplishment sa panunungkulan.
Pinarangalan ang Brgy. Sancagulis at Brgy. Hermoza dahil sa kanilang
pagkakapasa sa pinkahuling audit para sa Barangay Seal of Good Local Governance
g DILG.
• Kinilala
ang anim na natatanging indibidwal sa Matalunggaring Awards 2025 noong Abril 2,
sa Pavilion 2 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Sila ay sina Oracle
Philippines Country Managing Director
Maria Mina Mataban Lim; doctor to the barrios, Dr. Amado M. Layog; banker at
philanthropist Agnes Brillante-Santos; medical pioneer, Dr. Ernesto Trinidad
Mataban; retired priest, Rev. Msgr. Orlando Sabangan PC; at escrima master
Leovigildo Miguel Giron.
• Kinagabihan
naman ay ginanap ang LGU Employees' Night kung saan hinarana ang lahat ng mga
kawani ng lokal na pamahaaan ng singer na si Bugoy Drilon.
• Noong
April 3, nagbukas ang maraming oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho, sa
ginanap na Job Fair: Trabaho Para sa Lahat, kung saan mayroong 21 na kumpanya
ang nakilahok. May 149 na aplikante naman ang dumating, kung saan 80 sa kanila
ang qualified at 30 naman ang hired on the spot.
• Kinagabihan
ay ginanap ang koronasyon ng Binibining Bayambang 2025, kung saan itinanghal na
winner si Faten Muhammad Sharan ng Brgy. Malimpec. Naging maringal at
maningning ang gabi dahil sa pagdating ng beauty queen na si Nicole Cordoves at
ang Bayambangueño actor na si Wendell Ramos bilang mga hurado at ang teenage
heartthrob na si Kyle Echarri na siyang nagharana sa mga binibini.
• Nagtipon
ang mga negosyante at tsuper sa Business & Transport Group Day noong April
4 sa Prayer Park upang magkaroon din ng sariling pagdiriwang, na kinabilangan
ng talent competition, raffle draw, atbp.
• Kinagabihan
nito, ginanap ang tradisyunal na Balikbayan Night 2025, kung saan tampok ang
pagtatanghal ni Mr. Ariel Rivera.
• Sa
huling araw ng pagdiriwang, noong Abril 5, itinaas ang St. Vincent Ferrer
Church bilang isang Archdiocesan Shrine sa pangunguna ni Archbishop Socrates
Villegas. Ito ay isang taimtim na seremonya na kinabilangan ng isang prusisyon,
misa, at pagbabasbas ng official shrine marker.
• Nagtapos
ang pagdiriwang ng 411th town fiesta ng Bayambang sa tradisyunal na Kalutan
Concert sa PSU-Bayambang grounds, kung saan pinasiklab ang venue ng bandang
Parokya ni Edgar at nig Asia’s songbird, Ms. Regine Velasquez.
Bb. Bayambang Alumna, Contender sa Bb. Pilipinas
2025!
Noong April 14, isang sashing ceremony ang
isinagawa ng LGU bilang pagkilala kay Bb. Jenesse Victoria Mejia bilang opisyal
na kandidata sa prestihiyosong Binibining Pilipinas 2025 beauty pageant. Si
Mejia ay isang Bb. Bayambang 2018 alumna at aktibong miyembro ng Binibining
Bayambang Foundation, at may adbokasiya para sa edukasyon at iba pang gawaing
pangkomunidad
- Infrastructure Development (Engineering: Infra,
Housing, Transport, Utilities, etc.)
Mga
Kalsada sa Poblacion, Isinaayos
Ilang
pangunahing kalsada sa Poblacion area ang inaspalto sa tulong ng Provincial
Engineering Office mula April 8 hanggang 10, sa pakikipag-ugnayan ng
LGU-Bayambang sa provincial government. Kabilang sa inaspalto ang Quezon Blvd.,
Burgos Street, Bonifacio Street, at Juan Luna Street.
BPRAT,
Nag-update ukol sa Economic and Infrastructure Development Projects
Isang
quarterly meeting ukol sa mga kasalukuyan at nakahanay na proyekto at aktibidad
sa economic at infrastructure sector ang isinagawa ng Bayambang Poverty
Reduction Action Team noong April 21. Nagbigay ng update ang BPRAT ukol sa progreso ng mga target objectives ng
sektor at tinalakay ang mga nararapat na aksyon upang lubos na maisakatuparan
ang pagyabong ng ekonomiya at imprastraktura sa bayan ng Bayambang.
Dry Run para sa
Temporary Bus Station sa Central School, Isinagawa
Noong April 29, isang
briefing ang isinagawa para sa mga driver ng bus, UV Express, at jeepney
kaugnay ng dry run ng operasyon sa pansamantalang bus station na matatagpuan sa
lumang Central School malapit sa Bonifacio Street. Pinangunahan ito ni BPSO Chief
Leonardo Solomon upang ipaliwanag ang mga patakaran ng terminal, loading at
unloading ng pasahero, at pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan, upang maging
maayos ang daloy ng trapiko sa sentro ng bayan.
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
Mayor Niña, Pinulong ang MDRRM Council para sa 2Q
(NOTE: read as "Second Quarter")
Noong April 10, pinangunahan ni Mayor Niña
Jose-Quiambao ang second quarter meeting ng Municipal Disaster Risk Reduction
and Management Council (MDRRMC) ng Bayambang sa koordinasyon ni MDRRMC
Secretariat sa ilalim ni Local DRRM Officer Genevieve Uy. Kabilang sa mga
tinalakay ang rebisyon ng Local DRRM Fund para sa taong 2025, gayundin ang
pag-apruba ng resolusyon sa paggamit ng Trust Fund na inaasahang magpapabilis
sa implementasyon ng mga proyekto para sa disaster preparedness.
MDRRMC,
Pinaigting ang Oplan SumVac
Ang
MDRRM Council ng Bayambang ay naging alerto para sa Operation SumVac o Summer
Vacation 2025. Sa tulong ng MDRRMO, PNP, BFP, mga RHU, BPSO, at mga Barangay
DRRM Council, nagsagawa ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan
ng mga mamamayan at mga bisita sa panahon ng tag-init. Kabilang dito ang
pagsubaybay sa mga aktibidad sa Ilog Agno, mga resort at iba pang mga pasyalan;
pagpapanatili ng maayos na daloy ng trapiko; pagtugon sa pangangailangan ng mga
pasahero sa mga terminal; pagpapaigting ng sistema sa pag-uulat ng mga Barangay
DRRM Council; at pagpapataas ng police visibility.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
ARTA
Requirements ng mga Barangay, Tinalakay sa Pulong
Noong
April 30, pinulong ng LGU at DILG ang mga barangay upang ipaalam sa lahat ang
ukol sa implementasyon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) Advisory No. 2025-009.
Ayon sa advisory, ang lahat ng mga Barangay LGU ay kinakailangang magsumite ng
sumusunod na mga dokumento hanggang May 31, 2025 sa pamamagitan ng Local
Committee on Anti-Red Tape: Barangay Citizens’ Charter at Certificate of
Compliance, Barangay Client Satisfaction Measurement Report, at Barangay
Initial Reengineering Plan.
- Planning and Development (MPDO)
- Legal Services (MLO)
- ICT Services (ICTO)
LGU Offices, Nagpresenta ng Management Report
Noong April 8, isang review meeting ang ginanap
para sa management report ng bawat opisina ng LGU kaugnay ng compliance sa ISO
standards. Ito ay dinaluhan ni Mayor Niña upang ma-address ang ibat ibang isyu.
Sinuri naman ng Internal Quality Audit team ang mga nagawang inisyatibo, at
tinukoy kung paano pa mas lalong mapapabuti ang serbisyo ng bawat departamento.
Information Security Policy ng LGU, Tinalakay sa
TWG Meeting
Noong April 24, pinulong ng ICT Office ang lahat ng
miyembro ng IT Technical Working Group upang talakayin ang 'Information
Security Policy' ng LGU. Layunin ng pulong na paigtingin ang kakayahan ng mga
opisina sa pagharap sa mga hamon ng makabagong teknolohiya, lalo na pagdating
sa seguridad ng datos na nakakalap ng LGU o mga impormasyong nagmumula rito.
IQA Team
Post-Audit Meeting, Ginanap
Noong April 22, nagsagawa ang Internal Quality
Audit Team ng LGU ng isang post-audit meeting upang pagtuunan ng pansin kung
paano lalong mapapaigting ang mga proseso sa trabaho, hindi lamang upang
masunod ang pamantayan, kundi upang patuloy na maitaas ang antas ng serbisyo
publiko sa Bayambang. Kasama rin sa mga deliberasyon ang mga estratehiya para
sa mga susunod na internal quality audit at ang mga kinakailangang training
upang lalo pang hasain ang kakayahan ng IQA Team.
- Human Resource Management (HRMO)
- Transparency/Public Information (PIO)
Member ng Philpost BOD na taga-Bayambang, Bumisita
Noong April 10, nagcourtesy call kay Mayor Nina ang
isang bagong talagang miyembro ng Board of Directors ng Philpost o Philippine
Post Office na taga-Bayambang na si Director Noel V. Dacasin, dating Postmaster
ng Manila Central Post Office. Sa kanilang pag-uusap ni Municipal
Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, kasama si Philpost
Bayambang head Thelma O. Ramos, kanyang nabanggit ang posibleng partnership ng
ahensya sa LGU para sa future projects.
2nd Quarter Execom Meeting, Pinangunahan ni Mayor
Niña
Noong April 10, pinangunahan ni Mayor Niña
Jose-Quiambao ang isang Executive Committee Meeting para sa second quarter ng
taon sa Mayor's Conference Room. Kasama sa pulong sina SATOM, Dr. Cezar
Quiambao, at Municipal Administrator at mga concerned department head. Kanilang
kinumusta ang lahat ng naglalakihang proyekto sa bayan kabilang ang apat na
gusali ng LGU sa Magsaysay, National Irrigation
COA Exit Conference, Ginanap
Noong April 16, ang Commission on Audit ay
nagsagawa ng isang exit conference bilang parte ng preparasyon sa Annual Audit
Report ng ahensya para sa lahat ng transaksyon ng LGU sa Calendar Year 2024,
kabilang ang Management Letter on the Philippine Rural Development Project.
Tinalakay sa exit conference ang kanilang audit observations and
recommendations at ang implementasyon ng audit recommendations sa nakaraang
taon. s
- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
AWARDS AND RECOGNITIONS
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)
Liga
ng mga Barangay, Nagpulong
Noong
April 15, ang mga Punong Barangay at Barangay Kagawad ay pinulong sa SB Session
Hall. Sila ay pinaalalahanan ng bagong COMELEC Officer na si Reina Corazon
Ferrer ng mga dapat tandaan sa panahon ng kampanya at eleksyon. Nagpaalala
naman si Municipal Local Government Operations Officer Editha Soriano ukol sa
mga requirements gaya ng implementasyon ng Kalinisan sa Bagong Pilipinas
Program, ARTA, Citizen's Charter, at Tax Ordinance.
No comments:
Post a Comment