M Mga Bagong Wheelchair, Tinanggap ng 10 Bayambangueño
2. Mayor Niña, Nagpatawag ng ExeCom Meeting
3. Pamilyang Nasalanta ng Buhawi, Agarang Tinulungan
4. COMELEC at Iba pang Ahensya, Naging Abala sa Paghahanda sa Halalan
5. Isa na Namang Kuwago, Natagpuan
6. BPRAT, Nag-update ukol sa Agricultural Modernization Projects
7. MDRRMO, Nag-umpisa ng Serye ng Training sa DRRM
8. Mga Abandonadong Stall, Puwersahang Binuksan
9. Winning Nursing Research, Iprinisenta sa MNC Meeting
10. Espesyal na Pulong ukol sa Bayambang Central Terminal, Isinagawa
11. MDRRMO, Nagpatrol sa Kahabaan ng Agno at sa mga Resort
12. Clearing Operation sa Tococ West
13. Genset Testing sa Wawa Evacuation Center
14. MDRRMO, Nagsagawa ng 3-Day DRRM Course for Public Sector
15. Feeding Angels, Nagbigay Tulong sa 103 Beneficiaries
16. LGU, Nagbigay ng Buong Suporta noong Halalan 2025
17. TWG, Nagbrainstorming para sa Nutrition Month
18. Mga Barangay Frontliner, Nakinig sa Oryentasyon hinggil sa Citizen's Charter
19. Energy Conservation Council, Pinagtibay ang mga Inisyatibo para sa Pagtitipid sa Enerhiya
20. Kaalaman ng Barangay Nutrition Scholars, Pinagtibay sa Team-Building Activity
21. Mayor Niña at SATOM, Pinangunahan ang Pagsusuri sa Progreso at Plano ng Bayan
22. Mobile Blood Drive sa Sapang, Nakaipon ng 43 Blood Bags
23. Painting Contest, Ginanap sa International Museum Day 2025
24. Dairy Farm at Agri Co-op, Certified Learning Sites for Agriculture!
25. Payout para sa Nutrition Support Group Members, Isinagawa; Mga Weighing Scale at Measurement Board, Ipinamahagi
26. Seminar ukol sa Anti-Sexual Harassment Act, Isinagawa
27. PAG-IBIG on Wheels, Nagtungo sa Bayambang
28. KSB Year 8, Dinala sa Amancosiling
29. Tatlong Committee Hearing, Isinagawa
30. Joint IEC ng RHU I at ESWMO, Inilunsad
31. Mga PWD at Senior Citizen, Tumanggap ng mga Wheelchair
32. Abalos, Nagkaloob ng P1M sa BPC!
33. Museum Painting Contest Winners, Kinilala; MNJQ at CTQ, Binili ang Lahat ng Obra
34. Mayor Niña at SATOM, Muling Pinulong ang Agency at Department Heads sa ManCom Meeting
35. MOU, Nilagdaan sa pagitan ng BPC at UPLB
36. ROR Review at Consultation, Isinagawa
37. Corn Farmers, Umattend sa Silage Production Training
38. DSWD 4Ps M.O.O., Dumalo sa Orientation Activity ng Peace Corps
39. Social Services Cluster, Nagpulong
40. Pag-issue ng Tax Declarations ng Assessor's, Tuluy-Tuloy
41. 3-Day Seminar-Training-Workshop sa Pagbuo ng Schedule of Market Values, Dinaluhan ng Assessor's Office
42. Burial at Medical Assistance, Ipinamahagi ni Mayor Niña sa mga Indigent Beneficiaries
SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS
EDUCATION FOR ALL
- (LSB, Library, DepEd)
Abalos, Nagkaloob ng P1M sa BPC!
Nagkaloob ng isang milyong piso si dating DILG Secretary, Atty. Benhur Abalos, sa Bayambang Polytechnic College noong May 26, para sa mga academic project at student facilities. Tinanggap ito nina Dr. Cezar T. Quiambao at Dr. Rafael L. Saygo sa ngalan ng mga guro at estudyante ng kolehiyo.
MOU, Nilagdaan sa pagitan ng BPC at UPLB
Noong May 22, isang Memorandum of Understanding ang pormal na nilagdaan sa pagitan ng Bayambang Polytechnic College at ng University of the Philippines Los Baños. Pinangunahan nina BPC College President, Dr. Rafael Saygo, at UPLB Chancellor, Dr. Jose Camacho Jr., ang seremonyal na paglagda sa MOU na isang hakbang tungo sa academic cooperation, research collaboration, student and faculty exchange, at capacity-building initiatives.
HEALTH FOR ALL
- Health (RHUs)
Mobile Blood Drive sa Sapang, Nakaipon ng 43 Blood Bags
Isang mobile blood donation drive ang isinagawa ng RHU I sa Brgy. Sapang noong May 20, sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross – San Carlos City Chapter. May 63 na katao ang nagparehistro upang mag-donate ng dugo, at 43 sa kanila ang naging successful donors. May kabuuang 43 bags ang nakolektang dugo ng RHU mula sa nasabing bloodletting drive.
KSB Year 8, Dinala sa Amancosiling
Ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 8 ay dinala sa Amancosiling Elementary School noong May 22, sa pag-oorganisa ni Dr. Roland Agbuya. Pinuntahan ito ng may 1,107 na residente upang matamasa ang iba’t ibang libreng serbisyo ng Munisipyo, nang di na mamamasahe pa patungong bayan, kabilang ang lahat ng available health services, agricultural services, social services, at iba pang non-health services.
Nagkaroon din ng blood donation drive kung saan nakaipon ang team ng 10 blood bags.
Joint IEC ng RHU I at ESWMO, Inilunsad
Simula noong May 14, isinagawa ang isang joint information-education campaign (IEC) ng Rural Health Unit (RHU) 1 at Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) sa iba't ibang barangay upang talakayin ang mga napapanahong paksa, kabilang ang Septage Management, Waste Segregation at Collection, at Communicable Disease Prevention. Ang IEC ay isang 14-day campaign na inaasahang magtatapos sa June 2, 2025.
- Nutrition (MNAO)
Winning Nursing Research, Iprinisenta sa MNC Meeting
Sa pulong ng Municipal Nutrition Council noong May 8, naging highlight ang pag-presenta ng mga PSU-Bayambang nursing student ng kanilang winning research entry sa ginanap na 24th Regional Nursing Research Congress sa Baguio City. Ito ay tungkol sa masamang epekto ng pagbibigay ng matatamis o sweets ng sobrang aga sa mga toddlers. Ang mga estudyante ay nagwagi ng Best Podium Presenter award.
Feeding Angels, Nagbigay Tulong sa 103 Beneficiaries
Muling nagpaabot ng tulong ang grupong Bayambang Feeding Angels noong May 10 sa 103 undernourished children at 4Ps families sa walong barangay. Namahagi sila ng food packs, fresh na gulay mula sa Baguio City, at mga laruan na handog ng kanilang mga sponsors.
TWG, Nagbrainstorming para sa Nutrition Month
Noong May 13, isinagawa ang unang pagpupulong ng Technical Working Group Committee (TWG) para sa darating na selebrasyon ng Nutrition Month. Layunin ng pulong na nakakalap ng iba't ibang suhestiyon na aktibidad na magpapalaganap ng kamalayan at pagkilos tungo sa seguridad sa pagkain at nutrisyon, na naayon sa tema ngayong taon na “Food and Nutrition Security Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!”
Kaalaman ng Barangay Nutrition Scholars, Pinagtibay sa Team-Building Activity
Noong Mayo 16, nagsagawa ng isang araw na team-building activity ang mga Barangay Nutrition Scholars (BNSs) ng Bayambang sa Kangaroo Hill Pavilion and Resort sa Brgy. Sancagulis. Nagsilbing resource speaker si Internal Audit Services Chief, Erlinda Alvarez, na nagturo ng Basic Management of Personal Finances, Barangay Nutrition Action Plan Budgeting, at monitoring ng nutrition fund utilization.
Payout para sa Nutrition Support Group Members, Isinagawa; Mga Weighing Scale at Measurement Board, Ipinamahagi
A. Noong May 21, nagsagawa ang Center for Health Development ng DOH Region I, kasama ang mga RHU, Nutrition Office, at Treasury, ng isang payout activity sa Bayambang National High School Gymnasium para ipamahagi ang mobilization allowance ng lahat ng mga miyembro ng Nutrition Support Group. Ito ay parte ng grant ng DOH para sa implementasyon ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Program nito. May 539 NSG members mula sa 77 barangays at Technical Working Group members ang nabigyan ng naturang allowance.
B. Sa aktibidad na ito, nag-turn-over din ang DOH ng mga weighing scale sa lahat ng mga barangay at Allen stick o pati na rin mga height measurement board.
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
Search for Most Outstanding BNS 2024, Ikinasa
Ang Municipal Nutrition Committee ay bumaba sa tatlong barangay upang magsagawa ng isang Search for Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) 2024 gamit ang monitoring and evaluation tool na tinaguriang MELLPI Pro. Ang mga contender para sa Most Outstanding BNS 2024 ay sina Marites Catalan ng Hermoza, Christien Garcia ng Zone VI, at Emalyn Lacerna ng Manambong Sur.
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
– Slaughterhouse
PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
Mga Bagong Wheelchair, Tinanggap ng 10 Bayambangueño
Noong Mayo 5, sampung residente ng Bayambang ang tumanggap ng mga bagong wheelchair mula sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO). Ang mga wheelchair ay galing sa pondo ng PDAO at Senior Citizens' Fund.
Pamilyang Nasalanta ng Buhawi, Agarang Tinulungan
Sa utos ni Mayor Niña, isang pamilya sa Brgy. Langiran ang agad na tinulungan ng LGU matapos itangay ang bubong ng kanilang bahay ng isang malakas na hangin at ulan dulot ng buhawi. Sila ay agarang binigyan ni Mayor Nina ng P10,000 cash assistance at food pack naman mula sa LGU. Agad ding nag-clearing operation matapos bumagsak ang isang puno ng mangga roon.
Seminar ukol sa Anti-Sexual Harassment Act, Isinagawa
Noong May 22, isang seminar ukol sa Anti-Sexual Harassment Act o Republic Act 7877 ang isinagawa ng HRMO para sa mga kawani ng LGU. Naging resource speaker sina Police Chief Master Sergeant Zebedee de Leon at Police Lieutenant Elizabeth Quinio ng PNP Bayambang. Sa seminar ito, itinaas ang kamalayan ng mga kawani ukol sa kung ano ang sexual harrassment at ang mga nararapat gawin upang ito ay masawata, at upang maisulong ang dignidad ng lahat pati na ang paggalang sa kapwa empleyado.
Mga PWD at Senior Citizen, Tumanggap ng mga Wheelchair
Ang Persons with Disability Office ay muli na namang nagbigay ng libreng assistive devices sa mga may kapansanan at senior citizen. Isang recipient ang nakatanggap ng isang cerebral palsy wheelchair, habang sampu naman ang tumanggap ng tig-iisang adult wheelchair. Ang mga naturang assistive device ay tinanggap ng mga magulang, anak, at guardian ng mga benepisyaryo.
Social Services Cluster, Nagpulong
Noong May 28, tinawag sa isang pulong ang lahat ng department head na kasali sa social services cluster ng LGU upang i-update at i-finalize ang pangkalahatang social protection and sociocultural development goal ng LGU-Bayambang bilang parte ng updated version ng Bayambang Poverty Reduction Action Plan. Ang pulong ay ginanap sa Rural Health Unit I Conference Room sa pangunguna ng sector head na si Dr. Adrienne Estrada.
Burial at Medical Assistance, Ipinamahagi ni Mayor Niña sa mga Indigent Beneficiaries
Salamat sa tulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa pamamagitan ng Mayor's Action Center, hindi na mamumrublema ang daan-daang indigent na Bayambangueño sa kanilang burial expenses para sa kanilang namatay at sa kanilang medical expenses para sa maysakit na kaanak. Sa ginanap ang payout noong May 29 sa tulong ng Treasury staff, tinanggap ng 341 na mga dumating na claimants ang ayuda na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P500,000 mula sa pondo ng MSWDO.
- Civil Registry Services (LCR)
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
Isa na Namang Kuwago, Natagpuan
Noong May 6, isa na namang kuwago ang inilagak ng isang residente sa ESWMO. Ayon sa report, nakita ang naturang kuwago, na isang scops owl, matapos ito umanong mahulog mula sa puno ng kawayan sa Brgy. Macayocayo. Ang kuwago ay agad ding inihatid ng ESWMO sa CENRO-Dagupan.
Energy Conservation Council, Pinagtibay ang mga Inisyatibo para sa Pagtitipid sa Enerhiya
Alinsunod sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, nagpulong ang Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Coordination Council noong May 15 upang talakayin ang revised Energy Efficiency and Conservation Plan ng LGU-Bayambang. Ang naging talakayan ay nakatuon sa pagpapasiya ng pinal na pagkukunan ng pondo para sa implementasyon ng EEC Plan upang makatipid ang Munisipyo sa pagkonsumo ng enerhiya. Bukod dito, iprinesenta rin ang resulta ng energy audit matapos ang isinagawang spot-checking ng Department of Energy–North Luzon Field Office.
- Youth Development (LYDO, SK)
- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)
COMELEC at Iba pang Ahensya, Naging Abala sa Paghahanda sa Halalan
(Deployment ng Election Paraphernalia)
Mula May 5, ang COMELEC, sa tulong ng PNP, ay nag-umpisang magdeploy ng mga automated counting machine, ballot box, external battery, at iba pang election paraphernalia para sa final testing and sealing sa lahat ng voting centers sa bayan ng Bayambang.
(Inspeksiyon at Beripikasyon ng mga Opisyal na Balota)
Noong May 7, nagsagawa ang Election Officer at Municipal Treasurer ng inspection and verification ng mga opisyal na balota sa presensya ng iba’t ibang volunteers at representante ng bawat partido upang masiguro ang kumpletong bilang ng mga balota para sa isandaan at dalawampu’t dalawang (122) clustered precincts sa buong bayan.
(Distribusyon ng mga Election Form at Supply)
Noong May 11, isinagawa naman ang maagang distribusyon ng mga election forms, supplies, at iba pang paraphernalia sa Events Center.
LGU, Nagbigay ng Buong Suporta noong Halalan 2025
Buong suporta ang ibinigay ng LGU-Bayambang sa COMELEC para sa 2025 elections na naganap noong May 12. Mula sa coordination meetings hanggang sa aktuwal na pagbabantay sa mga presinto, nagtulungan ang iba't ibang ahensya at tanggapan upang matiyak na ligtas, maayos, pantay, at mapayapa ang naging halalan.
Naging maayos din ang early distribution ng mga election paraphernalia at pagtanggap ng mga election returns, hanggang sa pagbaklas ng mga election posters sa lahat ng barangay.
AGRICULTURAL MODERNIZATION – (MAO)
BPRAT, Nag-update ukol sa Agricultural Modernization Projects
Noong May 5, pinulong ng BPRAT ang lahat ng miyembro ng agricultural modernization cluster upang magbigay ng update ukol sa progreso ng mga target objectives ng naturang sektor at talakayin ang mga nararapat na aksyon. Kabilang sa mga pinagtuunan ng pansin ang agro-enterprise development, info drives, clustering ng farm operations, pagtatag at pagpapalakas ng mga kooperatiba, agro-infrastructure at development ng inland fisheries, farm mechanization, high-yield crops, at organic farming.
Dairy Farm at Agri Co-op, Certified Learning Sites for Agriculture!
Pormal na tinanggap ng Bayambang Dairy Farm at Managos Farmers Agriculture Cooperative ang kani-kanilang sertipikasyon bilang mga Learning Site for Agriculture mula sa Agricultural Training Institute - Regional Training Center 1. Ginanap ang awarding ceremony noong May 21 sa Kasama Kita Sa Barangay Foundation Inc. Dairy Farm na matatagpuan sa Sitio Cayago, Brgy. Mangayao at sa Brgy. Managos. Personal na tinanggap ang karangalan nina G. Romyl Junio, G. Juan Paolo Ellorin, at Dr. Rafael Saygo sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
Mga Magsasaka, Muling Hinasa sa Paglikha ng Novelty Items Gamit ang Corn Husk
Isang enhancement training sa paggamit ng corn husk, isang by-product ng corn farming, upang lumikha ng iba't ibang novelty items ang isinagawa ng Agriculture Office sa Ligue Barangay Hall sa pakikipag-ugnayan sa Heart and Soil Farm School Inc. Mula Mayo 20 hanggang 22, nag-ensayo ang mga magsasaka sa paglikha ng mga novelty items gaya ng mga bag, vase, at bulaklak gamit ang corn husk, upang may matutunang alternative livelihood.
Corn Farmers, Umattend sa Silage Production Training
Isang two-day training sa production strategies upang gumawa ng silage o isang uri ng feeds sa mga alagang hayop ang isinagawa ng Agriculture Office para sa mga corn farmer at livestock owner upang gawing karagdagang kita sa pagsasaka o para makapagproduce ng sariling feeds. Ang training ay isinagawa noong May 27 sa Brgy. Nalsian Norte para sa lecture at May 28 sa Bayambang Dairy Farm para sa hands-on training.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)
- Economic Development (SEE)
Pag-issue ng Tax Declarations ng Assessor's, Tuluy-Tuloy
Tuluy-tuloy ang Municipal Assessor's Office sa pag-appraise, pag-assess, at pag-issue ng mga tax declaration para sa mga bagong naitayo at nadiskrubeng istruktura, mapa-residential man o commercial building. Noong May 15, ang team ay nag-ikot sa Brgy. Buenlag 1st. Dito ay ipinaalam ng team na ang pagbabayad ng amilyar o buwis sa lupa at istruktura ay itinatakda ng batas at saklaw dito hindi lamang ang mga commercial buildings, kundi pati na rin mga residential buildings, subalit may mga exemption.
3-Day Seminar-Training-Workshop sa Pagbuo ng Schedule of Market Values, Dinaluhan ng Assessor's Office
Isang tatlong araw na pagsasanay, seminar at workshop sa pagbuo ng Schedule of Market Values ang dinaluhan ng Assessor's Office noong May 21 to 23 sa Lingayen. Ang pagsasanay na ito ay isinagawa bilang paghahanda para sa General Revision of Assessment Values as Mandated by Real Property Valuation and Assessment Reform Act o R.A. 12001 o RPVARA.
Mga Abandonadong Stall, Puwersahang Binuksan
Noong May 7, puwersahang binuksan ng mga kawani ng Office of the Special Economic Enterprise ang mga abandonadong puwesto sa Pamilihang Bayan upang ang mga ito ay inspeksyunin at linisin. Ito ay upang masigurong ligtas pa rin ang mga stall para sa lahat, at nananatiling malinis at maayos. Ang mga nabakanteng stall ay maaari nang rentahang muli ng mga panibagong mamumuhunan. Mag-inquire lamang sa kanilang tanggapan sa itaas ng Meat Section.
- Cooperative Development (MCDO)
- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
Painting Contest, Ginanap sa International Museum Day 2025
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Museum Day 2025, nagsagawa ang Museum of Bayambang at MTICAO ng isang painting contest noong May 20 sa ating Municipal Museum. Nilahukan ito ng 15 na mga painters na nagpakita ng kani-kanilang malikhaing interpretasyon ng tema ng taon na, "The Future of Museums in Rapidly Changing Communities.” Layunin ng aktibidad na maipakita ang mahalagang papel ng mga museo sa pagpapalaganap ng kamalayang kultural, inobasyon, at pag-unlad ng lipunan sa gitna ng mabilis na pagbabago ng panahon.
Museum Painting Contest Winners, Kinilala; MNJQ at CTQ, Binili ang Lahat ng Obra
Noong May 26, ang mga nanalo sa Painting Contest ng Municipal Museum ay ginawaran ng premyo bilang bahagi ng selebrasyon ng International Museum Day 2025. Itinanghal na kampeon si Ariel Cancino ng Bugallon na tumanggap ng P10,000, at binili naman nina Mayor Niña at Dr. Cezar Quiambao ang lahat ng mga obra mula sa kumpetisyon.
- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)
Espesyal na Pulong ukol sa Bayambang Central Terminal, Isinagawa
Isang espesyal na pulong ang ginanap sa pagitan ng LGU-Bayambang at Pangasinan State University at PSU-Bayambang Campus officials ukol sa mga panukalang amyenda sa Deed of Usufruct para sa Bayambang Central Terminal. Dito ay nirepaso ang naunang kasunduan. Ang pulong ay ginanap noong May 8 sa Municipal Conference Room.
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
MDRRMO, Nag-umpisa ng Serye ng Training sa DRRM
Noong May 7, ang MDRRMO ay nag-umpisang magsagawa ng isang 3-day seminar ukol sa Disaster Risk Reduction and Management para sa mga iba't ibang kawani ng gobyerno, sa tulong ng Office of Civil Defense Region I at iba pang ahensya. Ito ay upang mapalalim ang kaalaman ng mga kawani sa mga prosesong kaugnay sa emergency response at preparedness. Ang serye ng mga training-seminar ay ginanap sa Events Center at Wawa Evacuation Center.
MDRRMO, Nagpatrol sa Kahabaan ng Agno at sa mga Resort
Nagpatuloy ang MDRRMO sa pagpa-patrol sa mga resort at sa Ilog Agno noong May 9 sa mga barangay ng Ataynan, San Gabriel 1st, Amancosoling Norte, Bacnono, at Zone V, gayundin sa Silver Concha Wavepool Resort, Urduja Resort, Gina's Resort, at Kangaroo Hill Pavilion and Resort upang matiyak ang kaligtasan ng mga bakasyunista.
Clearing Operation sa Tococ West
Noong May 9, isinagawa ng Quick Response Team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang Tococ West BDRRMC, ang isang clearing operation sa Brgy. Tococ West upang alisin ang mga road obstruction na dulot ng malakas na ulan at hangin.
Genset Testing sa Wawa Evacuation Center
Noong May 5, isinagawa ng MDRRMO, kasama ang Engineering Office, Internal Audit Service, Accounting Office, at General Services Office, ang final testing ng generator set na may automatic transfer switch sa Wawa Evacuation Center. Ito ay bahagi ng opisyal na proseso ng inspeksyon para sa proposed upgrade ng electrical system ng naturang pasilidad.
MDRRMO, Nagsagawa ng 3-Day DRRM Course for Public Sector
Noong May 8 hanggang May 10, ang MDRRMO, sa tulong ng Office of Civil Defense Region I at iba pang ahensya, ay nag-umpisang magsagawa ng unang serye ng tatlong araw na Disaster Risk Reduction and Management Course para sa pampublikong sektor. Tinalakay ang Incident Command System (ICS) overview, workplace safety, first aid, fire safety, at continuity planning, kalakip ang isang evacuation drill na nagpalakas sa kakayahan ng mga kalahok sa pagtugon sa kalamidad.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
Mayor Niña, Nagpatawag ng ExeCom Meeting
Sa Executive Committee Meeting na pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao noong May 5, tinalakay ang mga hakbang para mapabuti ang trapiko, ang proseso ng business permits, at iba pang isyu sa bayan. Kasama rin sa agenda ang pagsusuri ng mga proyektong nakapaloob sa Executive-Legislative Agenda (ELA) ng lokal na pamahalaan.
Mga Barangay Frontliner, Nakinig sa Oryentasyon hinggil sa Citizen's Charter
Noong May 14, nagsagawa ang DILG, sa tulong ng BPRAT, ng isang orientation activity ukol sa Citizens’ Charter Handbook. And aktibidad ay dinaluhan ng mga Barangay Secretary at mga Barangay ARTA Focal Person. Tiniyak sa aktibidad na magkaroon ang bawat barangay ng mas malalim na pag-unawa sa nilalaman, layunin, at tamang implementasyon ng Citizens’ Charter Handbook, alinsunod sa mandato ng Anti-Red Tape Act (ARTA) na nagsusulong ng transparency, accountability, at dekalidad na serbisyo publiko.
Mayor Niña at SATOM, Pinangunahan ang Pagsusuri sa Progreso at Plano ng Bayan
Pinangunahan nina Mayor Niña at SATOM Cezar Quiambao ang Executive Committee Meeting para talakayin ang progreso at plano ng LGU sa larangan ng imprastraktura, transportasyon, at ekonomiya. Nilinaw nila ang mga hakbang para mapabuti ang serbisyo publiko, tulad ng mabilis na pagproseso ng mga permit at pag-usad ng Central Bus Terminal. Sinuri rin ang pagtupad sa mga target at binigyang-diin ang maayos na koordinasyon ng mga ahensya.
Mayor Niña at SATOM, Muling Pinulong ang Agency at Department Heads sa ManCom Meeting
Noong May 27, pinulong nina Mayor Niña Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar Quiambao, ang mga agency at department head upang talakayin ang estado ng mga proyekto, mga isyung lumitaw, at mga agarang hakbang para matugunan ang mga ito.
- Planning and Development (MPDO)
- Legal Services (MLO)
- ICT Services (ICTO)
ROR Review at Consultation, Isinagawa
Noong May 27, bilang bahagi pa rin ng pagsunod ng LGU-Bayambang sa ISO quality management standards, ang LGU ang nagsagawa ng isang Risk and Opportunities Register review at consultation sa Mayor's Conference Room at gamit ang Zoom video. Ang talakayan ay nakatuon sa risk management concepts at kung paano ang mga ito ina-apply sa iba-t ibang tanggapan ng Munisipyo.
- Human Resource Management (HRMO)
PAG-IBIG on Wheels, Nagtungo sa Bayambang
Ang Lingkod Pag-IBIG on Wheels ay dumating sa bayan ng Bayambang upang ilapit ang mga serbisyo ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund sa ating mga kababayan. Noong May 22, sila ay nagset-up sa gilid ng plaza katapat ng Events Center upang maghandog na serbisyo kabilang ang membership campaign, registration, pag-update at pagverify ng member's record, provident benefits claim application, short-term loan application, at discussion ng iba pang serbisyo.
- Transparency/Public Information (PIO)
- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
AWARDS AND RECOGNITIONS
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)
Tatlong Committee Hearing, Isinagawa
A. Noong May 22, isinagawa ang isang Committee Hearing kaugnay ng panukalang pag-amyenda sa ilang probisyon ng Municipal Ordinance na nagtatatag sa Bayambang Polytechnic College. Ipinaliwanag dito ang mga mungkahing pagbabago sa ordinansa upang mas mapabuti pa ang mandato, operasyon, at serbisyo ng BPC.
B. Isa pang committee hearing ang tumalakay naman sa panukalang resolusyon ukol sa pag-isyu ng Final Development Permit ng Agricultural Infrastructure and Leasing Corporation para sa proyektong ‘BYB Metro’ sa Brgy. Bani at Bical Norte. Tinalakay sa pagdinig ang mga teknikal na detalye ng proyekto, mga potensyal na epekto nito sa kalikasan, kalusugan, at kaayusan ng komunidad, gayundin ang pagsunod ng proyektong “BYB Metro” sa umiiral na land use at zoning ordinances ng bayan.
C. Kasunod nito ay isa pang committee hearing ukol sa pagbalangkas ng Sangguniang Barangay Annual Budget at Annual Barangay Youth Investment Program para sa taong 2025, kung saan inilatag ng bawat SK official ang kanya-kanyang budget at mga prayoridad na programa at proyekto para sa kanilang nasasakupan. Sa maingat na pagsusuri sa mga panukalang badyet ng mga SK members, natitiyak na maayos, tapat, at epektibo ang pamamahala ng pondo para sa kapakanan ng kabataang Bayambangueño.
No comments:
Post a Comment