Monday Report – June 2, 2025
[INTRO]
NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Khaira Coalene Macaraeg.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si Christian Mark S. Junio, at kami ay mula sa Special Economic Enterprise.
NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...
NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mas pinalakas at mas pinalawak...
NEWSCASTER 1: Mga maiinit at napapanahong balita...
SABAY KAYO: Ito ang….BayambangueNews!
***
[SALITAN NA KAYO RITO]
NEWSCASTER 1: Sa ulo ng nagbabagang mga balita!
1. Abalos, Nagkaloob ng P1M sa BPC!
[Note: read P1M as isang milyong piso]
Nagkaloob ng isang milyong piso si dating DILG Secretary, Atty. Benhur Abalos, sa Bayambang Polytechnic College noong May 26, para sa mga academic project at student facilities. Tinanggap ito nina Dr. Cezar T. Quiambao at Dr. Rafael L. Saygo sa ngalan ng mga guro at estudyante ng kolehiyo.
2. Museum Painting Contest Winners, Kinilala; MNJQ at CTQ, Binili ang Lahat ng Obra
Noong May 26, ang mga nanalo sa Painting Contest ng Municipal Museum ay ginawaran ng premyo bilang bahagi ng selebrasyon ng International Museum Day 2025. Itinanghal na kampeon si Ariel Cancino ng Bugallon na tumanggap ng P10,000, at binili naman nina Mayor Niña at Dr. Cezar Quiambao ang lahat ng mga obra mula sa kumpetisyon.
3. Mayor Niña at SATOM, Muling Pinulong ang Agency at Department Heads sa ManCom Meeting
Noong May 27, pinulong nina Mayor Niña Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar Quiambao, ang mga agency at department head upang talakayin ang estado ng mga proyekto, mga isyung lumitaw, at mga agarang hakbang para matugunan ang mga ito.
4. MOU, Nilagdaan sa pagitan ng BPC at UPLB
Noong May 22, isang Memorandum of Understanding ang pormal na nilagdaan sa pagitan ng Bayambang Polytechnic College at ng University of the Philippines Los Baños. Pinangunahan nina BPC College President, Dr. Rafael Saygo, at UPLB Chancellor, Dr. Jose Camacho Jr., ang seremonyal na paglagda sa MOU na isang hakbang tungo sa academic cooperation, research collaboration, student and faculty exchange, at capacity-building initiatives.
5. ROR Review at Consultation, Isinagawa
Noong May 27, bilang bahagi pa rin ng pagsunod ng LGU-Bayambang sa ISO quality management standards, ang LGU ang nagsagawa ng isang Risk and Opportunities Register review at consultation sa Mayor's Conference Room at gamit ang Zoom video. Ang talakayan ay nakatuon sa risk management concepts at kung paano ang mga ito ina-apply sa iba-t ibang tanggapan ng Munisipyo.
6. Corn Farmers, Umattend sa Silage Production Training
Isang two-day training sa production strategies upang gumawa ng silage o isang uri ng feeds sa mga alagang hayop ang isinagawa ng Agriculture Office para sa mga corn farmer at livestock owner upang gawing karagdagang kita sa pagsasaka o para makapagproduce ng sariling feeds. Ang training ay isinagawa noong May 27 sa Brgy. Nalsian Norte para sa lecture at May 28 sa Bayambang Dairy Farm para sa hands-on training.
(Pronounce silage as SAY-lij)
7. DSWD 4Ps M.O.O., Dumalo sa Orientation Activity ng Peace Corps
Noong May 28, ang DSWD 4Ps Municipal Operations Office ay dumalo sa isang orientation activity upang magkaroon ang M.O.O. ng isang volunteer mula sa grupong Peace Corps Philippines, base sa inisyatibo ng DSWD Region I Program Management Office. Sa nasabing partnership, nakatakdang maging katuwang ng DSWD ang isang Amerikanong Peace Corps volunteer sa pag-conduct ng kanilang Youth Development Session, Family Development Session, at iba pang aktibidades kaugnay ng implementasyon ng programang 4Ps.
(Note to newscaster: ang basa sa CORPS ay /kor/, at ang basa sa M.O.O. ay em-ow-ow, not mooo pls, thanks)
8. Social Services Cluster, Nagpulong
Noong May 28, tinawag sa isang pulong ang lahat ng department head na kasali sa social services cluster ng LGU upang i-update at i-finalize ang pangkalahatang social protection and sociocultural development goal ng LGU-Bayambang bilang parte ng updated version ng Bayambang Poverty Reduction Action Plan. Ang pulong ay ginanap sa Rural Health Unit I Conference Room sa pangunguna ng sector head na si Dr. Adrienne Estrada.
9. Pag-issue ng Tax Declarations ng Assessor's, Tuluy-Tuloy
Tuluy-tuloy ang Municipal Assessor's Office sa pag-appraise, pag-assess, at pag-issue ng mga tax declaration para sa mga bagong naitayo at nadiskrubeng istruktura, mapa-residential man o commercial building. Noong May 15, ang team ay nag-ikot sa Brgy. Buenlag 1st. Dito ay ipinaalam ng team na ang pagbabayad ng amilyar o buwis sa lupa at istruktura ay itinatakda ng batas at saklaw dito hindi lamang ang mga commercial buildings, kundi pati na rin mga residential buildings, subalit may mga exemption.
10. 3-Day Seminar-Training-Workshop sa Pagbuo ng Schedule of Market Values, Dinaluhan ng Assessor's Office
Isang tatlong araw na pagsasanay, seminar at workshop sa pagbuo ng Schedule of Market Values ang dinaluhan ng Assessor's Office noong May 21 to 23 sa Lingayen. Ang pagsasanay na ito ay isinagawa bilang paghahanda para sa General Revision of Assessment Values as Mandated by Real Property Valuation and Assessment Reform Act o R.A. 12001 o RPVARA.
11. Burial at Medical Assistance, Ipinamahagi ni Mayor Niña sa mga Indigent Beneficiaries
Salamat sa tulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa pamamagitan ng Mayor's Action Center, hindi na mamumrublema ang daan-daang indigent na Bayambangueño sa kanilang burial expenses para sa kanilang namatay at sa kanilang medical expenses para sa maysakit na kaanak. Sa ginanap ang payout noong May 29 sa tulong ng Treasury staff, tinanggap ng 341 na mga dumating na claimants ang ayuda na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P500,000 mula sa pondo ng MSWDO.
[Note: double check the pronunciation of burial, indigent and beneficiaries pls! Not BOOHR-yal, not in-DAY-jent and not be-ne-fis-YA-ris, but BEHR-yal, IN-dee-jent and be-ne-FEE-shi-A-rees]
***
It's Trivia Time!
Alam ba ninyo na isa ang LGU Bayambang, sa pamamagitan ng Special Economic Enterprise (SEE) Department, sa iilang munisipyo na nag-aalok ng calibration services? Dahil dito, natutulungan ang mga karatig-bayan gaya ng Malasiqui, Bautista, Alcala, Rosales, at Villasis sa pagbibigay ng tama at patas na timbang para sa mga mamimili.
Bukod dito, may quarterly recognition din para sa mga market stallholders na sumusunod sa mga patakaran—kabilang ang kompletong dokumento, malinis na pwesto, at tamang bayad sa renta—bilang pagkilala sa kanilang pagiging responsableng negosyante.
At ngayong Back to School season, huwag kalimutang bisitahin ang second floor ng dating Magic Department Store para sa mga uniform, barong, at sapatos, at ang Royal Supermarket para sa school supplies ng inyong mga anak!
***
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.
NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.
NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Khaira Coalene Macaraeg.
NEWSCASTER 2: At Christian Mark S. Junio, mula sa Special Economic Enterprise.
[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!
No comments:
Post a Comment