Thursday, May 22, 2025

Trivia: SB 2

Alam nyo ba ang powers and duties ng Sangguniang Bayan Members ayon sa Local Government Code?

Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

[SHOW DILG'S INFOGRAPHIC]

1. Aprubahan ang mga ordinansa at magpasa ng mga resolusyon para sa episyente at epektibong pamahalaang lokal

2. Maglaan ng pondo para sa mga programa, proyekto, serbisyo, at mga gawain ng lungsod o bayan

3. Gumawa ng mga ordinansa na nagpapataw ng buwis, bayarin at singil, at nagbibigay ng mga eksempsyon sa buwis, insentibo o tulong

4. Magpatupad ng mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan

5. Magtakda ng parusa para sa paglabag sa mga ordinansa

6. Magpatibay ng mga hakbang upang protektahan ang mga mamamayan at magbigay ng tulong sa mga biktima ng sakuna o kalamidad

7. Tukuyin ang mga sahod at benepisyo ng mga opisyal at kawani ng pamahalaang lokal

8. Pahintulutan ang alkalde na umutang o pumasok sa ibang uri ng pagkakautang

9. Maglaan ng legal na tulong sa mga opisyal ng barangay

10. I-regulate ang operasyon ng mga traysikel at magbigay ng prangkisa para sa kanilang operasyon

11. Magpatupad ng episyenteng koleksyon at pagtatapon ng basura, at ipagbawal ang pagtatapon ng basura sa di-tamang lugar

12. Gumawa ng mga ordinansa upang pigilan, sugpuin, at parusahan ang madalas na paglalasing sa pampublikong lugar, pamamalimos, prostitusyon, ilegal na sugal, ilegal na droga, at iba pang gawain na nakasasama sa kapakanan at moralidad ng mamamayan

13. Pangalagaan ang kalikasan at magtakda ng parusa para sa mga gawaing nakapipinsala sa kapaligiran tulad ng paggamit ng dinamita sa pangingisda, ilegal na pagtotroso, pagpupuslit ng mga nanganganib na uri ng hayop, at mga aktibidad na nagdudulot ng polusyon

14. Magtatag ng mga pamilihan, katayan ng hayop o kulungan at pahintulutan ang operasyon ng mga ito, at i-regulate ang pagtatayo at operasyon ng mga pribadong pamilihan, talipapa o katulad na mga estruktura

15. I-regulate ang paggamit ng mga kalsada, lansangan, eskinita, bangketa, tulay, parke at iba pang pampublikong lugar

16. Magpatibay ng mga hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng publiko laban sa mga bukas na kanal, manhole, live wire at iba pang panganib sa buhay at ari-arian

17. Maglaan ng mga pasilidad at sentro para sa mga matatanda, mahihirap at mga taong nasa ilalim ng kahirapan

18. Suriin ang lahat ng ordinansang inaprubahan ng Sangguniang Barangay at mga kautusang ipinahayag ng Punong Barangay

19. Gampanan ang iba pang kapangyarihan at tungkulin ayon sa itinatadhana ng batas o ordinansa

No comments:

Post a Comment