Monday Report – May
26, 2025
[INTRO]
NEWSCASTER 1:
Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Councilor Amory Junio.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si Councilor Levinson
Nessus Uy, at kami po ay mula sa Sangguniang Bayan ng Bayambang.
NEWSCASTER 1: Narito
na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...
NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at
napapanahong balita...
SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!
***
[SALITAN NA KAYO RITO]
1.
Mayor Niña at SATOM, Pinangunahan ang Pagsusuri sa Progreso at Plano ng
Bayan
Pinangunahan nina Mayor Niña at SATOM Cezar Quiambao ang
Executive Committee Meeting para talakayin ang progreso at plano ng LGU sa
larangan ng imprastraktura, transportasyon, at ekonomiya. Nilinaw nila ang mga
hakbang para mapabuti ang serbisyo publiko, tulad ng mabilis na pagproseso ng mga
permit at pag-usad ng Central Bus Terminal. Sinuri rin ang pagtupad sa mga
target at binigyang-diin ang maayos na koordinasyon ng mga ahensya.
2. Mobile
Blood Drive sa Sapang, Nakaipon ng 43 Blood Bags
Isang mobile blood donation drive ang isinagawa ng RHU I sa
Brgy. Sapang noong May 20, sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross – San
Carlos City Chapter. May 63 na katao ang nagparehistro upang mag-donate ng
dugo, at 43 sa kanila ang naging successful donors. May kabuuang 43 bags ang
nakolektang dugo ng RHU mula sa nasabing bloodletting drive.
3. Painting
Contest, Ginanap sa International Museum Day 2025
Bilang bahagi
ng pagdiriwang ng International Museum Day 2025, nagsagawa ang Museum of
Bayambang at MTICAO ng isang painting contest noong May 20 sa ating Municipal
Museum. Nilahukan ito ng 15 na mga painters na nagpakita ng kani-kanilang
malikhaing interpretasyon ng tema ng taon na, "The Future of Museums in
Rapidly Changing Communities.” Layunin ng aktibidad na maipakita ang mahalagang
papel ng mga museo sa pagpapalaganap ng kamalayang kultural, inobasyon, at
pag-unlad ng lipunan sa gitna ng mabilis na pagbabago ng panahon.
4. Dairy
Farm at Agri Co-op, Certified Learning Sites for Agriculture!
Pormal na tinanggap ng Bayambang Dairy Farm at Managos
Farmers Agriculture Cooperative ang kani-kanilang sertipikasyon bilang mga
Learning Site for Agriculture mula sa Agricultural Training Institute -
Regional Training Center 1. Ginanap ang awarding ceremony noong May 21 sa
Kasama Kita Sa Barangay Foundation Inc. Dairy Farm na matatagpuan sa Sitio
Cayago, Brgy. Mangayao at sa Brgy. Managos. Personal na tinanggap ang
karangalan nina G. Romyl Junio, G. Juan Paolo Ellorin, at Dr. Rafael Saygo sa
ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
[RESHOOT with Coun. Levinson]
5. Payout
para sa Nutrition Support Group Members, Isinagawa; Mga Weighing Scale at
Measurement Board, Ipinamahagi
A.
Noong
May 21, nagsagawa ang Center for Health Development ng DOH Region I, kasama ang
mga RHU, Nutrition Office, at Treasury, ng isang payout activity sa Bayambang
National High School Gymnasium para ipamahagi ang mobilization allowance ng
lahat ng mga miyembro ng Nutrition Support Group. Ito ay parte ng grant ng DOH para
sa implementasyon ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Program nito. May 539 NSG members mula sa 77 barangays
at Technical Working Group members ang nabigyan ng naturang allowance.
B. Sa
aktibidad na ito, nag-turn-over din ang DOH ng mga weighing scale sa lahat ng
mga barangay at Allen stick o pati na rin mga height measurement board.
6.
Seminar
ukol sa Anti-Sexual Harassment Act, Isinagawa
Noong May 22,
isang seminar ukol sa Anti-Sexual Harassment Act o Republic Act 7877 ang
isinagawa ng HRMO para sa mga kawani ng LGU. Naging resource speaker sina Police Chief Master Sergeant Zebedee de Leon at Police Lieutenant Elizabeth Quinio ng PNP
Bayambang. Sa seminar ito, itinaas ang kamalayan
ng mga kawani ukol sa kung ano ang sexual harrassment at ang mga nararapat
gawin upang ito ay masawata, at upang maisulong ang dignidad ng lahat pati na ang
paggalang sa kapwa empleyado.
7.
PAG-IBIG on Wheels, Nagtungo sa Bayambang
Ang Lingkod Pag-IBIG on Wheels ay dumating sa bayan ng
Bayambang upang ilapit ang mga serbisyo ng Home Development Mutual Fund o
Pag-IBIG Fund sa ating mga kababayan. Noong May 22, sila ay nagset-up sa gilid
ng plaza katapat ng Events Center upang maghandog na serbisyo kabilang ang
membership campaign, registration, pag-update at pagverify ng member's record,
provident benefits claim application, short-term loan application, at
discussion ng iba pang serbisyo.
8.
KSB
Year 8, Dinala sa Amancosiling
Ang Komprehensibong
Serbisyo sa Bayan Year 8 ay dinala sa Amancosiling Elementary School noong May
22, sa pag-oorganisa ni Dr. Roland Agbuya. Pinuntahan ito ng may 1,107 na residente
upang matamasa ang iba’t ibang libreng serbisyo ng Munisipyo, nang di na
mamamasahe pa patungong bayan, kabilang ang lahat ng available health services,
agricultural services, social services, at iba pang non-health services.
Nagkaroon din
ng blood donation drive kung saan nakaipon ang team ng 10 blood bags.
9.
Tatlong
Committee Hearing, Isinagawa
A. Noong May
22, isinagawa ang isang Committee Hearing kaugnay ng panukalang pag-amyenda sa
ilang probisyon ng Municipal Ordinance na nagtatatag sa Bayambang Polytechnic
College. Ipinaliwanag dito ang mga mungkahing pagbabago sa ordinansa upang mas
mapabuti pa ang mandato, operasyon, at serbisyo ng BPC.
B. Isa pang
committee hearing ang tumalakay naman sa panukalang resolusyon ukol sa pag-isyu
ng Final Development Permit ng Agricultural Infrastructure and Leasing
Corporation para sa proyektong ‘BYB Metro’ sa Brgy. Bani at Bical Norte.
Tinalakay sa pagdinig ang mga teknikal na detalye ng proyekto, mga potensyal na
epekto nito sa kalikasan, kalusugan, at kaayusan ng komunidad, gayundin ang
pagsunod ng proyektong “BYB Metro” sa umiiral na land use at zoning ordinances
ng bayan.
C. Kasunod
nito ay isa pang committee hearing ukol sa pagbalangkas ng Sangguniang Barangay
Annual Budget at Annual Barangay Youth Investment Program para sa taong 2025, kung saan inilatag ng
bawat SK official ang kanya-kanyang budget at mga prayoridad na programa at
proyekto para sa kanilang nasasakupan. Sa maingat na pagsusuri sa mga
panukalang badyet ng mga SK members, natitiyak na maayos, tapat, at epektibo
ang pamamahala ng pondo para sa kapakanan ng kabataang Bayambangueño.
10. Joint IEC ng RHU I at ESWMO,
Inilunsad
Simula noong
May 14, isinagawa ang isang joint information-education campaign (IEC) ng Rural
Health Unit (RHU) 1 at Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) sa
iba't ibang barangay upang talakayin ang mga napapanahong paksa, kabilang ang
Septage Management, Waste Segregation at Collection, at Communicable Disease
Prevention. Ang IEC ay isang 14-day campaign na inaasahang magtatapos sa June
2, 2025.
11. Mga PWD at Senior Citizen, Tumanggap ng mga Wheelchair
Ang Persons
with Disability Office ay muli na namang nagbigay ng libreng assistive devices
sa mga may kapansanan at senior citizen. Isang recipient ang nakatanggap ng
isang cerebral palsy wheelchair, habang sampu naman ang tumanggap ng tig-iisang
adult wheelchair. Ang mga naturang assistive device ay tinanggap ng mga
magulang, anak, at guardian ng mga benepisyaryo.
12. Search for Most Outstanding BNS 2024, Ikinasa
Ang Municipal
Nutrition Committee ay bumaba sa tatlong barangay upang magsagawa ng isang
Search for Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) 2024 gamit ang
monitoring and evaluation tool na tinaguriang MELLPI Pro. Ang mga contender
para sa Most Outstanding BNS 2024 ay sina Marites Catalan ng Hermoza, Christien
Garcia ng Zone VI, at Emalyn Lacerna ng Manambong Sur.
13. Mga Magsasaka, Muling Hinasa
sa Paglikha ng Novelty Items Gamit ang Corn Husk
Isang
enhancement training sa paggamit ng corn husk, isang by-product ng corn
farming, upang lumikha ng iba't ibang novelty items ang isinagawa ng
Agriculture Office sa Ligue Barangay Hall sa pakikipag-ugnayan sa Heart and
Soil Farm School Inc. Mula Mayo 20 hanggang 22, nag-ensayo ang mga magsasaka sa
paglikha ng mga novelty items gaya ng mga bag, vase, at bulaklak gamit ang corn
husk, upang may matutunang alternative livelihood.
***
It’s Trivia Time
Alam nyo ba ang powers and duties ng Sangguniang Bayan
Members ayon sa Local Government Code?
Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
[SHOW DILG'S INFOGRAPHIC]
1. Aprubahan ang mga ordinansa at magpasa ng mga resolusyon
para sa episyente at epektibong pamahalaang lokal
2. Maglaan ng pondo para sa mga programa, proyekto, serbisyo,
at mga gawain ng lungsod o bayan
3. Gumawa ng mga ordinansa na nagpapataw ng buwis, bayarin at
singil, at nagbibigay ng mga eksempsyon sa buwis, insentibo o tulong
4. Magpatupad ng mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan
at kaayusan
5. Magtakda ng parusa para sa paglabag sa mga ordinansa
6. Magpatibay ng mga hakbang upang protektahan ang mga
mamamayan at magbigay ng tulong sa mga biktima ng sakuna o kalamidad
7. Tukuyin ang mga sahod at benepisyo ng mga opisyal at
kawani ng pamahalaang lokal
8. Pahintulutan ang alkalde na umutang o pumasok sa ibang uri
ng pagkakautang
9. Maglaan ng legal na tulong sa mga opisyal ng barangay
10. I-regulate ang operasyon ng mga traysikel at magbigay ng
prangkisa para sa kanilang operasyon
11. Magpatupad ng episyenteng koleksyon at pagtatapon ng
basura, at ipagbawal ang pagtatapon ng basura sa di-tamang lugar
12. Gumawa ng mga ordinansa upang pigilan, sugpuin, at
parusahan ang madalas na paglalasing sa pampublikong lugar, pamamalimos,
prostitusyon, ilegal na sugal, ilegal na droga, at iba pang gawain na
nakasasama sa kapakanan at moralidad ng mamamayan
13. Pangalagaan ang kalikasan at magtakda ng parusa para sa
mga gawaing nakapipinsala sa kapaligiran tulad ng paggamit ng dinamita sa
pangingisda, ilegal na pagtotroso, pagpupuslit ng mga nanganganib na uri ng
hayop, at mga aktibidad na nagdudulot ng polusyon
14. Magtatag ng mga pamilihan, katayan ng hayop o kulungan at
pahintulutan ang operasyon ng mga ito, at i-regulate ang pagtatayo at operasyon
ng mga pribadong pamilihan, talipapa o katulad na mga estruktura
15. I-regulate ang paggamit ng mga kalsada, lansangan,
eskinita, bangketa, tulay, parke at iba pang pampublikong lugar
16. Magpatibay ng mga hakbang upang masiguro ang kaligtasan
ng publiko laban sa mga bukas na kanal, manhole, live wire at iba pang panganib
sa buhay at ari-arian
17. Maglaan ng mga pasilidad at sentro para sa mga matatanda,
mahihirap at mga taong nasa ilalim ng kahirapan
18. Suriin ang lahat ng ordinansang inaprubahan ng
Sangguniang Barangay at mga kautusang ipinahayag ng Punong Barangay
19. Gampanan ang iba pang kapangyarihan at tungkulin ayon sa
itinatadhana ng batas o ordinansa
**
Alam ba ninyo na si Councilor Mylvin ‘Boying’ Junio ang
longest-serving at undefeated na pulitiko sa Bayambang at marahil sa buong
bansa dahil sa 28 uninterrupted years of service nito?
Mula 1998 hanggang 2007, siya ay naging Municipal Councilor. Mula
2007 hanggang 2016, siya ang nagsilbi bilang Vice-Mayor. Mula naman 2016
hanggang sa kasalukuyang taon, 2025, siya ay muling umupo bilang Municipal
Councilor.
Kung iisipin, mayroong pinagmanahan si Councilor Boying,
dahil siya ay anak ng longest-serving mayor ng Bayambang at marahil sa buong
bansa, na si Atty. Jaime P. Junio, matapos itong magsilbi ng 24 years, mula
taong 1963 hanggang 1986.
***
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't
ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.
NEWSCASTER 2: Mga
balitang may tatak Total Quality Service.
NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, ________.
NEWSCASTER 2: At ako
naman po si Councilor Levinson Nessus Uy, mula sa Sangguniang Bayan ng
Bayambang.
[SABAYANG BIGKAS]: At
ito ang... Bayambangueñews!
No comments:
Post a Comment