Monday Report – May 12, 2025
[INTRO]
NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si
___________________.
NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng
LGU-Bayambang...
Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...
Ito ang…. BayambangueNews!
1. Mga Bagong Wheelchair, Tinanggap ng 10 Bayambangueño
[NOTE: Read 10 sa “Sampung”]
Noong Mayo 5, sampung residente ng Bayambang ang tumanggap ng mga bagong wheelchair mula sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO). Ang mga wheelchair ay galing sa pondo ng PDAO at Senior Citizens' Fund.
2. Mayor Niña, Nagpatawag ng ExeCom Meeting
Sa Executive Committee Meeting na pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao noong May 5, tinalakay ang mga hakbang para mapabuti ang trapiko, ang proseso ng business permits, at iba pang isyu sa bayan. Kasama rin sa agenda ang pagsusuri ng mga proyektong nakapaloob sa Executive-Legislative Agenda (ELA) ng lokal na pamahalaan.
3. Pamilyang Nasalanta ng Buhawi, Agarang Tinulungan
Sa utos ni Mayor Niña, isang pamilya sa Brgy. Langiran ang agad
na tinulungan ng LGU matapos itangay ang bubong ng kanilang bahay ng isang malakas
na hangin at ulan dulot ng buhawi. Sila ay agarang binigyan ni Mayor Nina ng
P10,000 cash assistance at food pack naman mula sa LGU.
Agad ding nag-clearing operation matapos bumagsak ang isang
puno ng mangga roon.
4. COMELEC at Iba pang Ahensya, Naging Abala sa Paghahanda sa Halalan
- (Deployment ng Election Paraphernalia)
Mula May 5, ang COMELEC, sa tulong ng PNP, ay nag-umpisang magdeploy ng mga automated counting machine, ballot box, external battery, at iba pang election paraphernalia para sa final testing and sealing sa lahat ng voting centers sa bayan ng Bayambang.
- (Inspeksiyon at Beripikasyon ng mga Opisyal na Balota)
Noong May 7, nagsagawa ang Election Officer at Municipal Treasurer ng inspection and verification ng mga opisyal na balota sa presensya ng iba’t ibang volunteers at representante ng bawat partido upang masiguro ang kumpletong bilang ng mga balota para sa isandaan at dalawampu’t dalawang (122) clustered precincts sa buong bayan.
- (Distribusyong ng mga Election Form at Supply)
Noong May 11, isinagawa naman ang maagang distribusyon ng
mga election forms, supplies, at iba pang paraphernalia sa Events Center.
Noong May 6, isa na namang kuwago ang inilagak ng isang
residente sa ESWMO. Ayon sa report, nakita ang naturang kuwago, na isang scops
owl, matapos ito umanong mahulog mula sa puno ng kawayan sa Brgy. Macayocayo. Ang kuwago ay agad ding inihatid ng ESWMO sa
CENRO-Dagupan.
6. BPRAT, Nag-update ukol sa Agricultural Modernization Projects
Noong May 5, pinulong ng BPRAT ang lahat ng miyembro ng agricultural
modernization cluster upang magbigay ng update ukol sa progreso ng mga target
objectives ng naturang sektor at talakayin ang mga nararapat na aksyon. Kabilang
sa mga pinagtuunan ng pansin ang agro-enterprise development, info drives,
clustering ng farm operations, pagtatag at pagpapalakas ng mga kooperatiba,
agro-infrastructure at development ng inland fisheries, farm mechanization,
high-yield crops, at organic farming.
Noong May 7, ang MDRRMO ay nag-umpisang magsagawa ng isang 3-day seminar ukol sa Disaster Risk Reduction and Management para sa mga iba't ibang kawani ng gobyerno, sa tulong ng Office of Civil Defense Region I at iba pang ahensya. Ito ay upang mapalalim ang kaalaman ng mga kawani sa mga prosesong kaugnay sa emergency response at preparedness. Ang serye ng mga training-seminar ay ginanap sa Events Center at Wawa Evacuation Center.
8. Mga Abandonadong Stall, Puwersahang Binuksan
Noong May 7, puwersahang binuksan ng mga kawani ng Office of the Special Economic Enterprise ang mga abandonadong puwesto sa Pamilihang Bayan upang ang mga ito ay inspeksyunin at linisin. Ito ay upang masigurong ligtas pa rin ang mga stall para sa lahat, at nananatiling malinis at maayos. Ang mga nabakanteng stall ay maaari nang rentahang muli ng mga panibagong mamumuhunan. Mag-inquire lamang sa kanilang tanggapan sa itaas ng Meat Section.
9. Winning Nursing Research, Iprinisenta sa MNC Meeting
Sa pulong ng Municipal Nutrition Council noong May 8, naging highlight ang pag-presenta ng mga PSU-Bayambang nursing student ng kanilang winning research entry sa ginanap na 24th Regional Nursing Research Congress sa Baguio City. Ito ay tungkol sa masamang epekto ng pagbibigay ng matatamis o sweets ng sobrang aga sa mga toddlers. Ang mga estudyante ay nagwagi ng Best Podium Presenter award.
10. Espesyal na Pulong ukol sa Bayambang Central Terminal, Isinagawa
Isang espesyal na pulong ang ginanap sa pagitan ng
LGU-Bayambang at Pangasinan State University at PSU-Bayambang Campus officials
ukol sa mga panukalang amyenda sa Deed of Usufruct para sa Bayambang Central
Terminal. Dito ay nirepaso ang naunang kasunduan. Ang pulong ay ginanap noong
May 8 sa Municipal Conference Room.
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa
iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.
Mga balitang may tatak Total Quality Service.
Muli, ako po ang inyong lingkod, _________________.
At ito ang... Bayambangueñews!
No comments:
Post a Comment