Wednesday, May 14, 2025

Monday Report – May 19, 2025

Monday Report – May 19, 2025

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Erwn Rosales mula sa Rural Health Unit __.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Lilibeth Menor mula sa Rural Health Unit __.

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

***

[SALITAN NA KAYO RITO]

Sa ulo ng nagbabagang balita:

1. MDRRMO, Nagpatrol sa Kahabaan ng Agno at sa mga Resort

Nagpatuloy ang MDRRMO sa pagpa-patrol sa mga resort at sa Ilog Agno noong May 9 sa mga barangay ng Ataynan, San Gabriel 1st, Amancosoling Norte, Bacnono, at Zone V, gayundin sa Silver Concha Wavepool Resort, Urduja Resort, Gina's Resort, at Kangaroo Hill Pavilion and Resort upang matiyak ang kaligtasan ng mga bakasyunista.

2. Clearing Operation sa Tococ West

Noong May 9, isinagawa ng Quick Response Team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang Tococ West BDRRMC, ang isang clearing operation sa Brgy. Tococ West upang alisin ang mga road obstruction na dulot ng malakas na ulan at hangin.

3. Genset Testing sa Wawa Evacuation Center

Noong May 5, isinagawa ng MDRRMO, kasama ang Engineering Office, Internal Audit Service, Accounting Office, at General Services Office, ang final testing ng generator set na may automatic transfer switch sa Wawa Evacuation Center. Ito ay bahagi ng opisyal na proseso ng inspeksyon para sa proposed upgrade ng electrical system ng naturang pasilidad.

4. MDRRMO, Nagsagawa ng 3-Day DRRM Course for Public Sector

Noong May 8 hanggang May 10, ang MDRRMO, sa tulong ng Office of Civil Defense Region I at iba pang ahensya, ay nag-umpisang magsagawa ng unang serye ng tatlong araw na Disaster Risk Reduction and Management Course para sa pampublikong sektor. Tinalakay ang Incident Command System (ICS) overview, workplace safety, first aid, fire safety, at continuity planning, kalakip ang isang evacuation drill na nagpalakas sa kakayahan ng mga kalahok sa pagtugon sa kalamidad.

5. Feeding Angels, Nagbigay Tulong sa 103 Beneficiaries

Muling nagpaabot ng tulong ang grupong Bayambang Feeding Angels noong May 10 sa 103 undernourished children at 4Ps families sa walong barangay. Namahagi sila ng food packs, fresh na gulay mula sa Baguio City, at mga laruan na handog ng kanilang mga sponsors.

6. LGU, Nagbigay ng Buong Suporta noong Halalan 2025

Buong suporta ang ibinigay ng LGU-Bayambang sa COMELEC para sa 2025 elections na naganap noong May 12. Mula sa coordination meetings hanggang sa aktuwal na pagbabantay sa mga presinto, nagtulungan ang iba't ibang ahensya at tanggapan upang matiyak na ligtas, maayos, pantay, at mapayapa ang naging halalan.

Naging maayos din ang early distribution ng mga election paraphernalia at pagtanggap ng mga election returns, hanggang sa pagbaklas ng mga election posters sa lahat ng barangay.

7. TWG, Nagbrainstorming para sa Nutrition Month

Noong May 13, isinagawa ang unang pagpupulong ng Technical Working Group Committee (TWG) para sa darating na selebrasyon ng Nutrition Month. Layunin ng pulong na nakakalap ng iba't ibang suhestiyon na aktibidad na magpapalaganap ng kamalayan at pagkilos tungo sa seguridad sa pagkain at nutrisyon, na naayon sa tema ngayong taon na “Food and Nutrition Security Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!” 

8. Mga Barangay Frontliner, Nakinig sa Oryentasyon hinggil sa Citizen's Charter

Noong May 14, nagsagawa ang DILG, sa tulong ng BPRAT, ng isang orientation activity ukol sa Citizens’ Charter Handbook. And aktibidad ay dinaluhan ng mga Barangay Secretary at mga Barangay ARTA Focal Person. Tiniyak sa aktibidad na magkaroon ang bawat barangay ng mas malalim na pag-unawa sa nilalaman, layunin, at tamang implementasyon ng Citizens’ Charter Handbook, alinsunod sa mandato ng Anti-Red Tape Act (ARTA) na nagsusulong ng transparency, accountability, at dekalidad na serbisyo publiko.

9. Energy Conservation Council, Pinagtibay ang mga Inisyatibo para sa Pagtitipid sa Enerhiya

Alinsunod sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, nagpulong ang Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Coordination Council noong May 15 upang talakayin ang revised Energy Efficiency and Conservation Plan ng LGU-Bayambang. Ang naging talakayan ay nakatuon sa pagpapasiya ng pinal na pagkukunan ng pondo para sa implementasyon ng EEC Plan upang makatipid ang Munisipyo sa pagkonsumo ng enerhiya. Bukod dito, iprinesenta rin ang resulta ng energy audit matapos ang isinagawang spot-checking ng Department of Energy–North Luzon Field Office.

10. Kaalaman ng Barangay Nutrition Scholars, Pinagtibay sa Team-Building Activity

Noong Mayo 16, nagsagawa ng isang araw na team-building activity ang mga Barangay Nutrition Scholars (BNSs) ng Bayambang sa Kangaroo Hill Pavilion and Resort sa Brgy. Sancagulis. Nagsilbing resource speaker si Internal Audit Services Chief, Erlinda Alvarez, na nagturo ng Basic Management of Personal Finances, Barangay Nutrition Action Plan Budgeting, at monitoring ng nutrition fund utilization.

11. Food Packs para sa 78 CDCs, Ipinamahagi

Noong May 15, ang MSWDO ay nagpamahagi sa Brgy. Sancagulis ng mga food pack na nakalaan para sa 2,980 learners na naka-enroll sa 78 na Child Development Center ng Bayambang para sa School Year 2024-2025, gamit ang pondong galing sa DSWD. Masusi ang naging bidding para sa mga food item na dapat ay huling delivery ng taong 2024. Agad na ipamahagi ang mga food pack sa lahat ng CDC.

***

Samantala, inaanyayahan ang lahat ng nais magdonate ng dugo na makiisa sa Dugoyanihan blood donation drive na gaganapin ngayong araw ng Lunes sa Brgy. Sapang Covered Court, mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

***

It's Trivia Time!

Alam ba ninyo na ang Rural Health Unit III sa ngayon ay accredited na bilang isang Konsulta PhilHealth provider o mas kilala na Ekonsulta?

Ito ay accredited din bilang isang Animal Bite Treatment Center.

Accredited na rin ito bilang Level II Adolescent-Friendly health facility.

Ang Rural Health Unit II naman ay nagbukas na rin ng isang Animal Bite Treatment Center, at ready na ito for accreditation!

***

[OUTRO]

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Erwin Rosales.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Lilibeth Menor, mula sa Rural Health Unit II at III.

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

No comments:

Post a Comment