Wednesday, July 2, 2025

MONDAY REPORT – JULY 7, 2025

MONDAY REPORT – JULY 7, 2025

 

[INTRO]

 

NEWSCASTER 1: Isang masaya at produktibong umaga, Bayambang! Ako po si ___ mula sa ________ (name of office).

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si _______ mula sa ________ (name of office).  Handog namin ang mga balitang sumasalamin sa bayang progresibo.

 

NEWSCASTER 1: Sama-sama nating sulyapan ang mga kwentong nagpapakita ng malasakit at aksyon.

 

NEWSCASTER 2: Ito ang inyong lingguhang ka-partner sa impormasyon…

 

SABAY: Ang… BayambangueNews!

 

***

 

[SALITAN NA KAYO RITO]

 

1.     Mga Bagong Opisyal ng Bayambang, Pormal nang Nanumpa sa Tungkulin

 

A.    Pormal na nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Bayambang noong June 30 sa Balon Bayambang Events Center, sa pangunguna nina Mayor Niña Jose-Quiambao, kasama si Vice Mayor Ian Camille Sabangan at walong miyembro ng Sangguniang Bayan.

 

B.     Naging presiding officer sina Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III at Municipal Trial Court Acting Presiding Judge Djoanivie Jomare Junasa.

 

C.   Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Niña ang pagpapatuloy ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan at ang pangangailangan ng disiplina at mulat na kaisipan upang labanan hindi lang ang kahirapan kung pati na rin ang tinaguriang "poverty of the mind."

 

 

2.     GAD Execom, Tinalakay ang Functionality ng GAD Council

 

Noong Hunyo 30, nagpulong ang Gender and Development (GAD) Executive Committee sa Mayor’s Conference Room upang talakayin kung ang mga proyekto ng LGU ay naakma sa pagsulong ng pagkakakapantay-pantay ng lahat ng kasarian. Saklaw ng pulong ang GAD fund utilization, accomplishment report para sa unang semestre, at posibleng rebisyon ng GAD Plan and Budget para sa FY 2025.

 

3.     BPRP Good Governance Sector, Nag-ulat para sa 2nd Quarter

 

Noong June 30, nag-update ang BPRP Good Governance Sector ukol sa estado ng mga proyekto at aktibidad na sakop nito. Tinalakay nila ang PRIME-HRM system, resulta ng Good Governance Confidence Survey, at iba’t ibang plano para sa pagpapabuti ng serbisyo publiko gaya ng Public Service Continuity Plan, quality management system, at institutionalization ng good governance sa barangay.

 

4.     LGU-Bayambang, Napiling Panelist sa Philippine Poverty Reduction Summit

 

Naimbitahan ang LGU-Bayambang bilang kaisa-isang bayan na panelist sa Philippine Poverty Reduction Summit 2025 ng National Anti-Poverty Commission na ginanap sa Quezon City noong July 1. Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, ang best practices ng bayan sa paglaban sa kahirapan na maaaring i-adopt ng ibang bayan. Pinuri rin ang Bayambang ni NAPC Secretary at Lead Convenor, Lope Santos III, bilang nag-iisang bayan na may Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

 

5.     Mga Lokal na Kooperatiba, Naglakbay-Aral

 

Noong June 27 nag-lakbay-aral ang mga lokal na kooperatiba ng Bayambang sa Agoo, La Union at Tubao, Benguet upang matutunan ang best practices ng Anduyan Multi-Purpose Cooperative at La Union Multi-Purpose Cooperative sa paghawak at pangangasiwa ng isang kooperatiba. Sila ay natuto ng tapat na pamamahala, maayos na financial management, at pinaigting na partnership-building.

 

6.     LSB, Patuloy ang Pagtutok sa Sektor ng Edukasyon

 

Noong June 30, nagpulong ang Local School Board upang patuloy na nakatutok sa issues at concerns sa sektor ng edukasyon. Kabilang sa mga tinalakay ang naging pagbubukas ng klase, pamamahagi ng school supplies, halalan ng bagong PTA officers, supplemental budget ng Don Teofilo Mataban Memorial Elementary School, estado ng SPED restroom, at iba pa.       

 

 

7.     Mga Magulang at Guardian ng CDC Learners, Nakinig sa Orientation Activity

 

Bago nagsimula ang unang araw ng pasukan sa mga Child Development Center (CDC) para sa School Year 2025-2026, nagsagawa ng Parents' Orientation activity ang MSWDO mula July 1 hanggang 5. Nanguna rito ang mga 81 Child Development Workers at Child Development Teachers sa lahat ng 78 Child Development Centers para sa ating 2,828 CDC learners.

 

8.     SB Members, Dumalo sa Seminar ukol sa “Updating of the Elective Local Officials Profiling Database System”

 

Ang mga bagong halal na Sangguniang Bayan (SB) Members, kasama ang mga muling nahalal na opisyales, ay dumalo sa isang seminar sa pamamagitan ng Zoom video ukol sa “Updating of the Elective Local Officials Profiling Database System (ELOPDS)” alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2025-034. Ito ay ginanap noong July 2 sa SB Session Hall.

 

9.     MDRRMC, Nagpulong ukol sa LPA

 

Sa direktiba ni Mayor Niña, isang emergency Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ang isinagawa ng MDRRM Council noong July 3 gamit ang Zoom video, bunsod ng namuong low pressure area (LPA). Tinalakay ni LDRRM Officer Gene Uy ang nakatakdang ruta ng naturang LPA, at ang mga hakbang na isinagawa ng MDRRMC, kabilang ang coordination, ocular inspection, at paghahanda ng mga rescue vehicle at equipment.

 

10.  Mock ISO Audit, Isinagawa

 

Mula July 1 hanggang 3, ang lahat ng departamento ng LGU-Bayambang ay sumabak sa tatlong araw na mock audit, upang siguraduhing handa ang LGU sa nalalapit na Second Surveillance Audit sa July 15. Pagkatapos ng mock auditing exercise kada departamento, isang closing meeting ang isinagawa upang talakayin ang mga naging obserbasyon, findings, at rekomendasyong dapat isaalang-alang upang pahusayin pa ang mga proseso ng bawat opisina.

 

 

11. LGU-Bayambang, Muling Tumanggap ng "Unmodified Opinion" mula sa COA!

 

Muling tumanggap ng pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) ang Pamahalaang Lokal ng Bayambang! Sa ulat na ipinadala sa Tanggapan ng Punong Bayan, nagbigay ang COA ng isang “unmodified opinion” ukol sa pagiging makatarungan at tumpak ng presentasyon ng financial statement ng LGU para sa taong 2024. Ang “unmodified opinion” ay itinuturing na pinakamagandang opinyon na maaaring matanggap ng isang ahensya ng pamahalaan mula sa mga state auditor.

 

Isa lamang ang Bayambang sa 3rd district ang nakatanggap nito, at isa sa walo lamang na LGU sa buong probinsya ng Pangasinan!

 

Congratulations sa buong LGU-Bayambang sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao!

 

 

 

 

***

 

 

Bayambang, Dapat Alam Mo!  (Tricycle Franchise)

 

Alam mo ba na nagbukas na ang Munisipyo ng mahigit sa isandaang tricycle franchises?

 

Bagamat kailangang i-regulate ang dami ng mga tricycle driver sa Bayambang base sa dami ng pasahero at sa kayang i-accommodate ng ating mga kalsada nang hindi lalala ang ating trapiko, pinaunlakan sa wakas ng Munisipyo ang inyong hiling na dagdagan ito upang maging lehitimo ang hanapbuhay ng mga colorum na drayber.

 

Oo, may mahigit 100 tricycle franchises ang maaari mo nang aplayan kung gusto mong mamasada at maging lehitimong tricycle operator at driver.

 

Lahat ng interesadong aplikante ay pwede nang magsumite ng kanilang application form sa Municipal Treasury Office hanggang sa July 15.

 

Pero.... Dapat alam mo na may prosesong sinusunod upang mabigyan ng prangkisa.

 

Paano nga ba ang proseso?

 

1. Una: Magpasa ng mga requirements: Barangay Clearance, Insurance, Professional Driver’s License, Police Clearance, Court Clearance, at O.R./C.R. ng iyong yunit.

 

2. Kapag nakumpirma na kumpleto ang mga isinumiteng dokumento, magbibigay ang MTOP cashier ng Application Form at Certificate of Inspection na kailangang sagutan ng tricycle operator-applicant.

 

3. Ang Certificate of Inspection ay kailangang mapirmahan ng inyong TODA President at ng Chief of Police. Magtungo sa Treasury Office para sa kaukulang bayad at kunin ang resibo.

 

4. Pagkatapos magbayad, mag-aantay ng tawag o mensahe ang tricycle operator-applicant sa loob ng tatlo hanggang apat na araw para sa pagkuha ng approved franchise application.

 

5. Pagkatapos nito, maaari nang makuha ang inyong prangkisa!

 

Napakadali di ba? Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Para sa karagdagang impormasyon, magtungo lamang sa Treasury Office sa first floor ng Municipal Annex Bldg.

 

Alam mo rin bang pinag-aaralan na maaring magbukas pa ng mas maraming prangkisa sa bayan ng Bayambang upang ma-accommodate na maging legal ang mga nais mamasada sa bayan.... Kung matuloy ito, magkakaroon naman ng Odd-Even scheme or number coding.

 

Kaya't abangan natin ang development na ito na ikinakasa ng LGU at ng mga TODA president!

 

Ngayon, Bayambang, ay alam mo na!

 

 

 

***

 

[OUTRO]

 

NEWSCASTER 1: Dito sa Bayambang, bawat proyekto ay may layuning makapaglingkod nang tapat at may puso.

 

NEWSCASTER 2: At bawat kwento, tagumpay nating lahat bilang isang komunidad.

 

NEWSCASTER 1: Ako pong muli si _____, kasama sa paglalahad ng mga kaganapan sa bayan.

 

NEWSCASTER 2: At ako si _____, mula sa _______ (Municipal Treasury Office). Magsama-sama tayong muli para sa susunod na ulat!

 

SABAY: Ito ang… BayambangueNews!

 

 

 

 

 

 


No comments:

Post a Comment