Thursday, July 17, 2025

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! (Revised DepEd Order on Class and Work Suspension)

 BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO!

(Revised DepEd Order on Class and Work Suspension)

Panahon na ng tag-ulan, kaya't siguradong malimit na naman nating marinig ang mga salitang Pangasinan para sa iba't ibang uri ng pag-ulan. Bilang Pangasinense, dapat alam mo ang mga ito, kabilang ang:

- tayaketek (mahinang ulan na may pailan-ilang pagpatak)

- maya-maya (ambon o drizzle)

- beye-beye (walang-tigil na ulan)

- libog-libog (malakas na ulan)

- binak-binak (napakalakas na ulan o raining cats and dogs)

- nepnep (tag-ulan; rainy season)

- siyam-siyam (ulan na parang walang katapusan)

- at iba pa.

Dapat alam mo rin na may bagong DepEd Order sa pagsususpinde ng klase at maging ng trabaho.

Ito ay ang DEP-ED ORDER NO. 22, SERIES OF 2024 o REVISED GUIDELINES ON CLASS AND WORK SUSPENSION.

Kapag may Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1, automatic na suspendido ang klase sa Kindergarten sa mga apektadong lugar.

Kapag may Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 naman, automatic ding suspended ang face-to-face classes mula Kindergarten hanggang Elementary at Junior High School o Grade 10 sa mga apektadong lugar. Ngunit dapat lumipat sa modular distance learning, performance tasks, projects, o kaya'y make-up classes depende sa kanilang learning at service continuity plan (LSCP) para masigurong makamit pa rin ang learning competencies.

Kung may Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 naman o mas mataas pa rito, automatic na suspended ang lahat ng klase -- at pati na trabaho -- sa lahat ng antas sa mga apektadong lugar.

Dapat alam mo na, sa tatlong weather scenarios na ito, di na kinakailangan pang hintayin ang mayor para magdeklara na walang pasok sa paaralan o sa trabaho man.

Ngayon, Bayambang, ay alam mo na!


No comments:

Post a Comment