Bayambang, Dapat Alam Mo! (Tricycle Franchise)
Alam mo ba na nagbukas na ang Munisipyo ng mahigit sa isandaang tricycle franchises?
Bagamat kailangang i-regulate ang dami ng mga tricycle driver sa Bayambang base sa dami ng pasahero at sa kayang i-accommodate ng ating mga kalsada nang hindi lalala ang ating trapiko, pinaunlakan sa wakas ng Munisipyo ang inyong hiling na dagdagan ito upang maging lehitimo ang hanapbuhay ng mga colorum na drayber.
Oo, may mahigit 100 tricycle franchises ang maaari mo nang aplayan kung gusto mong mamasada at maging lehitimong tricycle operator at driver.
Lahat ng interesadong aplikante ay pwede nang magsumite ng kanilang application form sa Municipal Treasury Office hanggang sa July 15.
Pero.... Dapat alam mo na may prosesong sinusunod upang mabigyan ng prangkisa.
Paano nga ba ang proseso?
1. Una: Magpasa ng mga requirements: Barangay Clearance, Insurance, Professional Driver’s License, Police Clearance, Court Clearance, at O.R./C.R. ng iyong yunit.
2. Kapag nakumpirma na kumpleto ang mga isinumiteng dokumento, magbibigay ang MTOP cashier ng Application Form at Certificate of Inspection na kailangang sagutan ng tricycle operator-applicant.
3. Ang Certificate of Inspection ay kailangang mapirmahan ng inyong TODA President at ng Chief of Police. Magtungo sa Treasury Office para sa kaukulang bayad at kunin ang resibo.
4. Pagkatapos magbayad, mag-aantay ng tawag o mensahe ang tricycle operator-applicant sa loob ng tatlo hanggang apat na araw para sa pagkuha ng approved franchise application.
5. Pagkatapos nito, maaari nang makuha ang inyong prangkisa!
Napakadali di ba? Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Para sa karagdagang impormasyon, magtungo lamang sa Treasury Office sa first floor ng Municipal Annex Bldg.
Alam mo rin bang pinag-aaralan na maaring magbukas pa ng mas maraming prangkisa sa bayan ng Bayambang upang ma-accommodate na maging legal ang mga nais mamasada sa bayan.... Kung matuloy ito, magkakaroon naman ng Odd-Even scheme or number coding.
Kaya't abangan natin ang development na ito na ikinakasa ng LGU at ng mga TODA president!
Ngayon, Bayambang, ay alam mo na!
No comments:
Post a Comment