Thursday, July 3, 2025

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! - Waste Management

 

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO!

 

Bayambang, dapat alam mo na nakakagastos ang ating munisipyo ng halos __________ kada buwan para lang sa pagtatapon ng basura sa mga dumpsite. Oo, basura pa lang 'yan pero milyon na agad ang kinakain sa budget!

 

Dapat, alam mo na ang ganitong kalaking halaga ay puwede sanang magamit para sa iba pang mahahalagang proyekto ng bayan. Imbes na mapunta sa tambakan ng basura, bakit hindi na lang sa dagdag na scholarship, ayuda, health programs, o kahit road repair.

 

Bayambang, dapat alam mo na kung matututo lang tayong mag-recycle, mag-segregate ng basura, at gumawa ng compost pits sa ating mga bakuran, malaki ang matitipid ng ating lokal na pamahalaan. Mas konting basura, mas konting gastos. Ganun kasimple.

 

Dapat, alam mo rin na may ginagawa na ang ating lokal na gobyerno para tulungan tayong bawasan ang basura ng Bayambang. May mga Material Recovery Facilities (MRFs) na itinatayo sa mga barangay para maihiwalay nang maayos ang mga recyclable at non-recyclable.

 

Bayambang, dapat alam mo na isinusulong na rin ng LGU ang paggamit ng compost pits, lalo na sa mga tahanan at paaralan. Dito mo puwedeng itapon ang balat ng prutas, gulay, tuyong dahon, at iba pang nabubulok para maging pataba sa halip na basura.

 

Dapat, alam mo rin na may mga info drive at training ang LGU sa barangay level para ituro ang tamang waste management. Ang simpleng pag-uumpisa sa bahay,may malaking ambag ka na agad sa mas malinis at mas disiplinadong bayan.

 

Bayambang, dapat alam mo na kapag lahat tayo ay tumutulong magbawas ng basura, hindi lang kalikasan ang makikinabang. Makakatipid ang LGU, at ang matitipid? Babalik sa atin sa anyo ng mga proyektong tunay nating kailangan.

 

Dapat, alam mo na sa isyu ng basura, hindi lang gobyerno ang may papel dahil tayong lahat ay may responsibilidad. Disiplina, kaalaman, at simpleng pagkilos lang ang kailangan.

 

Ngayong may alam ka na, siguro naman ay alam mo na rin kung ano ang nararapat gawin sa iyong basura. Tandaan mo, Bayambang: Ang lahat ng ito... ay Dapat, Alam Mo!

No comments:

Post a Comment