Saturday, July 26, 2025

MONDAY REPORT – JULY 28, 2025

 

MONDAY REPORT – JULY 28, 2025

 

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Naimbag nga aldaw kadakayo amin, Bayambang! Ako po si ___.

NEWSCASTER 2: Ang inyong katuwang sa paghahatid ng mga napapanahong balita.

NEWSCASTER 1: Mga balitang tungo sa pagbabago at patunay ng sama-samang pagkilos para sa kinabukasan.

NEWSCASTER 2: Ito ang tinig ng bayan, tinig ng serbisyo...

SABAY: …BayambangueNews!

 

***

1. Watsons Pharmacy, NOW OPEN in BAYAMBANG!

Ang Watsons Pharmacy ay nag-grand opening noong July 18 sa pinakabagong branch nito, ang Quadricentennial Market ng Bayambang. Ngayon ay maaari nang makapamili ang kanilang mga suki ng mga health and wellness products nang hindi na kailangang bumiyahe pa sa malayo.

 

2. PESO-Bayambang, May Special Recruitment Activity

 

Ang PESO-Bayambang ay nagsagawa ng Special Recruitment Activity sa harap ng kanilang tanggapan noong July 15 at 16. Ang Alcare Manpowers Services Corp. ang naging recruiter.

 

3. SPES Beneficiaries, Tumanggap ng Sahod

 

Tinanggap noong July 16 ang 14 na benepisyaryo ng DOLE-Special Program for the Employment of Students (SPES) ang kanilang sahod sa tulong ng PESO-Bayambang. Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng halagang P6,642 mula sa LGU at nakatakdang tumanggap din ng P4,428 mula sa DOLE bilang kabuuang sahod para sa dalampung araw ng pagtatrabaho sa iba’t ibang tanggapan ng LGU.

 

4. 11 GIP Beneficiaries, Tumanggap din ng Sahod mula DOLE

 

Noong July 17, sa tulong ng PESO-Bayambang, tinanggap ng 11 interns ng Department of Labor and Employment-Government Internship Program ang kanilang sahod. Nagbayad ang DOLE ng P468/day kada GIP worker bilang bayad sa kanilang tatlong buwang pagtatrabaho.

 

5. Publiko, Pinag-iingat ukol sa Pagkain ng Ligaw na Kabute

 

Nagtungo ang mga RHU nurse noong July 16 sa Brgy. Tambac upang kumpirmahin at imbestigahan ang naiulat na kaso ng mushroom poisoning doon. Ito ay matapos isugod sa Bayambang District Hospital sa araw ding iyon ang pitong residente nang sila ay makaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, at diarrhea matapos kumain ng mga kabuteng tumubo sa ilalim ng puno ng kawayan. Inaabisuhan ang publiko na umiwas sa pagkain ng mga ligaw na kabute lalo na't kung hindi kilala kung anong uri ang mga ito.

 

6. Grupong BTS, Tumulong sa Isang PWD

 

Ang diwa ng bayanihan ay buhay na buhay sa bayan ng Bayambang, sapagkat patuloy ang iba't ibang grupo sa pakikiisa sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Noong July 18, ang grupong Born to Serve (BTS) naman, kasama ng kanilang Bayambang National High School Batch ‘90 President, ay nag-sponsor ng mga grocery at food items para sa isang indigent na PWD sa Brgy. Hermoza.

 

7. Barangay Officials, Dumalo sa Training-Seminar

 

Ang mga Punong Barangay, Barangay Kagawad, Sangguniang Kabataan Chairperson, Barangay Secretary, at Barangay Treasurer ay dumalo sa isang training-seminar noong July 17 to 19 sa Pampanga upang matuto ng mga bagong kaalaman sa Strengthening Institutional Capacities of Barangay Anti-Drug Abuse Council, Gender and Development, at Seal of Good Local Government for Barangays.

 

8. Liga Vice-President, Nagdonate sa BPSO

 

Noong July 21, nagdonate si Liga ng mga Barangay Vice-President at OIC Rodelito Bautista ng 10,000 pesos sa Bayambang Public Safety Office upang pandagdag ng tanggapan sa pambili ng mga protective gear laban sa ulan ng mga BPSO traffic enforcer. Ang halaga ay malugod na tinanggap ni BPSO Chief.

 

9. CSO Re-accreditation Conference, Isinagawa

 

Ang Municipal Administrator’s Office ay nagdaos ng Civil Society Organization Conference noong July 21 bilang bahagi ng proseso ng reaccreditation para sa representasyon sa local special bodies ng LGU. Dumalo rito ang ng kinatawan ng mga people's organization, non-government organization, at civil society organization na nagnanais maging bahagi ng mga local special body at maging katuwang ng LGU sa implementasyon at monitoring ng iba’t ibang development plans, projects, at activities.

 

 

10. Assistive Devices, Tinanggap ng Limang PWD

 

Limang Bayambangueño ang tumanggap ng bagong adult wheelchair at walker mula sa Persons with Disability Affairs Office noong July 21. Gamit ang pondo ng PDAO at Senior Citizens’ Fund, ipinamahagi ang mga assistive device sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

 

 

11. MVAT Team, Muling Naglilibot

 

Muling nagsimula noong July 21 ang tatlong araw na validation at assessment sa mga barangay ang Municipal Validation and Assessment Task Team para sa "Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program" ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Masusing tiningnan sa aktibidad kung maayos na naipatutupad sa mga barangay ang mga programa tulad ng Barangay Road Clearing Operations, Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay, at ang Quarterly Assessment for Cleanest Barangays.

 

 

12. PhilHealth Konsulta Caravan, Nagtungo sa Carungay

 

Ang Local Health Insurance Office - Central Pangasinan ng PhilHealth, katuwang ang RHU III, ay nagsagawa ng Konsulta Caravan sa Brgy. Carungay noong July 22. Ang aktibidad ay may 725 na kliyente, kung saan 565 ang nagkapag-avail ng Konsulta Package Provider registration, 725 ng First Patient Encounter registration, 98 ng consultation, 13 ng laboratory o diagnostic services, at 98 ng mga gamot.

 

 

13. TODA Members, Pinulong ukol sa Disiplina Zone

 

Ang mga miyembro ng TODA ay pinulong ng LGU noong July 18 sa mismong Tricyle Central Terminal upang pag-usapan ang implementasyon ng Disiplina Zone, and pagkakaroon ng temporary TODA Terminal sa lumang Bayambang Central School, ang pagkakaroon ng TODA uniform, at iba pang kaugnay na issues at concerns. Ang pulong ay pinangunahan ng Traffic Management Task Force.

 

 

14. MDRRMC, Dagliang Umaksyon sa Pagbaha

 

Dahil sa mga naging pagbaha dulot ng bagyong 'Crising' at habagat, na-activate ang mga Quick Response Team ng MDRRM Council upang maghatid ng sari-saring serbisyo, kabilang ang:

 

- pagpupulong,

- mga anunsyo sa social media, [RJ: SHOW SCREENSHOTS FROM BALON BYB]

- pakikipagkomunikasyon at koordinasyon sa mga barangay DRRM council, [SHOW MATCHING PHOTOS FOR EACH BULLET IF POSSIBLE]

- paghahanda sa mga evacuation center,

- actual rescue operations,

- paghatid ng food packs,

- medical checkup at pamimigay ng gamot, prophylaxis, at vitamins,

- pag-monitor ng Agno River at tubig baha sa mga apektadong barangay,

- at iba pa.

 

 

15. Mga OFW, Sumabak sa Visual Graphics Training

 

Isang libreng 2-day training sa visual graphics ang inorganisa ng OWWA Regional Office sa pakikipagtulungan ng PESO-Bayambang, upang mabigyan ng teknikal na kapasidad ang mga OFW para magkaroon ng iba pang livelihood skills para sa trabaho o negosyo man. Ito ay dinaluhan ng 25 local OFWs at kanilang mga pamilya sa Bayambang Polytechnic College.

 

 

16. Ilang Punong Barangay, Pinulong ukol sa Jumper Issue

 

Pinulong noong July 23 ng LGU ang mga Punong Barangay mula sa ilang barangay matapos matukoy ang presensya ng mga ilegal na koneksyon o "jumpers" sa kuryente sa kanilang area of responsibility. Ipinaalam sa kanila ang ginawang imbestigasyon, pagtanggal ng mga naturang jumper, paglipat sa barangay ng mga linya ng kuryente, pagsampa ng kaso sa mga lumabag, at pagtulong ng LGU sa pagbabalik ng mga apektadong streetlight at pagsagot sa re-connection fees.

 

 

17. Bahay Kubo, Tinanggap ng PNP

 

Isang bahay kubo ang opisyal na ipinagkaloob sa PNP Bayambang bilang karagdagang pasilidad sa kanilang checkpoint area sa Brgy. Nalsian Sur  noong July 23. Ang unit ng naturang kubo ay nagkakahalaga ng P75,000 na pinondohan ng tanggapan ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Ito ay magsisilbing pahingahan at pansamantalang opisina ng mga pulis na naka-duty sa naturang checkpoint.

 

 

 

 

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO!

Bayambang, dapat alam mo na umabot sa 1,662,094.47 ang kabuuang binayaran ng ating LGU para lang sa kuryente noong buwan ng Mayo 2025. Oo, buwan lamang ng Mayo! At sa halagang yan, halos 299,000.00 ay napunta lang sa streetlights!

Dapat, alam mo rin na ayon sa pagsusuri, 17.99% ng total na bayarin sa kuryente ay galing lamang sa mga streetlight na dapat ay gabi lang bukas—pero bakit parang 24/7 ang saksak? Hmm… may somethingggggg...

Bayambang, dapat alam mo na natuklasan sa joint inspection ng CENPELCO, Internal Audit Service, Accounting, at Engineering Office na maraming barangay ang nagkaroon ng ilegal na koneksyon o jumper sa mga poste ng streetlight sa Poblacion. Ibig sabihin, may mga kumakabit nang palihim at nagpapakuryente na hindi naman authorized. Kaloka no? May mga “naka-free trial” ng kuryente!

Dapat alam mo rin na agad itong inaksyunan ng LGU. Isinagawa ang malawakang disconnection sa bawat barangay para tuldukan ang ilegal na koneksyon. Hindi na ito palalampasin—simula ngayon, pananagutan na ng bawat barangay ang sarili nilang electric consumption.

Bayambang, dapat alam mo na ang pondong matitipid ng LGU mula sa pagtanggal ng mga jumper ay mapupunta na ngayon sa mga mas kapaki-pakinabang na proyekto—gaya ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura, at serbisyo sa mamamayan.

 

Dapat alam mo na ang kuryente ay hindi libre, at ang pondo ng bayan ay hindi dapat abusuhin. Kung may jumper sa kuryente, may tagas din sa tiwala ng taumbayan. Damay din tayong lahat na nagbabayad ng tapat, dahil ang mga tagas mula sa paggamit ng jumper ay sasagutin natin bilang paying consumer-members.

 

Dapat alam mo rin na upang siguraduhin na may ilaw ang lahat ng kalsada na pinutulan ay sinagot muna ng LGU ang reconnection fee dahil hindi pa ito kasama sa budget ng barangay. Sasagutin ang mga ito ng LGU upang masigurong maliwanag ang mga daan.

 

Dapat alam mo rin na ang jumper ay isang uri ng pagnanakaw, at mariing kinukundina ito ng LGU.

 

Dapat maging matapat at disiplinado tayo. Kung may mga ganitong mga bagay na alam kayo, maaari itong ireport sa #4357. Magmensahe lamang sa mga official Facebook page ng LGU.

 

Kaya mga kababayan, wag mag-jumper, wag kumabit at magnakaw ng kuryente. Tandaan mo, Bayambang, ang lahat ng ito, ay Dapat Alam Mo!

 

[OUTRO]

NEWSCASTER 1: Sa bayan nating may puso, may direksyon, at may malasakit, ang serbisyo ay tuluy-tuloy.

NEWSCASTER 2: At sa bawat ulat na aming hatid, nariyan ang pangakong hindi kayo pababayaan.

NEWSCASTER 1: Ako po si ___, kaisa ninyo sa pagpapatuloy ng tunay na pagbabago.

NEWSCASTER 2: Patuloy na naglilingkod sa inyo, sa ngalan ng LGU-Bayambang. Hanggang sa susunod na linggo.

SABAY: Ito ang.... BayambangueNews!

 

No comments:

Post a Comment