BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! - Ang Paggamit ng Jumper ay Pagnanakaw
Bayambang, dapat alam mo na umabot sa ₱1,662,094.47 ang kabuuang binayaran ng ating LGU para lang sa kuryente noong buwan ng Mayo 2025. Oo, buwan lamang ng Mayo! At sa halagang ‘yan, halos ₱299,000.00 ay napunta lang sa streetlights!
Dapat, alam mo rin na ayon sa pagsusuri, 17.99% ng total na bayarin sa kuryente ay galing lamang sa mga streetlight na dapat ay gabi lang bukas—pero bakit parang 24/7 ang saksak? Hmm… may somethingggggg...
Bayambang, dapat alam mo na natuklasan sa joint inspection ng CENPELCO, Internal Audit Service, Accounting, at Engineering Office na maraming barangay ang nagkaroon ng ilegal na koneksyon o jumper sa mga poste ng streetlight sa Poblacion. Ibig sabihin, may mga kumakabit nang palihim at nagpapakuryente na hindi naman authorized. Kaloka no? May mga “naka-free trial” ng kuryente!
Dapat alam mo rin na agad itong inaksyunan ng LGU. Isinagawa ang malawakang disconnection sa bawat barangay para tuldukan ang ilegal na koneksyon. Hindi na ito palalampasin—simula ngayon, pananagutan na ng bawat barangay ang sarili nilang electric consumption.
Bayambang, dapat alam mo na ang pondong matitipid ng LGU mula sa pagtanggal ng mga jumper ay mapupunta na ngayon sa mga mas kapaki-pakinabang na proyekto—gaya ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura, at serbisyo sa mamamayan.
Dapat alam mo na ang kuryente ay hindi libre, at ang pondo ng bayan ay hindi dapat abusuhin. Kung may jumper sa kuryente, may tagas din sa tiwala ng taumbayan. Damay din tayong lahat na nagbabayad ng tapat, dahil ang mga tagas mula sa paggamit ng jumper ay sasagutin natin bilang paying consumer-members.
Dapat alam mo rin na upang siguraduhin na may ilaw ang lahat ng kalsada na pinutulan ay sinagot muna ng LGU ang reconnection fee dahil hindi pa ito kasama sa budget ng barangay. Sasagutin ang mga ito ng LGU upang masigurong maliwanag ang mga daan.
Dapat alam mo rin na ang jumper ay isang uri ng pagnanakaw, at mariing kinukundina ito ng LGU.
Dapat maging matapat at disiplinado tayo. Kung may mga ganitong mga bagay na alam kayo, maaari itong ireport sa #4357. Magmensahe lamang sa mga official Facebook page ng LGU.
Kaya mga kababayan, ‘wag mag-jumper, ‘wag kumabit at magnakaw ng kuryente. Tandaan mo, Bayambang, ang lahat ng ito, ay Dapat Alam Mo!
No comments:
Post a Comment