SAAN MAAARING MAG-PARK SA BAYAMBANG?
(Gabay sa Pagpaparada ng Sasakyan)
Upang maiwasan ang kalituhan at mas mapagaan ang daloy ng trapiko, inilatag ng Pamahalaang Lokal ng Bayambang ang mga itinalagang parking spaces para sa iba’t ibang uri ng sasakyan.
Ito ay bilang pagsunod na rin sa pinakahuling road-clearing guidelines ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ayon sa Memorandum Circular No. 2024-053.
Narito ang kumpletong gabay:
I. FREE PARKING AREAS
Ito ang mga lugar na maaaring pagparadahan nang walang bayad:
1. Old Central School Ground
—Para sa lahat ng private vehicles. Ito ay nagsisilbing temporary free parking area habang nagpapatuloy ang mga proyekto sa bayan.
2. Tabi ng Highway Public Assistance Desk o HI-PAD (Harap ng Dating Yellow Building)
—Para sa motorcycles, e-bikes, at private vehicles. Malapit ito sa HI-PAD station kaya madaling ma-access ng mga motoristang dadaan o pansamantalang hihinto.
II. LGU PARKING AREA
Eksklusibo para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan:
1. Old Central School Ground (Near Municipal Engineering Office)
—Para sa LGU employees lamang. May nakalaan nang espasyo para sa kanilang mga sasakyan upang hindi makihalo sa mga public parking zones.
III. PAY PARKING AREAS
Ito naman ang mga lugar na may corresponding parking fee, partikular na para sa mas mataong bahagi ng bayan:
1. Harap ng Caragan Mini-Mart (Harapan at paligid ng Balon Bayambang Events Center) at Harap ng Rural Bank of Central Pangasinan hanggang Royal Mall (Harapan at paligid ng Municipal Plaza)
—Four Wheels (Private Cars and Similar Vehicles). Ang mga lugar na ito ang itinalaga bilang pay parking dahil mataas ang foot traffic at dami ng sasakyang pumaparada.
2. Truck Parking (Harapan ng Royal Supermarket)
—Katabi ng HI-PAD, bago pumasok sa Bayambang Tricycle Terminal. Ito ay eksklusibo para sa mga delivery trucks at malalaking sasakyan. Ito ang itinalagang pay parking area upang hindi nakaharang sa pangunahing kalsada ang malalaking sasakyan.
PAALALA SA PUBLIKO!
—Sundin ang nakatalagang signage at huwag basta-basta pumarada sa “No Parking Zones.”
—Ang maling pagparada ay maaaring magdulot ng abala, trapiko, o posibleng violation.
—Ang tamang paggamit ng parking areas ay nakatutulong hindi lamang sa motorista kundi sa mas maayos na daloy ng trapiko sa buong bayan.
Samantala, nrito ang mga health benefits na makukuha sa PAGLALAKAD:
1. Pampalakas ng puso
2. Pampababa ng blood pressure
3. Pampababa ng blood sugar
4. Pampabawas ng timbang
5. Pampatibay ng buto at kasu-kasuan
6. Pampaganda ng sirkulasyon ng dugo
7. Pampabawas ng stress at anxiety
8. Pampaganda ng mood (naglalabas ng endorphins)
9. Pampalakas ng baga
10. Pampahaba ng buhay
No comments:
Post a Comment