Thursday, October 9, 2025

Monday Report - October 13, 2026

 Monday Report - October 13, 2026

 

 

[INTRO]

 

NEWSCASTER 1: Masantos ya kabwasan, Bayambang! Kami ang inyong mga tagapaghatid ng tama, tapat, at napapanahong balita. Ako po si ___.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si __, at kami ay mula sa Office of Senior Citizen Affairs. …Mula sa bayang ang malasakit ay hindi salita kundi gawa...

 

NEWSCASTER 1: ...At ang bawat balita ay patunay ng pagkakaisa at pagkilos.

 

NEWSCASTER 2: Ito ang inyong lingguhang pagtanaw sa tunay na serbisyo...

 

SABAY: ...Ito ang….BayambangueNews.

 

 

***

 

[SALITAN NA KAYO RITO]

 

1. Mayor Niña, Nanguna sa PDRA para sa Bagyong "Paolo"

 

Muling pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang isang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) noong October 2, para sa bagyong 'Paolo,' kasama ang lahat ng miyembro ng Bayambang Municipal Disaster Risk Reduction Council. Kabilang sa mga nakilahok sa pulong ang lahat ng 77 Punong Barangay, kaya't sinamantala na rin ang pagkakataon upang magpapaalala naman ukol sa tamang waste disposal sa lahat ng kabahayan na malimit ding maging dahilan ng pagbaha. 

 

 

2. Planong School Infra Projects, Tinalakay ng LSB

Sa ginanap na pulong ng Local School Board noong October 2, tinalakay ang mga gagawing paghahanda para sa World Teachers’ Day celebration, Civil Service Awards, at ang supplemental budget ng Don Teofilo Elementary School. Pinag-usapan din ang mga panukalang proyekto tulad ng covered court para sa Tanolong National High School, drainage system sa Malioer Elementary School, konstruksyon ng bagong infrastructure building, at SPED comfort room sa Bayambang Central School.

 

 

3. LCRO, sa Ataynan naman Nag-info Drive

Noong October 2, nagpunta ang Local Civil Registry Office sa Ataynan Elementary School upang magsagawa ng info drive ukol sa tamang pagrerehistro, at magbigay ng mga update sa PSA memorandum circulars. Inimbitahan dito ang mga teachers, parents at barangay officials upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga civil registry records.

 

4. Huling Delivery ng SFP Food Items sa 2025, Ipinamahagi

Ang DSWD ay naghatid ng kanilang huling delivery ng mga perishable food items para sa Supplementary Feeding Program na ipinamahagi naman agad ng MSWDO-ECCD team sa may 2,530 Child Development Center enrolees nito para sa School Year 2025 to 2026. Ginanap ang delivery at distribution noong September 30.

 

 

5. Task Force Disiplina at LTO, Nagsanib-Puwersa!

Ang Task Force Disiplina ay nakipagsanib-puwersa sa Land Transportation Office (LTO) upang maging mas maayos ang implementasyon ng lahat ng ordinansa. Tinalakay dito ng Task Force ang pagbibigay ng LTO ng mga training at seminar sa driver's education, lalo na ang ukol sa traffic laws, road safety, at proper driving practices, at iba pang kaugnay na paksa.

 

6. PWD Student, Global IT Challenge Qualifier

‎Noong October 6, kinilala ng LGU si Lina Junio ng Bayambang National High School, matapos siyang mapili bilang kinatawan ng Pilipinas sa Global IT Challenge for Youth with Disabilities 2025 na gaganapin sa Ulsan, South Korea. Ang kanyang paglahok sa kompetisyon ay all-expense paid sa tulong ng Persons with Disability Affairs Office.

 

7. ‎Mga Bagong Opisyal ng OFW Federation, Nanumpa

‎Nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Overseas Filipino Workers (OFW) Federation of Bayambang kay Mayor Niña noong October 6. Ang pagkakatatag ng pederasyon ay naglalayong palakasin ang suporta ng LGU sa mga OFW at kanilang pamilya sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan, at iba pa.

 

8. ‎Ceremonial Signing, Ginanap para sa Phase 2 FMR Project

Noong October 6, pormal na nilagdaan ang kontrata para sa Phase 2 ng San Gabriel 2nd-to-Pantol Farm-to-Market Road Project na isang 284-million-pesos grant mula sa World Bank at Department of Agriculture-PRDP. Pinangunahan nina Mayor Niña at G. Rogelio Sepian ng RS Sepian Construction ang ceremonial signing, kasama ng mga opisyal ng LGU. Ang naturang daan ay magpapabilis sa daloy ng mga produktong agrikultural mula Barangay San Gabriel II at Pantol patungo sa mga merkado.

 

9. Municipal Museum, May Pa-contest sa mga Vloggers

 

Noong October 9, binuksan ng Bayambang Municipal Museum ang pintuan nito upang i-welcome ang iba’t ibang vloggers na nais sumali sa Creative Vlog Challenge. Ito ay isang patimpalak na parte ng pagdiriwang ng Museum and Galleries Month, na may temang, “Resilient Museums and Galleries Educating for Preparedness and Recovery.”

 

10. Tradisyon sa Pagbuburo, Isinalin sa Kabataan

Bilang isa sa mga pambungad na aktibidad para sa selebrasyon ng Bayambang Tourism Month 2025, itinampok ang “Buro-Licious: Native Delicacy Demo” noong October 3 sa PSU-DOST R1 Food Innovation Center, PSU-Bayambang. Pinangunahan ni G. Norberto de Vera ng Nanay Doray’s Buro ang live na demonstrasyon ng paggawa ng burong isda, isang tradisyunal na pagkaing tatak-Bayambang na patuloy na ipinagmamalaki ng bayan. Layunin ng aktibidad na ipreserba at ipromote ang nasabing delicacy sa pamamagitan ng pagsalin ng teknolohiya sa mga kabataan.

 

11. Buklat Aklat Project, Dinala sa Tamaro-Tambac ES

 

Ang proyektong "Buklat Aklat” ni Mayor Niña ay nagpatuloy sa Tamaro-Tambac Elementary School noong October 9 upang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral doon na makaranas ng book reading session at mahasa ang kanilang reading skills at hindi mapag-iwanan sa edukasyon. Naging guest storyteller si Coun. Nazer David Jan Junio kasama ang LYDO, SK Federation, MNAO, BPRAT, at Task Force Disiplina, at sponsors na Team Gabriel at Bayambang Matikas Eagles Club.

 

 

12. Mga Sirang Streetlights, Pinalitan ng Solar Streetlights 

 

Ang Engineering Office ay nagpalit ng mga busted streetlights upang gawing solar streetlight fixtures sa kahabaan ng Quezon Blvd. mula Bayambang National High School hanggang Public Cemetery noong October 9. Ito ay bahagi ng preparasyon para sa papalapit na Undas at bilang parte na rin ng transition to renewable energy and solar streetlights ng bayan ng Bayambang.  Ang Engineering Office staff ay tinulungan ng manlift truck ng MDRRMO at CENPELCO.

 

13. Mga BHW, Tumanggap ng Ayudang AKAP

 

Noong October 10, may 615 na Barangay Health Workers (BHW) ang tumanggap ng ayudang AKAP ng DSWD o Ayuda sa Kapos ang Kita Program na nagkakahalaga ng P2,000 bawat isa. Ginanap ang payout sa Barangay Alinggan Covered Court sa tulong ng MSWDO.

 

 

14. Bayambang M.C.D.O, Nakilahok sa Provincial Tree-Growing Activity

 

Ang Municipal Cooperative Development Office ay aktibong  nakilahok sa provincial tree-growing activity sa Daang Kalikasan, Mangatarem, Pangasinan bilang parte ng pagdiriwang ng 2025 National Cooperative Development Month sa ilalim ng Pangasinan Green Canopy Program noong October 9.

 

 

15. Virtual Assistant and Work-From-Home Skills Training, Handog sa mga Kawani ng LGU

 

Isang Virtual Assistant and Work-From-Home Skills Training ang inihandog ng PESO-Bayambang para sa 30 empleyado ng LGU noong October 10-11. Layunin ng pagsasanay na turuan ang mga indibidwal ng mga kasanayan at kaalaman para makapagtrabaho sa bakanteng oras online bilang virtual assistant o remote worker na makakatulong sa kanila na madagdagan ang kita.

 

***

 

Bayambang, Dapat Alam Mo!

 

Anu-ano nga ba ang mga serbisyong ibinibigay ng LGU sa ating mga senior citizen?

 

Bayambang, dapat alam mo na -- sa pamamagitan ng MSWDO at Office of Senior Citizen Affairs -- kabilang sa ELDERLY WELFARE SERVICES ang mga sumusunod:

 

- Maintenance and Updating of Senior Citizen Database ID        

- Issuance of Senior Citizen ID and Purchase Booklet

- Distribution of Purchase Booklet for Medicine and Grocery    

- Assistance to DSWD in Social Pension Pay-outs

 

Pagdating naman sa mga centenarian, dapat alam mo na ang isang residente ay itinuturing na centenarian kapag narating na ang edad na 100 sa araw ng pag-report sa opisina ng MSWDO.

 

Upang maclaim ang mandatory cash gift na P100,000 ng centenarian mula sa National Commission on Senior Citizens, kailangang magsumite ng mga sumusunod na requirements:

 

======================================================

 

[DON'T READ THIS PORTION -- JUST FLASH ONSCREEN ]

 

Requirements

 

1. Application Form

 

2. Primary Identification

 

• Photocopy of National ID (Philsys ID) or

• PSA Original or Certified True Copy of Live Birth Certificate

 

3. Recent 2" by 2" ID Photo and Full Body Picture printed in A4 paper

 

4. Endorsement Letter

 

Endorsement letter from the Local Chief Executive where the applicant resides. For Filipinos abroad, an endorsement from the PE/Consulate, DFA, DMW, or CFO is acceptable.

 

For Deceased Potential Beneficiaries

 

a. Original death certificate.

b. Photocopy of a valid ID of the nearest relative.

c. Photocopy of proof of relationship (e.g., birth or marriage certificate).

d. If multiple relatives, a settlement must authorize one to receive the benefits and a release from liability form (Annex "B").

 

Note: Senior citizens need to be registered with the National Commission of Senior Citizens (NCSC).

 

Reference: Expanded Centenarian | NCSC https://www.ncsc.gov.ph

 

[DON'T READ THIS PORTION -- JUST FLASH ONSCREEN] 

 

======================================================

 

Mayroon din silang natatanggap na counterpart cash gift mula sa LGU na nagkakahalaga ng P50,000.

 

Sa ilalim ng Expanded Centenarians Act, di lang mga senior citizen na edad 100 kundi pati na rin ang mga edad 80, 85, 90, at 95 ang maaaring makapag-avail ng cash grant mula sa National Commission of Senior Citizens.

 

Ang mga may nasabing edad ay makatatanggap naman ng P10,000 cash each.

 

Bayambang, ang lahat ng ito ay... dapat alam mo!

 

***

 

[OUTRO]

NEWSCASTER 1: Mula sa mga proyekto ng LGU hanggang sa mga tagumpay ng bawat Bayambangueño, salamat sa pagtutok.

NEWSCASTER 2: Sama-sama pa rin tayo sa bawat hakbang, bawat kwento, at bawat tagumpay ng ating bayan.

NEWSCASTER 1: Ako po si ___, kasama sa pagsulong ng bukas na mas maganda.

NEWSCASTER 2: At ako po si ___, mula sa Office of Senior Citizen Affairs, kaisa ninyo sa serbisyong tunay at may puso.

SABAY: Ito ang... BayambangueNews!

 

No comments:

Post a Comment