It's Trivia Time!
Alam ba ninyo na sa ating bayan ng Bayambang at probinsiya ng Pangasinan, mayroong mga tradisyunal na gulay na nakakalimutan na, subalit ang mga ito ay puno ng sustansya?
Ayon sa isang pag-aaral ng mga taga-PSU, ilan sa mga ito ay ang papait (Mollugo oppositofolia), pansit-pansitan (Peperomia pellucida), talinum (Talinum paniculatum), ngalog (Portulaca oleracea), binahian o Chinese malunggay (Sauropus androgynous), kilitis o kalunay (Amaranthus viridis), sabsabitan (Amaranthus spinosus), tapingar o maraotong (Acalypha indica), tigi o pungapung (Amorphophallus campanulatus), pantug-pantugan o itlog gagamba (Physalis minima), sili-silihan (Polanisia icosandra), dilang-baka (Opuntia cochinillifera), bagbagkong (Dregea volubilis), samsamping (Clitoria ternatea), takipkuhol (Centella asiatica), at purpuriket o Philippine ashitaba (Gynura procumbens).
Nakakain din ang bunga ng pipinito o wild pipino (Melothria pendula), ivy gourd (Coccinia grandis), tabtabukol (Trianthema portulacastrum), at bulaklak ng baeg o himbabao (Broussonetia luzonica), dahon ng karimbuaya (Euphorbia neriifolia), bulaklak ng cabeza de turco (Cereus hildmannianus), bulaklak ng madre kakaw (Gliricidia sepium), at bunga-bunga o lupo (Alternanthera sessilis).
Karamihan sa mga ito ay mga indigenous species o katutubong uri ng halaman, at mayaman sa macro- at micronutrients kaya’t maaaring ihalo sa lutuing gulay o kainin ng hilaw bilang salad.
Atin muling tuklasin kung aling parte ang kinakain sa mga halaman na ito na maaari nating pitasin ng libre sa mga sakahan at sa paligid-ligid o hingin lamang sa kapitbahay!
No comments:
Post a Comment