Monday, March 3, 2025

LGU Accomplishments - February 2025

 

SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT

 

EDUCATION FOR ALL

 

- (LSB, Library, DepEd)

 

CHED, May TES Grants

 

Ang Commission on Higher Education ay namahagi ng mga Tertiary Education Subsidy o TES grant at scholarship opportunities. Sila rin ay nagsagawa ng scholarship campaign upang hikayatin ang mga estudyante na mag-avail ng mga scholarship program ng gobyerno.

 

Unang Ginang at CHED Chairman, Nanguna sa BPC Groundbreaking

 

Nanguna si Unang Ginang Louise Araneta-Marcos at Commission on Higher Education, Dr. J. Prospero 'Popoy' de Vera III, sa groundbreaking ceremony para sa pagpapatayo ng Bayambang Polytechnic College Academic Building I at Campus sa Brgy. Bical Norte. Kasama siyempre ang founder ng BPC na si Dr. Cezar Quiambao at BPC College President, Dr. Rafael Saygo sa naturang seremonya.

 

Ferrer Family, Muling Nagdonate ng mga Aklat

 

Ang LGU ay muling nagpapasalamat kay Mr. Joey M. Ferrer at kanyang pamilya ng Roxas St., Bayambang at Pittsburg, California, sa kanilang bagong batch ng mga donasyong libro at kagamitan sa iba't ibang paaralan at indibidwal sa Bayambang. Mula noon pa, ang pamilya Ferrer ay isa sa mga malimit magdonate ng mga aklat sa ating Municipal Library.

 

𝗣𝗵𝗮𝘀𝗲 2 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗸𝗹𝗮𝘁 𝗔𝗸𝗹𝗮𝘁 𝗧𝘂𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, 𝗡𝗮𝗴-𝘂𝗺𝗽𝗶𝘀𝗮 𝗡𝗮

Ang Phase 2 ng Buklat Aklat tutorial program ni Mayor Niña Jose-Quiambao ay inumpisahan noong February 22, sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan at Local Youth Development Office. Nagsilbing volunteers ang mga SK members at ilang teachers, at sila ay nagtungo sa Alinggan-Banaban, Tococ East-West, at San Gabriel-Iton Elementary School. Ang inisyatibong ito na naglalayong tulungan ang ilang target readers at learners ay magtatapos sa loob ng sampung linggo.

 

St. Vincent Student-Journalists, Media Partner ng LGU sa Town Fiesta

 

Ngayong taon, ang mga student-journalist naman ng Saint Vincent's Catholic School ang sumunod na naimbitahang media partner ng LGU-Bayambang para sa news coverage sa darating na selebrasyon ng Town Fiesta 2025. Sa pulong na ginanap sa Tourism & Information Office, tinalakay ang iba’t-ibang aktibidad na magaganap sa darating na Pista’y Baley 2025 at kung paano ang mga ito dapat maiulat nang maayos.

 

 

HEALTH FOR ALL

 

- Health (RHUs)

 

Libu-Libong Bayambangueno, Sumali sa 1st Toothbrushing Marathon

 

Muli na namang gumawa ng kasaysayan ang oral health team ng Municipal Health Office, nang magsagawa ito ng first-ever municipal-wide toothbrushing marathon bilang pakikiisa sa National Toothbrushing Day,  kung saan imbitado ang lahat ng residente na sumali sa pagpatak ng ala-una ng hapon noong Lunes, February 3. Ang lahat ng participants ay inabisuhang magpost sa social media ng kanilang video o selfie ng nasabing aktibidad. Sa huli ay nagtala ang aktibidad ng 3,670 participants, kung saan karamihan sa mga sumali ay mga learners ng 77 Child Development Centers.

 

Kick-Off Ceremony, Idinaos para 𝘀𝗮 21𝘀𝘁 𝗢𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵

 

Noong February 5, isang kick-off ceremony ang isinagawa ng Municipal Health Office (MHO) para sa 21st National Oral Health Month, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Dental Association (PDA) Pangasinan Chapter. Ito ay inumpisahan sa isang parada at float presentation kasama ang lahat ng Child Development Centers. Sumunod naman ang isang programa sa Events Center kung saan tampok ang iba't ibang aktibidad na nagbigay-diin sa kahalagahan ng oral health.

 

Proyektong 'Lab for All' ng Unang Ginang, Dinala sa Bayambang

 

Naging matagumpay ang pagdala ng Unang Ginang Louise Araneta-Marcos ng proyekto nitong Lab for All sa Bayambang, na isinabay sa pagbabalik ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan project ng administrasyong Quiambao-Sabangan. Ito ay sinimulan sa Obillo Elementary School sa Brgy. Pantol at Caturay Elementary School noong February 3 at 4, at nagpatuloy noong February 6 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

 

Kabilang sa mga serbisyong handog ng Lab for All ay libreng laboratory tests, libreng medical services, kabilang ang mga serbisyo ng mga espeyalista, libreng dental services, at iba pang serbisyo, bukod pa sa mga serbisyong mula sa iba't ibang mga departamento ng LGU. Nagkaroon ng ENT at OB Gyne, pedia, at ophthalmic consultation kabilang ang cataract screening. Mayroon ding minor surgery para sa mga may mass at libreng tuli, at mayroon ding mga major surgery.

 

PCSO at Grand 88, Namigay ng Mobile Clinic 

 

Iba't ibang departamento at ahensya naman mula sa national government ang bumisita at may dala-dalang sari-saring tulong.

 

A. Namigay ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO at Grand 88 Gaming Corp. ng isang Mobile Clinic sa LGU Bayambang na magagamit natin sa kada may Komprehensibong Serbisyo sa mga barangay.

 

B. Ang PCSO ay nagbigay din ng 1,500 Charitimba food packs sa mga rehistradong miyembro ng Bayambang Federation of Tricycle Operators and Drivers Associations.

 

1,500 Katao, Benepisyaryo ng DSWD-AICS

 

Ang Department of Social Welfare and Development ay namahagi ng cash grant sa 1,500 na katao sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations program nito. Ang ahensya ay namigay rin ng cash grants sa walong SLP o Sustainable Livelihood Program Associations at pati na rin mga food packs.

 

𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭-𝐓𝐢𝐦𝐞 𝐌𝐨𝐦𝐬 𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐁𝐮𝐧𝐭𝐢𝐬, 𝐃𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐉𝐊𝐐 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 & 𝐖𝐞𝐥𝐥𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫

 

Bilang parte ng 2025 Oral Health Month Celebration, ang PDA Pangasinan Chapter kasama ang mga Rural Health Unit ay nagsagawa ulit ng seminar para sa unang batch ng first-time moms na kasali sa Project Buntis, at ito ay ginanap sa JKQ Medical & Wellness Center. Sila ay nakinig sa lecture ukol sa "Nutrition during Pregnancy" at "Maternal Health," at binigyan ng libreng oral prophylaxis.

 

𝐃𝐞𝐦𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐛𝐢𝐥𝐞 𝐂𝐥𝐢𝐧𝐢𝐜

 

A. Ang mga nurse at medical technologist ng mga Rural Health Units ay nakinig sa demonstration sa tamang paggamit ng Mobile Clinic na idinonate kamakailan sa LGU-Bayambang ng PCSO at Grand 88 Corp. Ang mga gagamit sa Mobile Clinic ay maaaring makapag-avail ng libreng X-ray, ECG, blood chemistry test, at urinalysis. Ang mobile clinic ay pagmamay-ari na ng LGU at gagamitin tuwing mag-iikot sa mga barangay lalo na kapag may Komprehensibong Serbisyo sa Bayan.

B. Sa sumunod na araw, ang mobile clinic bus ay binasbasan sa isang simpleng blessing ceremony.

 

𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐃𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬, 𝐈𝐧𝐢𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐬𝐚 "𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐇𝐎𝐏𝐄"

 

Noong February 21, isang seminar at serbisyong pangkalusugan sa ngipin ang isinagawa para sa mga mag-aaral mula sa  Inclusive Education Program ng Bayambang National High School. Ito ay ang "Project HOPE o Healthy Oral Practices for the Empowerment of Students with Disabilities" na parte ng Oral Health Month Celebration 2025. Layunin ng proyekto na ipalaganap ang inklusibong pangangalaga sa oral health upang ang lahat, anuman ang kanilang kakayahan, ay may pantay na access sa tamang edukasyon at serbisyo sa oral at dental health.

 

 

 

- Nutrition (MNAO)

 

 

- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)

 

 

 

- Veterinary Services (Mun. Vet.)

 

 

– Slaughterhouse

 

 

 PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN

 

 

- Social Services (MSWDO, MAC)

 

Senate Public Assistance Office, Namahagi ng mga Guarantee Letter

 

Ang Senate Public Assistance Office ay namahagi ng mga guarantee letter para sa iba't ibang medical assistance.

 

 

PAG-IBIG Fund, Dumating Din

 

Ang PAG-IBIG Fund ay nagbigay ng Lingkod Pag-Ibig on Wheels. Kabilang sa mga serbisyong kanilang hatid ay ang pagsagot sa mga inquiries, registration, Loyalty Card Plus application, verification ng contribution, housing loan, at Provident claims application. 

 

𝐅𝐨𝐨𝐝 𝐏𝐚𝐜𝐤𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 DSWD 𝐅𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, 𝐃𝐮𝐦𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠

 

Dumating noong February 7 ang partial set ng food packs mula sa DSWD na parte ng pagpapatuloy ng Supplemental Feeding Program ng ahensya para sa 14th cycle. Ang mga food packs ay agarang ipinamahagi ng MSWDO sa mga Child Development Workers ng 77 Child Development Centers sa Bayambang.

 

𝗖𝗩𝗢𝘀, 𝗧𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗻𝗴 Amelioration Pay 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 Probinsya

 

May 1,494 barangay tanod o CVOs ang nakatanggap ng financial grant mula sa pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Ramon Guico III, sa taunang amelioration pay distrubution noong Febraury 11. Bilang pagkilala sa kanilang serbisyo, bawat benepisyaryo ay tumanggap ng tig-iisang libong piso at Guiconsulta Card, isang lifetime health insurance card at digital medical record na magagamit nila sa pag-avail ng mga serbisyong medikal ng provincial government.

 

 

 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬, 𝐌𝐚𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐠𝐝𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐕𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐢𝐧𝐞'𝐬 𝐃𝐚𝐲!

 

Ang Federation of Senior Citizen Associations of Bayambang (FSCAB) ay masayang nag-bonding sa idinaos na Valentine's Day celebration noong February 11 sa Events Center. Sa buong suporta ni Mayor Nina, ito ay dinaluhan ng 77 senior citizen association presidents. Sa ngalan ni Mayor Niña, naghatid ng mensahe ang Focal Person on Senior Citizens ng BPRAT na si John Paul Domingo. Naghandog naman ng palaro at papremyo si Bayambang Integrated Business Association President Younne Bautista.

 

𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐍𝐢ñ𝐚, 𝐌𝐚𝐲 𝐕𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐢𝐧𝐞'𝐬 𝐃𝐚𝐲 𝐈𝐜𝐞 𝐂𝐫𝐞𝐚𝐦 𝐓𝐫𝐞𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐰𝐚𝐧𝐢 𝐚𝐭 𝐊𝐥𝐢𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞

 

Bilang parte ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, naghandog si Mayor Niña Jose-Quiambao ng surpresang ice cream treat sa lahat ng mga empleyado at kliyente ng munisipyo noong February 17. Ang lahat ng agency at department at unit heads naman ay binigyan ng espesyal na Purple Oven brownies.

 

 

1,000 Katao, Benepisyaryo ng Ayudang AICS

 

Noong February 20, may 1,000 katao ang naging benepisyaryo ng ayuda ng DSWD na AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation. Bawat isa ay nakatanggap ng P3,000 cash sa tulong ng tanggapan ni Sen. Imee Marcos, sa payout na ginanap sa St. Vincent Ferrer Prayer Park.

 

Mga Barangay, Nakatanggap ng Tig-isang Sako ng Bigas mula kay Mayor Niña

 

Ang mga 77 barangays ay nakatanggap ng tig-iisang 25-kilo na bigas mula kay Mayor Niña noong February 19. Ito ay magagamit ng mga kapitan para may supply ng pagkain ang mga Civilian Volunteer Officers at iba pang barangay officials habang ang mga ito ay naka-duty sa mga Barangay Hall.

 

Mayor Niña, Pinadalahan ng Agarang Tulong ang Isang Ina sa Amanperez

 

Isang ina na taga-Brgy. Amanperez ang pinadalahan ng agarang tulong ni Mayor Niña matapos malaman ang kalagayan nito. Ang ina ay isang labandera at wala nang asawa. Isa sa mga anak nito ay na-stroke at ang isa naman ay may sakit sa pag-iisip. Kaya naman agad na binigyan ng ayuda ang ina at ipinadala sa ospital ang anak. Bilang parte ng pagdiriwang ng Women's Month, patuloy nating hangaan ang mga ina na tumatayong poste, ilaw, at dingding ng tahanan.

 

1,𝟓𝟎𝟎 𝐧𝐚 𝐒𝐨𝐥𝐨 𝐏𝐚𝐫𝐞𝐧𝐭𝐬, 𝐃𝐮𝐦𝐚𝐥𝐨 𝐬𝐚 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲

 

Isang orientation activity para sa 1,500 na solo parents ang isinagawa ng MSWDO noong February 21. Ipinaliwanag dito ang batas ukol sa solo parents, mga benepisyo ng naturang batas, at mga kinakailangang dokumento para sa pagpaparehistro sa kanilang tanggapan bilang solo parents. Namahagi rin ng mga Solo Parent ID sa lahat ng nakapasa sa massive validation na isinagawa ng tanggapan noong nakaraang taon.

 

𝗚𝗔𝗗 𝗔𝗴𝗲𝗻𝗱𝗮, 𝗠𝗮𝘀 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴-𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀𝗵𝗼𝗽

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng LGU Bayambang sa pagsusulong ng Gender and Development (GAD), matagumpay na isinagawa ang “Training-Workshop on the Formulation of GAD Agenda” noong Pebrero 26-27. Sa pangunguna ng MSWDO at GAD Focal Point System members, layunin ng pagsasanay na patuloy na palakasin ang adbokasiya ng Bayambang para sa gender equality at women empowerment, sa pamamagitan ng pagformulate ng 3-Year Municipal GAD Plan and Budget. Ito ay upang masiguro ang mas inklusibo at progresibong serbisyo sa komunidad.

 

Bayambanguena, Wagi sa Provincial Level ng Juana Malakas

 

Isang 4Ps member na si Analiza Natividad ng Brgy. Sancagulis ang nagwagi sa provincial level ng kumpetisyon ng DSWD na tinaguriang “Juana Malakas: Stories of Women Empowerment,” dahil sa kanyang natatanging achievements bilang 4Ps beneficiary. Matatandaang si Gng. Natividad ay isa ring Barangay Nutrition Scholar na naging Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) in the province of Pangasinan and one of the best performing BNSs in the region.

 

 

- Civil Registry Services (LCR)          

 

𝐋𝐂𝐑, 𝐃𝐮𝐦𝐚𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐢 𝐩𝐚𝐫𝐚 Mag-𝐈𝐧𝐟𝐨 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞

 

[SHORTEN] Noong February 7, nagpunta ang Local Civil Registry Office sa Bani Elementary School upang magsagawa ng info drive ukol sa tamang pagrerehistro at updates sa Philippine Statistics Authority memorandum circulars. Inimbitahan dito ang mga residente upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga Civil Registry records. Kasama rin dito ang Community Service Card team upang makapag-data capture at mag-asiste sa iba pang proseso ng Local Civil Registry.

 

 

57 Couples, Nag-isang-dibdib sa Kasalang Bayan 2025

 

Bilang parte ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Puso at Civil Registration Month, matagumpay na ikinasal ang 57 na magkasintahan sa isang engrandeng Kasalang Bayan na muling inihatid ng LGU sa pag-oorganisa ng Local Civil Registry Office noong February 13. Ang seremonyas na ginanap sa Events Center ay pinangunahan ni Municipal Trial Court Presiding Judge Djoanivie Jomare Junasa at iba pang Municipal Officials. Gaya noong mga nakaraan, ang 57 couples ay nabiyayaan ng mga libreng regalo mula sa mga opisyal at sa LGU.

 

LCR, May 1-Day Free Issuance ng Civil Registry Documents

 

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-35 Civil Registration Month, nagsagawa ang Local Civil Registry (LCR) ng libreng issuance ng civil registry documents para sa mga Bayambangueño noong February 19. Sa naturang aktibidad, maraming residente ang naisyuhan ng mahahalagang dokumento ng libre tulad ng birth certificate, marriage certificate, at death certificate, kaya't nakatipid sa gastusin ang mga naturang kliyente sa araw na iyon.

 

𝐈𝐧𝐟𝐨 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐧𝐠 𝐋𝐂𝐑, 𝐃𝐮𝐦𝐚𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐀𝐦𝐚𝐧𝐜𝐨𝐬𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠

 

Noong February 21, nagpunta ang Local Civil Registry Office sa Amancosiling Elementary School upang magsagawa ng information campaign ukol sa tamang pagrerehistro at mga update sa Memorandum Circulars ng Philippine Statistics Office. Sa aktibidad, mas napalawak pa ang kaalaman ng mga residente sa civil registration upang maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga civil registry records.

 

 

- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)

 

𝐄𝐒𝐖𝐌𝐎, Nagseminar ukol sa Operasyon ng 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐨𝐬𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐅𝐚𝐜𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲

 

Ang ESWMO-Bayambang ay nakilahok sa isang training-seminar na Capacity Enhancement on the Operation and Maintenance of Composting Facilities for Biodegradable Waste noong February 4-5 sa San Carlos City.

Matatandaang ang nasabing composting facility ay iniaward sa LGU-Bayambang ng Bureau of Soil and Water Management noong December 2024.

 

 

𝐄𝐧𝐞𝐫𝐠𝐲 𝐄𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐞𝐫𝐯𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐨𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐭𝐨𝐫𝐬, 𝐈𝐧𝐨𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭 𝐮𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐧𝐠𝐤𝐮𝐥𝐢𝐧

 

Noong February 5, pinulong ni Engr. Rudyfer Macaranas, bilang Energy Efficiency and Conservation (EEC) Officer ng LGU, ang lahat ng mga EEC Coordinators mula sa iba't ibang departamento, Inter-Agency EEC Committee members, at EEC Task Force members, upang talakayin ang mga dapat gawin ng inatasang EEC Coordination Task Force members. Ito ay upang maayos na makasunod ang LGU sa batas ukol sa energy conservation at makatipid ng husto sa pagkonsumo ng kuryente.

 

 

- Youth Development (LYDO, SK)

 

 

 

 

 

𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐈𝐧𝐢𝐭𝐢𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞𝐬, 𝐓𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝟏𝐐 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥

 

Noong February 17, ang Local Youth Development Council (LDYC) ay nagdaos ng 1st quarterly meeting para sa recomposition ng LYDC at upang tipunin ang mga youth leaders at stakeholders at talakayin at mag-strategize ukol sa mga key youth development initiatives sa ating komunidad. Kabilang sa mga pinag-usapan ay ang LYDC committee membership, roles and responsibilities ng Bantay Kabataan, partnerships sa mga youth-centered projects, formulation ng Local Youth Development Plan, at ang nakatakdang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.

 

 

 

 

- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)

 

LTO, Nagdaos ng Libreng Driving Course

 

A. Ang Land Transportation Office (LTO), sa pakikipag-ugnayan sa LGU-Bayambang, ay nagsagawa ng isang libreng 2-day Theoretical Driving Course sa mahigit 150 katao. Ito ay nauna nang isinagawa noong January 1-2 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Naroon sa nasabing aktibidad si LTO Regional Director, Glorioso Daniel Martinez at mga LTO chiefs.

 

B. Ang Land Transportation Office ay namahagi rin ng mga plaka, at nagbigay ng assistance sa aplikasyon para sa driver's license at vehicle registration.

 

C. Nagbigay din ng libreng sakay ang LTO patungo at paalis ng venue para sa Lab for All.

 

𝐁𝐏𝐒𝐎 𝐒𝐭𝐚𝐟𝐟, 𝐈𝐧𝐨𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲

 

Ang Bayambang Public Safety Office (BPSO) ay nagdaos ng general assembly noong February 8, kung saan tinalakay ng BPSO Chief ang mga polisiya ng departamento at duties at responsibilities ng mga tauhan nito, mga legal basis at concerns, mga polisiya ng LGU sa iba't ibang aspeto, gaya ng leave credits, penalties, at pati na rin health benefits.

 

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐊𝐫𝐢𝐦𝐞𝐧 𝐀𝐭𝐛𝐩., 𝐓𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐬𝐚 Pulong

 

Sa first quarter meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) noong February 21, tinalakay ang mga issues and concerns patungkol sa anti-criminality, anti-insurgency, at anti-illegal drugs. Ipinaliwanag ng PNP na isang isolated case ang naiulat na kaso ng pagpatay sa isang dalagita kamakailan, at sa katotohanan ay bumaba ang crime rate sa Bayambang ng malaking porsiyento sa taong ito. Kanya ring pinabulaanan ang nagpapakalat ng fake news ukol sa kidnapping. Nanawagan naman si Mayor Niña sa lahat na palakasin ang pag-uugnayan sa pamilya at maging mapagmatyag sa paligid.

 

 

 

AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)

 

Farmers' Class, Idinaos ng OPAG

 

Isang Farmers' Class ang idinaos ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) at ng Municipal Agriculture Office sa ilalim ng Corporate Farming Program ng probinsya. Ang klaseng ito ay binubuo ng anim na session, at ang unang session ay ginanap sa Bani Barangay Hall noong January 30, kung saan ito ay may 30 participants.

 

DA, Nag-award ng Livelihood Projects, Atbp.

 

Ang Department of Agriculture ay namahagi ng seeds, seedlings, at IEC materials. Sila rin ay nag-award ng mga certificate para sa 11 beneficiaries ng chicken egg laying project sa ilalim ng LOVE o Livelihood Opportunities for Viable Enterprise Project.

 

𝐌𝐚𝐬𝐬𝐢𝐯𝐞 𝐒𝐩𝐫𝐚𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚 𝐇𝐚𝐫𝐚𝐛𝐚𝐬, 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚

 

Noong February 7, nagsagawa ng massive spraying activity ang LGU upang aksyunan ang pananalasa ng harabas o armyworm sa ilang taniman ng sibuyas sa may Brgy. San Gabriel 2nd. Ang Department of Agriculture-Regional Field Office I ay naglaan ng 20 kahon ng Parker Neem para upang gamitin sa massive spraying para sa 16 ektarya ng sakahan ng sibuyas. Isinagawa ang spraying activity ng Agriculture Office sa tulong ng DA Region I, Office of the Provincial Agriculturist, at Bureau of Plant Industry.

 

𝐌𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲𝐚𝐨 𝐃𝐚𝐢𝐫𝐲 𝐅𝐚𝐫𝐦 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐨𝐬 𝐀𝐠𝐫𝐢 𝐂𝐨𝐨𝐩, 𝐏𝐮𝐦𝐚𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐕𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐭𝐞

 

Ang Dairy Farm ng Kasama Kita sa Barangay Foundation sa Brgy. Mangayao at Managos Farmers Agriculture Cooperative ay pumasa sa isang on-site validation ng Agricultural Training Institute bilang mga Learning Sites for Agriculture 1 sa Bayambang. Ipinakita ng foundation ang kahusayan nito sa goat and cattle dairy farming at ang mga advanced na teknolohiya sa pagpaparami ng mga alagang kambing at baka. Ipinakita naman ng kooperatiba ang kanilang mga teknolohiya sa produksyon ng pananim na nakatuon sa mani, mais, palay, at gulay.

 

NCPC, Nagdaos ng 2-Day Seminar ukol sa Pamamahala ng Peste at Sakit sa Pananim

 

A. Sa unang pagkakataon, nagsagawa ng isang seminar-workshop ukol sa Insects Pest at Disease Management National Crop Protection Center (NCPC) ng University of the Philippines Los Baños (UPLB), katuwang ang Municipal Agriculture Office noong February 17 to 18.

Sa unang araw, tinalakay ang iba't ibang aspeto ng pest and disease management, kabilang na ang pagkilala sa mga karaniwang peste at sakit na nakakaapekto sa mga pananim sa rehiyon, ang mga epektibong paraan ng pagkontrol, at ang tamang paggamit ng mga pesticides. 

B. Ang ikalawang araw naman ay ginanap sa mga taniman sa Barangay Darawey at Manambong Parte, at sa Mangayao Dairy Farm upang mas maayos na maipaliwanag ang mga konsepto at teknikalidad ng pest and disease management.

 

Sen. Imee, Nakipagdayalogo sa mga Magsasaka

 

Sa araw ding iyon, dumating si Sen. Imee Marcos upang makipagdayalogo sa may 50 na onion at cron farmers ng Bayambang. Kanyang inalam ng personal ang kanilang issues and concerns sa pagsasaka at tiningnan ung paano agarang masosolusyunan ang mga ito.

 

JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL

 

- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)

 

FDA, May Libreng Assistance Din

 

Ang Food and Drug Administration ay namigay ng assistance sa licensing ng food manufacturers, pharmacy at iba pang kaugnay na establisimyento.

 

Go Negosyo, Naghandog ng Entrepreneurship Mentoring

 

Ang Go Negosyo ng Department of Trade and Industry ay nagsagawa ng libreng entrepreneurship mentoring sessions upang gabayan ang mga aspiring entrepreneurs sa pagsisimula at pagpapalago ng kanilang negosyo.

 

𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐏𝐫𝐨𝐟𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠, 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 877 Beneficiaries

 

Ang PESO-Bayambang, kasama ang DOLE, ay nagsagawa ng profiling activity para sa TUPAD program noong February 10 at 13 sa Events Center at Pavilion I. Nakatakdang pondohan ng ahensya ang ipapasahod sa may 877 beneficiaries na pawang mga solo parents, magsasakang apektado ng harabas, at teenagers na maagang nabuntis.

 

 

𝐉𝐨𝐛 𝐅𝐚𝐢𝐫, 𝐃𝐢numog 𝐧𝐠 𝟏𝟖𝟏 𝐀𝐩𝐩𝐥𝐢𝐜𝐚𝐧𝐭𝐬

 

Isa na namang job fair ang inorganisa ng PESO-Bayambang sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park noong February 19.  Dinagsa ng 181 job applicants ang mga booth ng 18 na kumpanya. Ang aktibidad ay nagtala ng 20 applicants na hired on the spot at 133 qualified applicants. Dumating din sa nasabing event ang Regional Director ng Department of Migrant Workers na si Christian Rey Sison.

 

 

 

- Economic Development (SEE)

 

 

- Cooperative Development (MCDO) 

 

 

- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)

 

22 𝗕𝗶𝗻𝗶𝗯𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝗴 2025 𝗖𝗮𝗻𝗱𝗶𝗱𝗮𝘁𝗲𝘀, 𝗢𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮

Noong February 17, opisyal nang ipinakilala ang 22 kandidata ng Binibining Bayambang 2025. Bilang simula ng kanilang paglalakbay sa kompetisyon, sila ay isa-isang nagpakilala at rumampa, at pagkatapos ay ginanap ang isang sashing ceremony sa pangunguna ni Vice-Mayor IC Sabangan. Ang pinakahihintay na Grand Coronation Night ay gaganapin sa darating na Abril 3, sa Balon Bayambang Events Center.

 

22 Contenders ng 𝗟𝗶𝘁𝘁𝗹𝗲 𝗠𝗿. & 𝗠𝘀. 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝗴, 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮

Matapos ang masusing screening, opisyal nang ipinakilala ang 22 contenders sa Little Mr. and Ms. Bayambang 2025 noong February 25. Inaasahan na magiging mahigpit ang kumpetisyon dahil bukod sa kanilang charm at confidence, ipinakita rin ng mga bata ang kanilang galing sa pagpo-project sa entablado.

 

18 𝗕𝗶𝗻𝗶𝗕𝗲𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝗴 Candidates, 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮

Noong February 4 din, opisyal na ipinakilala ang 18 candidates ng kauna-unahang BiniBeking Bayambang competition, isang patimpalak na naglalayong ipakita ang talento at ganda ng LGBTQIA+ community.

Isang sashing ceremony ang ginanap bilang pagsisimula ng mga kandidata sa kanilang paglalakbay tungo sa BiniBeking Bayambang 2025 crown sa Grand Coronation Night na gaganapin sa March 31.

 

𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥𝐬, 𝐏𝐢𝐧𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐮𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 Fiesta 𝐏𝐢𝐬𝐭𝐚'𝐲 𝐁𝐚𝐥𝐞𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐞

Noong February 26, pinulong ng MTICAO ang mga principal at representante ng iba't-ibang pampubliko at pribadong paaralan sa Bayambang, bilang paghahanda para sa grand parade sa pagbubukas ng Pista'y Baley 2025. Nagbigay ang bawat isa ng kanilang opinyon ukol sa mga kailangang gawin upang masiguro na masaya at nagniningning ang naturang grand opening activity.

 

 

 

- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)

 

Dalawang Major Infra Projects, Aprubado ng PRDP!

 

Dalawang naglalakihang infrastructure projects ang muling in-award ng Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) Scale-Up sa bayan ng Bayambang, matapos makatanggap ang aplikasyon ng LGU ng isang No Objection Letter 1 (NOL1) mula kay DA Undersecretary for Operations, Engr. Roger V. Navarro. Ang mga ito ay ang Road Opening and Concreting of San Gabriel II-Pantol Farm-to-Market Road worth P319.18 million at Construction of Bayambang Onion Cold Storage Facility worth P246.01 million. Matatandang matagumpay na idinipensa ng team ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad ang naturang aplikasyon.

 

𝗣𝗥𝗗𝗣, 𝐍𝐚𝐠𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 3-𝗗𝗮𝘆 𝗖𝗮𝗽𝗮𝗰𝗶𝘁𝘆-𝗕𝘂𝗶𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗣𝗿𝗼𝗰𝘂𝗿𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗚𝘂𝗶𝗱𝗲𝗹𝗶𝗻𝗲𝘀

 

Ang Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up team mula sa Department of Agriculture ay nagdaos ng tatlong-araw na "Capacity-Building on World Bank Harmonized Procurement Guidelines and Financial Processes" mula February 19 hanggang 21, upang palakasin ang kaalaman ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, lalo na ng mga procurement officers nito, sa standardized procurement practices kaugnay ng dalawang mega-projects na ini-award sa bayan ng Bayambang: ang ng 319+-million-peso na Phase 2 Pantol to San Gabriel 2nd Farm-to-Market Road at ang 246+-million-peso Onion Cold Storage.

 

 

DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)        

 

OCD1 Regional Director, Bumisita

 

Noong February 27, ang Office of Civil Defense (OCD) Region 1 Director na si Laurence E. Mina ay bumisita sa isang Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Training na isinagawa ng MDRRMO para sa public sectors sa Pugo Evacuation Center. Magtapos niyang magcourtesy call kay Mayor Nina Jose-Quiambao sa tanggapan nito, si Director Mina ay winelcome ng MDRRMO at iniikot na rin sa MDRRMO Satellite Office sa Brgy. Wawa.

 

 

.

 

 

HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS 

 

 

 

- Planning and Development (MPDO)

 

𝐓𝐎𝐃𝐀 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐡𝐢𝐬𝐞 𝐑𝐞𝐧𝐞𝐰𝐚𝐥 at 𝐋𝐏𝐓𝐑 𝐏𝐥𝐚𝐧, 𝐓𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐬𝐚 Pulong

 

Muling nagpulong ang mga miyembro ng Traffic Management Council upang mag-follow-up sa mga napag-usapang aksyon sa pinakahuling ginawang pagpupulong. Kabilang sa pinag-usapan ang pagrenew ng TODA franchise o prangkisa mula sa Municipal Treasurer's Office ng mga 30 drivers na hindi pa nagrerenew; mga iba't-ibang isyu ukol sa Bagsakan at Tricycle Terminal; at ang pormulasyon ng Local Public Transport Route Plan 2025-2029 ng Municipal Planning and Development Office.

 

𝐂𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐢𝐭𝐢𝐯𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐑𝐚𝐧𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐠, 𝐓𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐏𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠

 

Pinulong ang lahat ng mga LGU at agency heads ukol sa iba't ibang istratehiya upang mapag-ibayo ng bayan ng Bayambang ang competitiveness ranking nito batay sa mga indicators ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI). Naging resource persons ang academe partner ng Regional Competitiveness Council na si Prof. Keneth Bayani. Ang naturang nationwide Competitiveness Index ay siyang malimit gamitin ng mga investors bilang kongkretong batayan ng business-friendliness ng isang bayan.

 

 

𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐀𝐈𝐏 𝟐𝟎𝟐𝟓, 𝐈𝐩𝐫𝐢𝐧𝐢𝐬𝐞𝐧𝐭𝐚 𝐚𝐭 𝐈𝐧𝐚𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐌𝐃𝐂 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠

 

Sa direktiba ni Mayor Niña at pag-oorganisa ng Municipal Planning and Development Coordinator, ang mga miyembro ng Municipal Development Council ay nagpulong noong Febraury 20 para iprisenta at ipaapruba ang Supplemental Annual Investment Program No. 1 para sa taong 2025. Ang pulong ay dinaluhan ng mga barangay captains, CSOs, at concerned department heads.

 

 

 

- Legal Services (MLO)

 

PAO, Naghandog ng Legal Assistance

 

Ang Public Attorney's Office naman, sa pangunguna ni PAO Chief, Atty. Persida Acosta, ay namigay ng libreng legal assistance.

 

- ICT Services (ICTO)

 

 

- Human Resource Management (HRMO)

 

𝐏𝐞𝐫𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭, 𝐓𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐧𝐠 CSC 𝐃𝐢𝐫𝐞𝐜𝐭𝐨𝐫

 

Noong February 12, ang mga department at unit heads ng LGU ay sumailaim sa isang orientation activity ng Civil Service Commission Director II Flordeliza C. Bugtong tungkol sa Performance Management and Learning and Development. Ang aktibidad ay nagbigay ng mga insights at patnubay pagdating sa alignment ng mga layunin ng mga departamento sa mga naitakdang performance standards at pagsulong ng isang "culture of continuous learning and development" sa LGU.

 

𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐧𝐠 𝐉𝐎 𝐄𝐦𝐩𝐥𝐨𝐲𝐞𝐞𝐬, 𝐒𝐮𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐎𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧

 

Noong February 20, muling nagsagawa ang HRMO ng isang orientation activity para sa lahat ng bagong Job Order (JO) employees ng LGU. Nagsilbing resource speaker si SEE head, Atty. Justine Alvarez. Sa aktibidad na ito, mas lubos na nakilala ng mga bagong kawani ang LGU-Bayambang bilang isang organisason at naliwanagan ukol sa mga expectation mula sa kanilang pagbibigay serbisyo sa publiko.

 

 

 

- Transparency/Public Information (PIO)

 

Mga TODA, Muling Pinulong ukol sa Iba't Ibang Isyu

 

Noong January 30, isang pulong ang ipinatawag ng Municipal Administrator upang pag-usapan ang mga isyung kinakaharap ng mga tricyle operators at drivers. Kabilang sa mga isyung tinalakay ang kawalan ng updated na prangkisa ng ilang mga nag-ooperate na driver; overcharging ng ilang drivers; ang pagkakaroon ng mga bagong ruta sa apat na barangay; at ang striktong pagpapatupad ng tamang istasyon ng mga tricycle driver base sa kanilang nakatalagang TODA.

Property Custodial Services (GSO, Motorpool)

 

Mga Reklamo sa Tricycle Terminal, Agarang Inaksyunan

 

Noong February 3, nagpulong at personal na ininspeksyon ng mga miyembro ng Traffic Management Council sa pangunguna ni Councilor Amory Junio ang Bagsakan/Tricycle Terminal area upang ivalidate ang sari-saring reklamo ukol dito. Kanilang tiningnan ang mga obstruction sa kalsada, ang pagsunod sa schedule ng mga vendor at tricycle driver, ang lagay ng palikuran at pagtatapon ng basura, at iba pang concerns. Matapos ang inspeksyon ay isa-isang ipinatawag ang mga concerned na tanggapan at ahensya upang agaran ding resolbahin ang mga naturang isyu.

 

𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫𝐬 𝐧𝐠 𝐁𝐁𝐄𝐀, 𝐈𝐧𝐢𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭 𝐧𝐢 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐍𝐉𝐐

 

Ang mga bagong halal na opisyal ng Balon Bayambang Employees Association (BBEA) ay nanumpa sa harap ni Mayor Niña Jose Quiambao, sa ginanap na induction ceremony noong February 10. Ang mga bagong hanay ng BBEA officers ay ay pinangunahan ni Dennis Aldrin Malicdem, matapos sila ay manalo sa eleksyon ng asosasyon noong January 20.

 

 

AWARDS AND RECOGNITIONS

 

𝐄𝐧𝐟𝐨𝐫𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐄𝐱𝐜𝐞𝐥𝐥𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐝 𝐚𝐭 𝐆𝐫𝐞𝐞𝐧 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐝, Iginawad sa LGU!

 

Ang LGU-Bayambang ay ginawaran ng Solid Waste Enforcement Excellence Award at Green Governance Excellence Award, sa ginanap na 9th Ecological Solid Waste Management Summit ng Department of the Environment and Natural Resources-Environment Management Bureau Ilocos Region noong February 5 sa Candon City, Ilocos Sur. Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, tinanggap ang naturang dalawang parangal ng ESWMO-Bayambang.

 

 

LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)

 

𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐁𝐮𝐝𝐠𝐞𝐭 𝐧𝐠 𝟕𝟕 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲𝐬, 𝐁𝐢𝐧𝐮𝐬𝐢𝐬𝐢 𝐬𝐚 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠

 

Ang Sangguniang Bayan Committee on Finance, Budget and Appropriations, Rules, Laws and Ordinances and Barangay Affairs ay nag-umpisang magsagawa ng isang serye ng mga committee hearing noong February 26. Binusisi nina Coun. Jose Ramos at Coun. Amory Junio ang mga merito ng mga panukalang Supplemental Budget ng 77 barangays para sa Calendar Year 2025. Dinaluhan ang pagdinig ng mga Sangguniang members mula sa iba’t ibang barangay.

 

 

𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐃𝐮𝐬𝐨𝐜, 𝐈𝐧𝐞𝐧𝐝𝐨𝐫𝐬𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐨𝐧 𝐋𝐚𝐧𝐝 𝐑𝐞𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐫𝐨𝐢𝐥𝐞𝐫 𝐅𝐚𝐫𝐦

 

Ang Sangguniang Bayan, sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng Brgy. Dusoc, ay nagsagawa ng isang pampublikong pagdinig ukol sa mungkahing municipal ordinance na naglalayong ireklasipika ang isang parcel ng lupa na pag-aari ng Agri-tech Estate Development Corp. na matatagpuan sa Dusoc mula sa agrikultural patungong agri-industrial purposes para sa operasyon ng isang broiler breeder farm. Ang Agri-tech, sa pakikipagtulungan ng kumpanyang Charoen Pokphand, ay magtatatag ng isang makabago at pinaka-advanced na teknolohiya sa proyekto na inaasahang magbibigay ng maraming trabaho sa nasabing ating bayan.

No comments:

Post a Comment