Monday Report - March 17, 2025
[INTRO]
NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Jacinto T. Perez mula sa Municipal Cooperative Development Office.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si Leizl A. Junio mula sa Municipal Nutrition Action Office.
NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...
NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...
SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!
***
[SALITAN NA KAYO RITO]
Sa ulo ng nagbabagang balita:
1. Binibeking Bayambang Candidates, Pumirma ng Kontrata sa Fellowship Night
Ang mga contender ng Binibeking Bayambang ay umattend sa isang fellowship night sa Nina's Cafe noong March 7. Kasabay nito ay ang kanilang pagpirma ng kontrata sa LGBT Bayambang bilang Binibeki 2025 Committee. Nakasaad sa kontrata ang kanilang pagsang-ayon sa rules and regulations ng pageant at ang mga obligasyon ng pageant committee at mga kandidato.
2. Libreng Events Management Training, Handog ng Gintong Aral at HERO Group
Noong March 7, isang malaking oportunidad ang nagbukas para sa 150 na kwalipikadong Bayambangueño sa ilalim ng scholarship program ng Gintong Aral Skills Development Academy katuwang ang HERO Group. Libre at TESDA-accredited ang handog nilang kursong Events Management Services NC III, isang training course na magbibigay ng kaalaman sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga event sa iba’t ibang venues tulad ng conference centers, hotels, restaurants, resorts, at luxury liners. Ang kurso ay karaniwang nagkakahalaga ng P14,800.
3. Mga RHU, Muling Nag-iikot para sa Anti-Rabies Campaign
Bilang parte ng Rabies Awareness Month, ang mga RHU ay nagsasagawa ng information-education campaign (IEC) sa iba' ibang high school sa Bayambang. Layunin ng antirabies campaign sa mga paaralan na paalalahanan ang mga kabataan na mag-ingat laban sa naturang nakamamatay at walang lunas na sakit, masabihan ang kanilang mga pamilya at kamag-anak, at kung paano magsagawa ng first aid kung sakaling makagat ng aso o pusa.
4. Estado ng mga Lokal na Co-op, Tinalakay sa 1Q MCD Council Meeting
Noong March 6, nagdaos ng first quarter meeting ang Municipal Cooperative Development Council. Sa pangunguna ng Municipal Cooperative Development Office, tinalakay ang reconstitution ng MCD Council at Technical Working Group, Seminar on Reportorial Requirements of Cooperatives, mga isyu at concern ukol sa non-compliance at non-operation ng mga kooperatiba at mga posibleng interventions, at mga update ukol sa application for business ng mga rehistrado at operational na kooperatiba.
5. Farmers’ Association Presidents, Pinulong
Noong March 10, pinulong ng Agriculture Office ang mga
farmers’ association presidents. Unang pinag-usapan ang ukol sa Farmers’ Day celebration
sa town fiesta. Nagkaroon din ng isang open forum ukol sa mga issues at concerns
ng mga farmers sa onion at corn season. Kasunod nito ay ang audio-visual post-activity
presentation kaugnay ng ginanap na UPLB-NCPC Seminar Workshop at talakayan sa
mga dapat na gawing aksyon kaugnay nito.
6. MSWDO at CSOs, Nagkapit-bisig para sa Kalinisan sa ANCOP Ville
Ang MSWDO, sa pakikipag-tulungan kay KALIPI President Jocelyn Espejo, ay nagsagawa ng isang clean-up drive sa ANCOP Ville, Brgy. Sancagulis noong March 11 upang tiyaking tuluy-tuloy na malinis at maayos ang lugar para sa mga benepisyaryo ng libreng pabahay doon. Kabilang sa mga volunteer ang KALIPI members, iba-ibang Farmers' Associations, at Bayambang National High School (BNHS) Batch 1990.
7. Final Line-up ng Fiesta Activities, Tinalakay sa Pulong
Isang pulong ang isinagawa ng Tourism Office noong March 11 upang ifinalize ang line-up ng fiesta activities at plantsahin ang mga mahahalagang detalye ng bawat aktibidad. Ito ay dinaluhan ng lahat ng LGU at concerned agency heads. Ang selebrasyon ng Pista'y Baley 2025 ay mayroong 15 na kaabang-abang na aktibidad, kabilang ang grand parade, Little Mr. & Ms. Bayambang, Binibining Bayambang, Balikbayan Night, at Kalutan Concert.
8. LCR, Patuloy ang Pag-award ng Birth Certificate
Ang Local Civil Registrar ay nagsagawa ng isa na namang libreng Delayed Registration of Birth sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority. Noong March 5, 6 at 11, sila ay nagtungo sa Brgy. Manambong Sur, Manambong Parte, Paragos, Bical Sur, Sancagulis, at Bongato East. Kasabay pa rin nito ang pag-aassit sa mga wala pang birth certificate at pag-award ng birth certificate in security paper sa mga nag-apply. Ang LCR ay may 36 beneficiaries sa nasabing serye ng aktibidad.
9. PWD Federation, Pinulong ng PDAO; Mga Bagong Opisyal, Inihalal
Noong March 11, ginanap ang first quarter meeting ng Bayambang PWD Federation sa pangunguna ng PWD Affairs Office. Dito ay umattend ang mga PWD association president, at sila ay nagdeliberate ukol sa Konstitusyon at mga Alituntunin ng pederasyon at kanila itong inaprubahan. Matapos nito, sila ay naghalal ng mga bagong opisyal, at iniluklok bilang Pangulo si G. Carlito Suyat. Pinag-usapan din ang pag-uupdate ng listahan ng mga PWD sa bawat barangay.
10. Awareness Campaign, Isinagawa ukol sa VAWC
Tuluy-tuloy ang pagdiriwang ng Women's Month. Noong March 12, ilang lokal na kalalakihan ang dumalo sa isang awareness campaign ukol sa Violence Against Women and Children, ang Men Standing up for Women. Sila ay nanood ng pelikulang "It Ends with Us" na tungkol sa domestic violence at emotional abuse. Pagkatapos nito, sila ay nakinig ng lecture ukol sa Basic Gender Development (GAD) Concepts na hatid ni PSU GAD Coordinator, Dr. Presley de Vera. Tinalakay naman ni Atty. Golda Miñoza ang lahat ng uri ng gender-based sexual harassment at ang mga proteksiyon mula sa batas para sa mga biktima ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan.
11. Bridgerton-Themed Ball, Nagpugay sa Women Leaders mula sa Iba't Ibang Sektor
Kinagabihan ng March 13, nagkaroon naman ng isang formal ball na may tema hango sa TV historical drama series na "Bridgerton," bilang natatanging gabi ng pagpupugay sa lahat ng mga namumunong kababaihan at pagkilala sa kanilang tagumpay sa iba't ibang larangan. Ang formal sit-down dinner party ay ginanap sa Events Center at dinaluhan ng mga kababaihan mula sa iba't ibang sektor at ng mga tinaguriang "honorary women."
12. Women's Health, Tinutukan sa Isa pang Seminar
Noong March 14, bilang parte pa rin ng Women's Month Celebration, ang RHU I ay nagbigay ng seminar tungkol sa women's health. Tinalakay ni Dr. Lorelene Mangarin ang mga "Common Female Reproductive Illnesses: Prevention, Transmission, Diagnosis, and Treatment"; ni MNAO Venus Bueno ang "Nutrition and Lifestyle Choice for Women's Health"; and ni Dr. Dave Francis Junio and "Women's Oral Health and Wellbeing."
13. Kahandaan sa Sakuna, Muling Ipinamalas sa 1Q NSED 2025
Muling nakilahok ang lahat ng kawani ng lokal na pamahalaan ng Bayambang sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2025 noong March 13, sa pangunguna ng MDRRMO, kasama ang PNP, BFP, BPSO, Engineering, ICTO, at Safety Officers ng iba't-ibang departamento ng LGU. Aktibo ring nakiisa ang mga barangay, paaralan, at daycare center. Dahil sa organisadong paghahanda, mas bumababa ang posibilidad na makapagtala ng casualty na dulot ng biglaang paglindol o pag-atake ng iba pang uri ng sakuna. Ayon sa tala ng MDRRMO, sa kabuuan ay may __ participants ang nasabing aktibidad.
14. Local Farmers, Nag-Audition sa Singing Competition
Noong March 14 pa rin, ang mga lokal na magsasaka ay nag-audition para sa Farmers' Singing Competition sa darating na Farmers' Day sa March 31. Ang audition ay isinagawa ng Agriculture Office sa Mayor's Conference Room.
15. Little Mr. & Ms. Bayambang Candidates, Nagtagisan sa Talent Competition
Noong March 15 naman, nagtagisan ng galing ang mga tsikiting sa Talent Competition ng Little Mr. and Ms. Bayambang sa Events Center. Napuno ng hiyawan at tawanan ang venue dahil sa nakakaaliw na talento ng mga sumaling kabataan. Naging hurado ng kumpetisyon sina Ms. Lormie D. Garay, Mr. Elmer Añasco, at Mr. Jayve Hona. Ang mga nagwagi ay malalaman sa araw ng pageant sa darating na fiesta week.
16. Bayambang, Pormal na Tinanggap ang CROWN Award sa Presensiya ni PBBM
Pormal na tinanggap ng LGU-Bayambang ang CROWN (Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition) Award mula sa National Nutrition Council, sa National Nutrition Awarding Ceremony na pinangunahan mismo nina Presidente Ferdinand Marcos Jr. at Department of Health Secretary Teodoro Herbosa. noong March 7 sa Pasig City. Nirepresenta nina MNAO Venus Bueno at OIC-MPDO Ma-lene Torio si Mayor Niña Jose-Quiambao sa pagtanggap ng naturang parangal.
17. Bayambang, 2nd Runner-up sa isa na Namang 4Ps Video Contest
Ang Bayambang ay nagwagi bilang 2nd runner-up sa ginanap na provincial level ng online competition na "Babae Tungo sa Kaunlaran Campaign Video" ng DSWD-4Ps bilang pagdiriwang ng ahensya sa Women's Month 2025. Ang winning video ay isa na namang kolaborasyon sa pagitan ng DSWD Municipal Links at ni G. Andrew Casipit na videographer ng Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office.
***
It's Trivia Time!
Alam ba ninyo na sa ating bayan ng Bayambang at probinsiya ng Pangasinan, mayroong mga tradisyunal na gulay na nakakalimutan na, subalit ang mga ito ay puno ng sustansya?
Ayon sa isang pag-aaral ng mga taga-PSU, ilan sa mga ito ay ang papait (Mollugo oppositofolia), pansit-pansitan (Peperomia pellucida), talinum (Talinum paniculatum), ngalog (Portulaca oleracea), binahian o Chinese malunggay (Sauropus androgynous), kilitis o kalunay (Amaranthus viridis), sabsabitan (Amaranthus spinosus), tapingar o maraotong (Acalypha indica), tigi o pungapung (Amorphophallus campanulatus), pantug-pantugan o itlog gagamba (Physalis minima), sili-silihan (Polanisia icosandra), dilang-baka (Opuntia cochinillifera), bagbagkong (Dregea volubilis), samsamping (Clitoria ternatea), takipkuhol (Centella asiatica), at purpuriket o Philippine ashitaba (Gynura procumbens).
Nakakain din ang bunga ng pipinito o wild pipino (Melothria pendula), ivy gourd (Coccinia grandis), tabtabukol (Trianthema portulacastrum), at bulaklak ng baeg o himbabao (Broussonetia luzonica), dahon ng karimbuaya (Euphorbia neriifolia), bulaklak ng cabeza de turco (Cereus hildmannianus), at bulaklak ng madre kakaw (Gliricidia sepium).
Karamihan sa mga
ito ay mga indigenous species o katutubong uri ng halaman, at mayaman sa macro-
at micronutrients kaya’t maaaring ihalo sa lutuing gulay o kainin ng hilaw
bilang salad.
Atin muling tuklasin kung aling parte ang kinakain sa mga halaman na ito na maaari nating pitasin ng libre sa mga sakahan at sa paligid-ligid o hingin lamang sa kapitbahay!
***
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.
NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.
NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Jacinto T. Perez mula sa Municipal Cooperative Development Office.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si Leizl A. Junio mula sa Municipal Nutrition Action Office.
[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!
No comments:
Post a Comment