𝐄𝐧𝐟𝐨𝐫𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐄𝐱𝐜𝐞𝐥𝐥𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐝 𝐚𝐭 𝐆𝐫𝐞𝐞𝐧 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐝, Iginawad sa LGU!
Ang LGU-Bayambang ay ginawaran ng Solid Waste Enforcement Excellence Award at Green Governance Excellence Award, sa ginanap na 9th Ecological Solid Waste Management Summit ng Department of the Environment and Natural Resources-Environment Management Bureau Ilocos Region noong February 5 sa Candon City, Ilocos Sur. Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, tinanggap ang naturang dalawang parangal ng ESWMO-Bayambang.
Bayambang, 2024 Good Financial Housekeeping Passer
Ang LGU-Bayambang ay muling nakatanggap ng Good Financial
Housekeeping Certification. Sa pinakahuling audit ng DILG Region I, matagumpay
na pumasa ang LGU sa 2024 Good Financial Housekeeping (GFH) assessment. Ito ay
isang kongkretong patunay ng dedikasyon ng LGU sa financial transparency,
accountability, at mahusay na pangangasiwa sa kaban ng bayan. Ang pagkilalang
ito ay nagpapatunay sa pagsisikap ng LGU na matiyak na ang mga pondo ng
gobyerno ay nagagamit nang wasto para sa kapakanan ng buong pamayanan.
Bayambang, Pormal na Tinanggap ang CROWN Award sa Presensiya ni PBBM
Pormal na tinanggap ng LGU-Bayambang ang CROWN (Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition) Award mula sa National Nutrition Council, sa National Nutrition Awarding Ceremony na pinangunahan mismo nina Presidente Ferdinand 'Bongbong' R. Marcos Jr. at Department of Health Secretary Teodoro J. Herbosa, M.D. noong March 7 sa Pasig City. Nirepresenta nina MNAO Venus Bueno at OIC-MPDO Ma-lene Torio si Mayor Niña Jose-Quiambao sa pagtanggap ng naturang parangal.
Bayambang, Pasado Muli sa Child-Friendly Local Governance
Muling nasungkit ng LGU-Bayambang ang Seal of Child-Friendly Local Governance matapos itong makapasa sa mabusising audit ng Council for the Welfare of Children. Congratulations sa Quiambao-Sabangan administration, at sa Municipal Social Welfare and Development at iba pang miyembro ng Local Council for the Protection of Children.
Municipal Treasury at Assessor, Pinarangalan ng BLGF Region 1
Pinarangalan ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) Region 1 ng Department of Finance ang Municipal Treasury Office ng Bayambang sa kanilang natatanging performance sa pangongolekta ng local revenue, kasabay ng isinagawang regular na ebalwasyon noong July 8 sa Municipal Treasury at Assessor’s Offices ng LGU-Bayambang.
Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, malugod na tinanggap ng Municipal Treasurer at OIC-Municipal Assessor ang mga sumusunod:
1. Top 3 Among First Class Municipalities in Region 1 in terms of Highest Locally Sourced Revenues in Nominal Terms for Fiscal Year 2023
2. Top 4 Among First Class Municipalities in Region 1 in terms of Highest Locally Sourced Revenues in Nominal Terms for Fiscal Year 2022
3. Top 5 Among First Class Municipalities in Region 1 in terms of Ratio of Locally Sourced Revenue to Total Current Operating Income for Fiscal Year 2023
Budget Office at Treasury, Binigyan ng Commendation ng BLGF!
Ang Bureau of Local Government Finance (BLGF) ay nagbigay ng commendation sa Bayambang Municipal Budget Office at Municipal Treasury Office matapos makitang compliant ang mga ito sa pagsumite ng Statement of Receipts and Expenditures Reports para sa second quarter ng Financial Year 2025.
LGU-Bayambang,
Wagi Bilang Provincial Model LGU Implementing 4Ps!
Nasungkit
ng LGU-Bayambang ang titulong "Model LGU Implementing 4Ps" sa buong
probinsiya ng Pangasinan! Ito ay isang pagkilala sa ipinakitang pagpupursige ng
LGU-Bayambang sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga benepisyaryo ng programang
4Ps ng DSWD sa bayan ng Bayambang. ...Salamat sa personal na pagtutok ni Mayor
Niña sa lahat ng usapang 4Ps at sa mga naisip at naisagawang inobasyon ng lahat
ng sektor upang mas paigtingin pa ang tagumpay ng programa.
Municipal Accountant, Isa sa Most Outstanding sa Pangasinan
Kinilala si G. Flexner de Vera, bilang isa sa mga Most Outstanding Municipal Accountant sa ginanap na seremonya ng Pangasinan Association of Local Government Accountants o PALGA noong August 12 sa Dagupan City. Ito ay pagkilala sa kanyang husay at dedikasyon na nagbigay-daan sa LGU-Bayambang na makatanggap ng unmodified opinion mula sa Commission on Audit para sa 2024 financial statements nito.
LGU, Regional Winner sa Kaunlarang Pantao Award
Ang LGU-Bayambang ay pinarangalan ng Commission on
Population and Development bilang Regional Winner sa Municipal Category ng 2025
Rafael M. Salas Kaunlarang Pantao Award. Ito ay bilang pagkilala sa mga
inisyatibo ng LGU sa pag-localize ng population and development agenda sa
pamamagitan ng mga innovative, inclusive, at sustainable na programa.
No comments:
Post a Comment