Wednesday, March 19, 2025

Monday Report - March 24, 2025

 

Monday Report - March 24, 2025

 

[INTRO]

 

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si James Rene Kenneth M. Macaraeg.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Vanesa Paragas, at kami po ay mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

 

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

 

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

 

SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

 

***

 

[SALITAN NA KAYO RITO]

 

Sa ulo ng nagbabagang balita:

 

1.      Mga Nakakuha ng Libreng Salamin, Nagpasalamat

 

Nagpapasalamat ang lahat ng nakapag-avail ng libreng salamin sa ginanap na LAB FOR ALL Caravan ng Unang Ginang Louise Araneta-Marcos noong nakaraang buwan sa bayan ng Bayambang. Ito ay matapos nilang ma-claim ang kanilang mga de-gradong salamin sa RHU I at RHU II.

 

2.      Dietary Supplementation Program Food Packs, Ipinamahagi

 

Nagsimula na ang pamamahagi ng Municipal Nutrition Action Office ng mga food items para sa 2025 Dietary Supplementation Program para sa mga buntis at mga pre-schoolers. Ginanap ang distribusyon noong March 13 sa Events Center sa tulong ng mga Barangay Nutrition Scholar at Barangay Health Worker. Sa naturang nutrition progrm, naiiwasan ang insidente ng malnutrition, stunting, at wasting ng mga vulnerable sectors.

 

3.      DSWD, May Orientation Activity at MOA Signing with CSOs

 

Isang orientation activity at signing of Memorandum of Agreement (MOA) ang isinagawa ng DSWD kasama ang dalawang CSOs noong March 13. Ipinaliwanag ng DSWD sa Managos Farmers Agricultural Cooperative at Rotary Club of Bayambang kung paano maging partner organization, partikular na kung paano makakatulong ang kanilang sariling mga proyekto sa 4Ps. Matapos nito ay lumagda sa MOA ang Managos cooperative.

 

4.      100 Tree Seedlings, Idinonate ng Sacdalan Nursery

 

Isang residente ang nag-donate ng isng daang golden shower at agoho seedlings sa pamamagitan ng Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO). Malugod na tinanggap ang donasyon mula sa Rotarian na si Rose Ann Sacdalan ng Sacdalan Nursery sa Brgy. Tamaro nina Councilor Benjie de Vera at ng ESWMO. Ang mga naturang seedlings ay gagamitin para sa mga upcoming tree-growing activity.

 

5.      LGU, Magbibigay ng Suporta sa mga Barangay Fiesta

 

Sa pulong na ipinatawag ng Samahan ng mga Barangay Kagawad sa Balon Bayambang, Pangasinan (o ang dating BABAKAPI) noong March 17, inanunsyo ng LGU-Bayambang ang pinansyal na suporta nito para sa pagdiriwang ng mga barangay fiesta: ₱5,000 mula kay Mayor Niña Jose-Quiambao, ₱4,000 mula kay Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, at ₱8,000 mula sa Team Quiambao-Sabangan.

 

6.      950 Onesies, Ipinamahagi sa Lahat ng Barangay

 

(NOTE: Onesie is pronounced as /ˈwʌn.zi/)

 

May 950 na piraso ng onesies ang ipinamahagi ng iba't ibang departamento ng LGU-Bayambang sa 77 barangays bilang parte ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan. Ang mga damit pambata ay mula sa Eezy-on Babeez, isang US-based clothing company na pagmamay-ari ni Gng. Julieta Recometa, isang Filipino-American na nais magbahagi ng kanyang pagpapala. Naging benepisyaryo ang mga sanggol na nauna nang na-identify ng mga barangay health worker na naaangkop na makatanggap ng nasabing kasuotan.

 

7.      Committee Hearing ukol sa Barangay Supplemental Budget at Tax Ordinance, Nagpatuloy

 

Nagpatuloy ang serye ng Sangguniang Bayan (SB) Committee Hearing ukol sa Supplemental Budget at Tax Ordinance ng iba't ibang barangay noong March 17. Sa harap ng mga Municipal Councilors, isa-isang dinepensahan ng mga barangay official ng Alinggan, Zone V, at Tamaro ang mga binalangkas nilang budget para sa nakaplanong proyekto sa kanilang lugar.

 

8.      Committee Hearing ukol sa SK Annual Budget, Sinimulan

 

Nagsimula na ang pagdinig ng Sangguniang Bayan (SB) sa mga panukalang budget at ordinansa ng mga Sangguniang Kabataan (SK) sa mga barangay. Sa ginanap na committee hearing noong March 17, sumalang ang mga SK official ng Brgy. Paragos, Bongato East, Malioer, at Bacnono upang ipresenta at ipagtanggol ang kanilang mga annual budget.

 

9.      Symposium, Libreng Pampering Services: Handog sa mga Kababaihan ng LGU

 

Bilang parte pa rin ng paggunita sa Women's Month, isang symposium para sa mga babaeng kawani ng LGU ang isinagawa noong March 20 ng Human Resource Management Office. Naimbitahang speaker si Mayor's Action Center head, Josie Niverba, upang talakayin ang paksang "Building Confidence." Matapos nito ay naglaan naman ng ilang oras na "me-time" ang HRMO sa mga babaeng kawani, dahil sa libreng haircut, back massage, manicure, at pedicure, at isang Zumba dance exercise kinahapunan.

 

10.  Mga Ordinansa ng LGU, Online Na!

 

Available na online ang mga Municipal Ordinance na aprubado ng Sangguniang Panglalawigan. Ang mga aprubadong ordinansa ay uploaded na ng ICT Office sa LGU website (TO MIKE: Pls. FLASH this page: www.bayambang.gov.ph/municipal-ordinances), sa abiso ng Office of the Sangguniang Bayan Secretary.

Isa sa mga feature ng online database ay ang mabilis na paglabas ng resulta kung kayo ay maghahanap ng partikular na ordinansa. Ito ay bilang pagpapalawig ng pagsunod sa Section 59 ng Local Government Code na naglalayong ipaabot sa lahat ng taga-Bayambang ang mga ordinansang isinasabatas ng lokal na pamahalaan.

 

11.   Iba't Ibang Isyu, Tinalakay sa Joint Meeting

 

Noong March 19, muling pinagsanib ang pulong ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), Local Committee on Anti-Trafficking and Violence against Women and their Children (LCAT-VAWC), Municipal Advisory Council (MAC), at Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) Sociocultural Development and Social Protection Sector para sa first quarter ng 2025. Kabilang sa mga pinagtuunan ng pansin ang

-        mga kinakailangang intervention laban sa naitalang kaso ng teenage pregnancy,

-        pagtatayo ng mga community garden sa mga barangay na may mga kaso ng malnourished children,

-        at ang nakatakdang pagtatapos ng may higit 2,000 na 4Ps beneficiaries ngayong taon, na siyang nakikitang isa na namang pinakamataas na record sa Rehiyon Uno.

 

12.   Emergency Meeting ukol sa Pagtaas ng Heat Index, Ginanap

 

Noong March 19, nagkaroon ng emergency meeting via Zoom video ang LGU, sa pangunguna ni Mayor Nina Jose-Quiambao, kasama ang MDRRM Council at mga pinuno ng lahat ng paaralan sa Bayambang sa lahat ng antas. Ito ay upang kumustahin ang lahat at talakayin ang mga ginagawang hakbang kaugnay sa patuloy na pagtaas ng heat index, pati na ang anumang tala ng pagkahilo. Inabisuhan ang lahat na gawin ang nararapat at makipagtulungan sa mga awtoridad kung sakaling may sakuna.

 

 

It's Trivia Time!

 

Alam mo ba na ang Pilipinas ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire at Typhoon Belt?

 

Dahil dito, madalas maranasan ng bansa ang iba't ibang natural na kalamidad tulad ng lindol, pagputok ng bulkan, at malalakas na bagyo.

 

Bukod pa rito, nararanasan din ng Pilipinas ang epekto ng climate change, tulad ng pagtaas ng sea levels, mas matinding mga weather events, at pagbabago sa mga weather pattern.

 

Ang pagtaas ng sea levels, dulot ng global warming at pagkatunaw ng mga polar ice caps, ay nagdudulot ng panganib sa mga komunidad sa baybayin, na karamihan ay umaasa sa pangingisda at turismo para sa kanilang kabuhayan.

 

Dagdag pa, ang paglakas ng mga bagyo at ang hindi tiyak na mga pattern ng pag-ulan ay may malaking epekto sa agrikultura, mga pinagkukunan ng tubig, at mga imprastraktura.

 

Ang mga hakbang upang tugunan ang mga hamong ito ay kinabibilangan ng pagpapabuti ng disaster preparedness, pag-invest sa climate-resilient na imprastraktura, at pagpapalakas ng pamamahala sa mga likas na yaman.

 

Sama-sama at magtulungan tayo upang magtatag ng isang disaster-resilient na komunidad!

 

***

 

[OUTRO]

 

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

 

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

 

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, James Rene Kenneth M. Macaraeg.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Vanesa Paragas, mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

 

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

No comments:

Post a Comment