Sunday, February 3, 2019

History of Barangay Telbang, Bayambang, Pangasinan



HISTORY OF TELBANG

Ayon sa mga pahayag ng mga naimbitahang tagapagsalita para sa pagtuklas sa tugmang pundasyon ng bayan ng Bayambang, laging nababanggit ang “Telbang" at "Malunguey.” 
 
Ayon kay Dr. Lino Dizon ng Tarlac State University, isa sa mga naimbitahan, ang ibig sabihin ng salitang “Malunguey” ay pinuno ng mga mananalangin (prayer leader) sa wikang Kapampangan. Ang Malunguey o Malunge o Manunge ay matandang salitang Kapampangan din para sa puno ng malunggay (Moringa oleifera).

 
Telbang din ang dating pangalan ng ating bayan ng Bayambang. Ang telbang ay isang matandang salita sa Pangasinan para sa puno ng dapdap (Chirocalyx candolleanus Walp).
 
Ang ilog Agno ang daanan ng mga bangka para sa transportasyon ng mga produkto (para sa barter system) at mga mamamayan. Subalit nang palaging umaapaw ang ilog at laging binabaha ang mababang bahagi ng Telbang, inilipat na sa mas mataas na lugar ang baryong dating bayan ng Telbang.
 
Noong panahong iyon ay Kastila ang mga namamahala. Isinusulong nila ang Kristianismo sa buong bayan. Nagpatayo sila ng simbahan na tinawag nila noon na Visitas ng Binalatongan na ang ibig sabihin ay simbahan ng komunidad. Dito ginaganap ang pagmimisa, kasalan at binyagan. Taong 1614 nang kilalanin ng mga Dominikanong pari ng Bayambang ang pangalan ng ating bayan at unti-unting nawala na sa bibig ng mga mangangalakal ang dating pangalan na Telbang.
 
Kung taong 1614 kinilala ng mga Dominikanong pari ng Bayambang ang pangalan ng ating bayan, malinaw na sa taong din iyon naging baryo ang Telbang sapagkat doon nagwakas ang pagiging bayan nito. Malinaw din na Telbang ang pinakamatandang baryo sa ating bayan.



4 comments:

  1. Thank you for posting my comment on the provenance of Malunguey (Malunge) or Manunge in old Kapampangan after the Malunggay tree (Moringa oleifera). Telbang, on the other hand, is old Pangasinan for the dapdap (Chirocalyx candolleanus Walp whose striking beautiful red flower is the prefectural flower of Okinawa in Japan. It should be adopted by Bayambang rather than with the Alibangbang as alleged as it has no connection with the toponym of the town.

    Dr. Lino Dizon
    Tarlac State University

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're welcome, sir! And thank you too for the additional insights.

      Delete
  2. How about the town of Bautista. Accdg to history, telbang was the name of the town before it became "Bautista". Can somebody give us an insight to this? Thank you po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. That's not surprising. Most likely the old Telbang included Bautista, which used to be a barrio of Bayambang.

      Delete