HISTORY
OF APALEN
Ayon sa mga nakakatanda dito sa amin, ang
pangalan ng aming barangay ay nagmula sa puno ng “apaling.” Ang aming lugar daw
noon ay napapaligiran ng punong ito. Halos lahat ng sulok ay may nakatayong
puno nito.
Noong panahong iyon, halos mabibilang mo daw
sa iyong kamay ang bilang ng tao sa aming barangay.
Tinatawag na Tenìente del Barrio ang unang
namuno sa aming barangay, at ang
eleksyon nila noon ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay at kung
sino ang may pinakamaraming boto ay siya ang pinuno. At dahil sa halos wala
kang ibang makikita sa aming barangay kundi ang puno ng apaling, ipinangalan ang
aming barangay sa punong ito.
Sa paglipas ng maraming taon, ang Apaling ay
naging Apalen, at hanggang ngayon ito pa rin ang ginagamit naming pangalan ng aming
barangay.
Salamat sa puno ng apaling, nagkaroon ng
magandang pangalan ang aming barangay.
No comments:
Post a Comment