EDITORIAL
Malayo na rin ang Ating Narating
Isang karangalan ang bisitahin ang Bayambang ng gobyernong
lokal ng Pinamalayan, Mindoro Oriental noong ika-28 ng Disyembre dahil hudyat
ito na nagiging modelo na ang ating bayan ng iba pang bayan.
Sa kanyang talumpati ukol sa Best Practices ng LGU Bayambang
sa harap ng mga panauhin, nabanggit ni Mayor Cezar T. Quiambao ang mga
sumusunod bilang pinaka-highlight ng kanyang mga accomplishments as a
first-termer local chief executive:
· - Pagsugpo sa korapsyon sa gobyernong lokal
through LGU-wide computerization program at policy of transparency
·
- Ang pagtaas sa local revenue sa pamamagitan ng
pag-amyenda sa Tax Code, na nagresulta sa P256M local revenue versus P250M na
pondo galing IRA (or internal revenue allotment), surpassing the 1:1 ratio
·
- Ang pagpasok sa mga P4 (public-private-people
partnership) projects tulad ng Mini-Amusement Park at Rides sa plaza to spur
development
·
- Joint planning and budgeting sessions na
nagbigay sa mga department heads sa unang pagkakataon ng tsansang magsumite ng
sarili nilang budget
·
- Paggamit ng husto sa 20% development fund na
hindi nagamit ng husto sa loob ng 20 taon (dahil ipinambayad ng utang, atbp.)
para sa mga infrastructure projects sa 77 barangay, na nagbigay daan sa malalaking
infra projects (access roads, barangay hall, covered court, atbp.) sa lahat ng
barangay
·
- Pagbigay ng salary increase sa mga LGU employees
ng naaayon sa batas (P283 minimum wage), at pagreregular sa mga matagal nang
kwalipikadong empleyado
·
- Pagrequest ng halos P1B funds sa Department of
Budget and Management under the Local Government Support Fund para sa marami
pang nakahanay na massive infrastructure development projects
·
- Paglikha ng mga bagong departamento tulad ng
Public Order and Safety Office (POSO) para sa 24/7 service including emergency
service, General Services Office, Public Information Office, Information and
Communication Technology Office, atbp.
·
- Pagdeklara ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan (at
pagbalangkas ng Bayambang Poverty Reduction Plan) upang sugpuin ang kahirapan
sa loob ng 10 taon
Ilan lamang ito sa mga malawakang pagbabagong naganap sa unang
pagkakataon sa loob lamang ng napakaikling panahon, at iyan ay dahil sa
transformational at visionary style of leadership ng ama ng ating bayan sampu
ng Konseho nito. At ang kakaibang istilong
ito ay nagmumula sa tunay na pagmamahal at malasakit sa mamamayan ng pamunuang
Quiambao-Sabangan.
No comments:
Post a Comment