Sunday, February 3, 2019

History of Barangay Macayocayo, Bayambang, Pangasinan


                                 
Brief History of Macayocayo

Noong unang panahon, ang Barangay Macayocayo ay walang sasakyan papuntang bayan. Ang mga tao ay naglalakad lamang kung sila ay pupunta ng bayan at ang dinadaanan nila ay putik dahil bukid ang daan papuntang bayan at ang lugar na ito ay maraming mga punong kahoy.
Isang araw ay may napadpad na mga bisita galing ibang lugar. Pagdating nila sa lugar na ito ay napansin nila na kaunti ang mga bahay at marami ang mga punong kahoy, kaya sabi nila ay “cayo, cayo cayo.” Iyon daw ang pamahiin ng mga matatanda: kung sila ay nakarating sa isang lugar sa unang pagkakataon, sinasambit nila ang mga katagang ito upang hindi magambala ang mga di nakikitang espiritu sa lugar at upang makaiwas na makasakit sa mga ito.
At iyan ang dahilan kaya tinawag na Macayocayo ang barangay na ito.

No comments:

Post a Comment