Brief History of Barangay Mangayao
Ang
Barangay Mangayao ay isang sitio ng Barangay Nalsian Sur at Norte. Ito ay
parang isang kagubatan na pinaniniwalaang tirahan ng mga ibat-ibang klase ng
pusa. May mga nagpatotoo na may mga bahay kubo dito na may nanirahan at sa
kalaunan ay dumami ang mga ito sa lugar.
Isang gabi ay biglang nagkaroon ng ingay sa
gitna ng kagubatan. Nagulantang na
lamang ang mga residente sa ingay na kanilang naririnig. “Meow, meow, meow!”
Kinaumagahan, ang mga tao dito ay
nag-usap-usap sa kung anong ingay ang kanilang narinig noong gabing iyon, at
doon nakuha ang salitang Mangayao.
Lumipas ang mga taon, ang mga tao dito ay
nagpasa ng isang resolusyon na maging isang independente nang barangay ito mula
sa Nalsian, at magmula noong naaprubahan ang nasabing resolusyong, ang lugar na
ito ay opisyal nang tinawag na “Barangay Mangayao.”
No comments:
Post a Comment