Sunday, February 3, 2019

History of Barangay Ambayat 2nd, Bayambang, Pangasinan


BRIEF HISTORY OF AMBAYAT 2ND


Noong unang panahon, kuwento ng mga matatanda, ang mga unang tumira dito sa barangay ay halos magkakamag-anak lahat. Sila ay nagtataglay ng mga kaugalian na tulad ng pagiging mapagbigay, matulungin, at mapagmahal sa kapwa.


Naging kaugalian ng mga tao noon ang pagbibigay ng ulam ng mga magkakapitbahay. Nagbibigayan din sila noon ng kanya-kanyang alagang hayop tulad ng baka o kalabaw pamalit sa lupang sasakahin. Kahit itak o pipa ay pwede nang pamalit ng lupang titirhan o sasakahin ng mga taong bagong dating na titira dito.


Ang pagbibigay ng kanya-kanyang ambag na tulong kapag may ikakasal ay isa pang magandang kaugalian na taglay noon ng mga tao na hanggang ngayon ay taglay pa rin. Baka, kalabaw, lupa, bahay o mga alahas ang kusang-loob na ibinibigay na tulong sa ikakasal.


Dahil sa mga magagandang kaugaliang ito, ang barangay ay nabansagang “Ayan Ayat, Bayan Bayat.” Kaya dito nahango ang pangalan na Ambayat 2nd.



No comments:

Post a Comment