ALAMAT NG BARANGAY BUAYAEN
May isang masayang pamilya ang naninirahan sa
may gilid ng ilog. Ang pamilyang ito ay mahirap lamang ngunit sila’y masagana
sa kaligayahang natatamo. Ang pamilyang ito ay may kaisa-isang anak na lalaki,
ang pangalan ay “Yaeng.” Simula nang matutong maglakad si Yaeng, naging malikot
ito, palaging gumagala para makipaglaro.
Tumagal ang panahon nang ang bata ay sampung taong gulang na. Ito’y palaging
umaakyat sa puno upang manguha ng makakain, at isang araw umakyat si Yaeng sa isang
puno ng kamatsili na nasa gilid ng ilog. Habang kumukuha ng bunga si Yaeng,
naputol ang inapakan niyang sanga na kanyang ikinahulog sa ilog, at nangyari
ang di inaasahan. Sa hinulugan ng bata
ay may isang malaking buwaya, at kinain ng buwaya si Yaeng. At doon nagmula ang
salitang Buayaen. Pinagdugtong ang nasabing “buwaya” at ang pangalan ng bata na
si “Yaeng,” kaya ito’y naging “Buayaen.”
No comments:
Post a Comment