Sunday, February 3, 2019

EDITORIAL - May 2018

EDITORIAL
Sunod-sunod, Sabay-sabay na Biyaya

Iba’t-ibang malalaking kaganapan ang sunud-sunod at sabay-sabay na nangyayari sa bayan ng Bayambang.

Una ay ang nalalapit nang pagkakaroon ng bagong Comprehensive Land Use Program (CLUP) at Zoning Ordinance ng bayan para sa 2018-2027 sa tulong ng prestihiyosong urban planner na Palafox Associates. Sa oras na ito’y maaprubahan ng provincial government, magkakaroon ng mas malinaw na direksiyon ang progresong inaasam-asam ng lahat.

Pangalawa ay ang pagkakaroon ng Bayambang Poverty Reduction Plan na siyang magsisilbing ‘bibliya’ ng ating bayan upang labanan ang kahirapan mula 2018 hanggang 2028. Ito ay nakaangkla sa dalawang government-mandated plans na Comprehensive Development Plan at CLUP.
Kahanay ng mga planong  ito ang 10-Year Solid Waste Management Plan for 2017-2026 na ating naisumite sa National Solid Waste Management Commission under the Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau.

Bilang parte ng mga proyektong nagsusulong sa turismo, at ka-partner ang St. Vincent Parish Church at Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc., nag-isip tayo ng bagong world record upang maging memorable ang darating na ika-400 years ng San Vicente Ferrer Parish at ika-600 years death anniversary ng ating patron na si St. Vincent Ferrer sa darating na April 5, 2019. Ito ay ang St. Vincent Ferrer Monument na may 51 metrong taas, mas mataas pa sa Statue of Liberty, gawa sa bakal at engineered bamboo. Ito ay magiging isang major landmark ng Bayambang, at magiging hudyat ng malawakang pagbabagong magaganap sa 67 ektaryang lupain sa bandang Bani at Bical Norte na nakalaan para sa new town center at business processing zone.

Inaasahan na sa darating na Hunyo, ang P188M funds para sa proyektong Pantol-to-San Gabriel 2nd Diversion Road na sponsored ng PRDP (or Philippine Rural Development Program) ay madadownload na upang maumpisahan na ang konstruksiyon nito.

Kung maaaprubahan ng national government, malapit na ring maisakatuparan ang matagal na nating hiling na tulong pang-irigasyon sa pamamagitan ng KOICA o Korea International Cooperation Agency. Sa tulong ni Sen. Cynthia Villar, nakapulong ni Mayor Cezar T. Quiambao kamakailan ang pinuno ng National Economic Development Authority (NEDA) na si Ernesto Pernia sa Manila. Inaasahang maaprubahan ang 2-hectare project na ito ng Pangulong Rodrigo Duterte, at mabibiyayaan dito ang 22 farming barangays sa northwestern Bayambang.

Wala pa sa listahang ito ang mahirap na bilanging infrastructure projects (completed , ongoing, at bidded out) ng LGU, kabilang na ang core local access roads, road repairs/asphalt overlays, barangay halls, barangay stage/plaza (Sancagulis), solar driers, police precincts, waiting sheds (San Vicente), day care centers, drainages, basketball courts/covered courts, boundary signages, street signages, deep wells (SALINTUIG program), police community precincts, satellite markets, Bus Stop sa Bayambang-Malasiqui-Basista junction, footbridge (Balaybuaya), SPED classroom (Buayaen), private dwelling (Ataynan), Senior Citizen Building (Brgy. Del Pilar), Municipal Annex Building, Rural Health Unit III (Carungay), Rural Health Unit IV (Macayocayo), Mini-Amusement Park at Children’s Playground, Municipal Canteen, Municipal Library, Balon Bayambang Events Center, Bagsakan and Food Court, Tricycle Terminal, at Bus Terminal.

Ang dating mga panaiginip lang ay nagkakatotoo na. Ito ay ilan lamang sa mga positibong resultang hatid ng transformational at visionary leadership ng administrasyong Quiambao-Sabangan sa loob lamang ng dalawang taon. Lingid sa kaalaman ng marami, ito ay natupad ng wala ni isa mang kusing o patak ng gasolinang nakukuha ang nakaupong mayor (na siya ring top business taxpayer ng Bayambang) sa kabang-yaman ng bayan. Puro pang-aabono pa nga ang siyang nakaugalian nitong gawin.

No comments:

Post a Comment