Sunday, February 3, 2019

History of Barangay Manambong Parte, Bayambang, Pangasinan

Barangay History of Manambong Parte
Noong unang panahon, may nakatirang mag-anak si Mang Ambol sa lugar na ito. Kaya tinawag nila ang lugar na sinasakupan niya na Mangambol. Sagana ito sa isda at mga puno ng manga at caimito at pananim na pakwan, mais, at tabako.
Sa paglipas ng mga taon, dumami ang mga nanirahan dito, kaya’t tinawag na Mindanao ang lugar sa kadahilanang iba’t-ibang pamilya ang nakatira dito na may iba’t-iba ring wika.
Sa panahong iyon, tinawag na lamang ang lugar na Manambong. At dahil sa malawak na kalupaan sa lugar na ito, hinati nila ito sa tatlong bahagi: Manambong Norte, Manambong Sur, at Manambong Parte.
Ang Manambong Parte ay ang lugar na laging may kasayahan, dahil ang hilig ng mga nakatira dito ay magkantahan at magsayawan. Dahil ditto kaya binansagang Barangay Manambong Parte and lugar na ito.

No comments:

Post a Comment