Alamat ng Barangay
Duera
Ang aming barangay ay mula sa isang pangyayaring
naganap noon. Dati-rati, ang Barangay Sapang na kapitbahay ng Barangay Duera ay
iisang barangay lamang. Ito ay ang tinatawag na Barangay Sapang.
Dahil sa lawak ng lugar, ang mga nakatira sa
nasabing barangay ay napagkasunduan na hatiin ito sa dalawang barangay. At ito
ay ang Barangay Sapang at ang aming barangay, ang Barangay Duera.
Ngunit saan nga ba galing ang pangalang Duera?
Ito ay nagmula sa salitang “giyera,” na ang ibig sabihin ay “digmaan” o “kaguluhan,”
sapagkat sa panahong hinati ang Sapang sa dalawang barangay, ito rin ang
panahon ng kaguluhan sa ating bansa -- pilit tayong sinasakop ng iba’t-ibang
lahi mula sa ibang bansa.
No comments:
Post a Comment