Monday Report - September 29, 2025
NEWSCASTER 1:
Isang masaya at produktibong umaga, Bayambang!
NEWSCASTER 2:
Sama-sama nating sulyapan ang mga kwentong nagpapakita ng malasakit at aksyon.
NEWSCASTER 3:
Ito ang inyong lingguhang ka-partner sa impormasyon.
SABAY: ...
BayambangueNews!
***
[SALITAN NA
KAYO RITO]
1.
Bayambang, Pasok sa Top 5 Most Business-Friendly Municipalities!
Sa unang
pagkakataon, napabilang ang bayan ng Bayambang sa Top 5 Most Business-Friendly
LGU Awards sa Municipality Level 1 Category nationwide! Ito ay isang mahalagang
pagkilala sa business practices, social services, at infrastructure development
sa bayan ng Bayambang at ang kontribusyon natin sa ekonomiya ng bansa,
partikular na sa pagdami ng investors at pagtaas ng employment rate. Ang
patimpalak para sa taong 2024 ay inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce
and Industry o PCCI.
Congratulations,
LGU-Bayambang!
2. LCR Info
Drive, Nagpatuloy sa Idong
Noong September
17, nagpunta ang LCR sa Idong Elementary School upang magsagawa ng info drive
ukol sa tamang pagrerehistro at magbigay ng updates ukol sa PSA memorandum
circulars. Dahil dito, mas napalawak pa ang kaalaman ng mga residente roon ukol
sa civil registration at nakatulong na maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga
civil registry records.
3. LGU,
Nakilahok sa Enhanced LDRRMP Training
Aktibong sumali
ang LGU sa isang training ukol sa
Enhanced Local Disaster Risk Reduction and Management Plan noong September
15-19 sa Dagupan City. Layunin ng training na palakasin ang kaalaman at
kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng Local DRRM Plan,
kabilang ang prevention and mitigation, preparedness, response, at
rehabilitation and recovery. Binigyang-diin din ang tamang paglalaan ng pondo,
monitoring, at evaluation.
4. MDRRMO,
Nakilahok sa Rescue March Challenge
Lumahok ang
MDRRMO-Bayambang sa Rescue March Challenge sa San Carlos City noong September
22, na naglalayong paigtingin ang kahandaan ng local disaster responders.
Ipinakita rito ng MDRRMO ang kanilang kakayahan at determinasyon sa mga hamon
sa aspetong pisikal, teknikal, at mental, upang mapabuti ang kanilang disaster
preparedness.
5. ESWMO
Staff, Naging Malikhain sa Paggamit ng Recyclables
Isang staff
mula sa ESWMO ang nagpakita ng pagkamalikhain sa pamamagitan ng pag-recycle ng
ibinasurang plastic containers para gawing mga dustpan, na magagamit ng mga
street sweepers ng departamento. Ang inisyatibang ito ay isang hakbang tungo sa
mas eco-friendly na kagawian, sa pamamagitan ng recycling o up-cycling.
6. Mga NGOs,
May Feeding Activity Muli
A. Ang
Bayambang Matikas Eagles Club at Gabriel Medical Clinic ay nagsponsor ng isang
feeding activity at namahagi rin ng bigas sa ilang residente ng Brgy. M.H. Del
Pilar.
B. Isa pang
feeding activity naman ang muling inisponsor ng Gabriel Medical Clinic at Gabs
Pharmacy sa Purok 4, Brgy. Sancagulis para sa 200 undernourished at indigent
beneficiaries. Ang mga ito ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa Nutrition
Office.
7. Mayor
Niña, Pinangunahan ang PDRA para sa Bagyong "Nando"
A.
Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang
isang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) upang maghanda para sa bagyong
"Nando" sa pamamagitan ng Zoom video noong September 21. Tinalakay sa
pulong ang mga posibleng epekto ng bagyo, tulad ng pagbaha, at mga hakbang ng
iba't ibang departamento at ahensya sa pagtugon at paghahanda.
B.
Sa araw ding iyon, nakipag-ugnayan ang MDRRMO sa
mga Barangay DRRMC upang palakasin ang paghahanda laban sa posibleng epekto ng
Supertyphoon 'Nando.' Nagsagawa sila ng inspeksyon sa mga flood-prone areas
upang matiyak ang 24/7 na kahandaan ng mga komite at ang maayos na pamamahala
ng mga evacuation center.
8. Relief
Operations, Isinagawa Bunsod ng Bagyong 'Nando'
Sa direktiba rin
ni Mayor Niña, agad na kumilos ang Municipal DRRM Council at Barangay DRRM
Council members upang magsurvey at magmonitor ng mga nabahang residente at
tinamong pinsala at maghatid ng ayuda sa mga tuluyang naapektuhan at
nag-evacuate, matapos ang pananalasa ng supertyphoon 'Nando.' Sa gabi ng September 23, namahagi ang MSWDO
ng mga food pack sa mga residente ng Brgy. M.H. Del Pilar, Bongato East, at
Bongato West at kinalaunan sa Bry. Tambac, Zone V, Iton, atbp. Nagbigay naman
ang mga RHU ng leptospirosis prophylaxis, mga gamot, at bitamina.
9. Suporta
sa Sektor ng Edukasyon, Patuloy
Patuloy ang
pagbibigay-suporta ni Mayor Niña sa sektor ng edukasyon, sa pamamagitan ng
Local School Board (LSB) gamit ang Special Education Fund. Noong September 23,
itinurn-over ng LSB ang isang photocopier machine, na may kasamang isang toner
cartridge, drum cartridge at printer ink, sa DepEd Bayambang II. Sa kabuuan,
ang donasyon ay nagkakahalaga ng P84,160.
10. LGU at
Federated PTA, Nakilahok sa Dayalogo
Nakilahok ang LGU
at ang Municipal Federated Parents-Teachers Association (MFPTA) sa isang
dayalogo ukol sa Basic Education Support and Shared Accountability na
inorganisa ng DepEd Schools Division Office I Pangasinan noong September 19 sa
Lingayen. Sa dayalogong ito, higit na napalakas ang komunikasyon at ugnayan sa
pagitan ng DepEd SDO I Pangasinan at mga pangunahing stakeholders upang mas
mapatibay ang implementasyon ng mga programang pang-edukasyon sa buong
lalawigan.
11. 47
Farmers, Nagtapos sa School-on-the-Air Program
May 42 na lokal
na magsasaka at limang empleyado ng Agriculture Office ang nagsipagtapos sa DA
School-on-the-Air Masagana Rice Industry Program, sa graduation ceremony na
ginanap sa Calasiao noong September 19. Layunin ng school-on-air program na
maipamahagi ang dagdag-kaalaman sa mga magsasaka kahit nasa tahanan o bukid
lamang. Kinilala ang MAO bilang pangalawa sa may pinakamaraming grumaduate sa
buong rehiyon, at isa sa kanila ang nagtamo ng karangalan.
12. RHU I at
III, Nagdaos din ng Buntis Congress
Matapos ang matagumpay
na Buntis Congress 2025 ng RHU II, sumunod namang nagdaos ng sariling Buntis
Congress ang RHU I at RHU III, upang palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga
ina sa tamang pangangalaga sa kanilang sarili at kanilang mga anak. Naging
sentro ng programa ang mga lektyur ukol sa prenatal care, kahalagahan ng
pagbabakuna para sa proteksyon ng mga sanggol, oral health, at tamang nutrisyon
at diet. Kabilang sa naging pakulo ang pagdaos ng Ms. Gandang Buntis 2025
beauty pageant.
13. 1,026 na
Magsasaka, Tumanggap ng Food Assistance
Mahigit sa
isang libong magsasaka sa Bayambang ang tumanggap ng food assistance sa
isinagawang pamamahagi na pinangunahan ng DSWD at Pinoy Workers Partylist, sa
pamamagitan ni Board Member Raul Sabangan. Ang mga magsasakang binigyan ng
tulong ay yaong mga labis na naapektuhan ng pinakahuling kalamidad.
14. DOST at
Bureau of Plant Industry, Naghandog ng Training sa Onion Farmers
Noong Setyembre
24, naghandog ng training ang Forest Products Research and Development
Institute ng DOST katuwang ang Crop Pest
Management Division ng Bureau of Plant Industry para sa mga onion farmers at
farmers’ cooperatives at farmers' associations ng Bayambang, kung saan
ipinakilala ang paggamit ng tinaguriang Bamboo LIQUOR bilang organikong
pesticide na makakatulong sa ligtas at sustenableng pagsasaka.
15. PRDP
Sub-Project Pre-Construction Conference, Isinagawa
Noong September
24 to 26, ang LGU ay nagsagawa ng isang pre-construction conference para sa
nalalapit na implementasyon ng DA-PRDP-World Bank sub-project na "Road
Opening and Concreting of San Gabriel II to Pantol Farm-to-Market Road."
Sa kumperensyang ito, siniguro na ang lahat ng involved sa sub-project pati na
ang contractor nito ay lubos na nauunawaan ang scope of work, implementation
schedule, roles and responsibilities, at iba pang technical at administrative
concerns ng naturang sub-project.
16. Social
Sector, Nag-update sa BPRAT
Ang mga
miyembro ng social sector ng LGU ay nagbigay ng update sa Bayambang Poverty
Reduction Action Team upang mamonitor kung nasaan na ba ang mga aktibidad at
proyekto na nakahanay ayon sa Bayambang Poverty Reduction Plan. Sa pamamagitan
ng regular na monitoring ng mga nasabing proyekto at aktibidad, nasisiguro na
tuluy-tuloy ang implementasyon ng mga ito tungo sa pagkakapanalo ng Rebolusyon
Laban sa Kahirapan.
17. Mini-Job
Fair, May 59 HOTS
Isang mini-job
fair na inorganisa ng PESO-Bayambang noong September 25 ang dinagsa sa Events
Center.
Sa 171 na
aplikante na nagparehistro, 59 sa kanila ang hired on the spot.
18.
Bayambang Inter-District Basketball Tournament 2025, Nagsimula Na!
Noong September
27, opisyal nang nagsimula ang Bayambang Inter-District Basketball Tournament
2025 para sa mga kabataan sa Brgy. Bani Covered Court. Tampok sa programa ang
makulay na motorcade, Oath of Sportsmanship, Selection of Best Muse, at
Ceremonial Toss. Dinaluhan ito ng mga opisyal bilang suporta sa layuning
itaguyod ang sportsmanship, talento, at pagkakaisa ng mga kabataan sa
pamamagitan ng basketball.
19.
Panibagong Responder para sa Oras ng Sakuna
Dahil sa tapat
na pamamahala ni Mayor Nina, ang buwis ng taumbayan ay bumabalik din para sa
kapakinabangan ng lahat. Noong September 25, nagkaroon ng isang blessing
ceremony para sa isa na namang rescue vehicle responder, sa pangunguna ng
MDRRMO. Ang bagong responder ay nagkakahalaga ng P2.488 million pesos, at
pang-labing-limang responder na ng LGU.
20. GCash at
SEE, Nagpromote ng Cashless Payments Gamit ang Paleng-QR PH
Sa kolaborasyon
ng Office of Special Economic Enterprises, tinulungan ng GCash ang mga vendor sa
public market at mga tricycle driver na magkaroon ng Paleng-QR PH codes na
magagamit nila upang tumanggap ng digital payment mula sa kanilang mga mamimili
noong September 25. Ang mga QR code ay magagamit ng kanilang mga customer upang
magbayad, hindi lamang gamit ang GCash kundi kahit na anong digital payment na
kasama sa Paleng-QR PH program. Ang Paleng-QR PH program ay programa ng Bangko
Sentral at DILG upang palaganapin ang cashless transactions.
21.
Kasunduan para sa 10MW Solar Plant, Nilagdaan ng CSFirst Green!
[Note: MW
should be read as mega-watt]
Noong September
23, lumagda sa isang 10-megawatt Renewable Energy Supply Agreement ang CENPELCO
at CS First Green AID Inc., sa headquarters ng National Electrification
Administration, na sinaksihan ni NEA Administrator Antonio Mariano Almeda. Ang
proyekto, na itatayo sa bayan ng Bayambang, ay maghahatid ng maaasahan,
episyente, at malinis na enerhiya para sa mga residente. Dumalo rin sa
seremonya ang mga opisyal mula NEA, CENPELCO, at CSFirst Green na pinangunahan
ni Dr. Cezar Quiambao.
***
Bayambang,
Dapat Alam Mo! (Tamang Pamamaraan ng Pagtapon ng Basura)
Bayambang,
dapat alam mo na, upang mapanatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran,
ipinatutupad ang sumusunod na alituntunin sa pagtatapon ng basura:
1. Huwag ibaon
sa lupa ang mga diaper at sanitary napkin. Ang mga ginamit na diaper at
sanitary napkin ay ilalagay sa sako at isasabit sa lugar na hindi maaabot ng
aso.
2. Mahigpit na
ipinatutupad ang waste segregation sa pinagmumulan:
- Ang
biodegradable waste ay hindi na kokolektahin. Ito ay dapat itapon sa compost
pit, hardin, o sa itinakdang community composting area.
3. Ang lahat ng
residual waste at special waste (battery, light bulbs, eletronic appliances) ay
dadalhin sa MRF o Material Recovery Facility sa Brgy. Telbang para sa tamang
pagtatapon.
4. Ang mga
recyclable waste ay mananatili sa bawat tahanan o dadalhin sa Barangay MRF.
5. Huwag
magsunog ng basura.
6. Huwag
magtapon ng basura sa mga bakanteng lote.
Dapat alam mo
na tayong lahat ay may malaking papel sa kalinisan ng ating bayan.
Sama-sama
nating isulong ang maayos na pamamahala ng basura tungo sa isang mas malinis at
mas ligtas na komunidad.
Ang lahat ng
ito, Bayambang, ay dapat alam mo!
[To video
editor: Cite these references as runners or footnotes: D.O.H. Memorandum
Circular 2019 # 0054, R.A. 9003, M.O. #18]
***
[OUTRO]
NEWSCASTER 1:
Dito sa Bayambang, bawat proyekto ay may layuning makapaglingkod nang tapat at
may puso.
NEWSCASTER 2:
At bawat kwento, tagumpay nating lahat bilang isang komunidad.
NEWSCASTER 1:
Magsama-sama tayong muli sa susunod na ulat!
SABAY: Ito ang…
BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment