Thursday, September 25, 2025

Bayambang, Dapat Alam Mo! (Tamang Pamamaraan ng Pagtapon ng Basura)

 Bayambang, Dapat Alam Mo! (Tamang Pamamaraan ng Pagtapon ng Basura)

 

Bayambang, dapat alam mo na, upang mapanatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran, ipinatutupad ang sumusunod na alituntunin sa pagtatapon ng basura:

 

1. Huwag ibaon sa lupa ang mga diaper at sanitary napkin. Ang mga ginamit na diaper at sanitary napkin ay ilalagay sa sako at isasabit sa lugar na hindi maaabot ng aso.

 

2. Mahigpit na ipinatutupad ang waste segregation sa pinagmumulan:

 

- Ang biodegradable waste ay hindi na kokolektahin. Ito ay dapat itapon sa compost pit, hardin, o sa itinakdang community composting area.

 

3. Ang lahat ng residual waste at special waste (battery, light bulbs, eletronic appliances) ay dadalhin sa MRF o Material Recovery Facility sa Brgy. Telbang para sa tamang pagtatapon.

 

4. Ang mga recyclable waste ay mananatili sa bawat tahanan o dadalhin sa Barangay MRF.

 

5. Huwag magsunog ng basura.

 

6. Huwag magtapon ng basura sa mga bakanteng lote.

 

Dapat alam mo na tayong lahat ay may malaking papel sa kalinisan ng ating bayan.

 

Sama-sama nating isulong ang maayos na pamamahala ng basura tungo sa isang mas malinis at mas ligtas na komunidad.

 

Ang lahat ng ito, Bayambang, ay dapat alam mo!

 

References:  D.O.H. Memorandum Circular 2019 # 0054, R.A. 9003, M.O. #18

 

No comments:

Post a Comment