Bayambang, Dapat Alam Mo
Expanded Maternity Leave
Bayambang, dapat alam mo na base sa batas, expanded na ang maternity leave ng mga empleyadong bagong panganak. Kung dati ay 60 days ang maternity leave, ngayon ay naging 105 days na.
Ayon sa Section 19 ng Republic Act No. 11210, o An Act Increasing the Maternity Leave Period to One Hundred Five Days for Female Workers, ito ay para bigyang pagkakataon ang mga bagong panganak na maalagaang mabuti ang kanilang bagong silang na sanggol.
Ngayon, Bayambang, ay dapat alam mo!
***
Update on Number of LGU Employees
Samantala, dapat alam mo rin na noong 2016, bago umupo ang administrasyong Quiambao-Sabangan, mayroong 293 na empleyado ang Munisipyo.
Ikumpara mo ito sa kasalukuyan, na may 944 na empleyado na!
Napakalayo, di ba?
Ang pagbibigay ng napakaraming oportunidad sa trabahao at karera ay tiyak na malaking ambag sa ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan.
Ngayon, Bayambang, ay alam mo na!
***
Participatory Budgeting
Bayambang, dapat alam mo na may direktang boses ka pagdating sa proseso ng pagbabudget sa Munisipyo.
Ayon sa Budget Operations Manual ng Department of Budget and Management, mayroong section ukol sa "Participatory Budgeting," kung saan ineencourage ang publiko na makilahok sa preparasyon ng budget ng Munisipyo sa pamamagitan ng mga accredited na CSO. Kaya't huwag mahiyang makialam kung paano ginagasta ang pera ng bayan.
Maging miyembro ng isang accredited CSO at aktibong makilahok sa talakayan kapag naimbitahan sa mga budget forum at maging sa mga public hearing.
Ngayon, Bayambang, ay alam mo na.
No comments:
Post a Comment