Thursday, August 21, 2025

Monday Report – August 25, 2025

 

Monday Report – August 25, 2025

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Naimbag nga aldaw kadakayo amin, Bayambang! Ako po si ___ mula sa Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office. Ang inyong katuwang sa paghahatid ng mga napapanahong balita.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si _____, ang inyong katuwang sa paghahatid ng mga napapanahong balita.

NEWSCASTER 1: Mga balitang tungo sa pagbabago at patunay ng sama-samang pagkilos para sa kinabukasan.

NEWSCASTER 1: Ito ang tinig ng bayan, tinig ng serbisyo...

SABAY: …BayambangueNews!

 

***

1.      Municipal Accountant, Isa sa Most Outstanding sa Pangasinan

Kinilala si G. Flexner de Vera, bilang isa sa mga Most Outstanding Municipal Accountant ng probinsya ng Pangasinan, sa ginanap na seremonya ng Pangasinan Association of Local Government Accountants o PALGA noong August 12 sa Dagupan City. Ito ay isang pagkilala sa kanyang husay at dedikasyon, na siyang nagbigay-daan sa LGU-Bayambang upang makatanggap ng unmodified opinion mula sa Commission on Audit para sa 2024 financial statements nito.

2.      Bagong ECCD Bldg. at MSWDO Bldg., Pinasinayaan

Noong August 18, pormal na binuksan at binasbasan ang bagong magkahiwalay na gusali ng Early Childhood Care and Development (ECCD) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa Brgy. Magsaysay. Ang proyekto ay inilunsad upang mas mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo para sa mga bata, kababaihan, senior citizens, at iba pang sektor.

3.      Fountain sa Royal Mall, Ipinatibag

Ipinatibag ng Task Force Disiplina ang fountain sa tapat ng Royal Mall na itinuturing na obstruction sa road shoulder at panganib para sa mga motorista. Pinanindigan ng task force ang kanilang layunin na linisin ang mga lansangan laban sa anumang sagabal para sa kaligtasan ng publiko.

4.      Internal Assessment ng CDCs at CDWs, Isinasagawa

Noong nakaraang linggo, nag-umpisang magsagawa ang MSWDO ng monitoring at validation activity sa 34 na Child Development Centers at Child Development Workers ng Bayambang. Dito ay tiniyak ang kumpletong dokumentasyon ng bawat pasilidad, bilang paghahanda sa nakatakdang external evaluation ng ECCD Council at assessors mula sa Pangasinan SWDO.

5.      Updates sa 4Ps, Tinakalay sa MAC Meeting

Sa pinakahuling pulong ng Municipal Advisory Council, tinalakay ng DSWD ang status update ng 4Ps members, kabilang ang pagsusuri ng compliance turnout, ang Social Welfare and Development Indicators administration, at mga isyu gaya ng teenage pregnancy. Ibinalita rin dito ang nakatakdang pag-exit ng 2,804 na benepisyaryo mula sa programa.

6.      Iba't Ibang Grupo, Nagbigay ng Relief Goods

Iba't ibang grupo ang patuloy na nagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo. Noong August 18, naghatid ng food packs at hot meals sa 180 residente ng Sitio Lagare, Nalseban, Brgy. San Gabriel 2nd, ang pinagsamang relief mission ng Gabriel Medical Clinic, Gabs Pharmacy Cooperative Store, at Bayambang Matikas Eagles Club, salamat kina Dr. Roberto Gabriel at BMEC President Bogs Bugarin.

7.      Search and Retrieval Operation, Isinagawa

Noong August 18, ang MDRRMO, katulong ang BFP at BDRRMC ng Brgy. San Gabriel 2nd ay nagsagawa ng search and retrieval operation matapos makatanggap ng tawag mula sa naturang barangay ukol sa isang insidente ng pagkalunod. Matapos ang apat na oras na operasyon, matagumpay na natagpuan at naiahon ang walang buhay na biktima, na isang 21 taong gulang na binata na residente sa lugar.

8.      'Gender-Fair Language Training,' Idinaos

Noong August 19, sumabak sa isang "Gender-Fair Language Training" ang mga kawani ng munisipyo  bilang bahagi ng pagsusulong ng inklusibong wika at pagkakapantay-pantay ng mga kasarian. Ito ay upang itaas ang kamalayan at baguhin ang paggamit ng mga kawani sa mga salita at pahayag na hindi nagtatangi o nagpapahiwatig ng anumang bias batay sa kasarian. Naging resource speaker si Assistant Professor Jeffrey A. de Asis mula sa PSU-Bayambang Campus.

9.      Miguel Family, Nagdonate ng Bigas sa mga Nasalanta ng Bagyo

Noong August 19, nagdonate ang Miguel family ng 150 bags ng tig-limang kilong bigas sa mga nasalanta ng bagyong 'Emong.' Ito ay tinanggap ng Municipal Social Welfare Management Office (MSWMO) at ipinamahagi naman ng Municipal Agriculture Office (MAO) sa mga magsasaka. Malugod na nagpapasalamat kina Dr. Nicolas at Dr. Myrna Miguel ang LGU-Bayambang at ang mga magsasakang kanilang biniyayaan.

10.  BEACONS Program, Dinala Rito ng UPLB

Noong August 19 to 21, isinagawa ng UP Los Banos Biotech ang isang serye ng aktibidad sa ilalim ng Biotechnology Empowerment and Assistance of Communities and the Nation for Sustainability o BEACONS, upang lalo pang mapalawak ang kaalaman ng mga magsasaka at kooperatiba sa makabagong teknolohiya, partikular na sa paggamit ng biofertilizers. Dinaluhan ito ng humigit-kumulang na 100 magsasaka at farmer-cooperators, kung saan sila ay nakinig sa mga lecture at nanood ng mga field demo mula sa mga eksperto ng UPLB Biotech.

11.  ONGOING: Data-Gathering ng Assessor's Office para sa RPVARA

Ang Municipal Assessor's Office ay kasalukuyang nangangalap ng mga datos mula sa mga real property owner sa iba't ibang barangay. Ito ay bahagi ng paghahanda para sa pagbabalangkas ng Schedule of Market Value at pagsasagawa ng General Revision of Property Assessment and Classification, alinsunod sa Real Property Valuation and Assessment Reform Act.

12.  Holistic Health, Tinutukan sa SK Symposium

Bilang pagsuporta sa pagsulong ng holistic health sa mga kabataan, nagsagawa ang Sangguniang Kabataan ng Bayambang ng isang symposium noong August 20. Ipinaliwanag dito ang kahalagahan ng pangangalaga, hindi lamang sa pisikal na kalusugan, kundi pati sa mental, emosyonal, sosyal, at ispiritwal na aspeto ng buhay – upang maging ganap na masigla at balance ang pamumuhay ng kabataang Bayambangueño.

13.  Training on Barangay Budgeting and AIP, Isinagawa

Noong August 20, nag-organisa ang Budget Office, sa pakikipag-ugnayan sa MPDO, ng isang libreng pagsasanay para sa mga punong barangay, barangay secretary, barangay treasurer, at barangay kagawad na pinuno ng Committee on Appropriations tungkol sa Barangay Budgeting and Annual Investment Programming. Dito ay mas pinalawak ang kaalaman ng mga naturang opisyal sa tamang proseso ng pagpaplano at pagbubuo ng badyet, gayundin sa maayos na paglalaan ng pondo para sa mga proyekto.

14.  Mga Barangay Kagawad, Nag-Team-Building Activity

Sa unang pagkakataon, lumahok ang lahat ng miyembro ng mga Sangguniang Barangay at ilang Punong Barangay ng Bayambang sa isang team-building activity at capability development training na ginanap sa isang beach resort sa Bolinao, Pangasinan noong Agosto 19-20. Masayang nagbonding ang lahat sa mga aktibidad na inorganisa ng kanilang samahan.

15.  PESO-Yokohama Rubber LRA, Nagbunga ng 27 HOTS

Noong August 19–20, isang local recruitment activity ang isinagawa sa pagtutulungan ng Public Employment Service Office at Yokohama Rubber Company sa SB Session Hall. May 72 na aplikante ang nakapagparehistro, at 27 sa mga applicants ang hired on the spot.

16.   3 PMMA Grads, Nagcourtesy Call

Tatlong bagong ensign ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) ang nagcourtesy call kay Mayor Niña. Dumalaw ang mga bagong graduate na mga tubong Bayambang upang ipagpasalamat ang suporta ng kanilang bayan. Sila anila ay pawang mga anak ng mga magsasakang nagsumikap upang maitawid ang kanilang edukasyon, at patunay na hindi hadlang ang kahirapan sa kanilang pangarap na makapagtapos.

17.  Dairy Farm Training, Inilunsad

Noong August 20, opisyal nang sinimulan ng Dairy Farm Training Center ng Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. ang isang Dairy Farm Training sa Brgy. Mangayao para sa unang batch ng trainees upang magbigay ng wastong kaalaman sa dairy farm operations. Ang KKBSF Dairy Farm ay isang Learning Site for Agriculture, sa paggabay ng Agricultural Training Institue ng Department of Agriculture Region I at ng National Dairy Authority.

18.  Wellness Day, Inilaan para sa PWD Presidents at Council

Isang Wellness Day ang inilaan ng Persons with Disability Affairs Office noong August 21 para sa mga PWD President at Council members ng iba't ibang barangay. Ito ang nagsilbing culminating activity ng Disability Rights Week, kung saan nabigyan ng natatanging araw ang mga PWD sa pamamagitan ng pag-alok ng mga libreng serbisyo kabilang ang haircut, massage, at manicure at pedicure.

19.  8th RLK Anniversary at Linggo ng Kabataan, Sabay na Ipinagdiwang!

Nanguna ang Sangguniang Kabataan Federation ng Bayambang, katuwang ang Local Youth Development Office, sa gabay ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, sa mga aktibidad bilang parte ng selebrasyon ng ikawalong aniberaryo ng ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan at ang taunang Linggo ng Kabataan.

A.     Una, kanilang inilunsad kasama ng ESWMO ang Bali-Balin Bayambang 3.0 upang mas mapaigting ang kalinisan at kaayusan sa ating bayan.

B.     Ikalawa, iginawad sa napiling benepisyaryo mula sa Brgy. Bical Norte ang nalikom na pondo mula sa pinakahuling Ukay for a Cause activity.

C.      Ikatlo, nagsagawa ng isang outreach program ang mga SK Chairperson sa Don Teofilo Mataban Memorial School sa Brgy. Ligue, kung saan nagkaroon ng storytelling session at pamamahagi ng reading materials.

D.     Noong August 19 naman, nagsagawa ng literary and arts contest ang SK Federation kung saan nagtagisan ang mga kabataan sa poster-making, essay writing, at poetry slam.

E.      Nang sumunod na araw, nagsagawa ng isang usapang pangkalusugan para sa mga kabataan upang talakayin ang holistic approach sa kalusugan.

F.      Noong August 21, nagkaroon ng Youth Leadership Development Symposium kung saan naging kalahok hindi lamang ang mga SK Chairperson kundi pati na rin ang mga student leader.

G.     Sa araw na iyon, nagdaos din ng isang Laro ng Lahi competition upang pagyamanin ang kaalaman ng mga kabataan sa pamana ng lahing Pilipino at kulturang Pinoy pagdating sa larangan ng sports o palakasan.

H.     Kinagabihan ng August 22, nagpasiklaban ang mga kabataan sa HimigSikan Battle of the Bands. At may kasabay pa itong Your Face Sounds Familiar contest.

I.       Ito ay nagtapos sa isang Awarding at SK Fellowship Night, kung saan pinarangalan ang lahat ng nagwagi sa mga patimpalak at masayang nagbonding magdamag ang lahat ng mga kabataan.

 

20.  LGU, Regional Winner sa Kaunlarang Pantao Award

Ang LGU-Bayambang ay pinarangalan ng Commission on Population and Development bilang Regional Winner sa Municipal Category ng 2025 Rafael M. Salas Kaunlarang Pantao Award. Ito ay bilang pagkilala sa mga inisyatibo ng LGU sa pag-localize ng population and development agenda sa pamamagitan ng mga innovative, inclusive, at sustainable na programa.

 

[OUTRO]

NEWSCASTER 1: Sa bayan nating may puso, may direksyon, at may malasakit, ang serbisyo ay tuloy-tuloy.

NEWSCASTER 2: At sa bawat ulat na aming hatid, nariyan ang pangakong hindi kayo pababayaan.

NEWSCASTER 1: Muli, ako po si ___, kaisa ninyo sa pagpapatuloy ng tunay na pagbabago.

NEWSCASTER 2: At ako si ___, mula sa ____, patuloy na naglilingkod sa inyo, sa ngalan ng LGU-Bayambang. Hanggang sa susunod na lingo.

SABAY: Ito ang.... BayambangueNews!

 

No comments:

Post a Comment