Monday Report - August 11, 2025
[INTRO]
NEWSCASTER 1: Isang mapagpalang Lunes, Bayambang! Ako po si ___.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si ____, at kami po ay mula sa mula sa Bayambang Polytechnic College... ...narito upang ihatid ang mga ulat ng pagkilos at pagbabago.
NEWSCASTER 1: Mga hakbang tungo sa mas masigla at mas progresibong bayan.
NEWSCASTER 2: Kaya’t samahan ninyo kami sa lingguhang kwentuhan, impormasyon at serbisyong totoo. Dito sa...
SABAY: ...BayambangueNews!
***
[SALITAN NA KAYO RITO]
1. Task Force Disiplina, Umarangkada!
Sa unang araw ng Agosto, inilunsad ng LGU ang pagpapatupad ng Disiplina Zones sa bayan ng Bayambang. Sa ilalim ng bagong programang ito, ibayong paiigtingin ng Task Force ang pagpapatupad ng lahat ng mga batas na dapat ay matagal nang sinusunod ng lahat. Dumalo sa formal launching ang lahat ng empleyado ng LGU na na-deputize upang maghuli ng sinumang lumalabag nang walang kinikilingan, bukod pa sa PNP, mga sundalo, at ang Bayambang Public Safety Office. Inaasahan ang pakikiisa ng lahat, dahil sa disiplinadong mamamayan, uunlad ang bayan ng Bayambang!
2. DOLE, Nagbigay ng Technical Assistance
Noong July 3, bumisita ang DOLE Region I para sa isang Technical and Advisory Visit sa tulong ng PESO na dinaluhan ng mga lokal na business owner. Ipinaalam sa mga business owner ang tungkol sa mga labor law, occupational safety and health, at iba pang mga patakaran kaugnay ng labor and employment.
3. Grupong FAB, Muling Naghandog ng Tulong
Matapos makipag-ugnayan sa MSWDO at RHU, ang grupong Feeding Angels of Bayambang ay nagsagawa ng unang bugso ng relief operation sa Brgy. Pantol, Manambong Sur, at Manambong Parte para sa mga nasalanta ng baha. Sila ay may natulungang 60 na pamilya o 170 na indibidwal. Ang FAB ay namahagi ng mga hot meal at food pack mula sa kanilang mga anonymous donor at sponsor.
4. NIA, Nagsagawa ng Consultation Meeting
Noong August 1, nagsagawa ng consultation meeting ang National Irrigation Administration kasama ang LGU at Agri Tech Real Estate Development Corporation upang talakayin ang usapin ng land reclassification kaugnay ng isang panukalang broiler breeder farm sa Brgy. Dusoc. Tinalakay dito ang kahalagahan ng maayos na koordinasyon hinggil sa reclassification ng lupa na maaaring madaraanan o maapektuhan ng nasabing proyekto.
5. Bayambangueño, Muling Nagdonate ng mga Aklat
Muling nagdonate ng mga aklat at iba't ibang kagamitan sa mga paaralan at ibang grupo at indibidwal ang US-based na Bayambangueño na si Mr. Joey Ferrer sa pamamagitan ng kanilang foundation. Ang mga ito ay tinanggap ng iba't ibang paaralan kabilang ang Bayambang Poytechnic College, PSU, BNHS, at St. Vincent Catholic School.
6. Osave, Namigay ng Food Packs sa Solo Parents
Isang daan at limampung solo parents sa Bayambang ang nakatanggap ng mga food pack mula sa Osave noong August 4. Bawat food pack ay naglalaman ng bigas, kape, de lata, noodles, at iba pang pagkain bilang tulong sa sektor lalo na sa mga naapektuhan ng nagdaang kalamidad.
7. Zone VI BNS, Contender sa Pangasinan's Most Outstanding BNS
Sumailalim si Christien Garcia ng Brgy. Zone VI sa monitoring at evaluation nitong August 6 bilang bahagi ng kanyang nominasyon para sa 2024 Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) in the Province. Ang onsite evaluation ay isinagawa ng Provincial Nutrition Evaluation Team, sa tulong ng Nutrition Office. Kamakailan lamang, itinanghal si Garcia bilang Most Outstanding BNS sa municipal level.
[FOR DELETE???] 8. PNP-Bayambang, Muling Binigyan ng Bahay Kubo
Noong August 6, ipinagkaloob ng Office of the Mayor ang isang bahay kubo sa PNP-Bayambang upang magkaroon ng maayos na opisina at pahingahan ang PNP sa kanilang checkpoint sa Brgy. Malimpec. Ang bahay kubo ay nagkakahalaga ng ₱75,000.
9. MDRRMO, Tumulong sa Alaminos Clearing Operation
Noong July 28, ang MDRRMO-Bayambang ay nagsagawa ng clearing operation sa Brgy. Pangapisan, Alaminos City at naghatid ng kaunting tulong, matapos manawagan ang naturang lungsod ng tulong mula sa iba't ibang LGU.
10. Weighing Scale Calibration Activity, Isinagawa
Noong August 6 at 7, ang mga DOST-trained calibrator ng LGU ay nagcalibrate ng mga timbangan ng mga barangay, upang masiguro ang accuracy ng mga ginagamit na timbangan sa mga barangay. Ang mga trained calibrator ay nagmula sa Nutrition Office at Special Economic Enterprise.
11. Technical Budget Hearing, Isinagawa
Mula August 6 hanggang 8, nagsagawa ng isang Technical Budget Hearing ang Municipal Budget Office upang masiguro ang maayos na paglalaan ng pondo para sa mga programang pangkaunlaran at serbisyong panlipunan ng lokal na pamahalaan. Ang technical hearing ay dinaluhan ng mga department head dala-dala ang kanilang panukalang badyet, kasama ang mga prayoridad na proyekto at inisyatibong nakapaloob sa Annual Investment Program ng munisipyo.
12. DMW Regional Director, Bumisita
Noong August 6, bumisita ang Regional Director ng Department of Migrant Workers na si Director Christian Rey O. Sison upang talakayin ang pagkakaroon ng isang Department of Migrant Workers Help Desk sa bayan ng Bayambang para maipalapit ang serbisyo at tulong ng gobyerno sa ating mga OFW at kanilang pamilya.
13. 1,100 BPC Students, Tumanggap ng Food Assistance
Noong August 7, nakatanggap ng food assistance na nagkakahalaga ng P2,000 bawat isa ang may 1,100 na estudyante ng Bayambang Polytechnic College sa isang programang handog ng Pinoy Workers Partylist sa pamamagitan ni Board Member Vici Ventanilla. Ang nasabing food assistance ay bahagi ng adbokasiya ng Pinoy Workers Partylist sa pagtugon sa pangangailangan ng mga estudyante.
14. Kampanya sa Pagtitipid sa Kuryente, Tampok sa Seminar
Isang Energy Efficiency and Conservation (EEC) Seminar ang isinagawa nitong August 7, upang lalong mapalakas ang kampanya ng lokal na pamahalaan para sa mas matipid na pagkonsumo ng kuryente. Naging guest speaker ang mga taga-Department of Energy. Nagbahagi naman ang Energy Efficiency and Conservation Officer ng LGU ng mga best practices ng munisipyo ukol dito.
15. Supplemental Budget ng LGU, Aprubado ng SP!
Matagumpay na naipagtanggol ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang mungkahing resolusyon na “Pag-apruba sa Supplemental Annual Investment Program No. 1” na pormal na inendorso ng Municipal Development Council na may kabuuang halagang PhP454,610,285.32 noong Aposto 5, 2025 sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.
16. Bayambang MPS, Outstanding Municipal Police Station ng Pangasinan!
Ang LGU-Bayambang ay mainit na bumabati sa lahat ng mga miyembro ng Bayambang Municipal Police Station sa iniuwi nilang parangal bilang Outstanding Municipal Police Station - Class A category sa Pangasinan sa taong 2025! Ang nasabing parangal ay isang pagkilala sa kahusayan ng PNP-Bayambang sa ilalim ng magaling na pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rommel Bagsic sa kanilang tungkulin na itaguyod ang seguridad at kaayusan sa buong pamayanan.
***
BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO!
Bayambang, dapat alam mo kung ano ang BPRP!
Ang BPRP ay ang Bayambang Poverty Reduction Action Plan 2018-2028, isang ten-year plan na itinuturing nating blueprint o bibliya ng ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan.
Ang BPRP ay nabuo noong 2017 nang ideklara ni dating Mayor Cezar Quiambao ang naturang rebolusyon upang tuluyang mai-ahon ang bayan ng Bayambang sa kahirapan.
Lahat ng basic sectors ng ating komunidad ang nakilahok sa pagbuo nito! [USE OLD PHOTO FILES]
Ang BPRP ang sinusunod nating plano para sa pag-unlad ng ating bayan, kaakibat ng iba pang mandatory na plano ng gobyerno tulad ng Annual Investment Plan, Comprehensive Development Plan, Local Development Investment Plan, Comprehensive Land Use Plan, at iba pa.
Bayambang, dapat alam mo na ang BPRP ay may tinututukang limang pangunahing aspeto ng pag-unlad, upang siguradong walang Bayambangueño ang mapag-iiwanan.
- Good Governance
- Economic and Infrastructure Development
- Social Protection and Socio-cultural Development
- Agricultural Modernization
- Disaster Resiliency and Environmental Protection
Bayambang, dapat alam mo na kasama ka sa Rebolusyong ito. Ikaw ang unang-unang makikinabang sa tagumpay nito.
Ngayon, sa ika-walong taong ng Rebolusyon sa ilalim ni Mayor Niña, ang iyong pakiki-isa sa mga programa at aktibidad sa ilalim ng BPRP ang magiging susi sa tagumpay ng ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan.
Bilang Bayambangueño, ang lahat ng ito ay... dapat alam mo!
***
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: Sa bawat proyekto’t inisyatibo ng LGU, kabalikat ang bawat Bayambangueño.
NEWSCASTER 2: At sa bawat ulat, nariyan ang puso ng serbisyo.
NEWSCASTER 1: Ako po si ___, kasama niyo sa bawat kwento ng pagbabago.
NEWSCASTER 2: At ako si ___, mula sa _______... ...Hatid ang balita para sa bawat isa. Hanggang sa muli,
SABAY: Ito ang… BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment