Monday, August 4, 2025

LGU ACCOMPLISHMENTS for July 2025

 

 

EVENTS COVERED

 

1.     Mga Bagong Opisyal ng Bayambang, Pormal nang Nanumpa sa Tungkulin

2.     GAD Execom, Tinalakay ang Functionality ng GAD Council

3.     BPRP Good Governance Sector, Nag-ulat para sa 2nd Quarter

4.     LGU-Bayambang, Napiling Panelist sa Philippine Poverty Reduction Summit

5.     Mga Lokal na Kooperatiba, Naglakbay-Aral

6.     LSB, Patuloy ang Pagtutok sa Sektor ng Edukasyon

7.     Mga Magulang at Guardian ng CDC Learners, Nakinig sa Orientation Activity

8.     SB Members, Dumalo sa Seminar ukol sa “Updating of the Elective Local Officials Profiling Database System”

9.     Inaugural Session ng 13th SB, Isinagawa

10. LGU-Bayambang, Nakilahok sa NDRM 2025

11.  ICTO at HRMO, Sinimulan na ang ‘Digital HR’ Project

12.  PWD Students, Kinatawan ng Probinsya sa National IT Challenge

13.  LGU Issues at Concerns, Tinalakay sa Execom Meeting

14. Municipal CDC, Muling Nagbukas

15. Amazing Race, Ginanap sa Pagbubukas ng Nutrition Month

16. CDC Learners, Nagtagisan sa Nutri-'Family Feud'

17. 3-Day Conference, Isinagawa para sa Onion Cold Storage

18. Food Packs para sa Supplementary Feeding, Ipinamahagi

19.  Bayanihan sa Bayambang, Buhay na Buhay

20. BADAC Skills Enhancement at RA 9165, Tinutukan sa Symposium

21. Bayambang, Muling Nakatanggap ng PTV

22. State of Local Governance Summary, Iprinisenta

23. Groundbreaking Ceremony, Isinagawa para sa Bayambang Onion Cold Storage Facility!

24. Mga Traffic Enforcer, Sumabak sa Traffic Management at Radio Operator Seminar

25. Colgate-Palmolive Philippines, Nagdonate ng Isang-libong Toothbrush at Toothpaste

26. PhilHealth Konsulta Caravan, Nagtungo sa  Manambong Sur

27. Feeding Angels, Tuluy-Tuloy ang Pakikiisa sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan!

28. Eligible Senior Citizens, Nakatanggap ng Cash Gift mula sa NCSC

29. 2 Centenarians, Tumanggap ng Tig-P100,000 Cash Gift

30. Re-appointment ni Atty. Vidad, Kinumpirma ng SB

31. Improvement Plan para sa Bagong Bayambang Cemetery at Municipal Plaza, Iprinesenta

32. Huling Pulong, Ginanap upang Ayusin ang mga Talipapa sa Brgy. Nalsian Sur at Quezon Blvd.

33. Implementasyon ng Disiplina Zone, Nalalapit Na!

34. St. Vincent Ferrer Prayer Park, Binisita ng DOT-RO1 at DTI

35. Mayor Niña, Nagdonate ng Dog Food at Cat Food sa Animal Shelter

36. Business Mentoring, Inihatid ng PDAO sa mga PWD

37. Mga Negosyante, Dumalo sa DTI Seminar

38. Binata, Naipagamot ng MAC

39. Hybrid Seeds at Fertilizers, Ipinamahagi sa Corn Farmers

40. KSB Year 8, Dinala sa San Gabriel 2nd

41. 934 na Benepisyaryo, Sumahod sa TUPAD Payout

42. Vice-Mayor IC, Secretary General ng Vice Mayors' League of the Philippines–Pangasinan Chapter!

43. LGU-Bayambang, Napanatili ang ISO 9001:2015 Certification sa 2nd Surveillance Audit!

44. Watsons Pharmacy, NOW OPEN in BAYAMBANG!

45. PESO-Bayambang, May Special Recruitment Activity

46. SPES Beneficiaries, Tumanggap ng Sahod

47. 11 GIP Beneficiaries, Tumanggap din ng Sahod mula DOLE

48. Publiko, Pinag-iingat ukol sa Pagkain ng Ligaw na Kabute

49. Grupong BTS, Tumulong sa Isang PWD

50. Barangay Officials, Dumalo sa Training-Seminar

51. Liga Vice-President, Nagdonate sa BPSO

52. CSO Re-accreditation Conference, Isinagawa

53. Assistive Devices, Tinanggap ng Limang PWD

54. MVAT Team, Muling Naglilibot

55. PhilHealth Konsulta Caravan, Nagtungo sa Carungay

56. TODA Members, Pinulong ukol sa Disiplina Zone

57. MDRRMC, Dagliang Umaksyon sa Pagbaha

58. Mga OFW, Sumabak sa Visual Graphics Training

59. Ilang Punong Barangay, Pinulong ukol sa Jumper Issue

60. Bahay Kubo, Tinanggap ng PNP

61.  Relief Operations, Nagpatuloy

62. Pamilyang Nasunugan sa Bical Sur, Tinulungan

63. Declogging Operation, Isinagawa sa Zone IV

64. Mayor Niña, May Pasabog sa Flag Ceremony!

65. Mga Kapitan, Pinulong ukol sa Calamity Fund

66. Korean Volunteers, Nakipag-ugnayan sa LGU

67. Task Force Disiplina Members, Nag-seminar

68. TODA Members, Pinulong ukol sa Disiplina Zone

69. ₱1M Donasyon, Inihandog sa mga Magsasaka

70. 51st Nutrition Month Celebration, Naging Matagumpay

71. MDRRMC, Nagsagawa ng RDANA

72. Regional at Provincial RDANA Team, Bumisita

73. 2 Pasyente, Naipagamot ng MAC

74.  Economic and Infra Sector, Nag-update para sa 2nd Quarter

75. P5M Financial Aid, Tulong sa Nasalantang Farmers

76. Budget Forum, Isinagawa

77. Iba’t Ibang Isyu, Tinutukan sa ManCom Meeting

78. CONGRATULATIONS, PNP-BAYAMBANG!

 

SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT

 

EDUCATION FOR ALL

 

- (LSB, Library, DepEd)


LSB, Patuloy ang Pagtutok sa Sektor ng Edukasyon

 

Noong June 30, nagpulong ang Local School Board upang patuloy na nakatutok sa issues at concerns sa sektor ng edukasyon. Kabilang sa mga tinalakay ang naging pagbubukas ng klase, pamamahagi ng school supplies, halalan ng bagong PTA officers, supplemental budget ng Don Teofilo Mataban Memorial Elementary School, estado ng SPED restroom, at iba pa.     

 

Mga Magulang at Guardian ng CDC Learners, Nakinig sa Orientation Activity

 

Bago nagsimula ang unang araw ng pasukan sa mga Child Development Center (CDC) para sa School Year 2025-2026, nagsagawa ng Parents' Orientation activity ang MSWDO mula July 1 hanggang 5. Nanguna rito ang mga 81 Child Development Workers at Child Development Teachers sa lahat ng 78 Child Development Centers para sa ating 2,828 CDC learners.

 

 

HEALTH FOR ALL

 

- Health (RHUs)

 

Bayambang, Muling Nakatanggap ng PTV

 

Isa na namang bagong PTV o patient transport vehicle ang tinanggap ng Bayambang mula sa Philippine Charity Sweestakes Office! Personal na tinanggap ang naturang emergency vehicle ni SATOM, Dr. Cezar Quiambao, mula mismo kay President Ferdinand Marcos Jr. sa isang turnover ceremony sa Maynila.

 

Colgate-Palmolive Philippines, Nagdonate ng Isang-libong Toothbrush at Toothpaste

 

Ang Municipal Health Office ay nakipag-partner sa Colgate-Palmolive Philippines, Inc. para sa nationwide oral health initiative na 'Bright Smiles, Bright Futures' program. Isang libong toothbrush at toothpaste ang ipinagkaloob ng kumpanya para sa mga learner ng lahat ng Child Development Centers ng Bayambang. Ito ay malaking tulong sa ating adbokasiya na turuan ang mga bata ng tamang mga oral hygiene habits habang sila’y bata pa.

 

PhilHealth Konsulta Caravan, Nagtungo sa  Manambong Sur

 

Ang Local Health Insurance Office - Central Pangasinan ng PhilHealth, katuwang ang RHU II Bayambang, ay nagsagawa ng Konsulta Caravan sa Barangay Manambong Sur, noong July 3. Ang aktibidad ay nagkaroon ng 375 na kliyente, kung saan 65 sa kanila ang nag-avail ng PhilHealth membership registration, 573 ng Konsulta Package Provider registration, 270 ng First Patient Encounter registration, 270 ng consultation, 30 ng laboratory o diagnostic services, at 250 ng mga gamot.

 

Mayor Niña, Nagdonate ng Dog Food at Cat Food sa Animal Shelter

 

Dahil isa siyang pet lover at dahil sa kanyang concern lalo na sa mga kaawa-awang stray animals, inatasan ni Mayor Niña ang Agriculture Office noong July 15 upang magbigay ng dog food at cat food sa isang pribadong animal shelter sa Brgy. Pantol na pinamamahalaan ni Aidielyn Pagdilao. Ang LGU ay nakapaghatid ng 10 20-kilo bags ng cat food at 10 20-kilo bags ng dog food sa naturang animal shelter na, sa kasalukuyan, ay may 31 na alagang pusa at 12 na alagang aso na kanilang nirescue.

 

KSB Year 8, Dinala sa San Gabriel 2nd

 

Muling binisita ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan team ang Brgy. San Gabriel 2nd upang doon magbigay ng mga libreng serbisyo mula sa munisipyo para sa mga taga-Brgy. San Gabriel 2nd at Paragos. Iba't-ibang serbisyo ang in-avail ng mga residente, na tuwang-tuwa dahil sa malaking katipiran na kanilang natamo sa libreng medical checkup, gamot, bunot sa ngipin, circumcision, seedlings, bakuna sa hayop, at marami pang iba.

 

 

Publiko, Pinag-iingat ukol sa Pagkain ng Ligaw na Kabute

 

Nagtungo ang mga RHU nurse noong July 16 sa Brgy. Tambac upang kumpirmahin at imbestigahan ang naiulat na kaso ng mushroom poisoning doon. Ito ay matapos isugod sa Bayambang District Hospital sa araw ding iyon ang pitong residente nang sila ay makaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, at diarrhea matapos kumain ng mga kabuteng tumubo sa ilalim ng puno ng kawayan. Inaabisuhan ang publiko na umiwas sa pagkain ng mga ligaw na kabute lalo na't kung hindi kilala kung anong uri ang mga ito.

 

PhilHealth Konsulta Caravan, Nagtungo sa Carungay

 

Ang Local Health Insurance Office - Central Pangasinan ng PhilHealth, katuwang ang RHU III, ay nagsagawa ng Konsulta Caravan sa Brgy. Carungay noong July 22. Ang aktibidad ay may 725 na kliyente, kung saan 565 ang nagkapag-avail ng Konsulta Package Provider registration, 725 ng First Patient Encounter registration, 98 ng consultation, 13 ng laboratory o diagnostic services, at 98 ng mga gamot.

 

2 Pasyente, Naipagamot ng MAC

 

Dalawang pasyente ang tinulungan ng Mayor's Action Center at Bayambang Public Safety Office upang maoperahan ng libre. Sila ay sina Aljohn Aquino ng Brgy. Langiran na nagpaopera ng hemorroid sa Region I Medical Center at Samuel Mendoza ng Manambong Norte na nagpa-opera sa puso sa Philippine Heart Center. Patuloy silang inaasistehan ng MAC at BPSO sa kanilang mga follow-up check-up.

 

 

 

- Nutrition (MNAO)

 

Amazing Race, Ginanap sa Pagbubukas ng Nutrition Month


Ang pagdiriwang ng 51st National Nutrition Month ay binuksan ng LGU sa pamamagitan ng 'Amazing Race,' isang patimpalak na sumubok sa teamwork, liksi ng pangangatawan, at talas ng isipan ng mga kawani ng pamahalaang lokal. Ito ay inorganisa ng Municipal Nutrition Committee noong July 7 at dinaluhan ng walong grupo mula sa iba’t ibang sangay ng munisipyo. Nagwagi bilang grand prize winner ang White Team sa pangunguna ni Municipal Accountant Flexner de Vera.

 

CDC Learners, Nagtagisan sa Nutri-'Family Feud'


Kinabukasan, idinaos naman ang “Nutri-A1 Child - Family Feud Edition,” isang paligsahan na nilahukan ng mga batang mula sa Child Development Centers (CDCs) ng iba’t ibang barangay upang patunayan ang kanilang kaalaman sa tamang nutrisyon at kalusugan. Nagwagi sa patimpalak ang mga representative ng Banaban, San Gabriel 1st, Warding, at Tanolong CDC, at silang apat ay nakatanggap ng P16,000.

 

51st Nutrition Month Celebration, Naging Matagumpay

 

A.       Senior Citizens, Sumali sa Nutri-Bingo

Noong July 28, nagdaos ang mga RHU at ng MNAO ng isang katuwaang bingo game para sa mga senior citizen at PWD bilang parte ng Nutrition Month celebration. Bukod sa kasiyahan, tampok dito ang mga lektyur sa tamang nutrisyon at kausugan at libreng lab tests para sa kalusugan.

 

B.       Mayor Niña, Nagbigay ng Bigas

Kasabay nito, namigay si Mayor Niña ng surpresang tig-sampung kilong bigas sa lahat ng mga lumahok sa nasabing aktibidad.

 

C.       MNAO, May Healthy Food Treats Muli

Tuwing Lunes sa buwan ng Hulyo, nagpamahagi ng libreng healthy food treats ang MNAO sa mga kawani ng munisipyo bilang bahagi ng Nutrition Month celebration. Layunin nitong hikayatin ang pagkain ng masusustansyang pagkain sa LGU sa halip na mga junk food.

 

D.       Mga Barangay, Paaralan at CDC, Nakiisa sa Nutrition Month

Sa buong buwan ng Hulyo, nakiisa ang mga barangay at mga paaralan, kabilang ang mga Child Development Center, sa selebrasyon ng 51st National Nutrition Month sa pamamagitan ng iba't ibang aktibidad. May mga nagsagawa ng pagrampa ng mga buntis, Mother's Class graduation, at pamamahagi ng food packs at vitamins, lecture, slogan and poster making contest, nutri-quiz, at cookfest, at iba pa.

 

E.       Culmination Day, Punung-Puno ng Aktibidad

Ang Culmination Day noong July 31 sa Events Center ay naging punung-puno ng masasayang aktibidad. Kabilang dito ang awarding of winners sa Amazing Race Season 2, Search for Nutrition A1 Child, at Search for Most Outstanding BNS; recognition of active donors and sponsors; at ukay-ukay for a cause with live selling and fashion show ng BPRAT; at mayroon pang food fair

 

 

- Veterinary Services (Mun. Vet.)

 

 

– Slaughterhouse

 

 

 PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN

 

- Social Services (MSWDO, MAC)

 

GAD Execom, Tinalakay ang Functionality ng GAD Council

 

Noong Hunyo 30, nagpulong ang Gender and Development (GAD) Executive Committee sa Mayor’s Conference Room upang talakayin kung ang mga proyekto ng LGU ay naakma sa pagsulong ng pagkakakapantay-pantay ng lahat ng kasarian. Saklaw ng pulong ang GAD fund utilization, accomplishment report para sa unang semestre, at posibleng rebisyon ng GAD Plan and Budget para sa FY 2025.

 

PWD Students, Kinatawan ng Probinsya sa National IT Challenge


Ang mga PWD student mula sa Bayambang National High School ay kabilang sa mga nagrepresentra sa buong lalawigan ng Pangasinan sa ginanap na National IT Challenge for Youth with Disabilities noong June 23-27 sa Binondo, Manila. Sila ay sinamahan nina Disability Affairs Officer Johnson Abalos at kanilang coach na si Mr. Rafael Carungay.

 

Municipal CDC, Muling Nagbukas


Ang Municipal Child Development Center ay muling nagbukas noong July 7. Ang proyektong ito ay inisyatibo ng LGU bilang tulong sa lahat ng empleyado na may anak na maaaring iwanan sa isang daycare center habang sila ay pumapasok sa munisipyo. Dahil mayroong Municipal CDC, hindi na kailangang mahati pa ang oras ng mga naturang kawani sa pabalik-balik na pag-uwi sa bahay masubaybayan lamang ang kani-kanilang mga anak.

Food Packs para sa Supplementary Feeding, Ipinamahagi


Noong July 9, tinutukan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang unang bugso ng delivery at distribution ng food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), bilang bahagi ng Supplementary Feeding Program na nakalaan para sa 2,530 child development learners upang matulungan silang makaiwas sa malnutrisyon.

 

Bayanihan sa Bayambang, Buhay na Buhay

 

A.       Buhay na buhay ang bayanihan sa bayan ng Bayambang, at ito ay dahil na rin sa mabuting halimbawang ipinakikita ni Mayor Niña at ng pamilya Quiambao at Jose. Noong July 9 ang Born to Serve (BTS) team na mga Bayambang National High School alumni, kasama ang LGU-Bayambang, ay nagpamahagi ng mga school supplies at snacks sa 87 elementary students mula kinder hanggang Grade 6 sa San Gabriel 2nd Elementary School, Brgy. San Gabriel 2nd.

 

B.       Kamakailan naman ay namahagi rin ang US-based group na Bridges Beyond Boundaries, sa pamumuno ni Julian Voellm at mga kaibigan nito mga kinder, Grade 1 at Grade 2 learner ng Inirangan-Reynado Elementary School, sa pakikipagtulungan sa kamag-anakan ni Voellm na sina Councilor Jocelyn Espejo.

 

Feeding Angels, Tuluy-Tuloy ang Pakikiisa sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan!

 

Tuluy-tuloy ang grupong Feeding Angels of Bayambang o FAB sa pakikiisa sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Noong July 12, kanilang nakumpleto sa unang pagkakataon ang paglilibot sa lahat ng 77 na barangay ng Bayambang makapag-abot lamang ng tulong sa mga undernourished na kabataan at indigent na residente sa lahat ng sulok ng bayan. Sa tulong ng LGU, kabilang binisita ang mga pinakamalalayong barangay kabilang ang Pantol, at nabiyayaan ang 86 undernourished children, 100 indigent residents ng Pantol at 140 indigent residents’ ng Balaybuaya.

 

Eligible Senior Citizens, Nakatanggap ng Cash Gift mula sa NCSC

 

Ang mga senior citizen na edad 80, 85, 90, at 95 ay nakatanggap ng P10,000 cash gift bawat isa mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) alinsunod sa Expanded Centenarians Act.

 

2 Centenarians, Tumanggap ng Tig-P100,000 Cash Gift

 

Sa naturan ding araw, dalawang centenarian ang tumanggap ng tig-100,000 cash gift. Ginanap ang distribusyon noong July 14 sa pakikipag-ugnayan ng NCSC sa Municipal Social Welfare and Development Office at Office of Senior Citizen Affairs.

 

Business Mentoring, Inihatid ng PDAO sa mga PWD

 

Noong July 16 hanggang 17, sumabak sa isang Business Development seminar ang lahat ng PWD Presidents mula sa iba’t ibang barangay, bilang bahagi ng 47th National Disability Rights Week celebration na inorganisa ng Persons with Disability Affairs Office. Dito ay nahubog ang kaalaman ng mga PWD sa larangan ng entrepreneurship, marketing, product development, at legal na pagpaparehistro ng negosyo, at inaasahang malaking tulong sa sektor upang mapataas ang antas ng kanilang kabuhayan.

 

Binata, Naipagamot ng MAC

 

Noong July 14, naging daan ang Mayor's Action Center upang matulungan na makapunta sa follow-up psychiatric check-up ang isang binata na taga-Brgy. Amanperez. Nauna nang sinaklolohan ng MAC ang binata noong ito ay dalhin agad sa Region I Medical Center, Dagupan City para maipatingin sa espesyalista. Bumuti ang kalagayan ng pasyente simula nang maipagamot ito, at isa ang pasyente sa 44 na active psychiatric patients na patuloy na tinutulungan ng MAC.

 

Grupong BTS, Tumulong sa Isang PWD

 

Ang diwa ng bayanihan ay buhay na buhay sa bayan ng Bayambang, sapagkat patuloy ang iba't ibang grupo sa pakikiisa sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Noong July 18, ang grupong Born to Serve (BTS) naman, kasama ng kanilang Bayambang National High School Batch ‘90 President, ay nag-sponsor ng mga grocery at food items para sa isang indigent na PWD sa Brgy. Hermoza.

 

Assistive Devices, Tinanggap ng Limang PWD

 

Limang Bayambangueño ang tumanggap ng bagong adult wheelchair at walker mula sa Persons with Disability Affairs Office noong July 21. Gamit ang pondo ng PDAO at Senior Citizens’ Fund, ipinamahagi ang mga assistive device sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

 

 

- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)

 

Declogging Operation, Isinagawa sa Zone IV

 

Matapos mag-ulat ang isang insidente ng oil spill sa drainage ng Zone IV, agad itong pinuntahan ng ESWMO at agad ding nagsagawa ng declogging operation ang Engineering Office at ang barangay council, kasama ang BFP noong July 26. Patuloy na mino-monitor ng mga kinauukulan ang lugar. Tinitiyak na pananagutin sa batas ang sinumang may kagagawan nito. Pinaalalahanan naman ang lahat na labag sa batas ang di maayos na pagtatapon ng hazardous waste. 

 

Korean Volunteers, Nakipag-ugnayan sa LGU

 

Noong July 28, bumisita ang Asez Wao, isang international youth volunteer group, sa LGU-Bayambang upang mag-alok ng kanilang mga serbisyo para sa mga programang pangkalinisan at iba pang aktibidad. Bitbit nila ang kanilang “Plastic Free Challenge 2040” campaign at nagpasimula rin ang mga ito ng isang signature drive para sa kalikasan.

 

 

- Youth Development (LYDO, SK)

 

 

- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)

 

BADAC Skills Enhancement at RA 9165, Tinutukan sa Symposium


Sa pag-oorganisa ng Liga ng mga Barangay sa gabay ng DILG, idinaos noong July 9 ang isang symposium ukol sa Barangay Anti- Drug Council (BADAC) Skills Enhancement at RA 9165 para sa lahat ng barangay. Layunin ng programa na palakasin ang kakayahan ng mga komunidad sa pagsugpo ng ilegal na droga sa pamamagitan ng pagpapalalim ng kanilang kaalaman sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Mga Traffic Enforcer, Sumabak sa Traffic Management at Radio Operator Seminar

 

Sumabak sa mga traffic enforcer at radio operator sa isang Traffic Management and Radio Operator Seminar noong July 11, upang mapaigting ang kanilang kaalaman sa batas-trapiko, ligtas na pakikipag-komunikasyon gamit ang radyo, at tamang pagresponde sa mga insidente sa lansangan. Naging guest speaker ang mga taga-HPG Pangasinan, PNP-Bayambang, LTO-Bayambang, at NTC Region 1.

 

Implementasyon ng Disiplina Zone, Nalalapit Na!

 

‎Pinangunahan ni Special Assistant to the Office of the Mayor, Dr. Cezar Quiambao, ang pagpupulong ng Task Force Disiplina noong July 14 bilang paghahanda sa nalalapit na opisyal na operasyon nito. Tinalakay sa pagpupulong ang magiging slogan ng organisasyon, gayundin ang sistema ng koordinasyon sa pagitan ng barangay officials, pulisya, at iba pang ahensya para sa mas epektibong pagpapatupad ng mga batas.

 

Kabilang sa mga mahigpit na ipagbabawal ang ilegal na pagpaparada, ilegal na pagtitinda, paninigarilyo at pag-inom ng alak sa pampublikong lugar, pamamalimos at pagpapalimos, pagmamaneho habang nakainom, paggamit ng mga modified muffler, pagmamaneho ng motorsiklo nang walang helmet, pag-counterflow sa daan, hindi wastong pagtatapon ng basura, paggamit ng mga plastic bag, at ang pagala-galang hayop sa mga lansangan.

Liga Vice-President, Nagdonate sa BPSO

 

Noong July 21, nagdonate si Liga ng mga Barangay Vice-President at OIC Rodelito Bautista ng 10,000 pesos sa Bayambang Public Safety Office upang pandagdag ng tanggapan sa pambili ng mga protective gear laban sa ulan ng mga BPSO traffic enforcer. Ang halaga ay malugod na tinanggap ni BPSO Chief.

 

TODA Members, Pinulong ukol sa Disiplina Zone

 

Ang mga miyembro ng TODA ay pinulong ng LGU noong July 18 sa mismong Tricyle Central Terminal upang pag-usapan ang implementasyon ng Disiplina Zone, and pagkakaroon ng temporary TODA Terminal sa lumang Bayambang Central School, ang pagkakaroon ng TODA uniform, at iba pang kaugnay na issues at concerns. Ang pulong ay pinangunahan ng Traffic Management Task Force.

 

Ilang Punong Barangay, Pinulong ukol sa Jumper Issue

 

Pinulong noong July 23 ng LGU ang mga Punong Barangay mula sa ilang barangay matapos matukoy ang presensya ng mga ilegal na koneksyon o "jumpers" sa kuryente sa kanilang area of responsibility. Ipinaalam sa kanila ang ginawang imbestigasyon, pagtanggal ng mga naturang jumper, paglipat sa barangay ng mga linya ng kuryente, pagsampa ng kaso sa mga lumabag, at pagtulong ng LGU sa pagbabalik ng mga apektadong streetlight at pagsagot sa re-connection fees.

 

 

Bahay Kubo, Tinanggap ng PNP

 

Isang bahay kubo ang opisyal na ipinagkaloob sa PNP Bayambang bilang karagdagang pasilidad sa kanilang checkpoint area sa Brgy. Nalsian Sur noong July 23. Ang unit ng naturang kubo ay nagkakahalaga ng P75,000 na pinondohan ng tanggapan ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Ito ay magsisilbing pahingahan at pansamantalang opisina ng mga pulis na naka-duty sa naturang checkpoint.

 

Task Force Disiplina Members, Nag-seminar

 

Noong July 28, sumabak sa isang orientation-seminar ang lahat ng miyembro ng Task Force Disiplina, sa pangunguna ni Dr. Cezar Quiambao. Bahagi ng seminar ang mga lektyur sa courtesy, discipline, at physical conditioning bilang paghahanda sa implementasyon ng Disiplina Zones sa Agosto 1.

 

TODA Members, Pinulong ukol sa Disiplina Zone

 

Noong July 28, pinulong ang mga miyembro ng TODA bilang bahagi ng paghahanda sa pagpapatupad ng Disiplina Zones sa bayan. Dito ay tinalakay ang mga patakaran at dininig ang mga saloobin ng mga tsuper. Inanunsyo rin ang pamamahagi ng libreng uniporme para sa mga TODA members mula kina SATOM Cezar Quiambao, Board Member Raul Sabangan, at Concilor Zerex Terrado.

 

CONGRATULATIONS, PNP-BAYAMBANG!

 

Ikinagagalak naming ianunsyo na kaagad na naresolba ng Bayambang Municipal Police Station ang dalawang naibalitang insidente ng pagpatay sa bayan ng Bayambang.

 

Matapos ang masusing imbestigasyon, nahuli na ng mga elemento ng PNP-Bayambang ang suspek sa pagpatay sa isang babae, kung saan natagpuan ang kanyang bangkay na itinapon na lamang sa gilid ng daan sa may Brgy. Bani. Kaagad ding nahuli sa sumunod na araw ang suspek sa pagbaril ng isang biktima sa harapan ng Flying V gasoline station.

 

Binabati namin ang buong PNP-Bayambang sa pamumuno ni Col. ROMMEL BAGSIC sa kanilang angking galing at walang pagkiling na pagresolba sa naturang mga kaso!

 

Dahil dito, ang mga naturang insidente ng krimen ay itinuturing nang CASE RESOLVED!

 

 

AGRICULTURAL MODERNIZATION – (MAO)

 

Groundbreaking Ceremony, Isinagawa para sa Bayambang Onion Cold Storage Facility!

 

Isang groundbreaking ceremony ang matagumpay na isinagawa noong July 11 para sa konstruksyon ng Bayambang Onion Cold Storage Facility. Ito ay isang 145,000-bag capacity na cold storage na popondohan bilang isang grant mula sa Department of Agriculture-Philippine Rural Development Project at World Bank. Ito ay ipatatayo sa Brgy. Amancosiling Sur at siguradong pakikinabangan ng lahat ng ating mga onion farmers, dahil di na nila kailangan pang lumayo upang mag-imbak ng kanilang aning sibuyas.

 

Hybrid Seeds at Fertilizers, Ipinamahagi sa Corn Farmers

 

Noong July 16, ipinamahagi ng Municipal Agriculture Office ang 450 bags ng hybrid yellow corn seeds, 450 bags ng inorganic fertilizer, at 700 packs ng Bio-N microbial-based fertilizer sa mga corn farmer na magtatanim sa off-season. Isinagawa ang distribusyon sa may District 4 Warehouse sa Brgy. Carungay. Ang pagbibigay ng dekalidad na mga binhi at mga produktong pampatubo ay direktang makapagpapataas sa kanilang produksyon.

 

₱1M Donasyon, Inihandog sa mga Magsasaka


Nagbigay ng isang milyong pisong tulong noong Julyo 28 ang pamilya Quiambao-Jose para sa mga nasalantang magsasaka ng Bayambang, sa pamamagitan ng Niña Cares Foundation. Ang MAO ang mangunguna sa pagtukoy ng mga benepisyaryo ng ayuda.

 

P5M Financial Aid, Tulong sa Nasalantang Farmers

 

Ang LGU ay nagbigay ng apat na milyong piso bilang tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha. Ang apat na milyon ay nagmula sa Calamity Fund, habang ang isang milyon naman ay personal na donasyon ng pamilya Quiambao-Jose. Dumaan sa maingat na assessment at verification process ang 2,500 qualified farmers mula sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture.

 

 JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL

 

- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)

 

BPRP Good Governance Sector, Nag-ulat para sa 2nd Quarter

 

Noong June 30, nag-update ang BPRP Good Governance Sector ukol sa estado ng mga proyekto at aktibidad na sakop nito. Tinalakay nila ang PRIME-HRM system, resulta ng Good Governance Confidence Survey, at iba’t ibang plano para sa pagpapabuti ng serbisyo publiko gaya ng Public Service Continuity Plan, quality management system, at institutionalization ng good governance sa barangay.

 

LGU-Bayambang, Napiling Panelist sa Philippine Poverty Reduction Summit

 

Naimbitahan ang LGU-Bayambang bilang kaisa-isang bayan na panelist sa Philippine Poverty Reduction Summit 2025 ng National Anti-Poverty Commission na ginanap sa Quezon City noong July 1. Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, ang best practices ng bayan sa paglaban sa kahirapan na maaaring i-adopt ng ibang bayan. Pinuri rin ang Bayambang ni NAPC Secretary at Lead Convenor, Lope Santos III, bilang nag-iisang bayan na may Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

 

Mga Negosyante, Dumalo sa DTI Seminar

‎Noong July 16, ang mga lokal na negosyante ay dumalo sa isang online seminar na hatid ng DTI ukol sa "Juana Make a Mark" Program ng Intellectual Property Office (IPO), upang palakasin ang kaalaman ng mga negosyante laban sa pamemeke at hindi awtorisadong paggamit ng kanilang mga likha. Ang "Juana Make a Mark" ay isang registration incentive program na malaking tulong sa maliliit na negosyante na maiparehistro at maprotektahan ang kanilang mga produkto, serbisyo, at likha sa pamamagitan ng trademark, patent, copyright, at iba pang intellectual property rights.

 

934 na Benepisyaryo, Sumahod sa TUPAD Payout

 

Noong July 17, muling nagkaroon ng isang payout activity para sa 934 na benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Displaced Workers, na pinondohan ng opisina ni Senator Bong Go. Ang batch na ito ay kinabibilangan ng mga farmer, solo parent, at teen-age parent.

 

PESO-Bayambang, May Special Recruitment Activity

 

Ang PESO-Bayambang ay nagsagawa ng Special Recruitment Activity sa harap ng kanilang tanggapan noong July 15 at 16. Ang Alcare Manpowers Services Corp. ang naging recruiter.

 

SPES Beneficiaries, Tumanggap ng Sahod

 

Tinanggap noong July 16 ang 14 na benepisyaryo ng DOLE-Special Program for the Employment of Students (SPES) ang kanilang sahod sa tulong ng PESO-Bayambang. Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng halagang P6,642 mula sa LGU at nakatakdang tumanggap din ng P4,428 mula sa DOLE bilang kabuuang sahod para sa dalampung araw ng pagtatrabaho sa iba’t ibang tanggapan ng LGU.

 

11 GIP Beneficiaries, Tumanggap din ng Sahod mula DOLE

 

Noong July 17, sa tulong ng PESO-Bayambang, tinanggap ng 11 interns ng Department of Labor and Employment-Government Internship Program ang kanilang sahod. Nagbayad ang DOLE ng P468/day kada GIP worker bilang bayad sa kanilang tatlong buwang pagtatrabaho.

 

Mga OFW, Sumabak sa Visual Graphics Training

 

Isang libreng 2-day training sa visual graphics ang inorganisa ng OWWA Regional Office sa pakikipagtulungan ng PESO-Bayambang, upang mabigyan ng teknikal na kapasidad ang mga OFW para magkaroon ng iba pang livelihood skills para sa trabaho o negosyo man. Ito ay dinaluhan ng 25 local OFWs at kanilang mga pamilya sa Bayambang Polytechnic College.

 

Economic and Infra Sector, Nag-update para sa 2nd Quarter

 

Noong July 29, pinulong ang lahat ng miyembro ng Economic and Infrastructure Development sector kaugnay ng Bayambang Poverty Reduction Plan 2018-2028 upang mag-update at magmonitor ng mga proyekto at aktibidad na nakahanay para sa naturang sektor para sa second quarter.

 

 

 

- Economic Development (SEE)

 

Huling Pulong, Ginanap upang Ayusin ang mga Talipapa sa Brgy. Nalsian Sur at Quezon Blvd.

 

Sa araw ding iyon, isang panghuling pagpupulong ang ginanap upang muling tinutukan ng LGU ang problema ng ilegal na sidewalk vending sa Brgy. Nalsian Sur at kahabaan ng Quezon Blvd. Pinanguhan ni Dr. Cezar Quiambao ang talakayan ukol sa mga naging paglabag ng mga vendor at paghahanap ng pangmatagalang solusyon.

 

Watsons Pharmacy, NOW OPEN in BAYAMBANG!

 

Ang Watsons Pharmacy ay nag-grand opening noong July 18 sa pinakabagong branch nito, ang Quadricentennial Market ng Bayambang. Ngayon ay maaari nang makapamili ang kanilang mga suki ng mga health and wellness products nang hindi na kailangang bumiyahe pa sa malayo.

 

 

 

- Cooperative Development (MCDO) 

 

Mga Lokal na Kooperatiba, Naglakbay-Aral

 

Noong June 27 nag-lakbay-aral ang mga lokal na kooperatiba ng Bayambang sa Agoo, La Union at Tubao, Benguet upang matutunan ang best practices ng Anduyan Multi-Purpose Cooperative at La Union Multi-Purpose Cooperative sa paghawak at pangangasiwa ng isang kooperatiba. Sila ay natuto ng tapat na pamamahala, maayos na financial management, at pinaigting na partnership-building.

 

 

- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)

 

St. Vincent Ferrer Prayer Park, Binisita ng DOT-RO1 at DTI

 

Bumisita noong July 14 ang Department of Tourism-Region I (DOT-RO1) at Department of Trade and Industry (DTI) sa St. Vincent Ferrer Prayer Park at PSU-DOST Food Innovation Center upang mag-inspeksiyon at kumustahin ang lagay ng mga pasilidad bilang isa sa mga posibleng tourist attractions sa lalawigan ng Pangasinan na parte ng Creative Tour Project ng mga naturang ahensya. Ang mga bisita ay inlibot ng mga Tourism staff.

 

 

- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)

 

3-Day Conference, Isinagawa para sa Onion Cold Storage

Noong July 9 hanggang 11, nagsagawa ang LGU ng tatlong araw na pre-construction conference para sa nakatakdang pagtatayo ng Bayambang Onion Cold Storage facility sa Barangay Amancosiling Sur. Dito, ang lahat ng stakeholders at ang contractor ay tiniyak may malinaw na pang-unawa sa saklaw ng proyekto, iskedyul ng implementasyon, tungkulin ng bawat isa, at iba pang aspeto ng proyekto. Ito ay para masigurong mabilis at maayos ang magiging takbo ng konstruksyon.

 

Improvement Plan para sa Bagong Bayambang Cemetery at Municipal Plaza, Iprinesenta

‎Iprinisenta kina Mayor Niña at SATOM, Dr. Cezar Quiambao, ang mga panukalang pagpapaganda para sa New Bayambang Cemetery at Municipal Plaza, sa isang pulong noong July 14. Tinalakay dito ang mga detalyeng arkitektural, disenyo, at layout ng mga pasilidad, gayundin ang mga mungkahing hakbang upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at dignidad ng mga naturang mahalagang pampublikong espasyo.

 

 

DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO) 

 

 

LGU-Bayambang, Nakilahok sa NDRM 2025

 

Noong July 1, ang bayan ng Bayambang ay nakibahagi sa opisyal na pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2025 sa Vigan City, Ilocos Sur. Ang delegasyon ng Bayambang ay aktibong lumahok sa mga talakayan, parada, at mga aktibidad na nagpapakita ng kalakasan at kapasidad ng LGU Bayambang

 

MDRRMC, Dagliang Umaksyon sa Pagbaha

 

Dahil sa mga naging pagbaha dulot ng bagyong 'Crising' at habagat, na-activate ang mga Quick Response Team ng MDRRM Council upang maghatid ng sari-saring serbisyo, kabilang ang:

- pagpupulong,

- mga anunsyo sa social media, [RJ: SHOW SCREENSHOTS FROM BALON BYB]

- pakikipagkomunikasyon at koordinasyon sa mga barangay DRRM council, [SHOW MATCHING PHOTOS FOR EACH BULLET IF POSSIBLE]

- paghahanda sa mga evacuation center,

- actual rescue operations,

- paghatid ng food packs,

- medical checkup at pamimigay ng gamot, prophylaxis, at vitamins,

- pag-monitor ng Agno River at tubig baha sa mga apektadong barangay,

- at iba pa.

 

Relief Operations, Nagpatuloy

 

A. Naging puspusan ang rescue and relief operations ng MDRRMC-Bayambang sa gitna na malawakang pagbaha, lalo na sa mga mabababang barangay. Nagtulung-tulong ang miyembro ng Quick Response Team upang makapaghatid ng relief goods sa mga binuksang evacuation center.

 

B. Nagbigay naman ng libreng checkup, prophylaxis, at bitamina ang mga RHU sa mga apektadong indibidwal.

 

C. Nagkusang-loob naman ang lahat ng mga opisyal at iba't ibang pribadong grupo sa paghahatid ng karagdagang tulong sa mga lubhang nasalanta, kaya’t buhay na buhay ang bayanihan at pagiging madiskarte sa bayan ng Bayambang.

 

Pamilyang Nasunugan sa Bical Sur, Tinulungan

 

Isang pamilyang nasunugan sa Brgy. Bical Sur noong July 20 ang hinatiran ng tulong ng LGU. Matapos apulain ng BFP ang sunog, nagtungo ang MDRRMO para mag-rapid damage assessment, at namigay naman ang MSWDO ng relief packs at financial aid. Inaabisuhan ang publiko na patuloy na mag-ingat at maging mapagmatyag, dahil hindi komo maulan o may bagyo ay hindi na masusunugan.

 

Mga Kapitan, Pinulong ukol sa Calamity Fund

 

Noong July 24, pinulong ng LGU ang mga Punong Barangay sa Pinoy Workers Center upang talakayin ang tamang proseso ng paglalabas ng Calamity Fund at Quick Response Fund, kasunod ng deklarasyon ng State of Calamity. Nilinaw rin sa pulong ang mga isyu sa ayuda mula sa MSWDO at replacement project ng MDRRMO para sa mga barangay na may generator set.

 

MDRRMC, Nagsagawa ng RDANA


Isinagawa ng MDRRMC ang Rapid Damage Assessment and Needs Analysis o RDANA noong Hulyo 28 upang agad na matukoy ang lawak ng pinsalang dulot ng mga bagyong Crising, Dante, at Emong kasabay ng habagat. Aabot sa 2,948 na sambahayan o 15,080 na katao ang apektado ng pagbaha sa iba’t ibang barangay.

 

Regional at Provincial RDANA Team, Bumisita

 

Kasunod nito ay ang pagbisita naman ng Region I at probinsya upang magsagawa ng sariling RDANA noong July 29. Kasama ang MDRRMO, sinuri ang lawak ng pinsala at tinukoy ang mga agarang pangangailangan ng mga apektadong barangay upang magsilbing batayan ng mga isusunod na tulong at aksyon ng gobyerno. ‎

 

 

HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS 

 

 

- Planning and Development (MPDO)

 

CSO Re-accreditation Conference, Isinagawa

 

Ang Municipal Administrator’s Office ay nagdaos ng Civil Society Organization Conference noong July 21 bilang bahagi ng proseso ng reaccreditation para sa representasyon sa local special bodies ng LGU. Dumalo rito ang ng kinatawan ng mga people's organization, non-government organization, at civil society organization na nagnanais maging bahagi ng mga local special body at maging katuwang ng LGU sa implementasyon at monitoring ng iba’t ibang development plans, projects, at activities.

 

 

- Legal Services (MLO)

 

 

 

- ICT Services (ICTO)

 

 

 

- Human Resource Management (HRMO)

 

ICTO at HRMO, Sinimulan na ang ‘Digital HR’ Project

 

Noong July 3, sinimulan ng HRMO at ICTO ang paglalagay ng datos sa Integrated Human Resource Information System (IHRIS), bilang bahagi ng proyektong “Digital HR” ng LGU. Ang web-based system ay magpapadali sa mga HR functions gaya ng leave application at performance tracking, dahil i-o-automate nito ang proseso at iibsan ang workload ng HRMO habang pinapalakas ang suporta sa mahigit 900 na empleyado ng LGU.

 

 

 

- Transparency/Public Information (PIO)

 

Mga Bagong Opisyal ng Bayambang, Pormal nang Nanumpa sa Tungkulin

 

A.       Pormal na nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Bayambang noong June 30 sa Balon Bayambang Events Center, sa pangunguna nina Mayor Niña Jose-Quiambao, kasama si Vice Mayor Ian Camille Sabangan at walong miyembro ng Sangguniang Bayan.

 

B.       Naging presiding officer sina Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III at Municipal Trial Court Acting Presiding Judge Djoanivie Jomare Junasa.

 

C.       Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Niña ang pagpapatuloy ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan at ang pangangailangan ng disiplina at mulat na kaisipan upang labanan hindi lang ang kahirapan kung pati na rin ang tinaguriang "poverty of the mind."

 

 

LGU Issues at Concerns, Tinalakay sa Execom Meeting


Sa inisyatibo ng Office of the Mayor, pinangunahan ni SATOM, Dr. Cezar Quiambao, ang isa na namang Executive Committee Meeting noong July 7. Tinutukan dito ang mga isyung may kinalaman sa financial status ng LGU, update ukol sa mga naglalakihang infrastructure projects, at pagsasaayos sa mga proseso ng trabaho sa iba't ibang departamento.

 

State of Local Governance Summary, Iprinisenta

 

Noong July 10, sa pangunguna ni Mayor Niña, isinagawa ang presentasyon ng State of Local Governance Summary na may layuning masukat, masuri, at mapahusay pa ang pamamalakad ng pamahalaang lokal para sa kapakinabangan ng bawat Bayambangueño. Sa gabay ng MLGOO at sa pag-oorganisa at preparasyon ng MPDO, iniulat dito ang mga naging accomplishment ng Quiambao-Sabangan 2.0 administration sa limang aspeto ng pangangasiwa ng gobyernong lokal at ang mga kailangan pang paigtingin upang lalo pang mapabuti ang serbisyo publiko.

 

Re-appointment ni Atty. Vidad, Kinumpirma ng SB

 

Sa kanilang regular na sesyon noong July 1, kinumpirma ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang re-appointment ni Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad bilang Municipal Administrator, matapos ang unanimous na pagsang-ayon ng lahat ng mga miyembro sa kanya bilang isang administrador na may buong sipag, competence, at integridad, partikular na sa pagtutok nito sa poverty alleviation program ng administrasyon.

 

Vice-Mayor IC, Secretary General ng Vice Mayors' League of the Philippines–Pangasinan Chapter!

 

Ang buong LGU-Bayambang family ay bumabati kay Vice-Mayor Ian Camille Sabangan sa kanyang pagkakahalal bilang Secretary General ng Vice Mayors' League of the Philippines–Pangasinan Chapter. Ang pagkakatalaga kay Vice Mayor IC ay patunay ng kanyang dedikasyon sa paglilingkod hindi lamang sa mga Bayambangueño kundi maging sa buong lalawigan ng Pangasinan.

 

LGU-Bayambang, Napanatili ang ISO 9001:2015 Certification sa 2nd Surveillance Audit!

Muling pinatunayan ng LGU-Bayambang ang dedikasyon nito sa kalidad at kahusayan sa serbisyo publiko matapos ang matagumpay na ikalawang Surveillance Audit para sa ISO 9001:2015 Certification noong July 15. ‎‎Pinangunahan ng Certification Partner Global (CPG) Philippines Audit Team, sa pamumuno ni Engr. Rizaldy Mojica, ang masusing pagsusuri sa mga sistema, proseso, at implementasyon ng Quality Management System (QMS) ng LGU. Ang matagumpay na audit ay isang patunay na patuloy ang pagsunod ng LGU sa internasyonal na pamantayan ng ISO, partikular sa paghatid ng maayos, episyente, at sistematikong serbisyo para sa publiko.

Barangay Officials, Dumalo sa Training-Seminar

 

Ang mga Punong Barangay, Barangay Kagawad, Sangguniang Kabataan Chairperson, Barangay Secretary, at Barangay Treasurer ay dumalo sa isang training-seminar noong July 17 to 19 sa Pampanga upang matuto ng mga bagong kaalaman sa Strengthening Institutional Capacities of Barangay Anti-Drug Abuse Council, Gender and Development, at Seal of Good Local Government for Barangays.

 

MVAT Team, Muling Naglilibot

 

Muling nagsimula noong July 21 ang tatlong araw na validation at assessment sa mga barangay ang Municipal Validation and Assessment Task Team para sa "Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program" ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Masusing tiningnan sa aktibidad kung maayos na naipatutupad sa mga barangay ang mga programa tulad ng Barangay Road Clearing Operations, Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay, at ang Quarterly Assessment for Cleanest Barangays

 

Mayor Niña, May Pasabog sa Flag Ceremony!

 

A. Noong July, sinurpresa ni Mayor Niña ang mga kawani ng LGU-Bayambang sa kanyang unang personal na pagdalo sa flag ceremony matapos ang ilang buwan. Sa kanyang talumpati, inanunsyo niya ang pagdodonate ng pamilya ng isang milyong pisong tulong sa mga nasalantang magsasaka.

 

B. Matapos siyang magpasalamat sa lahat ng naging responders at volunteers na tumulong sa rescue and relief operations, siya ay nanawagan sa publiko na pairalin ang disiplina, partikular na sa tamang pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbara sa mga imburnal.

 

C. Inanunsyo rin niya ang pagsasampa ng kaso laban sa mga may illegal jumper connections sa 17 barangays at tulong para sa reconnection fees ng mga naputulang streetlights.

 

Budget Forum, Isinagawa

 

Sa Budget Forum na idinaos ng Municipal Budget Office noong July 30, tinalakay ang hinggil sa pampinansyal na direksyon ng bayan. Binigyang-diin ang kahalagahan ng maayos na budget preparation process, kabilang ang timeline ng key activities, at ang paghahanda para sa nakatakdang budget hearing, upang masiguro ang organisado at transparent na pamamahala ng pondo ng bayan.

 

Iba’t Ibang Isyu, Tinutukan sa ManCom Meeting

 

Sa ginanap na Management Committee Meeting noong July 30, tinalakay ang mga mahahalagang isyu kaugnay ng operasyon, programa, at serbisyong ibinibigay ng lokal na pamahalaan. Tinukoy sa pulong ang mga suliraning nangangailangan ng agarang aksyon, at mga hakbang tungo sa maayos na paglilikod sa mga Bayambangueño.

 

 

 

- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)

 

 

 

AWARDS AND RECOGNITIONS

 

 

LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)

 

SB Members, Dumalo sa Seminar ukol sa “Updating of the Elective Local Officials Profiling Database System”

 

Ang mga bagong halal na Sangguniang Bayan (SB) Members, kasama ang mga muling nahalal na opisyales, ay dumalo sa isang seminar sa pamamagitan ng Zoom video ukol sa “Updating of the Elective Local Officials Profiling Database System (ELOPDS)” alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2025-034. Ito ay ginanap noong July 2 sa SB Session Hall

 

Inaugural Session ng 13th SB, Isinagawa

 

Pormal nang binuksan ang sesyon para sa datihan at bagong halal nating mga opisyales, sa pamamagitan ng Inaugural Session noong July 7 sa Sangguniang Bayan Session Hall, kung saan sila ay isa-isang nagbigay ng kanilang inaugural speech. Layunin ng sesyong ito na pormal na simulan ang panibagong yugto ng paglilingkod, magbigay-pugay sa mga muling nahalal na konsehal, at mainit na salubungin ang mga bagong kasapi ng Sanggunian. Kabilang sa pinag-usapan ang paghalal sa mga mamumuno

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment