MUNICIPAL SLAUGHTERHOUSE
Alinsunod sa mandato nitong tiyakin ang ligtas, malinis, at maayos na pagkatay ng mga hayop para sa pagkonsumo ng publiko, patuloy na nagsasagawa ng mga hakbang ang Municipal Slaughterhouse upang mapanatili ang kalidad ng serbisyo at kalinisan ng pasilidad. Isinagawa ang iba’t ibang proyekto ng rehabilitasyon at pagpapaayos upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa at ng mga mamimili. Kabilang dito ang konstruksyon at pagsasaayos ng mga pasilidad, pagpapalit ng mga sirang kagamitan, at pagpapatupad ng mga hakbang sa kalinisan at sanitasyon. Sa tuluy-tuloy na mga inisyatibang ito, pinapatunayan ng ating katayan na handa itong makasabay sa mas mataas na pamantayan ng operasyon. Layunin ng mga proyektong ito na mapanatili ang isang slaughterhouse na maaasahan, ligtas, at sumusunod sa mga regulasyong pangkalusugan at pangkapaligiran.
1. REHABILITASYON NG SLAUGHTERHOUSE
- Construction of Additional Septic Vault (July 22-September 2, 2024)
[[- Repainting of Steel Structure of Water Tank (August 16, 2024)
- Renovation of Hog Holding Pens (July 22-September 2, 2024)
2. PAGSI-SIPHON NG MGA SEPTIC VAULT
Isinagawa ang pag-siphon sa mga septic vault ng Municipal Slaughterhouse bilang proseso ng paglilinis at pag-drain ng mga tangke upang mapanatiling maayos ang mga ito at makayanan ang pagtanggap ng mga solid waste.
3. PAGPAPALIT NG MGA SIRANG BUBONG SA SCALDING AREA
Pinalitan ng mga bagong yero ang mga sirang bubong sa scalding area upang matiyak na protektado laban sa ulan at iba pang kondisyon ng panahon ang mga magkatay at kawani ng pasilidad, lalo na sa gabi.
4. PAG-AAYOS NG WATER PIPE AT PAGPAPALIT NG WATER METER
Isinagawa ng Bayambang Water District (BayWaD) ang pagkukumpuni at pagsasaayos ng mga sirang tubo upang maiwasan ang pagtagas ng tubig. Pinalitan din ng BayWaD personnel ang lumang water meter ng bago.
5. PAGPAPALIT NG LUMANG ELECTRIC WATER PUMP BREAKER
Pinalitan ang luma at sirang electric water pump breaker ng bagong set upang maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na insidente gaya ng sunog na maaaring idulot ng sira o luma nang breaker.
6. PAG-CHLORINATE NG TUBIG
Isinasagawa ang regular na chlorination ng tubig sa tangke tuwing tatlong (3) buwan upang maiwasan ang kontaminasyon ng karne ng mga kinakatay na baka at baboy, at upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamimili.
7. PAGKAKABIT NG GATE DOOR SA GUARD/STAFF HOUSE
Naglagay ng gate door sa guard/staff house sa may entrada ng slaughterhouse upang makontrol ang pagpasok ng mga indibidwal (tulad ng mga butcher) na hindi kabilang sa mga kawani ng pasilidad at upang mapanatili ang seguridad sa lugar.
2. PAGPAPATAYO NG DALAWANG (2) SPAN SA PERIMETER FENCE
Naitayo ang dalawang (2) span ng perimeter fence upang mapahusay ang seguridad ng lugar at mapangalagaan ang kabuuang paligid ng pasilidad.
3. PAGKAKABIT NG MGA TAKIP NG SEPTIC VAULT
Naglagay ng mga takip sa mga septic vault upang matiyak ang kalinisan, maiwasan ang pagtagas ng dumi, at maprotektahan ang kalusugan ng mga manggagawa at mamamayan.
4. PAGKUKUMPUNI/PAGPAPALIT NG MGA DRAINAGE COVER SA DAANAN
Isinagawa ang pagkukumpuni at pagpapalit ng mga sira o luma nang drainage cover sa pathway upang maging ligtas at maayos ang daloy ng tubig at makaiwas sa aksidente.
5. PAGKAKABIT NG INTERNET CONNECTION
Nag-install ng internet connection sa slaughterhouse upang mapabilis ang komunikasyon at mas mapadali ang operasyon at dokumentasyon ng mga gawain sa pasilidad.
6. PAGBILI NG DIGITAL HANGING SCALE PARA SA KARNE NG BABOY AT BAKA
Nakabili ng digital hanging scale na ginagamit sa pagtitimbang ng karne ng baboy at baka upang masiguro ang tumpak na sukat at makatarungang paniningil ng bayad.
7. BENCHMARKING ACTIVITIES SA MGA DOUBLE “A” STANDARD SLAUGHTERHOUSES
Isinagawa ang benchmarking sa mga Double “A” standard slaughterhouses sa San Carlos City at Lingayen upang makakuha ng kaalaman at pinakamahusay na praktis para sa patuloy na pagpapabuti ng operasyon ng Bayambang Municipal Slaughterhouse.
- San Carlos City Slaughterhouse Facility
- Lingayen Municipal Slaughterhouse Facility
SUMMARY OF CATTLE AND HOGS BUTCHERED
AND FEES COLLECTED
(July 2024 – September 2025)
l CATTLE and HOGS (July 2024 – December 2024)
l Number of Cattle Butchered – 411
l Number of Hogs Butchered – 6,437
l Total fees collected – P932,631.00
l CATTLE and HOGS (January 2025 – March 2025)
l Number of Cattle Butchered – 136
l Number of Hogs Butchered – 2,527
l Total fees collected – P370,948.00
l CATTLE (April 2025 – September 2025)
l Number of Cattle Butchered – 380
l Total fees collected – P88,579.00
l HOGS (April 2025 – September 2025)
l Number of Hogs Butchered – 5,198
l Total fees collected – P711,304.00
July 2024 – December 2024: January 2025 – September 2025
Total No. of Cattle Butchered – 411 Total No. of Cattle Butchered – 516
Total No. of Hogs Butchered – 6,437 Total No. of Hogs Butchered – 7,725
Total Fees Collected – P 932,631.00 Total Fees Collected
– P 1,170,83100
No comments:
Post a Comment