Saturday, November 1, 2025

Joke Time

Sa'n 'To?

(Joke Time: An Araw ng mga Banal reflection)

Nakakabaliw minsan sumagot-sagot sa mga message at komento ng taumbayan.

Isa sa pinakamalala, dahil lagi-lagi at mapapamura ka talaga kahit di ka naman palamura, ay mga ganitong eksena:

Announcement!
Activity: Job Fair
Venue: Events Center
Date: October 3, 2025
Time: 9:00 AM to 3:00 PM
Requirements: Resume with 2x2 photo, transcript of records, and other credentials

Alam mo bang meron at merong magtatanong ng ganito?

Saan ito?
Kelan?
What time?
Ano pong requirements?

Buti na lang di ako mahilig mag-hila ng mga buhok ko, kundi kalbo na ko ngayon.

Sa ganitong task, either (a) sadyang mababa talaga ang BP mo kahit anong gawin mo o anuman ang sitwasyon, o (b) isa kang santo.

No comments:

Post a Comment