It’s Trivia Time!
Alam niyo ba na may mga mandatong plano na dapat icomply ang LGU,
at ang Opisina ng MPDC ang lead office na gumagawa ng karamihan sa mga ito?
Ang Seksyong 106 ng Republic Act No. 7160 o Local Government Code
of 1991 ay naglalayon sa lahat ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng
multi-sektor na plano sa pag unlad.
Ang Comprehensive Land Use
Plan - (CLUP) ay siyam na taong plano na nagtatakda ng mga alituntunin para
sa paggamit at pamamahala ng lupa. Layunin nito na masiguro ang wastong
paggamit ng mga lupain alinsunod sa mga pangangailangan at layunin ng
komunidad, kasama na ang pag-unlad ng mga lugar at mga patakarang
pangkapaligiran.
Ito ay iba pa sa CDP o ang Comprehensive
Development Plan – (CDP). Ang CDP ay anim na taong plano na naglalaman
ng mga estratehiya, layunin, at patakaran para sa pangkalahatang pag-unlad ng
isang lungsod o munisipalidad. Nakatuon ito sa mga aspeto tulad ng ekonomiya,
imprastruktura, at serbisyong panlipunan sa loob ng isang tiyak na panahon.
Ang Executive-Legislative
Agenda (ELA) naman ay tatlong taong plano na nag-uugnay sa mga layunin ng
ehekutibo at lehislatibo sa isang lokal na gobyerno. Binubuo ito ng mga lokal
na halal na opisyal at naglalayong isulong ang mga proyekto at programa na
sumusuporta sa mga layunin ng pamahalaan. Pinapadali nito ang koordinasyon sa
pagitan ng dalawang sangay ng LGU.
Ang Local Development Investment Plan (LDIP) ay ang
pangunahing dokumento para sa pagpapatupad ng CDP at ELA. Isinasalin nito ang
mga layunin ng CDP at ELA sa mga konkretong proyekto at aktibidad na may
kasamang badyet. Nakatuon ito sa mga prayoridad na proyekto na dapat pondohan
ng LGU.
Ang Annual Investment
Program (AIP) ay isang bahagi ng plano na naglalarawan ng mga taunang
kinakailangan sa yaman para sa lahat ng proyekto at programa ng lokal na
pamahalaan. Naglalaman ito ng mga alokasyon para sa mga gastusin at
pagpapatupad ng mga proyekto sa loob ng isang taon.
Ang CDP ay mas malawak at nakatuon sa pangkalahatang pag-unlad, habang CLUP ay partikular sa paggamit ng
lupa.
Ang ELA ay nakatuon sa pagkakaisa ng mga layunin ng ehekutibo at
lehislatibo, samantalang ang LDIP ay
tumututok sa mga kongkretong proyekto para sa pagpapatupad ng CDP at ELA.
Ang AIP ay isang taunang plano na naglalaman ng mga pondo para sa mga
proyekto na nakapaloob sa LDIP.
Tulad din ng nakasaad
sa Seksyon 305 (h) ng LGC at Artikulo 410 ng Implementing Rules and Regulation
(IRR) ng parehong batas, ang mga nabanggit na plano at mga programang
pamumuhunan ay dapat na nakahanay sa mga plano at mga programang pamumuhunan ng
mas mataas na antas ng LGUs, probinsiya, rehiyon, pati na rin ng pambansang
gobyerno (NG), upang mapabuti ang paggamit ng mga yaman at maiwasan ang
pag-uulit sa paggamit ng mga piskal at pisikal na yaman.
Bilang karagdagan dito,
narito ang listahan ng iba pang mga plano sa pag-unlad at ang mga responsableng
opisina sa paggawa ng mga ito.
[NOTE TO MIKE: SCROLL DOWN NA LANG instead
of reading it.]
OTHER MANDATED PLANS AND
SECTORAL/THEMATIC PLANS |
LEAD OFFICE/S |
1. Action Plan for the Protection of
Children |
MSWDO |
2. Agri-Fishery Mechanization Plan |
MAO |
3. Annual Culture and the Arts Plan |
MTICAO |
4. Anti-Poverty Reduction Plan |
BPRAT |
5. Local Disaster Risk Reduction and
Management Plan |
MDRRMO |
6. Gender and Development Plan |
MSWDO |
7. Local Tourism Development Plan |
MTICAO |
8. Solid Waste Management Plan |
ESWMO |
9. Plan for PWDs |
MSWDO |
10.Local Climate Change Action Plan |
MDRRMO |
11. Peace and Order Public Safety Plan |
DILG |
12. Devolution Transition Plan |
MPDO |
13. Local Roads Network Development
Plan |
MEO |
14.Public Service Continuity Plan |
MDRRMO/ICT |
15. Municipal Water Supply and
Sanitation Master Plan |
MPDO |
16. Nutrition Action Plan |
MNAO |
17. ICT Plan |
ICT |
18. Local Shelter Plan |
MPDO |
19. Plan for the Elderly |
MSWDO |
20. Plan for Health and Family
Planning |
RHU |
21. Capacity Development Agenda/HRMD
Plan |
HRMO |
22. Local Public Transportation Route
Plan |
MPDO |
23. Tricycle Route Plan |
MPDO |
24. Workforce Development Plan |
PESO |
No comments:
Post a Comment