BAYAMBANG,
DAPAT ALAM MO! – AMILYAR
Opening
Skit
(May
resident na nagwawalis sa harap ng bahay.)
Resident:
Grabe
talaga ang gobyerno. Nagpagawa na nga ako ng bahay gamit ang sarili kong pera,
dugo, at pawis, ako pa magbabayad ng amilyar!
(Bigla
papasok voice ni kuya. Mapapatingin sa paligid si Resident)
Kuya (ganun sa boses ni kuya sa PBB)
Teka
lang, housemate. Bago ka magalit, alamin
muna natin kung ano ba talaga ang amilyar o tax. (isabay yung bg fx ng pbb)
(TRANSITION
NG BDAM OPENING)
Kuya:
Kuya
Ngen, pasok!
(papasok
si Kuya Ngen sa frame with resident)
Kuya Ngen:
Kuya?
Ikaw ba yan? Evicted na ba ako? Pero ano ba talaga ang amilyar na yan, Kuya? (tinginan with resident) Punta tayong
LGU Bayambang. Ano tara?
(Go
sa office ni Atty. Bayani Brillante Jr. kasama si resident like adventure eme
eme)
Atty. BJ:
Alam
mo Kuya Ngen, marami talaga ang nag-aakala na lahat ng bahay ay may amilyar
agad. Ang totoo, may mga bahay na hindi naman sakop ng pagbabayad ng real
property tax dahil mababa ang market value nito. Halimbawa, kung simpleng bahay
lamang at ito ay may market value na 175,00 pesos pababa, ito ay exempt sa
amilyar.
Resident:
So
hindi pala porke may bahay, automatic may malaking amilyar na?
Atty. BJ:
Tama.
At mahalaga ring malaman na magkaiba ang amilyar sa bahay at amilyar sa lupa. Mayroon
tayong sinusunod na schedule of market values para sa lupa at gayundin sa mga
bahay at buildings.
Kuya Ngen:
Eh
bakit nga ba mahalaga ang amilyar?
Atty. BJ:
Dahil
ang mga nakokolektang pondo mula rito ay ginagamit para sa iba't ibang
serbisyong pampubliko. Sa kabuuang koleksyon, 35% ang napupunta sa lalawigan,
35% sa munisipalidad, at 25% sa barangay. May bahagi rin na inilalaan para sa
Special Education Fund (SEF), na sumusuporta sa mga paaralan at iba’t ibang
programa sa edukasyon.
Resident:
Ay!
Atan may ibabaga nen Kuya Ngen nen imbeneg ya simba!
(paalam
na kay Atty. BJ)
(labas
ng office habang nag-uusap)
Kuya Ngen:
Ayun
naman pala. Hindi lang basta-basta koleksyon. May pinupuntahan din. Kaya
Bayambang, ang lahat ng ito ay–
Resident:
Pero
teka, teka, teka! Paano naman kung may negosyo ka? Singa syak! Walay sari-sari
store ko.
Resident:
Pwede
kayang huwag na lang ako magparehistro. Maliit lang naman tindahan ko. Baka
buwisan pa ako.
(Punta
naman now sila resident at kuya ngen sa office ni Atty. Mary Grace Agas.)
Kuya Ngen:
(na
para bang nagsusumbong kay atty agas) Attyyy! Marami nagtatanong kung pwede daw bang
huwag na irehistro yung sari-sari store nila kasi maliit lang naman daw.
Atty. Agas:
Kuya
Ngen, dapat alam mo na hindi lahat ng negosyo ay kinakailangang magbayad ng
business tax. Halimbawa, ang mga negosyong may pinagbentahan na ₱30,000
pababa sa isang taon ay hindi na kinakailangang magbayad ng business tax.
Kuya Ngen:
Ah,
so exempt pala ang iba?
Atty. Agas:
Oo.
Pero mahalaga pa rin na mairehistro ang negosyo at magkaroon ng business
permit.
Resident:
At
bakit naman importante iyon?
Atty. Agas:
Una,
mahalaga na may permit dahil patunay ito na lehitimo ang negosyo. Pangalawa,
kapag may mga programang pangkabuhayan o assistance para sa mga negosyo,
mayroon tayong tamang datos kung sino ang maaaring makatanggap.
TRANSITION
TO CLOSING
(hanap
ng mai-interview na sari-sari store owner and isang maliit na negosyante)
INSERT
THE INTERVIEW VIDEO
Kuya Ngen:
Kaya
Bayambang, dapat alam mo na hindi lahat ng bahay ay may amilyar na kailangang
bayaran, at hindi rin lahat ng maliliit na negosyo ay may business tax.
Pero
mahalagang maintindihan natin kung paano ito gumagana dahil ang mga buwis na
nakokolekta ay bumabalik din sa mga serbisyong nakikinabang ang mamamayan.
At
kung may bahay ka, lupa, o negosyo at gusto mong malaman ang tamang
impormasyon, huwag mahiyang magtanong sa Municipal Assessor’s Office,
Treasurer’s Office, o Business Permits and Licensing Office.
Bayambang,
ang lahat ng ito ay dapat alam mo!
Muli,
ako si Kuya Ngen na nagsasabing–
Kuya:
Kuya
Ngen, pumasok ka sa confession room.
No comments:
Post a Comment