Sunday, July 31, 2022

HISTORY OF BARANGAY INANLORENZA

Noong unang panahon, ayon sa kwento ng mga unang tao nakatira sa lugar na ito, may isang pinakamatandang babae o taong pinakamatagal na naninirahan sa lugar na ito na kung tawagin nila ay “Inang Lorenza.” Siya ang taong nagmamay-ari at namamahala sa lupain dito, at nung siya’y mabawian ng buhay, napag-isip-isip ng mga taong nakasama at nakasalamuha niya na sa kanya na lang ipangalan ang lugar na ito dahil noon ay wala pa itong pangalan. Kaya bilang parangal sa kanyang ginawang paninilbihan, ang lugar na ito ay ipinangalan sa ina ng bayan nilang si Inang Lorenza, at mula noon binansagan na nila ang lugar na ito na Inanlorenza. 


 


No comments:

Post a Comment