GOOD
GOVERNANCE
Mga Libreng Serbisyo ng Munisipyo, Bumuhos sa Paragos
Dinala ng Lokal na Pamahalaan ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year
6 sa Paragos Covered Court noong May 5, upang magbigay ng libreng serbisyo sa
mga Bayambangueño sa barangay Paragos, Iton, at San Gabriel 2nd. Ayon sa report sa overall organizer ng KSB
Year 6 na si Dr. Roland M. Agbuya, limangdaan at pitumput apat (574) na
residente ang naging benepisyaryo sa naturang aktibidad.
Mga BADAC Members, Dumalo sa Seminar
Noong May 11at
12 naman, ay nagsagawa ang Department of the Interior and Local Government ng
Bayambang ng isang "Strengthening Institutional Capacities of Barangay
Anti-Drug Abuse Councils" seminar sa Balon Bayambang Events Center. Ito ay
dinaluhan ng mga barangay officials, kagawad at secretary, at may layuning
i-train at i-equip ang mga miyembro ng BADAC upang magkaroon ng kapasidad na
gawin ang tungkulin sa kampanya kontra illegal na droga. Ito ay parte ng mga
layunin ng pamahalaan na gawing ligtas at drug-free ang bayan ng Bayambang.
Komprehensibong
Serbisyo, Muling Nagbalik sa Malimpec
Noong April 12, ang ika-6 na taon ng
Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ay nagbalik sa Malimpec Covered Court. Doon
ay muling inihandog ng buong team ang lahat ng mga libreng serbisyo ng
Municipio para sa mga bata hanggang sa mga seniors ng Brgy. Alinggan, Langiran
at Malimpec. Ayon sa ulat ni Dr. Roland M. Agbuya, ang overall organizer,
nagkaroon ng 894 na total registered clients sa aktibidad na ito.
Mayor Niña, May Mother's Day Surprise sa LGU Employees
Bilang sorpresa
sa mga ina sa LGU-Bayambang, nagpamahagi ng bouquet ng bulaklak si Mayora Niña
Jose-Quiambao sa iba't-ibang departamento ng LGU at national agencies
pagkatapos ng flag ceremony noong May 15. Kasunod naman nito ay namahagi rin ng
libreng ice cream sa Municipal Building at Annex Bldg. bilang pag-alala sa Araw
ng mga Ina.
MNJQ, SATOM, Nakipagpulong kay Housing Usec. Mallari
Nakipagpulong
noong May 15 sina Mayor Niña Jose-Quiambao at Special Assistant to the Mayor,
Dr. Cezar Quiambao, sa Department of Human Settlements and Urban Development
Office sa pangunguna ni DHSUD Undersecretary, Engr. Wilfredo Mallari, upang
pag-usapan ang proyekto ng national government na pambansang pabahay. Ito ay
isang socialized housing program ni Pangulong Marcos na ninanais ng Lokal na
Pamahalaan na i-adopt, sapagkat ito ang nakikitang solusyon ni Mayor Niña na
lulutas sa problema ukol sa mga informal settlers. Dahil dito, maglalaan ang
LGU ng limang ektaryang lupain na gagamitin sa naturang proyekto.
Liga ng mga Barangay, Nag-Training-Workshop sa Tagaytay
Ang mga miyembro
ng Liga ng mga Barangay ay dumalo sa isang "Training-Workshop on Effective
Barangay Governance," kasabay ang benchmarking activity ng mga best
practices ng Tagaytay City government, mula May 17 hanggang 19. Ito ay
dinaluhan ng 77 Punong Barangay, kasama ang kanilang mga Secretary at
Treasurer, sa pag-oorganisa ni Liga President Rodelito Bautista. Naroong ang
mga opisyales ng DILG at MPDC bilang mga panauhing tagapagsalita.
Personality Development Seminar, Dinaluhan ng mga Kawani
Sa inisyatibo ni
Mayor Niña Jose-Quiambao, nagkaroon ng dalawang araw na Personality Development
Seminar sa Balon Bayambang Events Center noong Mayo 17 hanggang 18, sa
pag-oorganisa ng HRMO. Naging resource person ang mga taga-Odyssey Hub, isang
mental wellness firm mula sa Baguio City, na siyang malalimanang tumalakay sa
mga isyu ukol sa paghubog ng isang personalidad ng isang indibidwal. Ang
kanilang pagbibigay ng mga bagong kaalaman ay inaasahang magreresulta sa mas
pinahusay at de-kalidad na serbisyo publiko ng mga kawani ng gobyerno.
Komprehensibo Year 6, Tampok sa Tampog
Ang
mga libreng serbisyo mula sa Municipio ay inihandog sa mga residente ng Brgy.
Tampog at San Vicente. Mainit na sinalubong ang buong team ng Komprehensibong
Serbisyo sa Bayan Year 6 sa Tampog Elementary School kung saan 553 na
Bayambangueño ang tumanggap ng serbisyo.
VM IC Sabangan, Panauhing Pandangal sa IBP Regional
Leaders' Summit
Naging
panauhing pandangal si Vice Mayor Ian Camille Sabangan sa "2nd Isang Bansa
Pilipino Regional Leaders' Summit" na ginanap sa Saint Vincent Ferrer
Prayer Park noong May 29. Sinalubong niya ang mga panauhin na nanggaling pa sa
iba’t ibang bayan ng Rehiyon Uno.
SPORTS
& PHYSICAL FITNESS
UPDATE | LGU Bayambang Inter-District Basketball
Tournament 2023
Noong
May 28, nasungkit ng District 9 ang unang panalo sa best of three series ng
championship laban sa District 3. Ang ikalawang championship game naman na
ginanap noong May 30 ay napanalunan ng Ikatlong Distrito. Ang dikit na labanang
ito ay parehong ginanap sa Brgy. Tamaro Covered Court, sa pagoorganisa ng
Municipal Physical Fitness and Sports Development Council.
EDUCATION
PSU Students, Naging Observer sa Live SB Session
Ang mga
estudyante ni Pangasinan State University Instructor Rosbelle Nuñez-Magno ay
dumalo sa isang live regular Monday session ng Sangguniang Bayan sa SB Session
Hall noong May 8. Ang aktibidad na ito ay malaking tulong upang lalong
maunawaan ng mga estudyante ng Parliamentary Procedure ang kanilang paksa at
para maipakita sa mga kabataang Bayambangueño ang proseso sa Sangguniang Bayan.
Last Batch ng Work Immersion Students, Inorient ng MESO
Muling
nagsagawa ng isang orientation program ang Municipal Public Employment Services
Office noong May 5 para naman sa huling batch ng Work Immersion Students
ngayong taon. Ang mga estudyante ay galing ng AP Guevarra Integrated School,
Ambayat Integrated School, Hermoza National High School, at Marianne College.
BPC Board of Trustees, Nagpulong
Nagpulong ang
Board of Trustees ng Bayambang Polytechnic College noong May 10 sa Mayor's
Conference Room, upang alamin ang updates ukol sa iba’t ibang aktibidad ng
paaralan, estado ng enrolment, at koleksyon nito. Nagkaroon din ng presentasyon
ng accomplishments, requirements para sa institutional recognition, at request
para sa Board Resolution ukol sa aplikasyon ng kolehiyo bilang isang TESDA
Assessment Center. Ang BPC ay isa sa mga pangunahing sandata sa Rebolusyon
Laban sa Kahirapan ng administrasyong Quiambao-Sabangan.
Mayor Niña,
Nagdonate ng Uniporme para sa R1AA Athletes
Nagpapasalamat ang mga lokal na
atletang kasali sa Region I Athletic Association Meet sa donasyong jersey
uniform galing sa sariling bulsa ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Mayroong 117 na
piraso ng full set jersey ang ibinigay ni Mayor Niña, kasama na ang para sa mga
coach o trainer ng Bayambang National High School at iba pang delegasyon sa
R1AA.
Maraming
salamat, Mayor Niña! At congratulations sa ating mga atleta!
Project Aral Volunteers, Nagtungo sa Tambac
Noong May 13,
ang Project Aral volunteers mula Pangasinan State University ay nagtungo sa
Brgy. Tambac Covered Court upang makapagbigay ng aral, saya, at inspirasyon sa
mga kabataan. Sa pakikipagtulungan ng SK Federation at Brgy. Tambac SK, nasa
isandaang bata ang dumalo sa aktibidad kung saan sila ay nakatanggap ng libreng
lunch, pati na rin mga gamot at bitamina mula naman sa mga barangay officials
at volunteers.
LEGISLATIVE
Committee Hearing, Isinagawa ukol sa Loan Agreement ng LGU sa Landbank
Noong May 10,
isinagawa ang isang Committee Hearing para sa panibagong proposed ordinance
ukol sa loan agreement ng LGU sa Landbank of the Philippines, sa pangunguna ni
Sangguniang Bayan Committee Chairman on Finance, Budget, and Appropriations,
Councilor Philip Dumalanta. Ang proposed ordinance ay pinamagatang,
"Resolution Authorizing the Local Government Unit of Bayambang to
Negotiate and Enter into a Loan Agreement with Landbank of the Philippines in
the Amount of 100,000,000 Pesos under the Terms and Conditions of the Term Loan
Facility."
Public
Hearing, Isinagawa ukol sa Septage System
Isang pampublikong pagdinig ang
isinagawa sa Sangguniang Bayan Session Hall noong May 15 ukol sa “An Ordinance
Providing for the Water Quality and Proper Sewage Treatment and Septage
Management System in the Municipality of Bayambang, Prescribing Penalties for
Violation Thereof and for Other Purposes.” Sa pangunguna nina Vice-Mayor IC
Sabangan, Coun. Amory Junio, Coun. Levinson Uy, at Coun. Rodelito Bautista,
tinalakay ang mga maaaring gawin upang masigurong malinis at ligtas ang tubig
sa bawat kabahayan at business establishment sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
tamang disenyo ng mga septic tank.
Pagdinig
Ukol sa Anti-dangling Wire Ordinance, Ginanap
Noong May 18, nagsagawa ng public
hearing ang Sangguniang Bayan Committee on Public Utilities and Public Order
and Safety, upang talakayin ang panukalang ordinansa laban sa mga naglipanang
dangling wire sa mga daan. Ang Anti-Dangling Wire Ordinance ang siyang
mag-aayos sa problema ng "spaghetti wire" sa bayan na posibleng
maging sanhi ng aksidente, bukod pa sa di ito kaaya-aya sa paningin.
LIVELIHOOD&
EMPLOYMENT
M.C.D.O., Dumalo sa Basic Cooperative Training
Dinaluhan
ng mga myembro ng Municipal Cooperative Development Office at Cooperative
Development Council ang Basic Cooperative Training for Local Cooperative
Development Officers sa Pangasinan Provincial Capitol noong May 23-26. Isa na
naman itong dagdag kaalaman upang patuloy na palakasin ang pagtatatag ng mga
kooperatiba sa bayan bilang isa sa mga sandata laban sa kahirapan.
MNJQ, Nangakong Dodoblehin ang Kita ng Sinumang SLPA
na Magtatagumpay
Sa
ikalawang quarter ng taon, pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang
Municipal Advisory Committee Meeting, sa pag-oorganisa ng DSWD at MSWDO.
Ipinangako ni Mayor Niña na dodoblehin nito ang kikitain ng sinumang
Sustainable Livelihood Program Association na magtatagumpay na palaguin ang
napiling negosyo mula sa seed capital fund ng DSWD.
OTHER SOCIAL SERVICES
LCPC 1Q Meeting 2023, Tinalakay ang Iba't-Ibang Isyung Pangkabataan
Sa pulong ng
Local Council for the Protection of Children (LCPC) sa unang quarter ng taon,
mainit na tinalakay ang patungkol sa statutory rape at pagkakaroon ng Early
Childhood Care and Development (ECCD) service sa bawat barangay sa bayan ng
Bayambang. Ito ay ginanap sa Mayor’s Conference Room.
Bagong DSWD RO1 Municipal Links, Ipinakilala
Isang Parent
Leader General Assembly ang inorganisa ng Bayambang Poverty Reduction Action
Team, DSWD Region I, at MSWDO sa Balon Bayambang Events Center noong May 15.
Matapos repasuhin ang mga batayan sa pagpili ng mga Parent Leader ng mga DSWD
4Ps beneficiaries at ang mga tungkulin ng mga Parent Leader, ipinakilala naman
ang mga bagong assigned DSWD RO I Municipal Links sa bayan ng Bayambang.
Bayambang
Bayanihan Lions Club International, Muling Nag-feeding Activity
Noong May 21, nagmigay ng pagkain,
bitamina at prutas ang Bayambang Bayanihan Lions Club International sa mga
undernourished na bata sa Brgy. Magsaysay. Kasama sa activity ang Bayambang
Maaro Leo Club, Brgy. Magsaysay officials, at Barangay Nutrition Scholars.
YOUTH DEVELOPMENT
International Youth Fellowship Leadership Camp 2023,
Ginanap
Sa
pag-oorganisa ng Local Youth Development Office, nagkaroon ng International
Youth Fellowship Leadership Camp para sa mga local student organizations at mga
miyembro ng Student Supreme Council ng PSU-Bayambang Campus noong May 26. Ang
programa ay lubos na nakatulong sa mga estudyante upang lalong mahasa ang
kanilang personality at leadership skills.
HEALTH
Joint Blood Drive ng CSOs, Mayroong First Aid/CPR
Lecture-Demo at Iba pang Serbisyo
A.
Isang bloodletting program na mayroon pang lecture demonstration on first aid
at CPR, free blood sugar screening, at libreng eye checkup ang isinagawa ng
Reaction 166-Animal Kingdom Base, Xtreme Riders Club Pangasinan Inc., Bayambang
MANGO Inc., at Bayambang Bayanihan Lions Club in partnership with LGU-Bayambang,
Luzon Aliguas, Eagles Club, Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc., at
Philippine Red Cross-Dagupan Chapter. Ito ay ginanap noong May 28 sa Balon
Bayambang Events Center.
B.
Noong May 30 ay iniextend naman ang free eye checkup para sa mga LGU employees,
sa tulong ng AO Balajadia Optical.
Supplemental Immunization ng DOH, Muling Inilunsd
Bilang
pagsuporta sa kampanya para sa kaligtasan ng mga chikiting laban sa mga
nakahahawang sakit, pinangunahan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice-Mayor
Ian Camille Sabangan ang paglunsad ng Massive Supplemental Immunization
Activity laban sa measles, rubella at polio (MR-OPV) ng Department of
Health at World Health Organization
kasama ang mga duktor ng Rural Health Units. May 84 na 0-59-buwang gulang na
sanggol at bata ang napabakunahan sa launching activity na ginanap sa Balon
Bayambang Events Center.
NNC R1, Minonitor ang Nutrition Early Warning System ng Bayambang
Bumisita ang
National Nutrition Council Region I sa Munisipyo noong May 5, upang imonitor
ang Local Nutrition Early Warning System (LNEWS) ng Bayambang sa unang quarter
ng 2023. Matapos ang kanilang pagsusuri, kinongratulate ng NNC ang
LGU-Bayambang dahil sa maraming programa nito patungkol sa food sustainability,
kalusugan, at nutrisyon.
Progress Report ukol sa MR-OPV Supplemental
Vaccination
Ayon sa pinagsamang ulat ng Rural Health Units I, II, II, at IV, narito ang
resulta ng DOH Measles, Rubella, Oral Polio Vaccine (MR-OPV) Supplemental
Immunization Activity sa iba't ibang barangay ng Bayambang, as of May 9, 2023.
Para sa measles at rubella, may nabakunahan nang 6,905 o 62% ng kanilang
target na 11,156. Para naman sa polio ay may nabakunahan nang 7,911 o 61% ng
kanilang target na 13,047. Matatandaang nagsimula ang naturang aktibidad noong
May 2, 2023, at ito ay nakatakdang matapos sa loob ng isang buwan.
DOH, Narito
para sa Rapid Coverage Monitoring ng MR-OPV SIA
Noong May 17, nagtungo ang Department
of Health sa Bayambang upang magsagawa ng rapid coverage monitoring ukol sa
implementasyon ng MR-OPV Supplemental Immunization Activity ng ating mga Rural
Health Unit. Ayon sa DOH, nangunguna ang Bayambang sa lahat ng munisipalidad sa
Pangasinan sa MR-OPV SIA implementation, kaya't kanilang inalam ang matagumpay
na istratehiya na ginagamit ng mga RHU.
RHU III,
Inilunsad ang Antay Kiss Campaign
Nagkaroon ng information-education
drive ang RHU 3 na tinaguriang "Antay Kiss Campaign" (o ang dating
"Healthy Young Ones") sa Moises Rebamontan National High School at
Hermoza National High School noong May 8 hanggang May 18. Kabilang sa tinalakay ang mga ukol sa
STI/HIV, COVID-19, at mental health. May 245 na Grade 9 to Grade 12 student ang
binigyan ng counseling dahil sa iba't-ibang kadahilanan.
Bayambang,
Nangunguna sa Region I sa MR-OPV SIA 2023 Implementation
Ayon sa report ng DOH, as of May 18,
ang bayan ng Bayambang ay nangunguna sa mga munisipalidad sa Rehiyon Uno sa
mabilis at epektibong implementasyon ng Measles, Rubella, Oral Polio Vaccine
Supplemental Immunization Activity 2023. Congratulations sa buong RHU at bayan
ng Bayambang!
WHO, Minonitor ang Local Supplemental Immunization
Activity
Noong
May 23 naman, bumisita ang representante ng World Health Organization na si Dr.
Namrata Bhatta mula sa bansang Nepal upang magconduct ng Rapid Coverage Convenience
Monitoring ng implementasyon ng nasabing vaccination activity. Kasama ni Dr.
Bhatta ang mga personnel mula sa Department of Health at Provincial Health
Office.
PEACE
AND ORDER & PUBLIC SAFETY
Dangling Wire Clearing Action Group, Binuo at Agad
Nag-inspeksyon sa Sentro
Kaugnay
ng mga napagkasunduan sa nasabing public hearing ukol sa dangling at
sala-salabit na wire at kable, nagsagawa ng ocular inspection noong May 24 ang
Wire Clearing Action Group ng LGU, kasama ang CENPELCO at telecom companies,
upang tignan ang mga lugar na mayroong dangling spaghetti wires at cables sa
sentro ng bayan. At sa kanilang sariling inisyatibo, nag-uumpisa na ang mga
ahensya at kumpanya na baklasin ang kani-kanilang mga non-serviceable dangling wires
sa Poblacion area.
Joint Fire
Safety Inspection, Isinagawa
Noong May 19, sa inisyatibo ni
Municipal Fire Marshal, SInsp Divina Cardona, nag-umpisang magsagawa ng fire
safety inspection ang Building Administrator sa mga opisina at gusali ng Munisipyo.
Ito ay upang masiguro na ang bawat sulok ng Munisipyo ay ligtas sa banta ng
sunog.
PNP News Updates
Ang
kapulisan ng Bayambang, sa pamumuno si PLtCol. Rommel Bagsic, ay patuloy sa
pagpapatupad ng mga batas laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kaayusan
at kaligtasan ng bayan. Kabilang dito ang:
A.
pag-aresto sa mga lumalabag sa batas gaya ng sa illegal drugs at gambling,
B.
pagsagawa ng anti-criminality strategies gaya ng checkpoint at Oplan Sita,
C.
mobile patrolling,
D.
regular na pagbisita sa iba’t ibang barangay, business establishments, at
maging sa mga paaralan, at
E.
mahigpit ng pagpapatupad ng batas trapiko, kabilang ang helmet law, at road
clearing activities.
TOURISM
International Museum Day 2023, Ipinagdiwang!
Sa kauna-unahang
pagkakataon, ang Municipal Museum ay nakiisa sa pagdiriwang ng International
Museum Day 2023, at ito ay ginanap noong May 18 sa temang "Sustainability,
Museums and Wellbeing." Ito ay isang paalaala ukol sa katuturan ng mga museo
sa komunidad at buhay ng mga mamamayan.
AGRICULTURAL
MODERNIZATION
Bayambang, 2nd Runner-up sa Pista'y Dayat 2023 Float Competition
Nagwagi ng 2nd
runner-up ang Bayambang sa float competition ng provincial government, bilang
parte ng pagdiriwang ng Pistay Dayat 2023 sa capitol grounds noong Mayo 1. Para
sa kumpetisyon, nag-ambagan ang lahat ng lider ng Municipal Agriculture and
Fishery Council, Bayambang Farmers' Federation, at Municipal Association of
NGOs, kasama ang Municipal Agriculture Office. Ang kanilang pagsisikap ay
nagwagi ng 2nd runner-up mula sa 25 na kalahok galing sa iba't ibang bayan ng
Pangasinan. Ang koponan ay nag-uwi ng P100,000 na premyo mula sa kompetisyon.
ONGOING:
Accreditation ng Municipal Hatchery
Ang Bayambang Municipal Hatchery sa
Brgy. Langiran ay kasalukuyang sumasailalim sa accreditation activity ng Bureau
of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 at Provincial Fisheries Office.
Ayon sa MAO at BPRAT, ang BFAR accreditation ay magsisilbing guarantee ng
kalidad ng fingerling production ng pasilidad.
Panibagong Inbred Rice Seed Allocation ng DA, Tinanggap ng MAO
Dalawang libong
bags ng tig-20 kilos inbred rice seed varieties ang tinanggap ng Municipal
Agriculture Office upang ipamahagi sa mga lehitimong magsasaka pagkatapos
ma-inspect at pumasa sa quality standards ng PhilRice. Ito ay tinanggap ng
opisina noong May 15, at kaya nitong taniman ang isang libong ektarya ng
sakahan.
Mangabul Seed Growers MC, Ginabayan sa Kanilang General Assembly
Patuloy ang
Municipal Cooperative Development Office sa paghubog sa mga lokal na
kooperatiba upang maging sandata laban sa kahirapan. Noong May 17, ang opisina
ay nagtungo sa Barangay Pantol Evacuation Center upang umasiste sa General
Assembly ng mga miyembro ng Mangabul Seed Growers Marketing Cooperative. Naroon
si Gng. Rhodora Sagum, ang bagong Chairman ng naturang kooperatiba.
5-Month Training on Varietal Derby, Sinimulan
Pormal na binuksan noong May 9 ng
Municipal Agriculture Office ang Season-Long Training sa "Hybrid Varietal
Derby with Emphasis on Palay Check," na tatagal ng humigit-kumulang na
limang buwan. Sa proyektong ito, malalaman ang pinakaangkop na binhi sa ating
lugar sa kabila ng iba't ibang uri ng hybrid rice seeds sa merkado.
DA Rice Seed Allocation, Ipinamahagi
A.
Noong May 30, pinangunahan ni Vice-Mayor IC Sabangan ang distribusyon ng mga
sako ng palay na alokasyon ng Department of Agriculture para sa mga lokal na
rice farmers. Ang pamamahagi ay inorganisa ng Municipal Agriculture Office sa
Brgy. Amanperez Covered Court.
B.
Dumating sa araw ding iyon ang karagdagang inbred rice seeds na nagmula sa
PhilRice RCEF project. Parte pa lamang ito ng 5,436 bags na inisyal na
allocation ng inbred rice seeds ng DA para sa bayan ng Bayambang.
INFRASTRUCTURE
DEVELOPMENT
Updates from Engineering Office
Samantala,
naritong muli ang mga latest construction projects ng Engineering Office.
ONGOING:
Construction of Core Local Access Rd. at Brgy. Ambayat 2nd under
2022 20% Development Fund
ONGOING:
Construction of Core Local Access Rd. with Slope Protection at Brgy. Pantol
under Excise Tax Fund
JKQ Hospital Update
Bilang
panghuli, narito naman ang latest updates ukol sa konstruksyon ng Julius K. Quiambao
Medical & Wellness Center sa Brgy. Ligue.
Engineering, Pinaigting ang Declogging Activities
Pinaigting
ng Engineering Office ang declogging activities sa mga kanal sa Poblacion area
upang maiwasan ang pagbaha. Hinihiling ng Engineering Department ang
kooperasyon ng lahat na gawin ang kanilang bahagi sa pagpapanatili ng kalinisan
at pagpigil sa pagtapon ng basura sa daan na siyang malimit na dahilan ng
pagbabara sa ating mga drainage.
ENVIRONMENTAL
PROTECTION
LGU-Rosales, Nagbenchmarking sa MRF
Bumisita ang
mga opisyal ng LGU-Rosales, Pangasinan noong May 4 upang mag-lakbay aral sa
Materials Recovery Facility ng Bayambang sa Brgy. Dusoc. Matapos ang courtesy
call sa opisina ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kanila namang inalam ang best
practices ng MRF. Nagpasalamat ang mga bisita sa nakita nilang mahusay na
implementasyon ng RA 9003 pati na rin ang proyektong Bali-Balin Bayambang ni
Mayor Niña Jose-Quiambao.
Notice of Violation, Patuloy na Iniisyu ng ESWMO
Patuloy ang ESWMO
sa pag-issue ng mga Notice of Violation sa mga barangay at establisimyento na
nahuhulihang lumalabag sa mga panuntunang nakasaad sa probisyon ng RA 9003 o
Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ito ay upang masiguro na kaisa
ang bawat Bayambangueño sa pagsiguro ng isang malinis na bayan at maaliwalas na
kapaligiran.
ESWMO IEC, Isinagawa sa Idong-Inanlorenza ES
Isang
Information-Education Campaign ang isinagawa ng ESWMO sa Idong-Inanlorenza
Elementary School noong Mayo 12. Doon tinalakay ni ESWMO Supervising
Environment Specialist Eduardo Angeles Jr. ang mga dapat malaman para magkaroon
ng malinis na paaralan at bayan.
DISASTER
RESILIENCY
MDRRMO, Muling Nag-Info Drive at Nagmonitor ng Early Warning Bells
Noong May 2,
nagsimulang imonitor ang MDRRMO ang mga early warning bells na kanilang
ipinamahagi sa lahat ng barangay at public schools, upang masigurong ang mga
ito ay maayos na magagamit kung sakaling kailanganing magbigay ng babala.
Kasabay nito ay ang pamimigay ng mga information materials sa lahat din
ng barangay at public schools tungkol sa kung ano ang mga dapat gawin kapag
nagkaroon ng lindol, sunog, at baha. Ito ay upang magkaroon ng kahandaan ang
publiko sa oras ng panganib.
Emergency Meeting, Ginanap ukol sa Banta ng El Niño
Noong May 4,
nagkaroon ng emergency meeting ang MDRRM Council ukol sa banta ng mahabang El
Niño na pinaghahandaan sa bansa. Kasama ang BayWad, CENPELCO, at DepEd, ay
tinalakay ng konseho ang posibleng paglipana ng mga sakit sa tag-init,
kakulangan sa inuming tubig at patubig sa bukid, at iba pang suliranin na
maaaring harapin dahil sa panahon. Iprinisenta naman ng mga kinauukulang
departmento at ahensya ang kanilang mga plano upang makatulong na maalpasan ang
mga ito.
IEC sa San Roque Dam Operations, Muling Isinagawa
Isang
Information-Education Campaign ang isinagawa ng National Grid Corporation of
the Philippines, kasama ng PAGASA at Municipal Disaster Risk Reduction and
Management Office, ukol sa operasyon nito sa San Roque Dam. Layunin nitong
pag-ibayuhin ang public awareness sa dam operations at palakasin ang kapasidad
ng LGU sa mga banta ng pagbaha at ipakita kung paano nagtutulungan ang iba't
ibang ahensya upang mamitigate ang epekto ng spilling operations ng dam sa
panahon ng bagyo at pagbaha.
Emergency Meeting, Isinagawa Kaugnay ng Typhoon
“Mawar”
Noong May 25,
isang emergency meeting ang ipinatawag ng MDRRM Council upang pag-usapan ang
mga paghahandang dapat gawin sa posibleng banta ng Typhoon Mawar sa pagdating
nito sa Philippine area of responsibility.
Tinalakay ng doon ng iba’t ibang opisina ang kani-kanilang action plans
upang makaiwas ang ating mamamayan sa anumang sakuna.
AWARDS &
RECOGNITION
Mayor Niña, Pinarangalan ng Milpitas City Council
Sa isang City
Resolution na pirmado ng buong Milpitas City Council, pinarangalan ng City of
Milpitas, California, USA si Mayor Niña Jose-Quiambao bilang kauna-unahang
babaeng alkalde ng bayan ng Bayambang. Isa pang pagkilala na iginawad ng
Milpitas City Council noong May 8 ang komendasyon para sa Bayambang Town Fiesta
2023 Committee dahil sa pagpreserba nito ng kultura at tradisyong
Bayambangueño.