Thursday, April 30, 2026

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! - Republic Act No. 12009 o ang New Government Procurement Act

 

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! - Republic Act No. 12009 o ang New Government Procurement Act

 

Bayambang, dapat alam mo na mayroong bagong batas na magpapabago sa sistema ng pagbili at pagkuha ng serbisyo ng pamahalaan. Ito ay ang Republic Act No. 12009 o ang New Government Procurement Act (NGPA) na nilagdaan noong July 20, 2024.

 

Dapat alam mo rin na hindi na lang “lowest bid” ang basehan ngayon. Sa ilalim ng RA 12009, mas pinapahalagahan na ang quality, efficiency, at long-term value o ang tinatawag na Most Economically Advantageous Responsive Bid (MEARB). Ibig sabihin, hindi lang mura, kundi sulit at dekalidad ang pipiliin.

 

Narito ang ilang mahahalagang pagbabago:

•       Mas maraming procurement modes – tulad ng Direct Acquisition, Competitive Dialogue, at Unsolicited Offers para sa mas flexible at innovative na proyekto

•       Fit-for-purpose approach – hindi na “one-size-fits-all”; pipiliin ang paraan base sa pangangailangan ng proyekto

•       Digitalization – gagamit na ng electronic government procurement system o e-GP, kasama ang e-signatures at online payments

•       Sustainability at inclusivity – isinusulong ang Green Public Procurement at pagbibigay ng pagkakataon sa local at social enterprises

•       Mas maayos na sistema laban sa mga pasaway na suppliers, sa pamamagitan ng centralized database para sa blacklisting

•       Mas maayos na planning, kung saan hinihikayat ang multi-year planning para mas episyente ang paggastos ng pondo ng bayan.

 

Bayambang, dapat alam mo na ang batas na ito ay epektibo na simula pa noong August 13, 2024, at mayroong tatlong (3) taong transition period ang mga ahensya ng gobyerno upang ganap itong maipatupad.

 

Sa kabuuan, nabuo ang RA 12009 upang masigurong ang bawat piso sa kaban ng bayan ay napupunta sa tama at tunay na kapaki-pakinabang na proyekto para sa mamamayan.

 

Bayambang, ang lahat ng ito, ay Dapat Alam Mo!

 

 

No comments:

Post a Comment