Bayambang, Dapat Alam Mo! - Pinabilis na Pagkuha ng Business o Mayor’s Permit at Special Permit
BAYAMBANG, Alam mo ba? Mas magiging mabilis at mas maginhawa ang pagkuha ng Business o Mayor’s Permit at Special Permit sa Bayan ng Bayambang, matapos ipasa ng Sangguniang Bayan ang ordinansang naglalayong i-streamline o bawasan ang mga kinakailangang requirements.
Ang bagong hakbang ay alinsunod sa REPUBLIC ACT NO. 7160 O LOCAL GOVERNMENT CODE OF 1991, na nag-aatas sa mga lokal na pamahalaan na itaguyod ang pangkalahatang kapakanan at kaunlaran ng ekonomiya. Kaakibat din nito ang REPUBLIC ACT NO. 11032 O EASE OF DOING BUSINESS AND EFFICIENT GOVERNMENT SERVICES DELIVERY ACT OF 2018, na naglalayong bawasan ang red tape sa mga transaksyon sa gobyerno.
Para sa mga bagong negosyo, kinakailangan
pa rin ang patunay ng rehistro mula sa:
* Department of Trade and Industry (DTI)
para sa SOLE PROPRIETORSHIP;
* Securities and Exchange Commission (SEC)
para sa PARTNERSHIP O KORPORASYON; at
* Cooperative Development Authority (CDA)
para sa mga KOOPERATIBA.
Kabilang din sa mga pangunahing requirement
ang barangay business clearance, fire safety inspection certificate, at mga
kaukulang occupancy, sanitary at health permits.
Para naman sa renewal ng permit, mas pinasimple ang proseso at nakatuon na lamang sa updated clearances at deklarasyon ng nakaraang gross sales.
Pinapayagan din ng ordinansa ang pag-isyu ng permit kahit may kulang pang ilang dokumento tulad ng sanitary o occupancy permit, basta’t may isinumiteng AFFIDAVIT OF UNDERTAKING ang aplikante—isang hakbang upang maiwasan ang pagkaantala ng operasyon ng negosyo.
Mas Maayos na Sistema para sa mga Ambulant Vendor
Inilatag din ng ordinansa ang malinaw na
panuntunan para sa mga ambulant vendor na kinakailangang kumuha ng Special
Permit bago makapagtinda sa loob ng bayan.
Hinati sila sa apat na kategorya:
* PEDDLER
* MOBILE TRADER
* RESIDENT VENDOR
* TRANSIENT VENDOR
Bawat vendor ay kailangang magparehistro,
sumailalim sa kinakailangang medical examination, at magpakita ng natatanging
registry number sa kanilang kariton, ID, at uniporme. Ang registry number ay
eksklusibo at hindi maaaring ilipat sa iba.
May Mga Karagdagang Clearance Pa Rin sa Ilang Negosyo
Bagama’t pinasimple ang proseso, ang mga
negosyong kabilang sa regulated industries ay kinakailangan pa ring kumuha ng
clearance mula sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan, gaya ng:
* Bangko Sentral ng Pilipinas para sa LENDING
INSTITUTIONS; at
* National Telecommunications Commission
para sa mga TELECOMMUNICATIONS FIRMS.
No comments:
Post a Comment