MONDAY REPORT – JUNE 9, 2025
[INTRO]
NEWSCASTER
1: Isang masaya at produktibong umaga, Bayambang! Ako po si Sean Russell S.
Lopez.
NEWSCASTER
2: At ako naman po si Sarah Jane Pablico, at kami ay mula sa Municipal Treasury
Office. Handog namin ang mga balitang sumasalamin sa bayang progresibo.
NEWSCASTER
1: Sama-sama nating sulyapan ang mga kwentong nagpapakita ng malasakit at
aksyon.
NEWSCASTER
2: Ito ang inyong lingguhang ka-partner sa impormasyon…
SABAY:
Ang… BayambangueNews!
***
[SALITAN
NA KAYO RITO]
1. LGU Ville, May License to Sell
Na!
Aprubado na ang License to Sell ng LGU Ville mula sa
Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). Ipinabatid ito
ng mga kinatawan ng PAG-IBIG sa LGU-Bayambang, na nagbibigay pahintulot sa pagbebenta
ng mga lote sa LGU Ville natatagpuan sa Brgy. Sancagulis sa mga interesadong
kawani ng LGU at maging sa labas ng LGU.
2. Mga Update ukol sa Agri Projects,
Tinalakay
Pinulong ni Mayor Nina Jose-Quiambao, sa pamamagitan ni
Municipal Administrator Atty. Rodelyn Rajini Sagarino-Vidad, ang Municipal
Agriculture Office noong Hunyo 2 ukol sa progress report ng departamento ukol
sa mga sumusunod na proyekto: onion cold storage, animal shelter, agriculture
banner projects, agriculture biosystems engineering, improvement of 8 district
warehouses phase II, at onion cold storage training para sa mga staff para sa
mas maayos na operasyon.
3.
Client Satisfaction Surveys ng Munisipyo, Tinalakay
Noong June 3, isang refresher orientation ng isinagawa ng
ICT Office para sa mga Quality Assurance Officer ng lahat ng departamento ng
LGU ukol sa pagproseso ng mga required na client satisfaction survey ng mga LGU
department. Dito ay tinalakay ni ICT Officer Ricky Bulalakaw ang mga update sa
proseso, kabilang ang opsyon na magkaroon ng paper survey response forms upang
mapataas ang response rate ng mga Bayambangueño na hinihingan ng opinyon ukol
sa iba’t ibang serbisyong ibinibigay ng Munisipyo.
4.
Provincial Vets, Nagbigay ng Libreng Serbisyo sa mga
Livestock sa Brgy. Nalsian
Noong June 3, isang team ng mga veterinarian mula sa
provincial government, sa tulong ng Municipal Agriculture Office, ang nagbigay
ng libreng veterinary services sa Brgy. Nalsian Norte. Kabilang sa mga hanadog
na serbisyo para sa mga alagang baka, kalabaw, kambing, at tupa ang hemorrhagic
septicemia vaccination, deworming, at vitamin supplementation.
5.
Task Force Disiplina, Ilulunsad
Base sa mga napag-usapan sa isang pulong noong June 4,
nakatakdang ilunsad ng LGU ang Task Force Disiplina bilang bahagi ng pinaigting
na kampanya para sa kaayusan, kalinisan, at disiplina sa buong bayan. Ang
inisyatibong ito ay tugon sa lumalalang isyu ng mga paglabag sa mga lokal na
ordinansa gaya ng ilegal na pagparada, pagtapon ng basura sa hindi tamang
lugar, pag-inom ng alak sa pampublikong lugar, at iba pang gawaing nakaaapekto
sa kapakanan ng komunidad.
6.
Public Market Vendors at Stallholders, Pinulong
Upang
mapag-ibayo ang serbisyo sa ating pamilihang bayan at mahigpit na ipatupad ang
batas, pinulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar Quimbao, Noong
June 4 ang mga public market vendor at stallholder, kasama ang Special Economic
Enterprise head at iba pang concerned departments. Tinalakay ang ukol sa actual
cash tickets na na-charge, ang mga arrear o unpaid rental ng mga stall, at iba
pang concerns ng mga vendors. Nagbigay
din ang LGU ng maaaring pagkautangan ang mga market vendor sa mababang interest
upang kanilang maiwasan ang pangungutang sa mga Bumbay at
nagpapa-"five-six."
7. Brigada
Eskwela Packages, Ipinamahagi Na!
Hindi
na kailangang isipin pa ng mga guro ang gagamitin sa paglilinis sa kanilang mga
paaralan at mga silid-aralan dahil
nagsimula na si Mayor Niña Jose-Quiambao na magpamahagi ng mga Brigada
Eskwela package 57 na pampublikong paaralan sa elementarya at sekundarya.
Ang
kada Brigada Eskwela package ay naglalaman ng:
-
99 na 6-liter semi-gloss latex paint
-
138 na 4-liter roof guard (roof paint)
-
156 na 1-liter blackboard paint (green)
-
156 na 2 1/2" paint brush
-
156 na roller brush
Ang
panimulang distribusyon ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center.
8.
LGBTQI Community, May Malawakang Clean-up Drive
Bilang parte ng pagdiriwang ng Pride Month, ang mga
miyembro ng LGBTQI Bayambang kasama ang LGU-Bayambang, ay nagsagawa ng isang bongga
at malawakang clean-up drive sa Poblacion area bilang suporta ng grupo sa
Bali-Bali'n Bayambang project ni Mayor Niña. Matapos ang water flushing ng BFP,
kanilang ginalugad ang mga sulok ng sentro ng bayan upang magbigay ng magandang
ehemplo at bilang paalala sa lahat na panatilihing malinis at maaliwalas ang
lahat ng sulok ng Bayambang.
***
Bayambang,
Dapat Alam Mo!
Bayambang, dapat alam mo—ang batas sa pagbabayad ng
buwis ay hindi gawa-gawa lang ng munisipyo o ng mayor. Ito ay mula sa national
government at tungkulin ng bawat opisyal na ipatupad ito.
Dapat alam mo na ang pagbabayad ng buwis ay hindi
lang obligasyon kundi ambag sa pag-unlad ng bayan. Kumbaga investment ito sa
komunidad na nagbabalik ng benepisyo sa anyo ng serbisyong pampubliko tulad ng
edukasyon, kalusugan, at imprastraktura.
Dapat alam mo rin na ang ating ibinabayad na RPT o
Real Property Tax (na 2% ng assessed value ng iyong taxable property) ay
hinahati sa dalawang bahagi. Sa Basic RPT na 1%, 35% ang napupunta sa
Provincial Government, 40% sa LGU-Bayambang, at 25% sa barangay kung saan naroroon
ang iyong ari-arian. Sa SEF o Special Education Fund na 1% rin, kalahati ay
para sa Provincial School Board at ang kalahati naman ay para sa Municipal
School Board.
Kaya’t bawat bayad mo ay may malinaw na direksyon at
may kaakibat na benepisyong babalik sa iyo at sa iyong komunidad.
Bayambang, tandaan mo—hindi bago ang batas sa
amilyar; matagal na ito pero dati hindi mahigpit ang pagpapatupad. Kahit sino
ang lider, obligasyon nilang ipatupad ito. Lahat ng sambahayan at negosyo ay
dapat magbayad ng buwis, maliban kung exempted.
Good news, Bayambang! May tax amnesty program ngayon
sa buong Pangasinan hanggang July 2026. Ibig sabihin, pwedeng makipag-areglo sa
Treasurer’s Office at hulugan ang utang sa buwis, wala nang penalty!
At dapat alam mo rin kung sinu-sino ang top taxpayers
ng ating bayan noong 2024:
[FLASH TOP 5 and contribution in ₱]
1. Dr. Cezar T. Quiambao
2. JKQ Wellness Hospital
3. AILC
4. Sta. Lucia
5. Northern Plains
Look oh! Nangunguna sa listahan ang pamilya Quiambao,
mga siz! Grabe, top taxpayer na, top supporter pa ng bayan! Sobrang latina at
sobrang slay!
Bayambang, ngayon alam mo na—huwag na nating
panghinayangan ang buwis na binabayaran natin. Dahil bawat sentimong 'yan ay
puhunan para sa mas maayos, mas maunlad na kinabukasan ng bawat Bayambangueño.
Lahat ng ito, Bayambang, ay… Dapat Alam Mo!
***
[OUTRO]
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: Dito sa Bayambang, bawat
proyekto ay may layuning makapaglingkod nang tapat at may puso.
NEWSCASTER 2: At bawat kwento,
tagumpay nating lahat bilang isang komunidad.
NEWSCASTER 1: Ako pong muli si Sean
Russell S. Lopez, kasama sa paglalahad ng mga kaganapan sa bayan.
NEWSCASTER 2: At ako si Sarah Jane
Pablico, mula sa Municipal Treasury Office. Magsama-sama tayong muli para sa
susunod na ulat!
SABAY: Ito ang… BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment