BAYAMBANGUENEWS – MONDAY REPORT - DECEMBER 22, 2025
[SMILE, VOLUME, ENERGY!]
1: Magandang araw, Bayambangueños! Ako po si _______ mula sa Bureau of Fire Protection.
2: At ako naman po si ____mula rin sa Bureau of Fire Protection. Tampok namin ang mahahalagang kaganapan at serbisyong hatid ng inyong gobyernong lokal sa nakalipas na linggo.
1: Narito ang mga balitang dapat ninyong malaman.
1&2: SABAY: Ito ang... BayambangueNews!
***
[SMILE, VOLUME, ENERGY!]
1. CSOs, Pinulong para sa Re-election at Action Plan Updates
A. Ang mga accredited na civil society organization ng Bayambang ay pinulong ng Administrator's Office noong December 12 para sa re-election ng mga opisyal ng CSO Association of Bayambang at upang ma-update ang kanilang CSO Action Plan. Dito ay tiniyak na ang mga programa ng mga CSO ay naaayon sa Bayambang Poverty Reduction Plan. Nahalal na bagong presidente si Ms. Juanita Sumaya.
B. Noong December 15, ang mga nahalal na opisyal ay nanumpa sa kanilang tungkulin sa harap ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
2. LCR, Nagpatuloy ng Info Drive
Ang Local Civil Registry ay nagsagawa ng information and education campaign sa Brgy. Buenlg 1st Covered Court at Brgy. Buenlag 2nd Covered Court noong December 11 at 17, upang talakayin ang tamang civil registration at mga update sa PSA Memorandum Circulars. Sa info drive na ito, muling napalawak ang kaalaman ng mamamayan upang maiwasan ang pagkakamali sa mga civil registry record.
3. District 9, Kampeon sa Inter-District Basketball Tournament 2025
Ang team mula sa District 9 ay itinanghal na kampeon sa katatapos na Bayambang Inter-District Basketball Tournament 2025, na inorganisa ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council, at nakatanggap ng tropeyo at P30,000 cash prize. Hinirang bilang finals MVP si Onofre Basan ng Brgy. Cadre Site, na tumanggap ng medalya at P5,000 cash, habang ang District 3 at District 4 ay nakakuha ng ikalawa at ikatlong puwesto.
4. LGU, Lumahok sa KALAHI-CIDSS Workshop ng DSWD
Noong December 15, ang LGU ay lumahok sa isang LGU Enrollment at Capacity Assessment Workshop kaugnay ng implementasyon ng KALAHI-CIDSS, isang community-driven development program ng DSWD. Tinalakay sa workshop ang mga layunin ng programa, kinakailangang komitment mula sa LGU, at pagsusuri ng kahandaan at institutional capacity ng bayan para sa epektibong pagpapatupad nito. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng munisipyo at mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan at sektor.
5. MPOC-MADAC Nagsagawa ng 4Q Meeting
Noong December 16, nagdaos ng 4th quarter meeting ang MPOC at MADAC ng Bayambang upang talakayin ang mga accomplishment mula Oktubre 2025 hanggang kasalukuyan, kabilang ang mga programa sa anti-criminality, anti-insurgency, at anti-illegal drugs. Ibinahagi rin sa pulong ang mga nararapat na hakbang upang higit pang mapaigting ang kapayapaan at kaayusan sa bayan. Inilahad din ang Peace and Order and Public Safety o POPS Plan 2026–2028 na nagtatakda ng mga estratehiya para sa mas ligtas at mas maunlad na Bayambang.
[NOTE: Read 4Q as fourth quarter]
6. LGU at LTO, Nakipagdayalogo sa mga E-Bike at E-Trike Owners
Noong December 17, nakipagdayalogo ang LGU at LTO-Bayambang sa mga may-ari ng e-bike at e-trike sa SB Session Hall. Tinalakay sa pulong ang mga umiiral na regulasyon, isyu sa rehistrasyon, at mga alituntunin sa kaligtasan at responsableng paggamit ng nasabing mga sasakyan. Nakatuon ang talakayan sa maayos na pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa mga kalsada ng bayan.
7. Mayor Niña, May Surpresang Pamasko muli sa mga Kawani
Ang mga empleyado ng LGU ay muling hinandugan ni Mayor Niña ng surpresang spaghetti packs noong December 15 bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo at dedikasyon. Ito ay nagdulot ng tuwa at saya sa mga kawani, at naging bahagi na ng taunang pamaskong handog nina Dr. Cezar Quiambao at Mayor Niña simula pa noong taong 2016.
8. Mga Kawani ng Munisipyo, Sumailalim sa Surprise Drug Test
Pinangunahan ni Mayor Niña ang isang surpresang drug test para sa mahigit isang libong kawani ng LGU noong December 15, katuwang ang PNP Bayambang at RHU. Ito ay upang tiyaking malinis sa ipinagbabawal na gamot ang lahat ng mga opisyal at empleyado ng munisipyo, at at maging mabuting ehemplo sa publiko.
9. LGU-Bayambang, Kinilala sa PRIME-HRM Maturity Level II!
Kinilala ang LGU-Bayambang matapos makamit ang PRIME-HRM Maturity Level II ng CSC Region I sa Recruitment, Selection and Placement at Performance Management noong Disyembre 16, 2025. Pinangunahan ng mga opisyal ng munisipyo at CSC Region I ang seremonya na nagbigay-diin sa maayos at matibay na sistema ng pamamahala sa human resource ng bayan. Tinanggap ni Mayor Mary Clare Judith Phyllis Jose-Quiambao ang parangal at pinasalamatan ang mga kawani sa kanilang ambag sa patuloy na pagpapahusay ng serbisyo publiko.
10. LGU-Alaminos, Nag-benchmark para sa Matalunggaring Awards
Ang mga opisyal ng LGU-Alaminos City ay muling nagbenchmarking sa LGU-Bayambang upang matuto sa mga best practices ng munisipyo sa paggawad ng taunang Matalunggaring Awards. Ang naturang awards ay ang pinakamataas na pagkilala ng pamahalaang bayan sa mga residente na nagkaroon ng natatanging kontribusyon o nakapagtamo ng mga kahang-hangang achievements sa anumang larangan at nagbigay ng karangalan sa bayan.
11. Pamaskong Handog sa Kabataan, Year 23 Na!
Noong December 16 at 17, ang Pamaskong Handog sa Kabataan ay ginanap sa St. Vincent Ferrer Parish Church sa tulong ng KKBFI, AILC, at Niña Cares Foundation. Ang taunang programa ay nasa Year 23 na ng paghahatid ng saya, pag-asa, at malasakit sa mga kabataang Bayambangueño sa panahon ng Kapaskuhan. Naging masaya at masigla ang selebrasyon dahil sa fun and games at pamamahagi mga food treat at laruan sa mga bata.
12. SPED Learners, Nilibre ni Mayor Niña sa Blue Sky!
Noong December 16, pinangunahan ni Mayor Niña ang selebrasyon ng International Day of Persons with Disability sa Bayambang sa pamamagitan ng pagbibigay-saya sa mga SPED learners mula sa tatlong SPED facilities ng bayan. Sa tulong ng Persons with Disability Affairs Office, ang mga bata ay hinandugan ng libreng entrance kaya't sila ay enjoy na enjoy sa mga rides sa Blue Sky Theme Park kasama ng kanilang mga guardians.
13. Preparatory Meeting para Town Fiesta, Isinagawa
Isang preparatory Meeting para sa Pista'y Baley 2026 ang isinagawa noong December 17. Tinalakay rito ang lineup ng activities at mga trabahong nakatoka sa bawat departamento at ahensya ng gobyerno, upang masigurong maayos ang mga gagawin sa isang linggong pagdiriwang. Nagkaroon din ng brainstorming para sa magiging tema ng kapistahan.
14. 2025 Accomplisment Report, SEF Utilization, at 2026 Budget, Tinalakay sa LSB Meeting
Sa pinakahuling pulong ng Local School Board na ginanap noong Disyembre 16, nagpresenta ang DepEd Bayambang I at DepEd Bayambang II ng kani-kanilang mga accomplishment sa buong taon, tinalakay ng LSB kung paano ginamit ang Special Education Fund ng taong 2025, at nagprepara rin ang Board para sa badyet ng taong 2026.
15. 2025 GAD Accomplishments, Iprinisenta
Sa ginanap na pulong ng Gender and Development Executive Committee noong December 17, idinetalye ang mga nagawang programa, proyekto, at aktibidad ng kada departamento at ahensya gamit ang mandatory GAD Fund. Dito ay sinigurado na ang mga pondo ay nagamit ng tama para sa tunay na inklusibong pamamahala.
16. Mayor Niña, Pinarangalan ng BFP
Pinarangalan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region I si Mayor Niña sa seremonyang ginanap noong December 17 sa San Fernando City, La Union, bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon at suporta sa mga gawain ng BFP. Naging kinatawan ni Mayor Niña sa okasyon si Konsehal Jocelyn Espejo, kasama si OIC BFP-Bayambang Chief Carol Joy Palchan, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at BFP para sa kaligtasan ng komunidad.
17. 48,823 Pamilya, Biniyayaan ng Pamasko ng Pamilya Quiambao-Jose
Matagumpay na natapos ng lokal na pamahalaan ang pamamahagi ng pamaskong handog sa pangunguna ni Mayor Niña at unang pamilya, kung saan 48,823 na pamilya ang nabiyayaan ng Christmas gifts. Isinagawa ang pamamahagi sa iba’t ibang barangay sa diwa ng pagmamahalan ngayong Kapaskuhan. Nagpasalamat ang pamahalaang bayan sa mga kawani at katuwang na sektor na naging bahagi ng aktibidad na ito para sa lahat ng pamilyang Bayambangueño.
18. Turismo ng Bayambang, Kinilala sa DOT Bootcamp
Napabilang ang bayan ng Bayambang sa mga piling LGU sa buong bansa na lumahok sa Tourism Investment Readiness Bootcamp ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority ng DOT noong December 15 at 16 sa Pasay City. Sa naturang aktibidad, kinilala ang Bayambang bilang isa sa Top 10 Best Presenters para sa panukalang proyektong pang-turismo na may mataas na potensyal na makahikayat ng private tourism investors. Ang pagkilalang ito ay patunay ng kahandaan ng Bayambang sa pagsusulong ng investment-ready tourism projects.
19. Bayambang, "Beyond Compliant" muli sa Gawad KALASAG
Ang LGU-Bayambang ay muling ginawaran ng "Beyond Compliant" o Excellent rating sa Gawad KALASAG Regional Awarding Ceremony para sa 2025 noong December 17 sa Bauang, La Union. Kinilala ang Bayambang bilang Top 4 sa Pangasinan at Top 7 sa Region I, bilang patunay ng mataas na antas ng kahandaan at husay nito sa disaster risk reduction and management. Ang parangal ay sumasalamin sa tuluy-tuloy na pagsunod at pag-angat ng Bayambang sa mga pamantayan ng RA 10121 sa nakalipas na apat na taon.
***
[SMILE, VOLUME, ENERGY!]
1: At iyan ang kabuuan ng ating mga balita ngayong Lunes. Muli ako po si ____.
2: At ako naman mo si _____, at kami po ay mula sa Bureau of Fire Protection. Patuloy ninyo kaming subaybayan para sa mga susunod pang kaganapan at serbisyong hatid ng ating pamahalaang lokal.
1: Para sa mas progresibong Bayambang...
1&2: Ito ang... BayambangueNews!