FLAG
CEREMONY
February
9, 2026; 8:00AM; BBEC
To my loving husband,
our SATOM, DR. CEZAR T. QUIAMBAO;
To Vice-Mayor IAN
CAMILLE SABANGAN and the Sangguniang Bayan Members;
To our Chief Executive
Assistant, CARMELA SANTILLAN;
To our Municipal
Administrator, ATTY. RODELYNN RAJINI
SAGARINO-VIDAD;
Our BPC President, DR.
RAFAEL SAYGO;
To my beloved LGU
Bayambang family, department and unit heads, partners from national agencies,
at sa mga Bayambangueños na nanonood via Facebook live—magandang umaga po sa
ating lahat!
Naimbag nga bigat kada
kayo amin! Masantos ya kabwasan ed sikayon amin!
Unang-una
nating itinataas ang ating mga puso sa Poong Maykapal. Panginoon, salamat sa
biyayang ito ng panibagong umaga. Sa gitna ng aming mga tungkulin, kami ay
dumadalangin: may we always be instruments of Your grace and will as we serve
the people of Bayambang.
Muli, a happy and blessed Monday morning
to everyone! Kumusta naman ang mga puso natin? Ilang tulog na lang, Valentine’s
Day na! Niyaya na ba kayo ni crush ng dinner date? Kung single kayo, huwag
mag-alala at huwag magmadali. Mas mabuti nang mag-antay ng 'High Quality' na
pag-ibig kaysa mag-settle sa 'Substandard.' Tandaan, ang Bayambangueño,
pang-World Class ang standards!
Kidding aside, seryosong usapin po ang
pag-ibig pagdating sa ating bayan. Love is the soul of public service. Aanhin
natin ang galing kung wala naman tayong malasakit? Without love, public service
is just a routine—soulless and empty. Kapag mahal mo ang Bayambang, ang pagod
ay nagiging lakas. Kapag mahal mo ang ating mga kababayan, ang bawat pirma at
desisyon mo ay nagiging susi sa kanilang kinabukasan. Hindi tayo nagtatrabaho
para sa sweldo lamang; nagtatrabaho tayo para sa bawat pangarap na ipinagkatiwala
sa atin. We are not just employees; we are dream-builders. And this is how love
transforms mere governance into a heartbeat of hope and a warm embrace for
every citizen.
At ngayong taon, ang pag-ibig na iyan
ang naging inspirasyon sa likod ng pinaka-aabangang selebrasyon sa bayan. We
proudly launch Pista’y Baley 2026 with the theme: “Bayambang, say baley ya
pirpirawat” o sa Tagalog, “Bayambang, ang Bayang Pinapangarap.”
Ano nga ba ang kahulugan nito? Dito sa
Bayambang, we don't just dream; we deliver. We don't just imagine; we
implement. Ang ating mga pangarap—mula sa masaganang agrikultura hanggang sa
maunlad na ekonomiya—ay nadadama at nakikita. This theme is a testament that
here in Bayambang, we turn our grandest visions into our people’s living
reality. At ang ating disiplina at pagkakaisa ang susi upang ang bawat pangarap
ng isang ordinaryong Bayambangueño ay maging katotohanan.
Sa pagdating ng ating Pista’y Baley
ngayong taon, hindi lamang tayo maghahanda para sa isang pagdiriwang; tayo ay
magtitipon upang patatagin ang ating pagkakaisa. Itatampok natin ang galing,
ang ningning ng sining, at ang yaman ng ating kultura, dahil ang tagumpay ng
bawat isa ay tagumpay ng buong Bayambang.
With this, I call upon your unwavering
cooperation. Let us deliver an unforgettable and meaningful celebration para sa
bawat pamilyang Bayambangueño. Let love be the wind beneath our wings as we
soar toward our shared destiny. At huwag tayong mapagod mangarap para sa ating
bayan, dahil ang 'Bayang Pinapangarap' ay abot-kamay na natin basta’t tayo ay
nagkakaisa at nagmamahalan.
Mabuhay ang bawat Bayambangueño! Mabuhay
ang Bayang Pinapangarap! Maraming salamat po. Niñaaro ta kayo!
To
God be all honor and Glory!
No comments:
Post a Comment