MONDAY REPORT –
FEBRUARY 16, 2026
[SMILE,
VOLUME, ENERGY!]
INTRO:
1:
Magandang araw, mga Kabaleyan! Ako po si _____________.
2: At
ako naman po si _____________, at kami po ay mula sa _____________.
1: Hatid
namin ang mga balita ukol sa mga makabuluhang programa, proyekto, at aktibidad
ng lokal na pamahalaan at ang pakikiisa ng ating komunidad.
2: Sama-sama
nating tunghayan ang mga kaganapang patunay ng malasakit, disiplina, at
pagkakaisa sa bayan ng Bayambang.
1&2: Ito
ang... BayambangueNews
=====================
[MEMORIZE
THE HEADLINES]
1.
BPC, Ipinakilala ang Unang 92 Graduates;
P15-M Donasyon, Tinanggap
Ipinakilala ng
Bayambang Polytechnic College ang unang 92 graduating students at OJTs nito
noong Pebrero 9, kasabay ng pagtanggap ng 15.3 milyong pisong donasyon mula
kina Dr. Cezar Quiambao at Mayor Niña para sa tuition mahigit na ng 1,100
na mag-aaral. Ayon kay BPC President, Dr. Rafael Saygo, patunay ito na ang
paaralan ay isang instrumento para sa magandang kinabukasan ng kabataang
Bayambangueño.
2.
Mga Wheelchair, Ipinagkaloob sa mga PWD
at Senior Citizens
Ipinamahagi ng
PDAO, gamit ang pondo mula sa PWD Fund, ang mga bagong wheelchair sa ilang PWD
at senior citizens noong February 9. Kabilang dito ang isang adult wheelchair
na nakadisenyo para sa may cerebral palsy. Ito ay bahagi ng patuloy na programa
ng LGU para sa mas maayos na mobilidad at kalidad ng pamumuhay ng mga
benepisyaryo.
3.
PSU Student Journalists, Media Partner sa
Town Fiesta 2026
Malugod na
tinanggap ng mga regional award-winning student-journalist ng The Reflector ng PSU–Bayambang
ang imbitasyon ng LGU na magsilbing media partner para sa news coverage ng
Pista’y Baley 2026. Sa pulong noong February 10, tinalakay ang mga aktibidad ng
pista at ang tamang pag-uulat ng mga ito.
4.
286 OJT at Work Immersion Students,
Tinanggap ng LGU
Tinanggap ng
LGU ang 286 OJT at work immersion students mula sa PSU, BPC, at Bilad National
High School sa isang orientation program na pinangunahan ni Mayor Niña.
Nagbigay rin ng gabay ang Municipal Administrator at PESO officials upang
ihanda ang mga mag-aaral sa aktuwal na mundo ng trabaho at serbisyong
pampubliko.
5.
Winning Athletes, Binigyan ng Reward ni
Mayor Niña
Bilang
pagkilala sa mga student athletes na nag-overall champion sa SDO1 Athletic
Association Meet 2026 at nag-uwi ng 127 na medalya, naghandog si Mayor Niña ng
mga insentibo at pa-premyo, kabilang ang treat sa Niñas Cafe, 1,000-peso cash bawat
atleta, at free tickets sa Blue Sky Theme Park.
6.
Mga Mahahalagang Isyu, Tinalakay sa
Pulong ng mga Kapitan
Noong February
9, pinulong ang lahat ng 77 punong barangay ng Bayambang upang talakayin ang
mahahalagang isyu, kabilang ang reporma sa 4Ps, kapakanan ng senior citizens,
at paghahanda para sa darating na Barangay at SK Elections sa November 2.
Tinalakay rin ang wastong paggamit ng pondo para sa senior citizens,
pagpapatupad ng Anti-Epal Ordinance, at mga hakbang sa maayos na waste
management.
7.
Mga Plano sa Women’s Night, Inilatag
Tinalakay ng
lokal na pamahalaan ang mga pinal na paghahanda para sa Women’s Night
Celebration 2026 sa isang pagpupulong na ginanap noong February 10, bilang
bahagi ng Women’s Month Celebration. Pinangunahan ni Dr. Roland Agbuya ang
pulong, kung saan inayos ang daloy ng programa, mga tungkulin ng bawat
departamento, budget, at iba pang detalye para sa selebrasyong nakatakdang ganapin.
8.
Kalusugan ng Ina at Sanggol, Tinalakay sa
Project Buntis Year 2
Muling
isinagawa ang Project Buntis seminar ngayong taon bilang bahagi ng 2026 Oral
Health Month sa pangunguna ng PDA Pangasinan Chapter katuwang ang mga RHU. Ito
ay dinaluhan ng mga buntis at first-time moms sa JKQ Medical & Wellness
Center. Tinalakay ng mga eksperto ang mahahalagang usapin sa maternal, newborn,
at pediatric care, nutrisyon, at oral health, kasabay ng pamamahagi ng libreng
baby toothbrush at nutrition goodie bags.
9.
Unang Pulong ng GIS-TWG, Isinagawa
Isinagawa ang
unang pulong ngayong taon ng Geographical Information System–Technical Working
Group sa pangunguna ng MPDO, na dinaluhan ng iba’t ibang tanggapan ng
munisipyo. Tinalakay dito ang mahalagang papel ng GIS sa land use planning,
development decision-making, at pagpapalakas ng digitization, kabilang ang
presentasyon sa paggamit ng Quantum GIS para sa locational clearance at
development permit applications.
10.
MDRRMO Staff, Nagtapos sa First Aid Training
Ang mga kawani
ng MDRRMO ay muling sumailalim sa Standard First Aid and Basic Life Support
Training mula Febuary 2 to 6, upang higit pang mapalakas ang kahandaan ng mga
rescuer bilang first responders. Sa pamamagitan ng lectures, hands-on
practicum, at simulation exercises, hinasa ang kaalaman at kasanayan ng mga
kalahok sa agarang pagtugon sa aksidente at iba’t ibang emergencies.
11. Itinatayong
Youth Center, Ininspeksyon
Ininspeksyon ng
mga kinatawan ng DILG Pangasinan ang itinatayong Youth Center o Teen Hub sa
Municipal Plaza bilang paghahanda sa pormal nitong pagbubukas. Ang proyektong
pinondohan ng Seal of Good Local Governance Incentive Fund 2024 ng DILG na
nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso ay sumailalim sa final inspection
upang tiyakin ang pagsunod sa pamantayan at kahandaan ng pasilidad. Inaasahang
magsisilbi itong ligtas at makabuluhang espasyo para sa iba’t ibang aktibidad
ng mga kabataan.
12. SWM
Fees at Ordinances, Tinalakay sa mga Barangay Secretary
Sa buwanang
pulong ng mga Barangay Secretary noong February 11, tinalakay ni MENRO Ma-Lene
Torio ang Solid Waste Management (SWM) fees at mahahalagang lokal na ordinansa.
Kabilang sa binigyang-diin ang pagpapatupad ng ordinansa laban sa single-use
plastics at styrofoam, at ordinansa ukol “Bali-balin Bayambang” at “Tapat Ko,
Linis Ko” programs.
13. Pag-amyenda
sa AIP 2025 at 2026, Tinutukan ng MDC
Sa isang
pulong, tinutukan ng Municipal Development Council (MDC) ang mga panukalang
pag-amyenda sa Annual Investment Program (AIP) 2025 at 2026 upang higit na
maiangkop ang mga proyekto sa pangangailangan ng mga barangay, lalo na sa
imprastraktura at serbisyong panlipunan. Nagkaroon din ng orientation para sa
mga Punong Barangay hinggil sa solid waste management ordinance, at pati na rin
ang tungkol sa upgraded Bayambang Community Service Card.
14. Bali-Balin
Bayambang Committee, Nagmonitor sa District 2
Naglibot ang
Bali-Balin Bayambang Committee sa mga barangay ng District 2 noong February 11
bilang bahagi ng pagpapatuloy ng clean-green-and-bloom project ni Mayor Niña.
Dalawang monitoring team ang bumisita sa Brgy. Bongato East and West; Manambong
Norte, Parte, at Sur; San Gabriel 2nd; Paragos; Iton; at Pantol,
upang iassess ang pakikiisa ng mga opisyal at residente, ang kalinisan at
kaayusan ng kapaligiran, at ang compliance ng mga programang pangkalikasan sa
bawat lugar.
15. Annual
Budget Hearing ng SK, Ipinagpatuloy
Sa parehong
araw, February 11, itinuloy ng Sangguniang Bayan ang pagdinig para sa Annual
Budget ng mga Sangguniang Kabataan mula sa 77 barangay. Iniharap ng mga
nakasalang na SK leaders ang kanilang mga nakaplanong programa at proyekto para
sa kasalukuyang taon, na nakatuon sa kapakanan ng kabataan at komunidad.
Binigyang-diin din sa pagdinig ang kahalagahan ng maayos na pagpaplano,
transparency, at wastong pamamahala ng pondo.
16. 71
Couples, Nag-isang-dibdib sa Kasalang Bayan 2026
Matagumpay na
ikinasal ni Mayor Nina ang 71 na magkasintahan sa isang engrandeng Kasalang
Bayan na muling inihatid ng LGU sa pag-oorganisa ng Local Civil Registry Office
noong February 12. Bilang parte ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Puso at Civil
Registration Month, ang seremonya na ginanap sa Events Center at pinangunahan
din ni Municipal Trial Court Presiding Judge Romeo O. Caboteja, Jr., at iba
pang Municipal Officials. Gaya noong mga nakaraan taon, ang 71 couples ay
nabiyayaan ng mga iba't ibang regalo mula sa mga opisyal ng LGU.
17. Dental
Sealant Application, Isinagawa
Bilang parte pa
rin ng pagdiriwang ng Oral Health Month, nagsagawa ng isang dental sealant
application sa mga mag-aaral ng Hermoza at Sanlibo Elementary School noong
February 12, sa tinaguriang "Project Molar." Ito ay naging posible sa
pagtutulungan ng mga RHU, Philippine Dental Association-Pangasinan Chapter, DOH
CHD Region 1 -- na nagpadala ng dental bus, at mga dentista ng DepEd. May
kabuuang 246 na estudyante ang nabiyayan ng libreng dental sealant sa aktibidad
na naglalayong iiwas ang ating mga kabataan sa tooth decay.
18. LGU-Bayambang,
Muling Kinilala ng ATI-RTC I
Muling
ginawaran ang LGU-Bayambang ng isang Plaque of Recognition mula sa
DA-Agricultural Training Institute–Region I noong February 11, bilang pagkilala
sa aktibong pakikilahok at suporta nito sa mga programa at pagsasanay para sa
mga magsasaka at Agricultural Extension Workers sa Rehiyon Uno. Tinanggap ng
Municipal Agriculture Office ang parangal bilang patunay ng patuloy na
dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng makabago at sustenableng
agrikultura sa bayan.
19. PLEB,
Nireconvene
Sa bisa ng
Executive Order No. 12, series of 2026, pormal na ipinakilala noong February 12
ang bagong Chairperson at mga miyembro ng People’s Law Enforcement Board (PLEB)
ng Bayambang. Pamumunuan ni Dr. Nicolas Miguel ang lupon kasama ang anim na
kasaping mula sa iba’t ibang sektor, kabilang sina Dr. Leticia Ursua, OIC Liga
President Rodelito Bautista, Mr. Danilo R. Gozum, Mr. Rolando M. Gloria ng LSB,
at Hermoza Barangay Captain Frankie de Vera Catalan. Sila ang naatasang magpapatupad
ng disiplina at pananagutan sa hanay ng kapulisan, alinsunod sa RA 6975.
20. Phil
Assist at PESO, May Special Recruitment Activity
Nagsagawa noong
February 12 ang Phil Assist Life Manpower Corp. ng Special Recruitment Activity
kasama ang PESO-Bayambang. Sila ay nakapagbigay ng trabahong pang-ibang bansa
sa mga Bayambangueñong manggagawa, kabilang ang mga propesyonal at may
kasanayan.
21. Birth
Certificates in SECPA, Hatid-Bahay ng LCR!
Noong February
10, ngiti at pasasalamat ang hatid sa 20 na residente nang personal na ihatid
ng LCRO sa kanilang tahanan ang kanilang Birth Certificates in Security Paper
(SECPA). Libre at walang anumang gastos ang serbisyong ito na late registration
of birth para sa mga residente ng walong barangay. Hindi na pumila, hindi na
bumiyahe—serbisyo na mismo ang lumapit sa kanila!
22. Serbisyong
Rehistro, Ramdam ng mga Residente!
Noong February
11 at 13, naman, dinagsa ng mga magulang at senior citizen ang programang “Your
Name, Your Right” sa Brgy. Batangcaoa at Maigpa. Bukod sa libreng kaalaman,
tugmang-tugma rin sa pangangailangan ng publiko ang mga serbisyong inihatid,
kabilang ang late registration ng birth, marriage, at death; correction of
clerical errors; at iba pa. May 16 na residente rin ang tumanggap ng kanilang
Birth Certificate in SECPA, kasabay ng isinagawang data capturing para sa
bagong Community Service Card sa tulong ng ICTO.
23. TFD,
Nagpakalat ng Pagmamahal sa Valentine's Day!
Sa halip na
pangamba, ngiti at pasasalamat ang natanggap ng mga motorista mula sa Task
Force Disiplina ng LGU-Bayambang nitong Araw ng mga Puso. Sa halip na manita,
namahagi sila ng simpleng regalo at token bilang simbolo ng pagmamahal at
malasakit sa komunidad. Ipinakita ng inisyatiba na ang disiplina sa kalsada ay
maaari ring samahan ng puso at positibong ugnayan.
***
[SMILE,
VOLUME, ENERGY!]
Bayambang,
Dapat Alam Mo - Pangasinan Words and Expressions for Love
Bayambang,
dapat alam mo na ang salitang love sa Pangasinan na aro ay dalawa ang
pakahulugan, tulad ng salitang ibig sa Tagalog: love at friend.
Kaaro means
friend, at inaro means love interest.
Bayambang, alam
mo ba na marami tayong idiomatic expressions sa salitang Pangasinan pagdating
sa aro, love, o pag-ibig?
Dumako muna
tayo sa friendship:
Bali-bali'y
aroan da (they have beautiful loving relationship) - they have a good
relationship
Malmalet ya
kaaro (sturdy friend, matibay na kaibigan) - die-hard, trusted, or close friend
Singa
nansuldungay pait da. (looks like their intestines are connected) - malapit na
magkaibigan; bosom friend
Pagdating naman
sa love:
Abangles ya
panangaro (spoiled love) - pagmamahal na di naipagtapat
Aroa’y pato
(duck love) - away-bati; love-hate relationship
Aro'y bakes
(monkey love) - salawahang puso
Agto nabitla'y
agat (can’t pronounce 'ginger') - sobrang torpe
Singa no aso'y
San Roque (like St. Roch's dog) - palaging naghahabol
Singa no ra
nagigilata. (Para silang nilalanggam.) - Ang sweet-sweet nila.
Mayroon naman
tayong at least apat na nakakatuwang idioms para sa malapit nang ikasal:
Makak-ka-bawang
la. (The aroma of garlic is in the air.)
Asingger tilan
makailop na digo. (Malapit na tayong makahigop ng sabaw.)
Natabaan lamet
so bibil. (Mamamantikaan na naman ang labi.)
Wala'y andukey
ya lamisaan. (May mahabang hapag-kainan.)
Kayo, ano pa ba
ang idioms na alam niyo patungkol sa love?
***
Samantala, ayon
sa manunulang Pangasinense na si Santiago Villafania, mayroong pitong
matalinghaga na salitang Pangasinan na ginagamit noon pagdating sa pag-ibig:
1. aro (love,
admiration, attraction; also used to mean "friend")
2. pabli (dear;
pinabli, beloved; pablien, give due respect)
3. piaet
(ambition, wish, desire, hope)
4. gunaet
(dream, illusion, vision)
5. tindek
(aspiration)
6. pilalek
(ambition, wish, desire)
7. tamitam
(desire, urge, hope)
Ang mga ito ay
sumasalamin lamang sa kung gaano kayaman ng ating sariling wikang Pangasinan,
at kung gaano kalalim at kalawak umibig at magmahal ang mga Pangasinense.
[ANDREW:
play a clip from the song “Lawas Kan Pinabli.”]
Ang lahat ng
ito, Bayambang, ay dapat alam mo!
OUTRO:
[SMILE,
VOLUME, ENERGY!]
1: At
iyan po ang mga balitang nagbibigay-inspirasyon at pag-asa sa ating bayan.
Muli, ako po si _____________ ng ______________________.
2: At
ako naman po si ____________ ng ________________________.
1: Sa
patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan,
2: ...Mas
nagiging maliwanag ang kinabukasan ng Bayambang.
1: Hanggang
sa muli...
1&2: Ito
ang... BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment