MONDAY REPORT –
FEBRUARY 24, 2026
[SMILE,
VOLUME, ENERGY!]
INTRO:
1:
Magandang araw, mga Kabaleyan! Ako po si _____________.
2: At
ako naman po si _____________, at kami po ay mula sa _____________.
1: Hatid
namin ang mga balita ukol sa mga makabuluhang programa, proyekto, at aktibidad
ng lokal na pamahalaan at ang pakikiisa ng ating komunidad.
2: Sama-sama
nating tunghayan ang mga kaganapang patunay ng malasakit, disiplina, at
pagkakaisa sa bayan ng Bayambang.
1&2: Ito
ang... BayambangueNews
=====================
[MEMORIZE
THE HEADLINES]
1.
Annual Budget at AIP ng LGU, Aprubado na
ng SP!
Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang ₱711,381,782.69
milyong pisong Annual Budget ng Bayambang para sa 2026, kasabay ng ₱1.4 bilyong
pisong Annual Investment Program (AIP), matapos ang budget hearing sa
Provincial Capitol sa Lingayen noong February 16. Pinangunahan nina Mayor Niña
Jose-Quiambao at Vice Mayor Ian Camille Sabangan, kasama ang mga miyembro ng
Sangguniang Bayan, ang pagtalakay at pagsagot sa mga katanungan hinggil sa
panukalang pondo na nakatuon sa seguridad, edukasyon, kalusugan, agrikultura,
imprastraktura, kalikasan, kabuhayan, at iba pang mahahalagang serbisyo publiko.
2.
PLEB, Nireconvene
Sa bisa ng Executive Order No. 12, series of 2026, pormal na
ipinakilala noong February 12 ang bagong Chairperson at mga miyembro ng
People’s Law Enforcement Board (PLEB) ng Bayambang. Pamumunuan ni Dr. Nicolas
Miguel ang lupon kasama ang anim na kasaping mula sa iba’t ibang sektor,
kabilang sina Dr. Leticia Ursua, OIC Liga President Rodelito Bautista, Mr.
Danilo R. Gozum, Mr. Rolando M. Gloria ng LSB, at Hermoza Barangay Captain
Frankie de Vera Catalan. Sila ang naatasang magpapatupad ng disiplina at pananagutan
sa hanay ng kapulisan, alinsunod sa RA 6975.
3.
Phil Assist at PESO, May Special Recruitment
Activity
Nagsagawa noong February 12 ang Phil Assist Life Manpower
Corp. ng Special Recruitment Activity kasama ang PESO-Bayambang. Sila ay
nakapagbigay ng trabahong pang-ibang bansa sa mga Bayambangueñong manggagawa,
kabilang ang mga propesyonal at may kasanayan.
4.
Bagong HRM Officer, Kinumpirma
Pormal na kinumpirma ng Sangguniang Bayan noong February 16 ang
pagtatalaga kay Atty. Melinda Rose Fernandez bilang bagong Human Resource
Management Officer, kasunod ng pag-endorso sa kanya ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
Dumaan si Atty. Fernandez sa masusing pagsusuri ng Committee on Civil Service
and Personnel na nagpatunay sa kanyang mataas na kwalipikasyon para sa
posisyong nabakante dahil sa pagreretiro ni dating HRM Officer Nora Zafra.
5.
Mga Nasunugan, Kaagad Tinulungan
Nagtulung-tulong ang BFP, PNP, BPSO, at MDRRMO sa mabilis na
pag-apula sa apoy dulot ng makahiwalay na insidente ng sunog noong Pebrero uno
sa may Brgy. Tambac at Roxas St. Agad namang naghatid ng ayuda ang MSWDO sa mga
nasalanta.
6.
MDRRMO Staff at OJTs, Nagdonate ng Dugo
Ang mga kawani ng MDRRMO at mga OJT nito mula sa Philippine
College of Science and Technology ay nagdonate ng dugo sa isang blood-letting
activity na ginanap noong February 14 sa Ventanilla People Center sa San Carlos
City. Umabot sa humigit-kumulang 2,000 mL ng dugo ang naibahagi ng grupo para
sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang suplay sa mga ospital.
7. Isang PWD na Inatake ng Sakit, Nirescue
Agad na rumesponde ang BPSO
at PDAO matapos atakihin ng seizure ang isang PWD na residente ng Brgy. Warey,
Malasiqui habang nasa sentrong bahagi ng bayan. Sa koordinasyon ng PDAO sa LGU
Malasiqui at sa tulong ng Task Force Disiplina, ligtas siyang naihatid pauwi.
8. MNAO-Bautista, Naglakbay-Aral
Mainit na tinanggap ni Mayor
Niña ang Municipal Nutrition Office head ng bayan ng Bautista at 18 Barangay
Nutrition Scholars nito sa kanilang lakbay-aral sa Bayambang upang pag-aralan
ang matagumpay na nutrition programs ng bayan. Pinangunahan naman ng MNAO ang
pagbabahagi ng mga estratehiya sa child monitoring, community gardens, at
maternal nutrition initiatives nito.
9. Mga Empleyado ng LGU, May Libreng Uniporme
Muli!
May 940 kawani ng LGU ang
tumanggap ng libreng uniporme mula kina Dr. Cezar Quiambao at Mayor Niña, sa
tulong ng HRMO. Bahagi ito ng taunang suporta ng pamunuan simula 2016 upang
makatulong sa mga empleyado at mapalakas ang kanilang serbisyo publiko.
10. SSS on Wheels, Narito Muli! GCash Payments,
Posible Na!
Nagbalik ang SSS on Wheels
ng Dagupan Branch sa Municipal Annex Bldg. upang ilapit ang serbisyo ng ahensya
sa mga Bayambangueño. Inanunsyo rin nila na maaari na ngayong magbayad ng
member ng contributions at loan payments sa SSS sa pamamagitan ng GCash.
11. Exit Conference para sa ECCD Assessment,
Isinagawa
Noong February 18, isang exit
conference ang isinagawa para sa external assessment ng ECCD Centers at Workers
ng Bayambang. Dito ay inilahad ang resulta ng naging evaluation na nagresulta
sa 100% passing rate. Tinalakay rin dito ang mga rekomendasyon upang higit pang
mapahusay ang kalidad ng ECCD services sa Bayambang.
12. Mayor
Niña at SATOM, Pinangunahan ang Unang ExeCom Meeting
Pinangunahan nina Mayor Niña at Dr. Cezar Quiambao ang unang
Executive Committee Meeting ng taon kung saan inilatag ang mahahalagang
programa, proyekto, at revenue strategies ng bayan, kabilang ang budget
preparation para 2027, mga updates sa CLUP, at mga income-generating
initiatives. Tinalakay rin ang mga development projects gaya ng Cold Storage
Facility, Farm-to-Market Road, at Septage Treatment Plan, pati ang pagpapalakas
ng serbisyong pangkalusugan sa ilalim ng PhilHealth at Konsulta Program.
13. Civil
Services Caravan, Dinagsa sa Sapang
Maraming residente ang nakinabang sa “Your Name, Your Right”
caravan sa Brgy. Sapang na naghatid ng libreng civil registration services,
kabilang ang late registration, correction of entries, at registration para sa Kasalang
Bayan. Naitala rin ang 29 katao para sa upgraded Community Service Card,
patunay ng patuloy na paglalapit ng LGU ng mabilis at inklusibong serbisyo sa
komunidad.
14. Mayor
Nina, Guest Speaker sa DSPC
Noong February 18, naimbitahang guest speaker si Mayor Niña
sa Division Schools Press Conference (DSPC) ng DepEd Schools Division Office 1
Pangasinan. Hinikayat niya ang mga kabataang mamamahayag na patuloy na hanapin
ang katotohanan at huwag magpapatinag, sapagkat ang kanilang mga balita ngayon
ang huhubog sa kasaysayan.
15. Monitoring
Team ng BBB, Dumiretso sa Distrito Otso
Noong February 18, ang BBB Monitoring Team ay dumiretso sa
walong barangay ng District 8 ng bayan, kung saan mabusising nag-evaluate ang
dalawang team na pinangungunahan nina SK Federation President John Roy Jalac at
SB Committee Chairperson on Environment, Coun. Rhyan de Vera. Matapos ang
inspeksyon sa 3 grading aspects na Bloom, Green, at Clean, agad din silang
nagbigay ng kanilang kumento at suhestiyon mula sa kanilang obserbasyon.
16. 77
Barangays, Drug-Cleared ayon sa PDEA
Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na drug-cleared na
ang 77 barangays ng Bayambang, bunga ng pinaigting na kampanya kontra ilegal na
droga ng LGU at ng PNP–Bayambang. Pinuri ng pamahalaang lokal ang mahusay na
koordinasyon ng kapulisan at mga barangay sa pagpapanatili ng kaayusan at
pagpapatupad ng mga programa upang mapanatili ang drug-cleared status ng mga
komunidad.
17. Ongoing
Construction ng BPC, Binisita!
Kamakailan, binisita ni Bayambang Polytechnic College President Dr. Rafael
Saygo ang ongoing construction ng academic building ng kolehiyo, upang
inspeksyunin ang progreso nito. Inaasahang matatapos ang apat na palapag na
gusali na may 32 classrooms sa Nobyembre 2026, kasabay ng pagtatapos ng unang
batch ng mga mag-aaral, kabilang ang maraming first-generation learners. Sa
Bayambang, tunay ngang ang mga ipinapangako ay naisasakatuparan kahit na ang
mga pinakamatatayog na pangarap.
***
Bayambang, Dapat Alam Mo!
[SMILE,
VOLUME, ENERGY!]
Bayambang,
Dapat Alam Mo!
BAYAMBANG, alam mo ba? Mas magiging mabilis at mas maginhawa
ang pagkuha ng Business o Mayor’s Permit at Special Permit sa Bayan ng
Bayambang, matapos ipasa ng Sangguniang Bayan ang ordinansang naglalayong
i-streamline o bawasan ang mga kinakailangang requirements.
[Andrew: FLASH THE ALL CAPS PARTS]
Ang bagong hakbang ay alinsunod sa REPUBLIC ACT NO. 7160
O LOCAL GOVERNMENT CODE OF 1991, na nag-aatas sa mga lokal na pamahalaan na
itaguyod ang pangkalahatang kapakanan at kaunlaran ng ekonomiya. Kaakibat din
nito ang REPUBLIC ACT NO. 11032 O EASE OF DOING BUSINESS AND EFFICIENT
GOVERNMENT SERVICES DELIVERY ACT OF 2018, na naglalayong bawasan ang red
tape sa mga transaksyon sa gobyerno.
Mas Malinaw at Mas Kaunting Requirements
Para sa mga bagong negosyo, kinakailangan pa rin ang patunay
ng rehistro mula sa:
* Department of Trade and Industry (DTI) para sa SOLE
PROPRIETORSHIP;
* Securities and Exchange Commission (SEC) para sa PARTNERSHIP
O KORPORASYON; at
* Cooperative Development Authority (CDA) para sa mga KOOPERATIBA.
Kabilang din sa mga pangunahing requirement ang barangay
business clearance, fire safety inspection certificate, at mga kaukulang
occupancy, sanitary at health permits.
Para naman sa renewal ng permit, mas pinasimple ang proseso
at nakatuon na lamang sa updated clearances at deklarasyon ng nakaraang gross
sales.
Pinapayagan din ng ordinansa ang pag-isyu ng permit kahit
may kulang pang ilang dokumento tulad ng sanitary o occupancy permit, basta’t
may isinumiteng AFFIDAVIT OF UNDERTAKING ang aplikante—isang hakbang
upang maiwasan ang pagkaantala ng operasyon ng negosyo.
Mas Maayos na Sistema para sa mga Ambulant Vendor
Inilatag din ng ordinansa ang malinaw na panuntunan para sa
mga ambulant vendor na kinakailangang kumuha ng Special Permit bago
makapagtinda sa loob ng bayan.
Hinati sila sa apat na kategorya:
* PEDDLER
* MOBILE TRADER
* RESIDENT VENDOR
* TRANSIENT VENDOR
Bawat vendor ay kailangang magparehistro, sumailalim sa
kinakailangang medical examination, at magpakita ng natatanging registry number
sa kanilang kariton, ID, at uniporme. Ang registry number ay eksklusibo at
hindi maaaring ilipat sa iba.
May Mga Karagdagang Clearance Pa Rin sa Ilang Negosyo
Bagama’t pinasimple ang proseso, ang mga negosyong kabilang
sa regulated industries ay kinakailangan pa ring kumuha ng clearance mula sa
mga kaukulang ahensya ng pamahalaan, gaya ng:
* Food and Drug Administration para sa mga BOTIKA at
produktong pangkalusugan;
* Bangko Sentral ng Pilipinas para sa LENDING
INSTITUTIONS; at
* National Telecommunications Commission para sa mga TELECOMMUNICATIONS FIRMS.
Sa kabuuan, layunin ng bagong ordinansa na balansehin ang
pagpapalago ng lokal na ekonomiya at ang pagpapanatili ng kaligtasan at
kaayusan sa komunidad. Sa pagsisimula nito sa 2026, inaasahang mas mahihikayat
ang mga negosyante at maliliit na vendor na mamuhunan at magnegosyo sa
Bayambang.
Ang lahat ng ito, Bayambang, ay Dapat Alam Mo!
***
OUTRO:
[SMILE,
VOLUME, ENERGY!]
1: At
iyan po ang mga balitang nagbibigay-inspirasyon at pag-asa sa ating bayan.
Muli, ako po si _____________ ng ______________________.
2: At
ako naman po si ____________ ng ________________________.
1: Sa
patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan,
2: ...Mas
nagiging maliwanag ang kinabukasan ng Bayambang.
1: Hanggang
sa muli...
1&2: Ito
ang... BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment