|
EVENTS
COVERED 1.
Mayor
Niña, Namahagi ng Pamaskong Handog sa Iba't Ibang Sektor 2.
Simpleng
Composting Method, Ibinahagi ng ESWMO 3.
Switch
Cafe, Muling Naghatid ng Tulong sa Indigent Families 4.
Sibol
MPC, Nagbigay-Saya sa mga Graduate ng STAC 5.
Kampanya
Kontra Ilegal na Paputok, Pinaigting 6.
Mayor
Niña, May Raffle Surprise sa Mga Kawani ng Munisipyo 7.
Mga Aktibidad sa Pistay Baley 2026, Inilatag sa Pulong 8.
EEC
Officers ng LGU, Muling Pinulong ukol sa Pagtitipid sa Kuryente 9.
Congratulations,
Bar Passers! 10. Mayor Niña, Nanguna sa Unang ManCom
Meeting ng Taon 11. Pamamahagi ng School Emergency Kits,
Nagpatuloy 12. Bagong Generator, Binili para sa
Emergency Operations Center 13. Technical Assistance, Nirequest ng
MDRRMO sa OCD 14. Bagong Work Immersion Students,
Winelcome 15. Oral Health Month 2026, Pinaghahandaan 16. BFP-Pangasinan, Bumisita 17. MTICAO, Lumahok sa Health &
Wellness Tourism Seminar 18. Agri
Sector, Naghahanda para sa Kapistahan 19. Public Hearing sa 4 Proposed
Ordinances, Isinagawa 20. LCR, Nagpatuloy ang Info Drive sa
Malioer 21. Flushing Operation sa Paligid ng
Public Market, Isinagawa 22. MNJQ,
Nanguna sa Unang MDRRMC Meeting 23. Mga Classroom sa Ligue, Nilagyan ng
Grills 24. Coordination Meeting para sa Grand
Ukay for a Cause, Ginanap 25. LGU at GCash, Nagpulong ukol sa
Pag-upgrade ng Service Card 26. Feeding Angels, Naghatid ng Surpresa
sa STAC 27. Zone VI BNS, 2024 Most Outstanding BNS
ng Pangasinan! 28. Paanyaya sa Little Mr. and Ms.
Bayambang 2026 29. Mga RHU, Muling Humakot ng Parangal sa
Health Summit 30. Mayor Niña, Naghandog ng Responder
Vehicle sa BFP 31. Mandatory Calibration ng mga
Timbangan, Muling Isinagawa 32. DRRM Orientation at Scientific
Meeting, Ginanap 33. LGU at Rotary Club, Nagbuklod para sa
Bali-Balin Bayambang 34. Women’s Month 2026, Pinaghahandaan 35. Iba't Ibang Tulong Pang-edukasyon,
Tinalakay sa LSB Meeting 36. 356 Indigent Solo Parents, Tumanggap
ng Financial Subsidy 37. LGU
Officials, Dumalo sa COA Entrance Conference 38. LCR, Nag-info Drive sa Caturay at
Pangdel 39. Autism Walk at Program, Isinagawa 40. MDRRMO at Engineering, Nagteam-up para
sa Assessment Activities 41. S.E.E., Nagsagawa ng Weighing Scale
Calibration 42. MTICAO, National Contender sa 2nd
Tourism Challenge! 43. Medalya ng Kadakilaan, Ipinagkaloob sa
Hepe ng PNP-Bayambang 44. Autism Consciousness Week,
Ipinagdiwang 45. Annual Budget Hearing ng SK, Ikinasa 46. TFD, Nagpulong ukol sa Trapiko,
Permits, at Iba pang Isyu 47. Mga Kawani ng LGU, Binigyan ng Hard
Hats 48. Bagong Batch ng Work Immersion
Students, Winelcome 49. 2 Bayambangueña, Binigyan ng
Wheelchair 50. Solar Lights, Ikinabit sa Bani 51. Libreng Gulay, Ipinamahagi sa BDH 52. OPT+ Refresher Training, Isinagawa 53. 38 na Pasyente, Naasistehan sa Buwan
ng Enero 54. 70 Couples, Dumalo sa Pre-Marriage
Orientation & Counseling 55. Senior Citizen Presidents, Nagtipon sa
General Assembly 56. Mga Usapang 4Ps, Tinalakay sa MAC
Meeting 57. Monitoring at Evaluation para sa
“Bali-Balin Bayambang,” Ikinasa! 58. Mahahalagang Isyu, Tinalakay sa
MPOC-MADAC Meeting 59. 635 Bayambangueños, Nakilahok sa Job
Fair 60. Bayambang MPS, Best Municipal Police
Station (Class A) Nationwide! 61. MDRRMO,
MEO, at ESWMO Nagsanib-Puwersa sa Clearing Operation 62. LCRO,
Rumatsada sa Brgy. Tambac at Bacnono; Pagrerehistro ng mga Bayambangueño,
Inayos! 63. Career
Development Support Program ng DOLE, Sinimulan sa mga National High School sa
Bayambang SUMMARY
OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT EDUCATION FOR ALL - (LSB, Library, DepEd) Mga Classroom sa Ligue,
Nilagyan ng Grills Ang lahat ng pintuan at
bintana ng Don Teofilo C. Mataban Memorial Elementary School sa Brgy. Ligue
ay pinalagyan ng mga bakal na grills ni Mayor Niña, sa pamamagitan ng Local
School Board, matapos ang insidente ng panloloob at pagnanakaw sa pasilidad.
Ang mga iron grills ay nagkakahalaga ng P83,000, at ang pondo ay nagmula sa
Special Education Fund. Iba't Ibang Tulong
Pang-edukasyon, Tinalakay sa Pulong Sa pinakahuling pulong ng Local
School Board, tinalakay ang approval ng badyet na mahigit 11.2-million pesos
para sa Special Education Fund 2026, ang pagsumite ng Project Procurement
Management Plan at Calendar of Activities ngayong taon, Division Meet 2026,
rehistrasyon para sa Boy Scout of the Philippines, at iba pang usapin. HEALTH FOR ALL - Health (RHUs) Oral Health Month 2026,
Pinaghahandaan Nagpulong ang mga Rural Health
Unit at mga katuwang na ahensya upang plantsahin ang mga aktibidad para sa
Oral Health Month 2026 na gaganapin sa darating na Pebrero. Tinalakay ang
iskedyul at tungkulin ng bawat tanggapan upang masiguro ang maayos at inklusibong
implementasyon ng mga programa. Libreng Gulay, Ipinamahagi
sa BDH
- Nutrition (MNAO) Switch Cafe,
Muling Naghatid ng Tulong sa Indigent Families
Zone VI BNS, 2024 Most
Outstanding BNS ng Pangasinan! Nakamit Bayambang ang unang
gantimpala sa 2024 Search for Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar sa
lalawigan ng Pangasinan. Pinarangalan si Ms. Christien P. Garcia ng Brgy.
Zone VI ng plake at cash award, sa ginanap na 15th Provincial Health Summit
noong January 16 sa Calasiao. OPT+ Refresher Training,
Isinagawa
- Sports and Physical Fitness
(MPFSDC) - Veterinary Services (Mun.
Vet.) – Slaughterhouse PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN - Social Services (MSWDO, MAC) Mayor Niña,
Namahagi ng Pamaskong Handog sa Iba't Ibang Sektor Bukod sa
pamaskong handog sa bawat sambahayan at pamilya, namahagi rin si Mayor Niña,
mula sa sariling bulsa, ng handog na pamasko sa iba't ibang sektor ng bawat
barangay gaya ng mga senior citizen, teacher, PTA member, OFW, TODA, at SK at
barangay officials, kabilang ang mga tanod. Sibol MPC,
Nagbigay-Saya sa mga Graduate ng STAC
Mayor Niña,
May Raffle Surprise sa Mga Kawani ng Munisipyo
Coordination Meeting para Grand
Ukay for a Cause, Ginanap Noong January 15, pinulong
ng Municipal Administrator ang iba't ibang departamento at CSOs upang
pag-usapan ang paglulunsad ng Grand Ukay for a Cause sa darating na
kapistahan, isang free housing program ni Mayor Niña para sa underprivileged
Bayambangueños. Kabilang sa mga pinag-usapan ang gagawing fashion show, ukay
shop, at pagbenta ng mga stub. Feeding Angels, Naghatid ng
Surpresa sa STAC May 65 na SPED students ng
STAC-Bayambang ay nabiyayaan sa panibagong feeding at gift-giving activity ng
Feeding Angels of Bayambang noong January 16 sa Bayambang Central School. Ito ay
handog ng batang si Helaena Toledo Quinto ng California, USA, sa
pakikipag-ugnayan sa BCS at PDAO. Women’s
Month 2026, Pinaghahandaan Noong
January 20, pinangunahan ng MSWDO ang isang pulong upang planuhin ang mga
aktibidad para sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan 2026. Dito ay tiniyak
ang pagkakaroon ng mga makabuluhang aktibidad upang maisulong ang adbokasiya
para sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan. 356 Indigent Solo Parents, Tumanggap
ng Financial Subsidy
38 na Pasyente, Naasistehan
sa Buwan ng Enero
Autism Walk at Program,
Isinagawa
Autism Consciousness Week,
Ipinagdiwang
2 Bayambangueña, Binigyan
ng Wheelchair
Senior Citizen Presidents,
Nagtipon sa General Assembly Ang 77 Senior Citizen
Association Presidents ng Bayambang ay nagtipon sa isang General Assembly
upang talakayin ang muling paghalal ng mga opisyal ng mga senior citizens
association. Ito ay upang mas mapahusay ang pagpapatupad ng mga programa,
benepisyo, at serbisyong para sa mga seniors, at matiyak ang patas at maayos
na pamamahala ng mga samahan. Mga Usapang 4Ps, Tinalakay
sa MAC Meeting Sa 1st Quarter Meeting ng
Municipal Advisory Council, tinalakay ang mga isyu at update kaugnay ng
implementasyon ng iba’t ibang 4Ps activities. Sinuri sa pulong
ang natitirang budget, mga nakaraang usapin, at mga plano ng LGU para sa
taong 2026. Mahahalagang Isyu,
Tinalakay sa MPOC-MADAC Meeting
- Civil Registry Services (LCR) LCR, Nagpatuloy ang Info Drive
sa Malioer Nagpatuloy ang Local Civil
Registry ng information-education campaign nito sa Brgy. Malioer hinggil
civil registration, upang mas maunawaan ang mga proseso at maiwasan ang
pagkakamali sa civil records. Nagbigay din ang LCR ng iba’t ibang serbisyong
may kaugnayan sa birth, marriage, at legal identity. LCR, Nag-info Drive sa Caturay at
Pangdel Noong January 22 at 23, nagtungo ang
Local Civil Registrar sa Brgy. Caturay at Brgy. Pangdel upang doon naman
magsagawa ng information drive upang palawakin ang kaalaman ng mamamayan
hinggil sa tamang civil registration at mga bagong PSA memorandum circulars.
Kasabay nito ang pagbibigay nila ng iba’t ibang serbisyong may kinalaman sa
birth, death, at marriage registration. 70 Couples, Dumalo sa
Pre-Marriage Orientation & Counseling
LCRO, Rumatsada sa Tambac at Bacnono Dinala ng Local Civil Registry Office ang kanilang info drive sa
Brgy. Tambac at Brgy. Bacnono noong January 29 at 30, upang ilapit sa residente
roon ang kaalaman at serbisyo sa civil registration. Ipinaliwanag dito ang
tamang pagrerehistro ng kapanganakan, kasal, at kamatayan, pati ang mga
bagong patakaran batay sa PSA Memorandum Circulars. Ang LCRO ay nagbigay din ng
iba’t ibang serbisyong tulad ng late registration, Birth Registration
Assistance Project, correction of entries, at aplikasyon sa libreng kasalang
bayan. - Environmental Protection
(MENRO, ESWMO) Simpleng
Composting Method, Ibinahagi ng ESWMO
LGU at Rotary Club, Nagbuklod
para sa Bali-Balin Bayambang Pormal na nilagdaan ng
LGU-Bayambang at Rotary Club of Bayambang ang isang Memorandum of
Understanding upang isulong ang mga programang pangkalikasan sa bayan. Saklaw
ng kasunduan ang waste management, tree planting, at iba pang inisyatiba para
sa kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. Bahagi rin ng MOU ang pagsama ng
Rotary Club bilang miyembro ng Bagong Bali-Balin Bayambang Committee. Solar Lights, Ikinabit sa
Bani
Monitoring at Evaluation
para sa “Bali-Balin Bayambang,” Ikinasa! Nag-umpisa na ang
Bali-Balin Bayambang Committee sa pagmomonitor sa mga barangay para sa
Bali-Balin Bayambang clean-and-green project ni Mayor Niña noong January 28.
Dalawang monitoring team ang nag-ikot sa mga barangay ng District 5. Kanilang
sinuri ang aktibong partisipasyon ng mga opisyales at residente, ang kaayusan
at kalinisan ng kapaligiran, at ang pagpapatupad ng mga programang
pangkalikasan. - Youth Development (LYDO, SK) - Peace and Order (BPSO, PNP,
DILG) Kampanya
Kontra Ilegal na Paputok, Pinaigting
BFP-Pangasinan, Bumisita Nagcourtesy call ang BFP
Pangasinan kay Mayor Niña bilang bahagi ng kanilang taunang New Year’s Call
sa mga punongbayan sa lalawigan. Pinangunahan ito ni Provincial Fire Marshal
Marvin Carbonel kasama si Acting Municipal Fire Marshal Joy Carol Palchan.
Tinalakay sa pulong ang mga programang magpapalakas sa fire safety readiness
at emergency response ng munisipalidad. Flushing Operation sa
Paligid ng Public Market, Isinagawa Nagtulung-tulong ang Task
Force Disiplina, ESWMO, BFP, at SEE upang magsaagawa ng clean-up at flushing
operations noong January 14 sa may TODA Terminal, gilid ng Public Plaza, at
harapan ng Public Market upang panatiling malinis ang sentro ng bayan.
Personal na pinangunahan at inasistehan ang aktibidad ng MENRO at TFD Deputy. Mayor Niña, Naghandog ng Responder
Vehicle sa BFP
TFD, Nagpulong ukol sa
Trapiko, Permits, at Iba pang Isyu Ang
Task Force Disiplina (TFD) ay nagpulong noong January 26, upang talakayin ang
mga usapin hinggil sa traffic management, kabilang ang resulta ng volume
traffic count survey at ang pangangailangan ng karagdagang traffic enforcers.
Tinalakay rin ang mga hakbang kaugnay sa reklamong mabahong amoy sa Quezon
Blvd. at ang compliance ng mga vendor sa Nalsian Sur. AGRICULTURAL MODERNIZATION -
(MAO) Agri Sector, Naghahanda para sa
Kapistahan Pinulong ng Agriculture Office
ang mga pangulo ng lahat ng Farmers’ Association upang ilatag ang kanilang
mga sasalihang aktibidad para sa Pista’y Baley 2026. Kabilang sa tinalakay
ang Agri-Trade Fair, Farmers’ Day, launching ng Animal Shelter and Impounding
Facility, at paglunsad ng KADIWA outlet para sa direktang bentahan ng ani. JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL - Livelihood and Employment (PESO,
BPRAT) Bagong Work Immersion
Students, Winelcome Mainit na tinanggap ni
Mayor Niña ang 104 na estudyanteng lumahok sa 10-day Work Immersion Program
sa pangangasiwa ng PESO-Bayambang. Ipinakilala ng alkalde ang mandato at mga
gawain ng lokal na pamahalaan at pinayuhan niya ang mga estudyante ukol sa
mga responsibilidad ng isang government employee. Bagong Batch ng Work
Immersion Students, Winelcome Mainit na tinanggap ng LGU
ang mga mag-aaral na sumailalim sa 10-day work immersion program bilang
bahagi ng kanilang pagsasanay. Layunin ng programa na mabigyan ang kabataan
ng aktwal na karanasan at kaalaman sa trabaho sa iba’t ibang tanggapan kung
saan sila naka-deploy. 635 Applicants, Nakilahok sa Job Fair, Kung
Saan May 89 HOTS Noong January 29, dumagsa ang 635 job
applicants sa isinagawang job fair na nag-alok ng daan-daang oportunidad sa
trabaho, kabilang ang overseas employment. May 89 na aplikante ang
hired-on-the-spot, at 32 sa mga ito ay overseas job placements: 30
mula sa Prime Search Manpower Agency at dalawa mula sa Hopewell Overseas
Manpower Network. Career Development Support Program, Isinagawa Sinimulan noong January 29 ang dalawang-araw na Career Development
Support Program ng DOLE sa mga national high school sa Bayambang, sa pagtutulunga
ng Pangasinan at Bayambang PESO. Layunin ng programa na gabayan ang mga
Senior High School students sa tamang pagpili ng kurso at paghahanda sa
trabaho bilang bahagi ng inisyatiba ng DOLE na palakasin ang employability ng
kabataan. - Economic Development (SEE) Mandatory Calibration ng
mga Timbangan, Muling Isinagawa
S.E.E., Nagsagawa ng Weighing Scale
Calibration Ang S.E.E. ay nagsagawa ng weighing
scale calibration para sa mga Barangay Nutrition Scholar at Rural Health Unit
ng bayan ng Umingan, Pangasinan upang matiyak ang tama at maaasahang pagsukat
sa kanilang mga serbisyong pangkalusugan. Layunin nitong masigurong eksakto
ang datos sa pagsusuri ng nutritional status ng mga bata at buntis sa
kanilang komunidad. Mandatory Calibration ng mga
Timbangan, Muling Isinagawa Muling nagsagawa ang Office of
Special Economic Enterprises ng mandatory calibration ng mga timbangan na
ginagamit ng mga nagtitinda sa Pamilihang Bayan upang matiyak ang tamang
timbang ng mga paninda. Saklaw nito ang mga fish, vegetable, at meat vendors,
sari-sari stores, at mga nagtitinda ng iba pang produkto. Isinulong sa
aktibidad ang patas na kalakalan at proteksyon sa karapatan ng mga mamimili. - Cooperative Development
(MCDO) - Tourism, Culture, and Arts
(MTICAO)
Sa isang pulong, pinangunahan ni Mayor Niña ang mga paghahanda para sa
gaganaping Pista’y Baley 2026, kung saan binalangkas ang mga aktibidad na
bubuo sa selebrasyon na nakatakdang ganapin sa March 28 hanggang April 1, at
sa April 5. Isasagawa ang pista sa napagkasunduang tema na, “Bayambang: Ang
Bayang Pinapangarap.” MTICAO, Lumahok sa Health
& Wellness Tourism Seminar
MTICAO, National Contender sa 2nd
Tourism Challenge! Pasok ang
Bayambang bilang isa sa apat na regional entries sa 2nd Tourism Champions
Challenge ng Department of Tourism Region I, kaya't kakatawan ito sa rehiyon
sa national level. Ito ay matapos matagumpay na idepensa ng MTICAO ang
kanilang infrastructure tourism project na “Bayambang Expo Cultural
Greenhouse,” na siyang tanging entry ng rehiyon mula sa probinsya ng
Pangasinan. - Infrastructure Development
(Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.) EEC Officers
ng LGU, Muling Pinulong ukol sa Pagtitipid sa Kuryente
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO) Pamamahagi ng School Emergency
Kits, Nagpatuloy Ipinagpatuloy ng LGU ang
pagpapatibay ng disaster preparedness sa pamamahagi ng libu-libong emergency
kits sa lahat ng elementary schools sa DepEd Bayambang II, sa pangunguna ni
Mayor Niña at sa tulong ng MDRRMO, DepEd, at Local School Board. Bagong Generator, Binili para sa Emergency
Operations Center Upang matiyak ang tuluy-tuloy
na operasyon sa oras ng sakuna, bumili rin ang lokal na pamahalaan ng 15 kVA
generator set na may automatic transfer switch bilang back-up power ng
Emergency Operations Center ng MDRRMO. Technical Assistance, Nirequest
ng MDRRMO sa OCD Samantala, nag-courtesy call
ang MDRRMO sa Office of the Civil Defense Region I upang magsumite ng mga
kahilingan para sa training at technical assistance sa 2026, at upang
patatagin ang koordinasyon sa disaster risk reduction at recovery efforts ng
munisipyo. MNJQ, Nanguna sa Unang
MDRRMC Meeting Pinangunahan ni Mayor Niña
ang 2026 First Quarter MDRRM Council Meeting na tumalakay sa mga nagawa ng
MDRRMC noong taong 2025 at mga plano para sa kasalukuyang taon.
Binigyang-diin ang pagpapalakas ng koordinasyon ng mga ahensya, kapasidad ng
mga barangay, at maagap na pagtugon sa sakuna. Mayor Niña, Naghandog ng Responder sa
BFP Isang bagong
responder vehicle na pinondohan ng MDRRMO ang opisyal na ipinagkaloob ni
Mayor Niña sa Bureau of Fire Protection. Ang bagong sasakyan ay isa na namang
instrumento ng mabilis na aksyon upang mas maraming buhay ang maililigtas sa
oras ng sakuna. DRRM Orientation at Scientific
Meeting, Ginanap Noong January
19, nagsagawa ang MDRRMO ng DRRM Orientation at Scientific Meeting upang
higit na maihanda ang mga barangay at lokal na opisyal sa anumang sakuna.
Tinalakay sa aktibidad ang Philippine Risk Reduction Management Act,
hydro-meteorological hazards, at ang SOP ng operasyon ng San Roque Dam.
Nagpamahagi rin ng rescue equipment at disaster preparedness kits sa mga
barangay. MDRRMO at Engineering, Nagteam-up para
sa Assessment Activities Noong January 23, nagteam-up ang
MDRRMO at Engineering Office para sa assessment at clearing activities sa
tatlong barangay sa Bayambang. Kabilang dito ang inspeksyon sa Brgy. Tampog
kaugnay ng relokasyon ng poste ng PLDT, pag-aayos at paglilinis ng mga kable
sa Wawa Evacuation Center Access Road, at assessment sa lumang Bayambang
Central School hinggil sa isang natumbang puno na nanganganib sumira sa isang
classroom. Nakatakda ang team na muling magtulungan para sa mga susunod na
hakbang. Mga Kawani ng LGU, Binigyan
ng Hard Hats Namahagi si Mayor Nina, sa
tulong ng MDRRMO, ng kabuuang 965 hard hats na may kasamang mini-flashlight,
whistle, at ballpen sa mga kawani ng munisipyo. Ang mga ito ay magsisilbing
personal emergency kits na maaaring magamit sa oras ng mga di inaasahang sakuna,
at magpapalakas sa kahandaan at kaligtasan ng mga empleyado ng pamahalaang
bayan. Clearing Operation, Isinagawa sa Central School Noong January 30, nagsagawa ng isang clearing operation sa lumang
Bayambang Central School ang MDRRMO, Engineering Office, at ESWMO, bunsod ng
natumbang puno na nagdulot ng panganib sa isang classroom doon. Kasabay nito
ang pagtanggal ng lumang poste ng street lights upang bigyang-daan ang
paglalagay ng solar street lights sa lugar. HONEST & EFFICIENT PUBLIC
SERVANTS Mayor Niña, Nanguna sa Unang
ManCom Meeting ng Taon Pinangunahan ni Mayor Niña
Jose-Quiambao ang kauna-unahang Management Committee Meeting ng LGU-Bayambang
noong January 13. Tinalakay sa pulong ang mga accomplishments ng taong 2025
at mga plano at estratehiya ng bawat tanggapan para sa taong 2026.
Binigyang-diin niya na ang paninilbihan ay nakatuon sa kapakanan ng bayan at
hindi sa personal na posisyon. - Planning and Development
(MPDO) - Legal Services (MLO) - ICT Services (ICTO) LGU
at GCash, Nagpulong ukol sa Pag-upgrade ng Service Card Noong
January 15, pinag-usapan ng LGU at ng GCash ang mga hakbang para sa
implementasyon ng pag-upgrade ng ating Community Service Card upang ito ay
magamit sa mas mabilis na pagbibigay ng financial services. Uunahing
irehistro ang mga empleyado ng LGU at mga sektor na tumatanggap ng buwanang
tulong mula sa LGU, bago sundan ang iba pang benepisyaryo. - Human Resource Management
(HRMO) - Transparency/Public
Information (PIO) LGU Officials, Dumalo sa COA Entrance Conference Noong January 23, nagsagawa ang
Commission on Audit (COA) ng entrance conference upang pormal na simulan ang
audit process para sa Fiscal Year 2026. Tinalakay nila sa mga opisyal ang
magiging audit timeline, mga kinakailangang dokumento, at mga responsibilidad
ng auditor at auditee, habang binigyang-diin ang kahalagahan ng transparency
at accountability sa pamamahala sa kabang yaman ng bayan. - Property Custodial Services
(GSO, Motorpool) AWARDS AND RECOGNITIONS Congratulations,
Bar Passers!
Mga RHU, Muling Humakot ng
Parangal sa Health Summit Muling nagbigay karangalan sa
bayan ang RHU matapos nilang mag-uwi ng iba’t ibang parangal sa 15th
Provincial Health Summit at LGU Scorecard Awarding na ginanap noong January
16 sa Calasiao, Pangasinan. Kinilala ang Bayambang bilang Champion sa
Epidemiological Surveillance Unit, Annual Operational Plan, at Mental Health
Program, habang Runner-Up naman sa Health Promotions at Maternal Health
Programs. Medalya ng Kadakilaan, Ipinagkaloob sa
Hepe ng PNP-Bayambang Bayambang MPS, Best
Municipal Police Station (Class A) Nationwide! Itinanghal
ang Bayambang Municipal Police Station sa ilalim ni PLtCol. Romel Bagsic bilang Best
Municipal Police Station (Class A category) nationwide, sa ginanap na PNP Day
Celebration 2026 sa Camp Crame, Quezon City! Ito matapos makapagtala ng
89.80% performance rating ang PNP-Bayambang. …Patunay ng mataas na antas ng
propesyonalismo, mahusay na pamumuno, at epektibong pagpapatupad ng mga
programa sa kapayapaan at kaayusan ng bayan sa ilalim ni Mayor Niña
Jose-Quiambao. LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB) Public Hearing sa 4
Proposed Ordinances, Isinagawa Nagsagawa ang Sangguniang
Bayan ng pampublikong pagdinig noong January 14, kaugnay ng apat na
panukalang ordinansa. Tinalakay dito ang: - Public Service Achievement Award para sa three-term
barangay officials, - Task Force Disiplina sa lahat ng barangay, - Animal Shelter and Impounding Facility, at - Responsible Animal Ownership. Ang mga mungkahi ng mga
dumalo ay isasa-alang-alang sa pag-finalize ng mga ordinansa bago ang susunod
na hakbang ng lehislatura. Annual Budget Hearing ng
SK, Ikinasa Noong January 22,
inumpisahan ang panibagong round ng Annual Budget Hearing ng Sangguniang
Kabataan kung saan inilahad ng mga SK leader ang kanilang mga panukalang
programa at proyekto para sa taon. Tinalakay sa pagdinig ang mga planong
nakatuon sa pangangailangan ng kabataan at komunidad, kasabay ng
pagbibigay-diin sa maayos na pagpaplano, transparency, at responsableng
paggamit ng pondo. |
No comments:
Post a Comment